All Chapters of Sa Rurok ng Tagumpay: Chapter 111 - Chapter 120
1928 Chapters
Kabanata 111
“Ikaw ba si Hugh Lewis?”Ang pinuno ng grupo ay istriktong tinanong si Hugh. Nataranta si Hugh tumingin dito atsiya ay tumingin sa koridor. Saka niya napagtanto na ang mga lalake na dinala niya ay hindi na niya makita. Ang ekspresyon ni Hugh ay biglang pumangit na para bang may krisis na babagsak sa kanya anumang oras. “Tinatanong ko kung ikaw si Hugh Lewis!” Sigaw ng opisyal. “O-oo,” nahirapang pagsagot ni Hugh. Alam niya na kung ang mga taong ito ay nagpakita sa harap niya, siguro mayroon na silang matibay na ebidensya laban sa kanyang mga krimen. “Hugh Lewis, kami ay may sapat na ebidensya para mag suspetya na ikaw ay kabilang sa illegal fundraising at pagmanipula ng stock prices ng lihim. Ito ang pagtawag sa’yo. Sumama ka sa amin,” sinabi ng opisyal sa malalim na boses. Nagngalit maigi ang mga ngipin ni Hugh at tumingin kay Jasper na puno ng galit. Sumigaw ito at sinabi, “Ikaw ba ang nagplano ng lahat ng ito?” Walang bahalang sinabi ni Jasper, “Nilabag mo ang batas
Read more
Kabanata 112
Lahat ng nasa lamesa ay namula matapos marinig ang sinabi ni John. Wala sa kanila ang nagtangka sumagot dito.“Jasper, mamamatay ka sa malagim na paraan!” Nang maisip niya ang kanyang mataas na posisyon at ang kanyang yaman ay mawawala sa araw na iyon at kung ano ang naghihintay sa kanya sa kulungan, tuluyan ng nawala sa pag iisip si Hugh. Sinuntok niya si Jasper na parang asong ulol at tumingin na para bang gusto niya kaladkarin si Jasper pababa kasama siya. Subalit, tumayo lang si Jasper sa kanyang pwesto at hindi umaalis. Ito ay dahil ang mga opisyal na nasa isang gilid na naghihintay at nagmamatyag mabuti ay biglang dinampot si Hugh sa sahig. “Alisin niyo na siya dito!” Kumumpas ang kamay ng pinuno, at si Hugh ay dinala na palayo habang ito ay nagsisisigaw at patuloy na nagmumura. Habang palayo ng palayo ang boses ni Hugh, ang mga opsiyal ay nakipag kamay kay Jasper at sinabi, “Kahit ano mangyari, maraming salamat sa iyong impormasyon. Kung hindi, hindi namin siya
Read more
Kabanata 113
“Mr. Laine, si Hugh ay mapang pwersa at dominante, kaya may mga saloobin kami na hindi namin masabi. Ngayon na ang kalaban ay nakatanggap na ng parusa, kami ay paniguradong magpapakabait na.” May isang tumayo at sinabi ito ng may pag ngisi. Ang mga salita niyo ay may pag sang ayon mula sa maraming tao. Ayaw ng isipin pa ni Jasper kung ang taong ito ay totoo sa kanyang sinasabi o hindi. Ang lawa ng syudad ay masyadong maliit para mapaunlakan ang kanyang pag asenso at pag unlad. Ito mga tao na ito ay nakatakda na mamuhay sa ibang mundo kaysa sa kanya sa hinaharap. “Umalis na ngayon.”Kinumpas ni Jasper ang kanyang kamay at umalis sa kwarto kasama si John. Sa hotel lobby, tinanong ni Jasper si John, “Kailangan mo ba ako na maghanap ng tao para magtanong tungkol sa iyong loan kerfuffle?”Agad sumagot si John, “Hindi na kailangan. Mahirap lamang noon dahil binabantayan ako ni Hugh. Ngayon na siya ay natalo na, malaki na ang aking chansa na makatakas dito. Ilang taon na ako n
Read more
Kabanata 114
“Pinaplano mo ba na pumasok sa entertainment industry?” Tinanong ni Wendy dahil siya ay listo at nararamdaman niya ang intensyon ni Jasper. Bilang sa huling pangungusap, agad itong hindi pinansin ni Wendy. Sanay na siya sa lalakeng ito na bigla nagsasabi ng walang kwentang bagay, kaya tatratuhin niya na lang na hindi narinig ito. “Malaki ang potensyal ng entertainment industry,” sabi ni Jasper. Nang makita niya na may gusto sabihin si Wendy at pinigilan ang sarili, tinanong niya ito, “Hindi ka ba sumasang ayon sa akin?” Umupo si Wendy at sinabi, “Hi, lagi ko susuportahan ang iyong mga desisyon. Subalit, nag aalala lang ako na masyadong marami ang nakahain sa atin. Sa kabilang banda, nasa investment si JW Capital, sa kabila, nasa real estate naman tayo. Hindi ba masyado na tayo maraming pinapasok kung pati din entertainment industry ay papasukin natin?”Ang mga pag aalala ni Wendy ay nasa lugar. Ang iba sa mga kumpanya ay umuunlad sa isang industriya lamang at nahihirapan ng maka
Read more
Kabanata 115
“Talagang sisiguraduhin ko na isang propesyonal ang maghahawak ng overall system. Subalit, bukod sa aking mga magulang at sa’yo, wala akong ibang pinagkakatiwalaan na humawak ng mga pananalapi.” Marahan na umingit si Wendy. Siya ay masaya dahil pinagkakatiwalaan siya ni Jasper katulad ng pag tiwala nito sa kanyang mga magulang, pero, sinabi niya, “Nanakawin ko lahat ng iyong pera kapag hindi ka nakabantay!” “Kung ano ang pagmamay ari ko ay pagmamay ari mo din,” sagot ni Jasper ng naka ngiti. Namula ng bahagya ang mukha ni Wendy. “Wendy, tara, gumawa ako ng sopas para sa’yo. Humigop ka na habang mainit pa. Dinalhan ako ng matandang manok mula sa bayan at ito ay maganda para sa’yo.”Sa puntong iyo, lumakad si Sally na may dalang mangkok na may sopas. Agad lumapit si Wendy upang kunin ito sa kanya. “Salamat, Sally,” malambing na sabi ni Wendy. Namatay ang kanyang ina noong siya ay bata pa lamang, kaya siya at si Dawson ang magkaagapay sa buong panahon na ito. Kahit na siy
Read more
Kabanata 116
Nilagay ni Wendy ang kanyang braso paikot sa leeg ni Dawson at sinabi, “Dad, ikaw talaga ang pinakamagaling.”Tinapik ni Dawson ang likod ng mga kamay ni Wendy na naka krus sa harap ng kanyang katawan at sinabi, “Ikaw ang nagiisa at natatanging anak ko. Para kanino ko pa ba ginagawa ang lahat ng ito, kung hindi para sa’yo?”“Ang shares ng JW Real Estates ay nasa pangalan mo na. Sa hinaharap, ipagkakatiwala ko sa’yo ang management team ng buong real estate company sa’yo.“Pero tama ba ito?” Pagdududang tanong ni Wendy. “Ibibigay ko ito sa’yo bilang regalo, kaya ito’y nararapat lamang. Matalinong tao si Jasper, naiintindihan niya ang aking mga intensyon.”Nag isip saglit si Dawson at nagpatuloy, “Napakahusay na binata ni Jasper. Ang kanyang hinaharap ay hindi malilimita sa probinsya lang na ito. Ang buong bansa, o sa mas malaki na entablado-doon siya patungo. “Gusto ko samantalahin ang oportunidad na ayusin ang malaking ireregalo ko sa iyong kasal para kahit ano kahinatnan ni Jas
Read more
Kabanata 117
“Maari bang iabot mo ang aking pasasalamat sa old master,” taos pusong sinabi ni Jasper kay Anna. Kahit na ang mga Laws ang tumawag sa kanya, trinato nila ito na may sapat na respeto kahit saang aspeto. Hindi si Jasper ang may pinakamalaking opinyon sa kanyang abilidad. Nirespeto niya si Old Master Law at ang mga salita nito ay galing mula sa puso. “Ikaw dapat ang magsabi mismo nito old master,” sabi ni Anna ng nakangiti. “Osige, Little Sis. Sinundo mo na ang lalake, ako ay aalis na.” Kinuha ni Henry ang oportunidad na sabihin ito habang si Jasper ay papasok sa sasakyan. Kumunot ang noo ni Anna at sinabi, “Si Lolo ay gusto imbitahan si Jasper maghapunan sa bahay mamayang gabi. Saan ka pupunta?” “Oh shucks, alam din ni Lolo na hindi ako mahilig sa mga ganitong klaseng okasyon. May mga nagawa na akong plano kasama ang aking kaibigan, kaya mauuna na ako umalis.” Pagkatapos na sabihin ito ni Henry, agad siyang umalis. Napabuntong hininga si Anna. Tumalikod ito at pumasok sa
Read more
Kabanata 118
“Jasper, nagkita tayong muli.”Lumapit si Zachary na may malakas na tawa nang makita niya si Jasper na bumababa mula sa sasakyan.Habang siya ay nagsasalita, lubusan itong ngumiti habang mahigpit na nakipag kamay kay Jasper at tinapik ang balikat nito gamit ang kanyang libreng kamay.Ngumiti si Jasper at sumagot, “Pasensya na naistorbo ko kayo sa aking pagdating sa Harbor City ng ganitong oras.”Si Zachary ay ngumiti din at sinabi, “Hindi ito istorbo. Ito ay responsibilidad namin na maging punong abala bilang may ari ng lugar na ito.”Dahil dito, ginabayan ni Zachary si Jasper papasok ng manor. Sabi nito habang lumalakad, “Kamusta ang tanawin ng Harbor City mula galing airport?”Nagisip saglit si Jasper at taos pusong sinabi, “Nakita ko ang pag unlad papunta dito. Marami din akong nakitang oportunidad.”Malaman na sinagot ni Zachary, “Ang mga kabataan ngayon ay puno ng sigla. Ang iyong bisyon ay talagang kakaiba.“Tara, ang old master ay nasa likod. Nakausap ko na siya tungkol
Read more
Kabanata 119
Sa puntong iyon, ang Old Master Law ang ngumiti at sinabi kay Jasper, “Sa totoo lang, maiintindihan mo kung paano maging tao matapos mo mabuhay ng matagal. Ang prinsipyo ay pareho sa pagpapalaki ng gulay. “Mula sa pagbubunkal ng lupa at pagtatanim ng buto, paglalagay ng pataba at pagdidilig, pagtapos ay ang paghintay na mamulaklak at magkaroon ng bunga; bawat proseso ay dapat gawin ng maingat at sa tamang pamamaraan. “Ang mga problema ay maaring mangyari sa bawat yugto. Kung ang kalidad ng lupa ay hindi ganun kaganda, hindi tutubo ang mga buto. Pag nasobrahan sa pataba ang mga ugat ito ay masusunog, pero pag konti ang pataba sila ay malalanta. Sobrang tubig, ang mga gulay ay malulunod, pag konti masyado ang tubig sila ay matutuyo. Lahat ay dapat nasa tama.”Tumango si Jasper sa pagsang ayon nito. “Ang pinakamaliit na piraso ng lupa ay hindi lalagpas sa isang square feet, pero ito ay mayroong magandang kaalaman.”Magalak na sinabi ni Old Master Law, “Narinig ko mula kay Zachary na
Read more
Kabanata 120
“Jasper, narinig ko na nagsimula ka ng investment company sa Mainland?”Pagkatapos umakyat ni Old Master Law sa taas upang magpahinga, dinala ni Zachary si Jasper na maglakad sa backyard at kaswal na tinanong ito.Hindi nasurpresa si Jasper na alam ni Zachary ang tungkol dito. Isa pa, ang pag iimbestiga sa kanyang kilanlan ay napakadaling trabaho para sa Law family at sa kanilang kapasidad.“Ang aking kapasidad ay limitado at hindi ko magawa ang partikular na trabaho, kaya ako ay nag lalaan ng pera at hinahayaan ang mga propesyonal na gawin nila ang kanilang pinakamahusay,” sabi ni Jasper at ngumiti. Tumawa si Zachary at sinabi, “Ang lower-class ay nagtatrabaho gamit ang pagsisikap, ang middle class ay nagtatrabaho gamit ang talento, ang upper-class ay nagtatrabaho gamit ang tao.”Humagikgik si Jasper at sinabi, “Sa totoo lang, ang aking opinyon, tayo ay nasa gintong panahon, lalo na sa Mainland kung saang ang mga oportunidad ay nagkalat. Magsimula ka lang ng mas maaga at magk
Read more
PREV
1
...
1011121314
...
193
DMCA.com Protection Status