All Chapters of The Billionaire's Two Wives : Chapter 11 - Chapter 20
117 Chapters
Chapter Eleven
MALAKAS na kumabog ang dibdib ni Russel nang marinig ang sinabi ng dalaga. Ilang segundo niya pang pinaglandas ang mga mata sa buong papeles bago mabilis na ibinaba ang mga iyon at biglang tumayo. "What's this? Bakit nandito ang pirma ko? What did you do, Narissa!"Umarko ang isang kilay ng babae. Tila hindi makapaniwalang ngumiti. "Hold your horses, Mister Lacuesta. Wala akong ginagawa—""Puwes, ano ito! Anong ka-bullshit-an ito!"Para bang walang pakialam na nagkibit-balikat ang dalaga bago umupo sa silyang nasa harap ng mesa niya."Hindi mo ba nakikita? Nagpakasal tayo. We got married in Vegas!"Hindi niya nagawang magsalita matapos  ng mga narinig. Ilang ulit siyang lumunok habang nakatitig sa pagmumukha ng babae.Pilit niyang hinahanap sa bawat korte ng mukha nito ang bakas ng pagbibiro, pero bigo siyang makita. Mula sa dalaga ay ibinaling niya ang paningin sa kontrata. Pilit niyang inaalala kung paano siya
Read more
Chapter Twelve
NAALIMPUNGATAN si Megara nang marinig ang mahinang ringtone ng alarm niya sa selpon. Minulat niya ang mga mata at agad na naramdaman ang bigat ng kamay ni Russel sa tiyan niya.Nakayakap sa kaniya ang asawa mula sa likuran. Siya naman ay nakaharap sa kanan. Kinuha niya sa ibabaw ng tokador ang cell phone at agad itong d-in-ismiss. Kinuha niya ang kamay ni Russel na nakayakap sa kaniya saka maingat iyong ibinaba.Nilingon niya ito sa kaliwa niya at napangiti nang makita kung gaano ito kahimbing. Bumaba ang mukha niya saka kinantilan ng halik sa pisngi ang lalaki."I love you, baby," bulong pa niya sa tainga nito.Umungol si Russel bago tuluyang tumihaya at binaling ang mukha sa kaliwa. Mahimbing pa rin itong natutulog. Maingat siyang kumilos, iniiwasan na makagawa ng ingay para hindi magising ang lalaki. Hubo't hubad pa rin siya mula sa nagdaang pagtatalik nila ng asawa.Nang makababa ng kama ay diretso siyang pumasok sa walk-in closet nila at kumuh
Read more
Chapter Thirteen
NAPANGIWI si Megara matapos buhatin ang laundry basket na puno ng damit na ginamit nila. Buhat niya ito gamit ang dalawang kamay at pababa na sana ng hagdan. Napatigil lang siya nang may maalala.Mula sa hagdan, bumaba ang tingin niya mahaba niyang binti't hita. Nararamdaman niya ang lamig ng paligid dahil sa ikli ng suot niyang white shorts. Napangiti siya kasabay nang paglapag niya ng basket sa sahig. Nagmamadaling pumasok siya sa loob ng kanilang walk-in closet.Kumuha siya ng pajama nang hindi na tumitingin sa disenyo nito. Basta't isinuot na lamang niya iyon matapos hubarin ang shorts. Natatandaan niyang ayaw ni Russel na lumalabas siya ng bahay na labas ang mga hita niya. Ayos lang daw kung kasama niya ito, pero kung hindi, pinagbabawalan siya ng lalaki.Muli niyang dinampot ang laundry basket saka mabibilis ang mga hakbang na bumaba. Nasa likuran ng bahay ang labahan nila at kinakailangan pa niyang lumabas mula sa harap ng bahay dahil wala silang backdoor
Read more
Chapter Fourteen
MASAYANG nagtatawanan si Narissa kasama ang mga kaibigan niyang inimbitahan din niya sa opening ng beach resort ng uncle niya.Ang totoo'y pinapunta niya roon ang mga ito upang ipakita na pag-aari na niya ang owner ng Lacuesta Corporation. Kasalukuyan silang nasa itaas ng hotel kung saan malaya nilang natatanaw ang malawak na dagat, maging ang ilang parte ng resort kabilang na ang entrance.Nakatingin sa kanila ang ilang mga lalaking foreigners na pasadya pang dinayo ang resort na iyon dahil sa Uncle Rio niya. Kilala kasi sa halos buong Asia at ilan pang bansa ang pangalan nito kaya malakas ang hatak ng lalaki sa mga turista.Nakasuot siya ng red bikini habang ang tatlong kaibigan niya na pawang mga kasama rin niya sa pagmo-modeling ay naka-animal print ang mga underware na suot."Girl, are you sure he's coming? We've been waiting for him for like... an hour now!" maarteng tanong ni Ruffa. Anak mayaman ito pero piniling pasukin ang mundo ng pagmomodelo da
Read more
Chapter Fifteen
BAHAGYANG nagsalubong ang dalawang kilay ni Megara matapos marinig ang umuungol na boses ng isang babae sa kabilang linya."Baby? Sino iyan? May kasama ka ba?"Naghintay siya ng sagot mula sa kabilang linya pero lumipas na ang ilang segundo, hindi pa rin sumasagot si Russel. Maya-maya lang, nawala na ang ingay ng babaeng umuungol sa kabila."Hello, baby? Can you hear me?"Tumango siya kahit na alam niyang hindi siya nito nakikita. "Yes, baby.""I'm sorry. Medyo maalinsangan kasi sa labas kaya nag-stay ako sa loob ng kuwarto.""E, ano iyong narinig ko kanina? Bakit parang umuungol na babae?" Larawan ng pagtataka ang buong mukha niya."Sa palabas iyon, baby. Nanonood ako ng Hollywood movie."Mabilis siyang napatango kasabay nang pagsilay ng ngiti sa mga labi. "Naisip ko nga."Bahagya pa siyang natawa dahil kung pakikinggan iyong kanina, parang may katabi si Russel na dalawang magkasintahan na nagtatalik."Bakit ka n
Read more
Chapter Sixteen
ILANG ulit nagpakawala ng malalim na hangin si Russel bago tuluyang isinara ang trunk ng sasakyan matapos niyang ipasok ang lahat ng gamit niya."Sad to see you're leaving this early." Nilapitan niya si Rio Frando sa tabi ng driveway at ngumiti sa lalaki."I'm so sorry. It's urgent."Itinaas ng lalaki ang isang kamay at umiling. "You don't have to apologize. When it comes to business and our wife, they will always be our priority."Nakangiti siyang tumango rito bilang pagsang-ayon. Alas-sais y medya pa lang noong mga sandaling iyon pero nasa labas na siya ng Frando Beach Resort at handa nang umalis.Mabuti na nga lang dahil nasa lobby lang ng hotel ang lalaking si Rio. Hindi na siya nahirapan pang hanapin ito para magpaalam. Hindi na rin siya nahirapan na magdahilan. Nang sandaling sabihin niyang may emergency sa bahay at nag-iisa lamang ang asawa niya, agad siyang tinaboy nito upang umalis at puntahan si Megara.Nang makalabas ng malaking t
Read more
Chapter Seventeen
NAGPAKAWALA nang malalim na buntong-hininga si Russel bago nilingon ang asawang nakaupo sa ibabaw ng kama. Mabilis nitong binawi ang tingin pero nahuli niya ang mga mata nitong puno ng pagtataka habang nakatitig sa mukha niya.Mariin siyang lumunok. Mahigpit niyang hinawakan ang selpon bago nakangiting binalingan ang babae. "Baby, give me a minute. Request mula sa VIP client ang file na ipinadala sa akin ni Aliyah. I just need to check this."Nang-uunawang ngumiti si Megara bago tumango sa kaniya. "Sure, baby. Take your time."Tumalikod siya at lumabas ng kuwarto nila. Mula sa itaas ay bumaba siya patungo sa kusina at doon binuksan ang bidyo na ipinadala ni Narissa.Lalong humigpit ang paghawak niya sa selpon nang bumungad sa kaniya ang sariling bidyo ng dalaga. Nakaupo ito sa gitna ng isang malambot na kulay rosas na kama. Walang itong kasuotan sa katawan pero natatabunan ng manipis na puting tela ang dibdib nito pababa sa gitna ng dalawang hita. Maliban
Read more
Chapter Eighteen
PINARADA ng lalaki sa tabi ng guard house ang kotseng minamaneho nito nang makita ang pagsenyas ng guwardiya sa kaniya. Ibinaba niya ang salaming bintana at hinintay itong makalapit."Sir! Nakuha na po namin ang kopya ng bidyong sinasabi n'yo."Dahil sa sinabi ng lalaki, mabilis siyang umibis ng sasakyan at sumunod sa guwardiyo patungo sa loob ng maliit na bahay. Sa loob niyon ay mag isa pang guard na nakaharap sa monitor ng computer nito."Heto na po ang kopya ng araw na hinihingi ninyo." Itinuro nito ang isang lalaki na nakatayo sa tabi ng poste.Mas lalo niyang nilapit ang sarili sa computer upang mas mapagmasdan nang mabuti ang bidyo. Totoo nga ang sinabi ng asawa niya. May lalaking nakaitim ang nagmamatyag sa babae.Tinitigan nilang mabuti ang lalaking nakatayo at nakitang kay Megara nakatuon ang paningin nito, habang ang babae, abala sa pagsusunog sa harap ng metal trashcan."Sa nakikita n'yo, sir, nang makita ni Ma'am ang lalaki at na
Read more
Chapter Nineteen
NAKAHARAP si Russel sa parihabang salamin sa silid ni Narissa habang binubutones ang suot niyang white shirt. Mula sa repleksiyon ng salamin, natanaw niya at natitigan ang nakahigang dalaga. Nakahubad pa rin ito at natatabunan lang ng kulay rosas na kumot ang katawan.Katatapos lang nilang magtalik at kasalukuyan itong nagpapahinga. Bakas ang pagod ng babae mula sa nagdaan nilang pagniniig. Malalim pa rin ang paghinga nito habang nakatanaw sa kaniya."That was a great sex! You really are good at it, daddy." Sumilay ang ngiti sa mga labi nito.Matapos niyang pulutin ang dark blue blazer suit sa sahig, isinuot niya iyon bago lumapit sa kama ng dalaga.Sinalubong nito ang mga titig niya. Maging ang mga mata nito ay tila ngumingiti sa kaniya."Wanna do it again?" Mabilis nitong inalis ang pagkakatabon ng kumot sa hubad na katawan nito. "Still sore but if you really want to, I can manage."Naglakbay ang mga daliri nito sa isang kamay mula sa gitn
Read more
Chapter Twenty
NAPABUNTONG-HININGA si Russel matapos mabasa ang mensahe ni Narissa. Nagpadala ng good morning message sa kaniya ang babae kaninang umaga nang magising siya, pero hindi niya iyon sinagot. Hindi naman ito tumigil. Nagpatuloy ito sa pagpapadala ng mga bastos na text messages; katulad na lamang ng kung ano ang gusto nitong gawin sa kaniya oras na magkita sila mamaya. Sunod-sunod pa itong nagpadala ng mga bastos na mensahe na katulad ng kung anong position ang gagawin nila mamaya. Nagbuga siya ng hangin bago nilapag sa mesa niya ang selpon. Matapos nilang magtalik kagabi, napag-usapan nila na magkikita lang sila sa labas ng opisina niya at sa tuwing tapos na ang kaniyang trabaho. Nagkasundo rin sila na magkikita sa labas, saka pumunta sa isang hindi kilalang hotel. Pinatawag niya si Aliyah at ipinadala ang mga papeles na kailangan niyang pirmahan at pag-aralan. Balak niyang tapusin ang lahat nang mas maaga dahil gusto niyang makipagkita sa dalaga nang maaga rin.
Read more
PREV
123456
...
12
DMCA.com Protection Status