All Chapters of The Billionaire's Two Wives : Chapter 31 - Chapter 40
117 Chapters
Chapter Thirty-one
MATAGAL na pinag-isipan ni Russel ang mga sinabi ng kaibigang si Vicente. Mahigit kalahating araw na rin siyang nag-iinom sa loob ng restobar ng bagong nobya nito. Pilit niyang iniisip kung ano nga ba talaga ang dapat niyang gawin sa sitwasiyon na iyon.Sa loob nang limang taon, nagawa niyang pigilan at itago kay Megara ang totoong kalagayan niya. Ayaw niyang iparanas dito ang isang pagkatao niya na pilit na niyang ibinabaon sa limot.Sa tulong ng pagmamahal ng asawa, nagagawa niyang kontrolin ang halimaw sa loob niya. Pero simula nang dumating sa buhay niya si Narissa, tila nagising nito ang isang parte ng madilim niyang nakaraan. Ngayon na nagkakaroon na sila ng problema ni Megara, mas lalong tumitindi ang kagustuhang makawala ng halimaw mula sa loob niya.Nagbuga siya ng hangin nang maalala si Narissa. Ang dalaga ang tanging nakapagbibigay sa kaniya ng satisfaction na hinihingi ng katawan niya. Dito niya nailalabas ang init niya, pero sa tuwing napapalapit si
Read more
Chapter Thirty-two
MATAPOS ilapag ng waitress ang isang tasa ng kape, dalawang juice at tatlong sliced ng cakes sa ibabaw ng table nila, nagpasalamat siya sa babae na sinuklian naman nito ng isang ngiti. Nang makaalis ang waitress, saka niya binalingan sina Becka at ang asawa nitong private investigator. "Salamat talaga sa pagpunta." "Naku, wala iyon! Napakabait mo sa akin noong highschool pa tayo. Oras na rin para makabawi ako sa iyo." Malapad na ngumiti ang babaeng si Becka. Hindi pa niya nasasabi sa dalawa ang sadya niya. Iniisip niya pa rin kasi kung sakaling tanungin siya ng mga ito sa posibleng dahilan ng pagmamanman sa kaniya ng lalaki, ano ang sasabihin niya? Nakita niya ang pag-inom ng kape ng asawa ng kaibigan niya. Matangkad ito, medyo malaki ang pangangatawan at namumutla sa kaputian ang kutis. Matapos nitong ilapag ang kape, binalingan naman siya nito ng tingin. "Tungkol saan ang gusto mong imbistigahan ko?" Mahinahon ngunit malaki ang boses nito.
Read more
Chapter Thirty-three
MAG-A-ALAS-SIETE pa lamang ng gabi, narinig na ni Megara ang paghinto ng kotse sa tapat ng kanilang bahay. Ayaw man niya, pinilit niya ang sarili na tumayo at lumapit sa pinto.Ganoon na lang ang pagsinghap niya nang sa pagbukas niya ng pintuan, bumungad sa kaniya ang lasing na si Russel. Namumungay ang mga mata nito, nangangamoy alak at hawak na sa isang kamay ang hinubad nitong itim na blazer.Sinubukan niyang langhapin ang pabango ng babae na lagi niyang naaamoy rito, pero sa hindi malamang dahilan, tanging alak at pabango ni Russel na lamang ang naaamoy niya. Nawala na ang pabango ng babae nito."Lasing ka na naman," komento niya saka sinubukang alalayan ito, pero napahinto siya nang i-angat nito ang isang kamay para pigilan siya."Huwag mo akong lapitan."Natigilan siya at napatitig sa mukha nito. Mabilis siyang nakaramdam ng kirot sa kaniyang puso. Parang sinasaksak ng kutsilyo ang dibdib niya.Humakbang ito at pumasok sa loob ng kitch
Read more
Chapter Thirty-four
MATAGAL siyang nakatitig sa harap ng sariling repleksiyon sa salamin—namumutlang mukha, nangingitim ang ilalim ng mga matang gabi-gabi kung umiyak. Nawawalan na rin ng kulay ang mga labi niyang dati ay puno ng sigla at matitingkad na ngiti.Iyon ang laging nakikita ni Megara sa tuwing sisilipin niya ang sarili sa salamin. Tuluyan na niyang napabayaan ang sarili. Kahit anong pangungumbinsi ang gawin niya, hindi na niya kayang magpanggap na walang problema at kaya niya.Mula sa salamin sa kaniyang harap, nilingon niya ang mga damit na nagkalat sa ibabaw ng kama. Kaninang alas-singko pa siya namimili nang maisusuot, subalit wala siyang matipuhan sa mga kasuotang nasa loob ng cabinet niya.Gusto niyang lumabas. Gusto niyang mag-shopping at pagurin ang sarili sa mga bagay na nakasulat sa listahan na nahanap niya sa internet. Kanina, nag-research siya kung ano ang puwedeng gawin ng mga babaeng katulad niya. Iyong mga nawalan na ng pagmamahal sa sarili dahil sobr
Read more
Chapter Thirty-five
HAWAK ang paperbag ng damit na binili niya kanina, tulalang lumabas ng malaking mall si Megara. Umihip ang malakas na hangin at tinangay nito ang mahabang buhok niya.Dama niya ang lamig ng paligid sa kaniyang balat. Maging ang sikat ng araw na tumatama sa kaniyang mukha, ramdam niya. Sa kabila ng init at lamig na nararamdaman, tila namamanhid ang kaniyang buong katawan.Tila siya naparalisa at walang ibang magawa kundi ang tumunganga roon habang dinadama ang kirot sa kaniyang puso. May ilang minuto pa siyang nanatiling nakatayo. Pilitin man niya ay hindi niya magawang alisin sa isip ang mga nasaksihan kanina.Mula sa kawalan, pinaglandas niya ang paningin niya sa buong paligid. Lahat ng tao, abala sa kani-kanilang ginagawa. Walang ni isa sa mga ito ang tumitigil o humihinto man lang sa paglalakad. Tanging siya lamang ang nanatiling nakatayo habang tila wala sa kaniyang sarili.Parang sirang plaka, paulit-ulit na naglaro sa isipan niya ang mga nakita kani
Read more
Chapter Thirty-six
MARIIN na lumunok ang lalaking si Russel habang nagmamaneho ito pauwi sa kanilang bahay. Manaka-naka niyang nililingon ang asawa na wala nang malay habang nakasalampak sa passenger's seat.Kanina habang nasa condo unit siya ni Narissa at nakikipagtalo sa babae, nakatanggap siya ng tawag mula kay Vicente. Hindi niya ito sinagot dahil buong akala niya, mag-aaya lamang ang lalaki na lumabas para uminom.Subalit nang mabasa niya ang isa sa mga text messages nito na nagsasabing nasa club kung saan ito naroon si Megara, walang paalam siyang lumabas ng unit ni Narissa at halos paliparin na ang sasakyan patungo sa naturang club.Humigpit ang pagkakahawak niya sa manibela at muling nilingon ang babae. Sa sobrang kalasingan nito, ni hindi na siya nito magawang makilala. Kanina ay pinagtatabuyan pa siya nito sa pag-aakalang ibang lalaki siya.Mula sa nahihimbing na mukha ng asawa, bumaba ang paningin niya sa kasuotan nito. Napailing siya matapos madako ang tingin ni
Read more
Chapter Thirty-seven
MARAHAS na ibinagsak ni Megara sa ibabaw ng bar counter ang iniinom niyang piña colada. Mariin niyang kinagat ang ibaba niyang labi matapos humigpit ang pagkakahawak niya sa glass."How could you do this to me, Russel?" Ilang ulit siyang lumunok nang maramdaman ang bara sa kaniyang lalamunan.Mahigit isang buwan siyang nalugmok. Wala siyang ibang sinisi sa nangyayari sa kanila kundi ang sarili niya. Inakala niyang dahil sa mga maling desisiyon na nagawa niya noon, kaya sila nagkakasira ngayon ni Russel."But it was him all along," marahas niyang pinalis ang mga luha sa pisngi habang sinasabi iyon.Pilit siyang sinisi nito, pero ang totoo, ito talaga ang may babae. Ito ang nagtraydor sa kanilang dalawa. At kaya ganoon na lang kadali para dito ang iwasan at pagbintangan siya, dahil kagustuhan din nito ang magkalayo sila.Nanginginig sa galit ang mga kamay niyang nakakuyom. Muli niyang dinala sa mga labi ang bibig ng baso saka inubos ang natiti
Read more
Chapter Thirty-eight
ITINAAS niya ang isang kamay at sinenyasan ang waitress na dalhan uli siya ng order niyang mango juice. Nakadadalawang baso na siya subalit hindi pa rin dumarating ang imbistigador na asawa ng kaibigan niya.Itinaas niya ang relong-pambisig saka sinipat ang orasan—alas-dose na ng tanghali. Mahigit kalahating oras na rin siyang naghihintay. Nang malaman mula sa babaeng nasa front desk ng hotel kung sino ang naghatid sa kaniya, ang pinakaunang tinawagan niya ay ang imbistigador.Tumagal pa nang ilang minuto ang kaniyang paghihintay, napangiti siya nang makita ang pagbukas ng salaming pintuan ng restaurant at pumasok ang lalaking hinihintay niya."I'm sorry kung nakipagkita uli ako sa iyo. Urgent kasi ito."Agad na umiling ang lalaki. "Huwag kang mag-alala. Trabaho ko ito."Bago sila nag-umpisa sa pag-uusap, um-order na rin sila nito ng pagkain para sa tanghalian.Mabilis niyang kinuha ang litrato ng lalaki sa loob ng sling bag niya saka
Read more
Chapter Thirty-nine
MARAHAS na ibinato ni Russel ang isang baso ng alak matapos niyang lumabas ng bahay nang makarinig nang paghinto ng sasakyan. Buong akala niya ay si Megara na ang dumating, subalit nang makalabas, natanaw niya ang paglagpas ng isang taxi sa bahay nila."Fuck it!" pagmumura niya matapos suntukin ang pinto at pabalag iyong isinara.Kagabi ay halos madurog ang puso niya sa ginawa ng babae. Natatakot siya sa ikinikilos nito kaya naisip niyang gumawa ng paraan upang makita kung nagbago nga ang asawa—pati ng damdamin nito. Bumili siya ng bulaklak at tsokolate para sana makausap nang masinsinan ang asawa, pero sa halip, iniwan lang siya nito para pumunta na naman sa club.Ang mga tingin nito, mga kilos ay ibang-iba na sa dating babaeng minahal at pinakasalan niya. Hindi lang ang pakikitungo nito sa kaniya kundi maging ang mga mata nito, punong-puno ang mga iyon ng panlalamig.Pumasok siya sa sala ng kanilang bahay at naupo sa mahabang sofa saka muling nag-
Read more
Chapter Forty
ALAS-OTSO na ng umaga nang magising si Megara. Hindi katulad ng dati na nag-a-alarm pa siya para lang gumising nang maaga at pagsilbihan si Russel, ngayon ay wala na siyang dahilan para gawin pa ang mga bagay na iyon. Puwede na siyang gumising kahit anong oras niyang gustuhin.Matapos maghilamos at magsipilyo, bumaba siya ng kusina para sana magtimpla ng kape. Subalit bigla siyang natigilan sa nabungaran niya, si Russel, nakaupo sa kitchen at nagbabasa ng diyaryo. At may nakahain pang mga pagkain sa ibabaw ng kitchen island sa harap nito.Sandali siyang tumayo sa bukana ng pintuan ng kusina. Makikita ang ilang gitla sa noo niya habang nakatitig sa asawa. Nang mapansin naman nito ang kaniyang presensiya, mabilis nitong nilapag ang diyaryo saka tumayo para malapitan siya."Good morning." Ngumiti ito at akma siyang hahalikan, ngunit mabilis niyang naiwas ang mukha.Walang pakialam na nilagpasan niya ito at lumapit sa fridge para kumuha ng tubig na maiinom. T
Read more
PREV
123456
...
12
DMCA.com Protection Status