Kabanata 5 “Mukhang totoo nga ang sinabi mo,” si Jane at sumulyap sa mga customers. “Mukhang hindi nga seryoso ang bilyonaryong iyon.”Ang Freezy restaurant ay malapit lamang sa dagat. Actually, may table sa may teresa pero ang VIP room ay sa loob at pribadong-pribado talaga. Kaya marami ang dumadayo dahil na rin na malapit sa dagat.Bumuntong-hininga ako at hindi na nagsalita. Hindi ko naman inaasahan ang lalaking iyon. Kilala ko lang siya sa pangalan at wala pang linggo na nakilala ko siya. Bigla lang siyang sumulpot at saka nagparamdam na bagong-bago sa akin. Inaamin ko na gwapo siya. Talaga namang gwapo siya, mabango at tingin ko isa sa mga social elite. Pero ang taong katulad niya, amoy na amoy mo na ang baho. Hindi sila nagseseryoso ng mga babae.Nang napansin niyang tumahimik ako ay siniko niya ako. Gulat ko siyang binalingan.“Bibisita si Sir Jude bukas,” aniya sabay ngiti. &ld
Baca selengkapnya