Lahat ng Kabanata ng Trapped in Vampire Realm (Tagalog): Kabanata 21 - Kabanata 30
40 Kabanata
Kabanata 21 - Thana
"Ang sabi ng Prinsipe Lucas ay kasama mo raw s'ya Monica," wika nito.Gusto kong magsalita para makita n'ya ako pero inuunahan ako ng hiya. Napatingin ako kay Monica no'ng ito'y tumayo, dumapo ang mga mata nito sa akin. Nakatingin lang s'ya sa mga mata ko at mayamaya pa ay napa-irap ito.Tumalikod ito sa akin saka pumunta sa isang bintana at doon dumungaw. Kailan kaya matatanggal ang galit n'ya sa akin? Hindi ko kasi kayang may nilalang na may galit sa akin at sa katotohanan pang lagi ko s'yang makakasama, ang hirap gumalaw."Ikaw ba si Cenn?"Nalipat ang tingin ko sa nagsalitang si Thana.Napatango ako. "Oo, ako nga."Sumilay na naman ang ngiti n'ya. "Kung ganoon ay ikaw ang bago naming makakasama sa akademya?" tanong n'ya habang binubuksan ang bag na kanyang daladala.Hindi ko naman s'ya mapunto dahil ito lang naman ang una naming pagkikita. "Paano mo nakilala ang Prinsipe Lucas?"Lihim akong napakagat sa aking labi, heto na naman ako sa mga ganyang tanong. Ano isasagot ko? Hindi ko
Magbasa pa
Kabanata 22 - Interaction With Him
Hiling ko lang ay wala sanang masamang mangyari.Mabilis kong tinapos ang aking pagligo at lumabas na ako sa banyo na may tapis sa aking katawan. Mabilis na hinanap ng aking mata si Thana. "Thana?""Ikaw pala ang panauhing laman ng kwento ng buong palasyo."Mabilis akong naging alerto at napatingin sa isang bahagi ng kwartong ito. Naabutan ko ang isang lalaking naka-squat sa bukas na bintana habang ang tingin sa akin ay napakalagkit. Napa-atras ako at mas napahigpit ang hawak sa tuwalyang nakabalot sa aking katawan."Sino ka?" lakas loob kong tanong.Sa isang iglap ay nakababa na agad ito sa kanyang pwesto at mas lalo akong pinagkatitigan."Paanong ang isang tulad mo ay napadpad sa mundong 'to?"Ang kaba ay bumalot sa akin, kilala n'ya ako?"Nakakatawang isipin dahil sa rami-raming bampira dito sa Faber ay ikaw pa ang nilalang na nakakuha ng atensyon ng isa sa mga Prinsipe."Malalim ang boses n'ya at napakalamig, napakamisteryoso n'ya na sinabayan pa ng damit na suot-suot n'ya. Isang
Magbasa pa
Kabanata 23 - At The Entrance
"Ano?""Ang bampirang kaharap mo ngayon ay hindi basta-basta o sabihin na nating ang mga magbabantay sa 'yo sa mundong 'to ay mataas ang pinag-aralan at may mga kaya kaming gawin na higit pa sa inaasahan mo."Nangunot ang aking noo. "Anong ibig mong sabihin?""Ikaw na ang bahala kung paano mo sasagutin ang tanong sa isip mo. Ang importante ngayon ay kung ano ang ibig sabihin ng sinabi mo sa 'yong isip?"Tsk, heto na naman ako."Ginoo, hinihintay na ako ni Prinsipe Lucas at ayokong magalit s'ya sa sa akin," wika ko."Pero alam mo ba kung saan mo s'ya pupuntahan," sagot nito. Tsk, na saan ba kasi 'yong sinasabi ni Thana na sasama sa akin papunta sa Prinsipe?"Tara na sa kinaroroonan n'ya dahil pareho tayong malalagot sa kanya." Nagkrus ang kanyang kamay at inilagay sa kanyang dibdib."Dadalhin kita sa kanya kung papayag kang maging kapareha ko." Napatawa ako."Hindi ka ba natatakot sa kanya?" maang na tanong ko dahil ang oras namin ay unti-unti ng nauubos dahil sa kanya."Saka, sino ka
Magbasa pa
Kabanata 24 - Me
"Nasa tabi mo kami at isa pa, ilang oras na lang ay tuluyan ng tatalab ang Rainepha sa buo mong katawan. Lagi mo lang tandaan ang utos at paalala ng Prinsipe sa 'yo." Napahawak ako sa kwintas na aking suot, dapat ko itong ingatan dahil sa oras na mawala ito ay katapusan ko na rin."Huwag mong bibiguin o tuluyang magalit sa 'yo ang Prinsipe dahil baka mapuno s'ya at tuluyan kang isuplong." Napalunok ako sa patuloy na saad ni Leonardo. Ilang beses ko na bang narinig 'yon sa kanila?"Huwag kayong mag-alala dahil magdo-doble ingat ako," sagot ko."Aasahan namin."Binitawan na kami ni Leonardo at pinagkatitigan ako nito. "Hindi ko pa man nakikita ang mga dumalo sa kasiyahan pero alam kong isa ang ganda mo ang lilitaw sa lahat." Napangiti ako sa sinabi ni Leonardo. Ang buong akala ko ay buong gabi na s'yang galit sa akin dahil sa katagalan namin ni Allecc pero buti na lang ay mabilis mawala ang galit n'ya."Salamat," tugon ko."Kapareha na lang ang kulang para sa 'yo Cenn. Matanong ko nga,
Magbasa pa
Kabanata 25 - Party
Napatawa ng nakakaloko si Monica. "Alam naman nating lahat na walang lugar ang mga tulad mo sa kaharian pero heto at daig mo pang may bahid ng dugong bughaw kung makaasal. Nakakaawa ka, alam mo ba 'yon?""Tandaan mo, hindi mo pa rin ako dapat tinatrato ng ganito. Isa pa rin ako sa naging dahilan kung bakit ka nasa grupo ng Uno ngayon!" Hindi ko na maipaliwanag ang galit na namamayani sa mukha no'ng matanda.Lalong napatawa si Monica sa narinig. "Hindi ko utang na loob sa 'yo kung bakit ako naririto sa kinatatayuan ko. Ang lahat ng ito ay dahil sa pagsisikap ko at sa tulong ng Prinsipe Lucas," sagot ni Monica."Isa ka lang matanda na ang tanging alam lang gawin ay mamalakat at magpahiya ng mga bampira," dugtong nito.Napatikhim si Leonardo sa aking unahan. "Mon, tama na." Napapaypay ng husay ang matanda dahil sa tensyon. Alam kong hindi n'ya masagot-sagot ng todo si Monica dahil sa mataas nitong katayuan sa palasyo."Igalang n'yo ang mahal na Prinsipe," dugtong ni Leonardo. "Vera!" taw
Magbasa pa
Kabanata 26 - Uno's Remaining Rank Members
"Totoo bang patuloy na nalaki ang tenga ng mga tao at hindi natigil?"Napapunta ang tingin ko sa katabi ko no'ng bigla bigla na lang itong nagsalita. Ha?"Nagsimula kayo bilang isang hayop at naiba ang anyo n'yo sa mga nagdaang taon, may katotohanan ba ang bagay na 'yon?"Mabilis akong napatingin sa aking paigid dahil baka mamaya ay may makarinig sa kanya."Ano ang tawag sa maliit na bagay na umiilaw at pwede mo pa itong magamit upang makausap ang nasa kabilang dako gamit lamang ang bagay na iyon?"Nanlaki ang aking mga mata dahil sa dami ng kanyang tanong na hindi ko alam kung saan n'ya nakuha. Hindi s'ya nakatingin sa akin at tanging diretso lang ang tingin sa unahan. Nakita kong muli n'yang ibubuka ang kanyang bibig, mabilis kong inilapat ang aking kamay sa kanyang labi. Mabilis itong napatingin sa akin at takang tumingin sa aking kamay na sa kanyang mapupulang labi."Tahimik," saad ko. Nakita ko kung paano nanlaki ang kanyang mata. Mabilis n'yang tinabig ang kamay ko at inis na tu
Magbasa pa
Kabanata 27 - Cold Treatment
Tuluyan itong napatawa kaya naman bahagya rin akong natawa. 'Diko maitatanggi na minsan nga totoo 'yong sinabi n'ya pero kahit na gano'n ay hindi naman ako nagtatanim na malalim na galit kay Monica."Bakit kailangan mong harangan ang usapanan n'yo, Allecc?"Mabilis na napalingon ako sa Prinsipe na ngayon ay nakatuon ang atensyon sa aming dalawa ni Allecc. Narinig kong tumigil sa pagtawa ang aking katabi ganu'n din ang iba na napalingon na rin sa aming gawi.Harangan?Pinagkiskis nito ang dalawa nitong daliri at nagbigay 'yon ng matinis na tunog. Nagtaka naman ako at muling ibinalik ang tingin sa Prinsipe."May masama ba sa ginawa ko, Prinsipe?" Bakas ang nakakalokong tunog sa boses ni Allecc no'ng s'ya ay magsalita."Anong pinag-usapan n'yo? Bakit kailangan mo pang itago sa amin?"Napalingon ako kay Allecc, huwag n'yang sabihin na ang pag-uusap namin ay hindi rinig ng iba?Mabilis akong napatingin kay Monica na nakataas ang dalawang kilay na nakatingin din sa amin. Lihim akong napakag
Magbasa pa
Kabanata 28 - Savage
"Mabuti at nakarating ka sa Regno ng ligtas Prinsesa Kalene," masiglang wika ni Mathias at malaki ang ngiting nakaharap sa Prinsesa ngunit gano'n na lang ang taka ko noong hindi n'ya man lang pinansin ito. Nakita ko naman na napasimangot si Mathias na mabilis namang inakbayan ni Thana. Kahit na mahirap para kay Thana na abutin ang mataas na balikat ni Mathias.Ang lahat ay tumayo no'ng tuluyan ng nakalapit si Prinsesa Kalene sa puwesto ni Prinsipe Lucas maliban kay Monica at sa akin. Mabilis naman akong tumayo at bahagyang iniyuko ang aking ulo. Habang nakayuko ay sinilip ko si Monica na nanatiling nakaupo at ang mukha ay nababahiran ng pagkairitang ekspresyon. Huwag n'yang sabihin na sura s'ya sa Prinsesang kakarating pa lang. Itinungo ko na ang ulo ko at nadatnan ko naman ang Prinsesang nakamalag kay Monica na nakaupo.Nakita ko naman si Leonardo na gigil na gigil na nagmomostrang tumayo si Monica ngunit likas na may sariling panuntunan si Monica kaya ang matataray nitong kilay ay u
Magbasa pa
Kabanata 29 - Other Side Of Faber
"Hindi ko ito sinasabi sa'yo para takutin ka kung hindi para mas mag-ingat ka sa bawat galaw na gagawin mo sa mundong 'to. Naririto ang Uno para samahan ka." Napalingon ako kay Wyomia."Salamat," wika ko at bahagya naman itong tumango.Napatakip ako sa aking tenga noong may biglang tugtog na umalingawngaw. "Magandang gabi muli sa inyong lahat." Nakita ko ulit 'yong kaninang nagsalita sa unahan."Pagkatapos ng mahabang pag-iintay ay ibinibigay na namin ang pagkakataon na ito sa inyong lahat upang isayaw ang inyong mga natatanging kapareha o iniirog." Nagpalakpakan ang lahat at kita ko ang tuwa sa mukha ng mga bampira."Alam kong ito na pinakahihintay n'yo kaya naman..." Tumingin ang nagsasalita sa banda at awtomatikong nag-iba ang genre ng tugtog. Napalitan ito ng himig na sobrang lamig sa pakiramdam at napakasarap pakinggan. Nag-iba rin ang awra ng buong paligid.Napalingon naman ako sa aking mga kasama sa lamesa. Isa isa silang tumayo at kumuha ng kanilang kapareha. Teka? Paano ako?
Magbasa pa
Kabanata 30 - Fight
Napatulala ako sa sinabi n'ya, nakangiti ang labi n'yang sinambit 'yon sa harap ko. Hindi ko alam pero bigla kong naramdaman ang kaligtasan ko sa mga bisig n'ya. May tila humaplos sa aking puso kasabay ang mga himig ng tawanan ng mga batang bampira. Malapit ang mga mukha namin at parehas na nagsasaluhan ng mga titig."Mukhang nagkakasiyahan kaya mas maganda kung sirain."Sabay kaming napalingon ni Prinsipe Lucas sa biglaang nagsalita sa 'di kalayuan suot ang nakakatakot n'yang awra."Allecc?" sabay naming saad kaya naman mabilis kaming naghiwalay ng katawan ng Prinsipe habang s'ya naman ay ibinaba si Otto."Anong ginagawa n'ya rito?" bulong ng isang batang bampira."Ang ganda ng inyong mga tingin sa isa't isa," nakakalokong saad nito habang mabagal na papalapit sa pwesto namin.Naitapon ko sa ibang parte ang tingin ko sa sinabi ni Allecc."Pwedeng makisalo?"Nangunot ang noo ko, anong sinasabi n'ya?~*~Tahimik kaming talo habang nagpapalipat-lipat ang tingin ko sa dalawang matitipuno
Magbasa pa
PREV
1234
DMCA.com Protection Status