All Chapters of BEASTLY SERIES 1: THE BEASTLY COUPLE (TAGALOG VERSION): Chapter 21 - Chapter 30
37 Chapters
CHAPTER 21
TUMAGAL din ng ilang buwan ang mga nararanasan niyang pagbabago sa kanyang katawan. Medyo lumaki na ang umbok sa kanyang tiyan ko. Lumalapad na rin ang kanyang balakang. Palagi na rin siyang nagagalit kay Beast sa hindi malamang dahilan pero mabuti na lang ay iniintindi na lang siya nito. Kaya habang tumatagal ay napapalapit na ang loob niya sa asawa. Dahil sa pagbabagong ipinapakita ni John sa kanya. Habang nasa hardin siya at nakaupong nagpapahangin ay inalala niya ang mga nangyari sa kanya nitong mga nakaraang araw. Una na roon ang tungkol sa kanyang pagbubuntis at ang sinabi sa kanya ng daddy niya. Anim na buwan na rin kasi ang nakalipas simula noong magbuntis siya. Malikot at sumisipa-sipa na rin ang baby sa tiyan niya kahit na hindi pa ‘to gaanong buo. Sabi nila baka nga nagmana kay Beast na sobrang likot din daw sa tiyan ng Mama Lizzeth niya.   Buwan-buwan ay sinas
Read more
CHAPTER 22
Hindi niya naisip na gagawin niya ang lahat para sa isang babaeng mas bata pa sa kanya ng sampung taon. Pero simula nang malaman niya na magiging ama na siya ay biglang nagbago ang pakikitungo niya kay Khrystal. Ganoon siguro kapag magiging tatay ka na. Nagiging protective, mahinahon at maunawaing asawa. Isang buwan na lang din ang natitira at manganganak na si Khrystal. Kaya lahat ng mga kailangan ng bata at kailangan ng asawa ay inihanda na nila. Pati ang pangalan ng anak nila. Sa tuwing naiisip niya ang ipapangalan ay napapangiti na lang siya. Habang nakahiga ay pinagmamasdan niya ang magandang mukha ng kanyang asawa na animo’y isang anghel na nahulog sa kalangitan. Hinawi niya ang buhok nito na tumabing sa kaliwa nitong mata. “Sana lagi ka na lang ganyan. Parang anghel at hindi tayo nag-aaway,” nakangiting sabi niya habang kinakabisa ang bawat bahagi ng kanyang mukha. Kahit kail
Read more
CHAPTER 23
“Ahhh…” tangi niya na lang nasabi habang nag-iisip kung ano ang maganda niyang isasagot sa asawa. “Khrystal pumasok ka muna sa loob medyo mainit na rin kasi kaya pumasok ka na muna.” Nakita niyang sumimangot at ibubuka pa sana nito ang kanyang bibig pero mukhang nagdalawang-isip si Khrystal kaya tumayo ‘to mula sa pagkakaupo. “Sige na papasok na ako! Naku kahit kailan talaga babaero ka. Kahapon ‘yong Joanverth na pulubi ang pumunta rito sa bahay tapos ngayon may pulubi na namang dumating. Ilang charity kaya hawak nitong lalaking ‘to at di nauubusan ng pulubing bisita?” malakas na bulong ni Khrystal habang naglalakad papasok ng bahay. Umiling-iling na lang siya at hinintay ‘tong makapasok sa loob ng bahay. Pagkatapos ay tumalikod na siya’t naglakad papunta sa gate kung nasaan si Marianne. Ibang-iba na ang babaeng nakilala niya five y
Read more
CHAPTER 24
Isang linggo na rin simula ng ma-confine ang anak nila ni Khrystal sa ospital. Sa tuwing manggagaling siya sa kompanya upang sumilip doon ay dumidiretso na agad siya sa ospital upang dalawin ang kanyang anak. Dahil kulang ‘to sa buwan ay kailangang ma-incubator siya sa loob ng isang buwan o kung hanggang saan nito kailangan. Mabuti na lang ay naka-discharged na rin si Khrystal at ‘to ang malimit na nagbabantay sa anak nila pati si Nurse Monica dahil siya ang nag-aasikaso sa mga papeles ng daddy ni Khrystal.  Habang nasa bahay ako at nag-aasikaso sa mga bisitang dumadating ay di niya mapigilang balikan ang mga nangyari noong nakaraang linggo. May sumalubong agad sa kanila na mga nurse pagdating nila sa ospital. Ang unang lumabas na lalaking nurse na may dalang stretcher ay inakay agad si Khrystal para isakay at ipasok sa labor room. Ang kamang may gulong naman ay agad doong inihiga ng dalawang nurse na lalaki ang
Read more
CHAPTER 25
LINGGO, ito ang araw kung kailan ilalagak ang abo ng daddy ni Khrystal sa loob ng bahay nila kung saan nakahimlay din ang abo ng mommy nito. Habang ang magulang muna ni John ang nagbabantay sa anak nilang si Janice sa ospital dahil hindi ‘to puwedeng maiwan na walang bantay at gusto ng kanyang asawa na ipagluksa ang pagkawala ng kanyang ama. Nakatingin lang siya sa kanyang asawa habang nakaluhod na hinahaplos ang salamin sa kabinet kung nasaan ang vase na pinaglalagyan ng abo ng magulang nito. “Tama na ‘yang pag-iyak mo Khrystal! Makakasama ‘yan sa ‘yo dahil baka mabinat ka,” nagpapaalalang sabi niya sa asawa habang nakahawak sa balikat nito. Tumingin muna si Khrystal nang matalim sa kanya bago nagsalita. Puno ng hinanakit ang kanyang mata habang nakatingin at may masaganang luha na umaagos sa kanyang mukha. “NO! Hi-Hindi mo pa kasi nararamdaman ‘yong g
Read more
CHAPTER 26
Katatapos lang ng meeting ni John sa Marketing Department. Mabuti na lang noong mahigit isang linggo siyang nawala sa kompanya ay naging maayos ang pagpapatakbo ng kanyang kapatid na si Sage. Kaya matapos niyang sabihin sa mga employee niya ang tungkol sa gagawin nila ngayong buwan ng Hunyo ay nakangiti na siyang lumabas. Nasasabik na kasi siyang umuwi sa bahay nila dahil makakalabas na rin ang baby nila ni Khrystal sa ospital. “Sir John, napapansin ko po simula noong mag-asawa kayo at magkaanak ay marunong na kayong ngumiti,” natutuwang sabi ni Ms. Rona na kailan lang niya naging sekretarya dahil sa walang nakakatagal sa kanya dahil sa pabago-bago ng kanyang ugali.   “May kinalaman ba ‘yan sa trabaho mong pinasok dito?” seryosong tanong niya na nagpawala ng ngiti nito. “Ahhh…Ehhh…” tanging nasabi ni Rona sabay kamot ng kanyang ulo. “Wala po sir, pas
Read more
CHAPETR 27
“Will you still love me if I tell you something you didn’t know about me?” tanong niya habang nakatingin sa asawa. Mukha namang naguluhan si Khrystal sa mga pinagsasabi niya. “You know what, I’m a monster. Kaya nga sa tuwing tinatawag mo akong Beast ay hinahayaan lang kita dahil alam kong bagay lang sa akin ‘yon.” Nakita niyang ibinigay muna ni Khrystal ang anak nila kay Nurse Monica para ihiga sa katabing kuwarto nilang mag-asawa. Pagkatapos ay lumapit ang kanyang asawa sa kanya at hinila siya papunta sa kanilang kuwarto. “No, you’re not a monster. Oo, noong una halimaw ang tingin ko sa ‘yo. Pero unti-unting nabago ang tingin ko sa iyo simula noong ipinaramdam mo sa akin na puwede ka pa lang magbago,” seryosong sabi ni Khrystal habang nakahawak sa kanyang mukha at diretsong nakatingin sa kanyang mga mata. Dahil sa pagkailang ay hinawi ko ang mga kamay niy
Read more
CHAPTER 28
KATATAPOS lang kahapon ng ika-40 days’ ng Daddy Drixx niya.  Dahil doon ay nagpatawag sila ng pari at naghanda ng ilang putahe na paborito nitong kainin noong nabubuhay pa ito. Tanda ng pag-ala-ala sa ama ni Khrystal. Wala namang ibang dumalong bisita bukod sa pamilya niya at ibang mga matatagal ng nagtatrabaho sa kompanya pati ang malalapit na kaibigan ng daddy ni Khrystal. Kaya hindi na nag-abala pang maghanda ng marami ang mga kasambahay nila. Alam niya kahit hindi sabihin ni Khrystal ang kanyang nararamdaman ay nalulungkot pa rin tio sa pagkamatay ng kanyang ama. Talaga ngang mapagbiro ang tadhana dahil hindi nila akalaing kukunin agad ng Diyos ang daddy niya sa hindi nila inaasahang pangyayari.  Ang inakala nilang sakit na papatay sa kanya noong una ay babala lang pala. Dahil may mas malala pa palang puwedeng mangyari para kunin angmahal mo sa buhay. Alam niyang masaya naman ang dadd
Read more
CHAPTER 29
Simula ng dumating si Marianne mula sa ibang bansa ay nagpasya siyang tumira sa pinsan niyang si Alec.  Dahil malaki ang posibilidad na makita niya si John dahil nalaman niyang matalik na kaibigan nito noon si Khrystal at malapit ang bahay nito sa tinitirhan ng ex-live in partner niya. Hindi nito alam ang tungkol sa binabalak niyang pag-angkin muli kay John kaya malayang niyang nakikita ito mula sa bintana ng kanyang tinutuluyan. Pinili niya ang kuwarto kung saan makikita niya kung saan naglalabas-masok ang lalaki tuwing pumapasok at umuuwi ito galing sa trabaho. “Ate Marianne, napapansin ko lagi kang nakasilip diyan sa bintana? May hindi ka ba sinasabi sa akin?” nanunuring tanong ni Alec sa kanyang pinsan. Umpisa pa lang kasi ay napapansin niya na sa kanyang pinsang si Marianne na laging may kakaiba sa ikinikilos nito. “Naku naman Alec! Pinaghihinalaan mo ba ang pinsan mong maganda?” natatawang sagot ni Marianne
Read more
CHAPTER 30
“Good morning, my sweet lips,” nakangiting sabi ni John habang inaayos ang kuwelyo ng kanyang polong suot. “Good morning, Beast. Ba’t ang aga-aga bihis na bihis ka?” nagtatakang sabi ni Khrystal sabay ayos ng upo sa higaan habang kinukuskos ang kanyang mata. “Khrystal, you know what your voice sounds like rocks scraping across sand paper,” birong sabi ni John pagkatapos ay tumawa na animo’y nang-aasar kaya binato siya ng asawa ng unan na malapit sa kanya. “Kailangan ko kasing makipagkita sa isa sa kliyente ko. Baka gabihin na ako sa pag-uwi mamaya kaya magpahinga ka na agad nang maaga at huwag mo na akong hintayin.” Nakatanaw lang sa kanya si Khrystal habang sinusuklay ang buhok niya pagkatapos ay nagsuot na siya ng medyas. “Basta mag-text ka para alam ko kung anong nangyayari sa ‘yo ha? Kapag hindi ka nag-text sa labas ka matutu
Read more
PREV
1234
DMCA.com Protection Status