All Chapters of BEASTLY SERIES 1: THE BEASTLY COUPLE (TAGALOG VERSION): Chapter 11 - Chapter 20
37 Chapters
CHAPTER 11
Kasalukuyan siyang nasa banyo nang marinig niya na may kumakatok sa pinto ng kanyang kuwarto.  Dali-dali siyang nagtapis ng tuwalya sa kanyang katawan pagkatapos ay pinuluputan niya nang maliit na tuwalya ang kanyang buhok. “Sino kaya ang kumakatok sa pinto?” tiningnan niya ang kanyang orasan na pambisig at nakita niyang alas-sais na ng umaga. Pagbukas niya ng pinto ng banyo ay nanlaki ang kanyang mga mata dahil nakita niyang prenteng nakaupo lang si Beast sa kanyang kama na animo’y close silang dalawa. Kaya pala wala ng kumakatok sa pinto niya ‘yon pala may nakapasok na palang guwa…halimaw sa kanyang kuwarto. Dahil sa biglang pagragasa ng dugo sa kanyang ulo ay nakaramdam siya ng inis sa ginawa nitong pagpasok na walang permiso. “Shit! Aray h
Read more
CHAPTER 12
Isang buwan na ang nakalipas mula noong hinatid-sundo na siya ni Beast sa paaralang pinapasukan niya. Habang tumatagal feeling niya napaka-clingy na ni John. Sabagay sa ganda ba naman niya? Talagang dapat maging clingy ito dahil kung 'di e baka mawala ang isang nagngangalang si Khrystal sa tabi niya sa isang iglap. Napahawak na lang siya sa kanyang ulo dahil naalala niyang September 20, 2018 na ngayon. Ibig sabihin ngayon ang ikaapat na buwan simula ng ikasal sila noong June 20, 2018 at naging Mrs. Montecillo siya. Sabagay hindi rin naman sila nagse-celebrate kaya ayos lang. Normal day lang kumbaga sa mga “single”. Tumayo na siya sa kanyang higaan para maligo. Balak niya sanang maglakad-lakad sila ng daddy niya ngayon sa garden. Kaya gumising talaga siya ng alas-singko para hindi pa tirik ang araw sa
Read more
CHAPTER 13
“Seryoso Khrystal? Hindi mo talaga alam ang ibig sabihin ng tandang?” seryosong tanong ni John habang nakakunot ang noo. “Anong pakialam mo sa ibig sabihin ng tandang na ‘yan? Puwede ba mag-drive ka na lang at baka mabangga pa tayo! Saka labinlimang minuto na tayo nasa kalsada wala pa rin tayo sa pupuntahan natin,” napasimangot na lang siya pagkatapos niyang magsalita. Nagulat na lang siya nang bigla may dumampi sa mga labi niya na malambot at mamasa-masa. Iyon pala ay labi ni Beast ‘yon. Parang bigla tuloy uminit ang pakiramdam niya dahil sa ginawa ng lalaki. “Hindi ba sinabi ko sa ‘yo huwag kang sisimangot?” nakangiting sabi ni John na ikinainis niya. “E, ba-bakit nanghahalik ka? Close ba tayo para halikan mo ako?” sagot niya habang hindi mapakali sa kanyang kinauupuan. “Oo,” matapang na sabi pa ni Jo
Read more
CHAPTER 14
“It’s easy to fall in love. The hardest part is finding someone to catch you once you fall for the wrong person-anonymous  Ilang araw ang lumipas simula noong nag-date kuno raw sila ni Beast sa may Gateway Mall. Akala niya nga sisimangot lang siya no’n buong araw at masisira lang ang kanyang araw pero hindi pala. Kahit papaano ay may ka-sweet-an pala si Beast na natitira sa kanyang katawan kahit may pagka-bipolar siyang umasta. Nakatitig lang siya rito habang inaalala ang nangyari kagabi. Dire-diretso lang silang pumasok sa loob ng Savory. Nagtaka pa nga siya kasi karaniwan dito ay pipila pa muna dahil laging maraming kumakain, pero sila parang VIP pa dahil sa paraan ng pag-aasikaso sa kanila. Idagdag pang walang ibang customer ang nandito sa loob kung ‘di sila lang dalawa pati mga waiters at chef na nag-aasikaso sa kanila. Sabagay baka nga nirentahan ni Beast para sa kanilang dalawa ang esta
Read more
CHAPTER 15
UMAGANG-UMAGA ay masaya silang naglalakad ni Seb sa may hardin kasama ang asawa niyang si Beast pati ang kanyang daddy. Ito ang ginagawa nilang exercise tuwing umaga para maarawan at mas maging masigla pa ang daddy niya. Pakiramdam niya ay para silang masayang pamilya at parang anak namin nila si Seb. Mabuti na lang talaga ay napakabait na bata ng pamangkin ni Beast dahil hindi siya iyakin. Kaya hindi siya nahihirapang alagaan ito kahit wala pa siyang karanasan kung paano ang maging isang ina o mag-alaga ng kapatid.  “Khrystal, kailan ko kaya makikita ang apo ko sa inyo ni John?” nakangiting tanong ng daddy niya sa kanya habang nilalaro-laro nito ang daliri ni Seb. Pakiramdam niya ay nawalan siya ng dila dahil sa hindi siya mapakapagsalita. Hindi niya kasi alam kung ano ang isasagot dito. Nakaupo sila ngayon sa damuhan kung saan napapalibutan ng maraming puno kaya hindi gaanong mainit sa
Read more
CHAPTER 16
Isang linggo na rin ang lumipas simula nang ma-ospital ang daddy niya. Pakiramdam niya noong inatake ito ay magugunaw na ang kanyang mundo. Ang Daddy Drixx na lang kasi niya ang natitirang pamilya niya bukod kay Beast. Ang mga kamag-anak kasi nila bukod sa mga sakim sa kapangyarihan at pera ay baka gawin pa siyang mala-Cinderella ang buhay kaya ipinagpasalamat niya na hindi pa ito kinukuha sa piling niya.  Sabi pa nga ni Doc. Dela Rosa, "Malayong kunin agad ang dad mo ni God dahil sa para itong may pusa na may siyam na buhay. Mahirap kasi siyang patayin at pabalikin sa langit kahit tapos na ang kanyang misyon sa mundo dahil sa napakagandang niyang anak na dalaga."  Si Beast naman ay palagi siyang sinasamahan tuwing bumibisita sila sa dad niya. Siyempre hindi pa rin nawawala sa kanila ang pagiging aso't pusa nila. Talo pa nilang tubig at langis na pilit pinagsasama sa isang lalagyan pero hin
Read more
CHAPTER 17
“Ayos ka lang? Huwag ka ng umiyak nang dahil sa kanya. Matuto kang mag-move on malay mo hindi talaga kayo para sa isa’t isa,” nakangiting sabi niya habang nakatulalang nakatingin lang siya sa lalaki. “A-Alec? Ikaw ba talaga ‘yan o nanaginip lang ako?” tanong niya habang nakatingin lang kay Alec. Dahil sa gusto niyang siguruhing totoo ito ay lumapit pa siya kay Alec at kinurot ang dalawang pisngi nito. “A-ray na-man!” sabi ni Alec habang hawak niya pa rin ang kanyang pisngi. Huli na nang ma-realize niya na totoo ‘to kaya agad niyang binitawan ang pisngi nito. Pagkatapos ay lumayo siya ng limang hakbang mula sa lalaki. “So-sorry Alec, I thought hindi ka totoo kaya ko ginawa ‘yon,” natatarantang sabi niya habang hindi makatingin kay Alec ng diretso. “It’s okay, alam kong nagulat kita dahil sa biglaan
Read more
CHAPTER 18
Natapos na rin sila mag-exam sa tatlo nilang subject at ang masasabi niya lang ay na-drain ng husto ang kanyang utak tungkol sa Marketing na ‘yan. Pero atleast worth it naman ang ni-review niya kahit na may asungot na lagi siyang binibuwisit. Kung hindi lang talaga makakatulong sa company nila ang kursong ‘to baka matagal na siyang sumuko. “Grabe ang hirap talagang magpa-exam ni Ms. Gia!” rinig niyang sabi ng mga kaklase niya partikular na si Sheron na kaninang sumenyas na nandiyan na ang kanilang professor. “Ano ka? Mas mahirap kaya ang exam ni Ms. Kassandra lalo na ang mga formula na dapat tandaan,” sabi naman ng isang babaeng tinatadtad ang mukha ng makeup habang nakatingin sa salamin at nagpupulbo. Mabilis ng lumabas ang mga kaklase nila palabas
Read more
CHAPTER 19
PAKIRAMDAM niya ay sisintensyahan na siya ng kasama niya dahil sa sobrang kabang nararamdaman niya. Alam niya na ipinangako niya sa kanyang sarili na maging matapang pero kapag ganyan ang itsura niya na parang kakainin siya ng buhay dahil sa sobrang inis ay para niya ng gustong bumili ng shield o tawagin si Thor para ipagtanggol siya. Pinagpapawisan at nilalamig siya habang nasa sasakyan siya ni Beast. Sa tanang buhay niya ngayon lang siya natakot ng ganito bukod sa mga napapanuod niyang “slasher” movie. “Bakit ba sobrang tagal mo? Ang tagal ko nang nandito sa kotse naghihintay sa ‘yo pero inabot ka ng isang oras wala ka pa rin!” galit na sabi ni John sa kanya habang nakatingin ang mga mata sa kalsada. “Ahh…Ehh…” sa sobrang kaba niya ay nakaramdam siya ng pagsakit ng ulo at panlalabo ng mga mata hanggang sa nakaramdam siya ng pagkahilo. “Be-Be
Read more
CHAPTER 20
Sa loob ng mahigit isang buwan na kanyang pagbubuntis ay naranasan niyang pagsilbihan siya ni Beast. Hindi na rin palaging nakasigaw o nagagalit sa kanya si Beast. Minsan kahit kasalanan niya ay iniintindi pa rin siya nito. Hindi na rin siya pumapasok sa university dahil ang payo ng doktor ay kailangang niyang hindi ma-stressed at nasa bahay lang siya hangga’t maaari. Kaya naisip ni Beast na huwag na muna siyang mag-enroll ngayong 2nd semester. Sina Danella at Shaira naman ay dumadalaw-dalaw na lang sa bahay para hindi raw siya gaanong mabagot. Ang daddy naman niya ay nakalabas na rin ng ospital kaya palagi siyang pumupunta sa kuwarto nito para bumisita at sinasabayan siya nitong magpaaraw sa garden tuwing umaga. “Good morning, asawa ko!” masiglang bati ni Beast sabay halik sa kanyang pisngi. “Good morning too, Beast!” nakasimangot naman na bati ni Khrystal. 
Read more
PREV
1234
DMCA.com Protection Status