All Chapters of Good Luck Charm: Chapter 141 - Chapter 150
157 Chapters
The Problem with Being Single Ch 1
Chapter 1 The problem with being single, is that all your paired friends keep running to you for advice.Pauwi na kami ng kaibigan ko’ng si Josh, nang biglang tumunog ang cellphone ko.“Ano to, unknown number?” naitanong ko sa sarili. Bilang na bilang lang kasi ang mga nakasave na numero sa telepono ko. Eksakto, sampu.Pinindot ko ang ‘accept’ at sinalubong ng maingay na ngawa!‘Ate Aveeraaaaa!!! Ayoko naaaaaa!!!’ tili ng matining na boses sa telepono.Agad ko’ng inilayo ang cell sa `king taenga.“Sino `to?!” Inisip ko kung sino ang kakilala ko’ng nakakatulig ang boses, maliban kay Josh. “Rome?”Lalong nagngangawa ang nasa kabilang linya.“Anong nangyari?” tanong ni Josh sa tabi ko.‘Kuya Josh!’ sigaw ni Rome sa kabilang linya. Tuluyan ko nang inilayo ang cell sa taenga ko’ng nagdurugo. ‘Bakit ba patay ang cell mo?! Ang yaman-yaman mo lagi kang lo-batt!’“Sorry, kausap ko kasi si Louie kanina...” dahilan ni Josh na minuminuto at
Read more
TPBS Chapter 2
Chapter 2 “Saan daw ba kayo magkikita?” tanong sa `kin ni Tito Rowel nang ibaba n’ya `ko sa tapat ng entrance ng NAIA.“Sa 'Starry Bucks Cafe' daw po, tito.”“O sige, i-text n’yo lang ako, ha?” Pumasok na ko sa airport at hinanap ang Starry Bucks. Palapit pa lang ako rito, nakita ko na si Rome na sumasalubong sa `kin.”Ate Aveeraaaa!” umiiyak ako nito’ng niyakap. Hanggang tiyan lang naman ang inabot n’ya sa `kin. Nakasuot n’ya ng hood, scarf at designer shades, lahat branded. Well, fashionista naman talaga ang isang `to na anak ng may-ari ng 'Blue Ridges International', isang sikat na clothing manufacturer.”O, ano na? Hindi ka pa tapos umiyak?” hinimas ko ang ulo n’ya, ”Handa ka na ba umalis? Sa kotse na tayo mag-usap.” Tumango naman s’ya at magkasama kaming bumalik sa cafe para kunin ang mga gamit n’ya. ”Eh?” napatunganga s’ya sa mesa malapit sa pinto. ”Ano `yun?” Tumingin s’ya sa ilalim ng mesa, sa gilid, a
Read more
TPBS Chapter 3
Chapter 3 Agad tumunog ang phone ni Rome. Pasimple ako’ng sumilip para basahin ang message dito. ‘Thank God ur safe!!!’Bigla ring nag-ring ang phone. Tumatawag naman ngayon si Jinn.“Hmph.” Agad `tong pinatay ni Rome. “Feeling mo kakausapin kita?!” Pinatay na n’ya nang tuluyan ang phone.At ngayon naman ay phone ko na ang tumutunog.Nanlaki ang mga mata ni Rome na napatitig sa `kin.“Sinabi mo ba’ng magkasama tayo?” tanong ko sa kan'ya.“H-hindi! S-sinabi ko lang na nakauwi na `ko!” sagot ni Rome na pulang-pula ang mukha. ”Don’t answer it!” sigaw n’ya, natulig nanaman tuloy ang taenga ko!”Hello?” sagot ko sa phone habang nakatitig kay Rome na namimilipit sa tabi ko. ’Hello? Aveera? Kasama n’yo si Rome? Kasama n’yo si Rome, ano? Patay cell ni Josh, eh!”“Porket patay cell ni Josh, kasama na namin si Rome?”’Kita mo, kasama n’yo nga si Rome!!!’ pilit ng makulit sa kabilang linya. Patayan ko kaya s’ya? 
Read more
TPBS Chapter 4
Chapter 4 Umakyat na nga kami sa kwarto ko sa 4th floor. Pataas kasi ang bahay namin hangang 5th na roofdeck. Ang lupa kasi rito, pag-aari pa ng lelong namin mula panahon ng mga hapon. Dati parang barong-barong na lang ito, sira-sira na ang mga bintana’ng capiz, inaanay na ang mga halige, at tagpe-tagpe na ang bubong, pero sinuwerte ang tatay ko sa lotto, at naging overnight millionaire ang aming pamilya. Eight years old ako noon, ang kapatid ko pa lang, si Alvin na five years at si Albert na two. Kaya nga sanay kami sa hirap, kahit paano. Nagtayo sila papa noon ng sariling construction company at ng mga hardware stores, nabili pa nila ang isang bahay at lupa na katabi namin, at ngayon, eto kami, ang pinaka malaki at mataas na bahay sa lugar namin.Well, at least, sarili ko ang buong 4th floor dahil tinatamad umakyat ang pamilya ko ng 4 sets of stairs. “Doon ka matutulog sa bakanteng room sa tabi ng kwarto ko.” sabi ko kay Rome habang paakya
Read more
TPBS Chapter 5
Chapter 5 “Wow! Congrats kuya Josh!” tili ni Rome na tinalon ang kaibigan namin, “You’re so lucky talaga! Congrats sa inyo ni atorni!” “You’re welcome!” sagot ni Louie na pinaghiwalay ang dalawa. “Buti at nakapunta kayo kahit late na?”  ”Naku, atorni, for our best buddy? Anything!” sagot ni Rome na muling yumakap kay Josh. Sumasama na ang tingin ni Louie sa kanya.“Thank you, Rome! At buti mukhang okay ka na?” tanong ni Josh dito.”Naku, noh, ang mga lalaking tulad ni Jinn, hindi dapat iniiyakan!” Pero magang-maga ang mga mata n’ya.“Ano ba ang nangyari?” usisa ni Josh. “Sinaktan ka ba n’ya? Pinagpalit sa iba? Nahuli mo ba s’yang may ibang kasama?” “Ay nako, masaya ang event, ha?” singit ko. ”`Wag mo nang pasukan pa ng drama!” “Oo nga, kuya Josh, this is your special day! Kaya `wag na nating pag-usapan ang bwisit na Jinn na `yun. Basta, ngayon, happy ako, at ayoko na s’yang makita.”“Ngayon lang,” singit ko.“Oo
Read more
TPBS Chapter 6
Chapter 6”Ano, kasya ba `yan sa `yo?” tanong ko kay Rome na nagpalit ng hiniram kong t-shirt at kansonsilyo kay bunso. ”Oo, okay na to!” itinupi lang n’ya ng kaunti ang sleeve ng shirt.”So,” tanong ko `uli, ”nakapag-isip ka na ba?” Napatingin sa `kin si Rome na umupo sa tabi ko sa kama. ”Oo... naisip ko nga... may point din naman si Jinn... mukhang masama naman talaga ugali nung Snow na `yun, eh, buti nga hindi ako sumama sa kanya, nagpahatid lang ako papuntang airport.””Teka,” napatitig ako kay Rome. ”Nagpahatid ka sa kanya papuntang airport?””Oo, wala daw kasing sasakyan na dumaraan sa resort namin, eh, may kotse s’ya kaya...””At sumakay ka sa kotse n’ya?””Oo, kaming dalawa lang naman, eh...””And you think that’s better? Kayo lang dalawa? Isang alpha a
Read more
TPBS Chapter 7
Chapter 7 Naabutan naming naglalaro pa ang tatlo. Leading ang team nila, at kitang-kita ang matatangkad ko’ng kapatid, lalo na si Andrew na mukhang malapit na `kong lampasan.”Ang galing ng mga kapatid mo! Wala ba sa kanilang alpha?” tanong ni Rome.”Wala. And I hope they stay that way,” sagot ko, “`Yan pa nga lang mga beta, eh, ang sasakit na sa ulo, pano pa kung may lumabas d’yang alpha o omega.”“Feeling ko si bunso baka maging alpha, same vibes s’ya nina kuya, eh.”“Ugh, God forbid. Lalong lalaki ulo n’yan kung sakali.”Natawa si Rome at sandaling natahimik. “Ikaw, ate Aveera, `di mo ba naisip ni minsan na sana naging iba ang gender mo?”“Hindi ako tibo,” agad ko’ng sagot. Muling natawa si Rome.“No, I mean, kung sakali lang naman...”“No,” diretso ko’ng sinabi, “Masaya ako sa kung ano ako ngayon, kuntento ako’ng maging babae’ng tikbalang.”Ang lakas ng tawa ni Rome, pati tuloy ako natawa sa sinabi ko.”Ate Aveera talaga! Nakaka
Read more
TPBS Chapter 8
Chapter 8 Matapos kumain ay masayang naghintay si Rome sa pagdating ng lover boy n’ya. Pumwesto s’ya sa may terrace namin sa second floor, kapit ang cellphone n’ya. Pero pababa na ang araw, wala pa rin si Jinn.“O, iho, merienda ka muna!” tawag sa kanya ng nanay ko na may dalang isang platter ng turon.“Salamat na lang po, busog pa `ko...” matamlay na sagot ni Rome.“`Di pa ba nagte-text si Jinn?” tanong ko rito.“Last n’ya `yung kanina na nakauwi na s’ya,” ngumuso s’ya sa `kin. “`Di kaya nakatulog `yun?”“Posible, malamang pagod `yun kakahanap sa `yo, tapos byahe pa, at s’yempre nag-ayos pa `yun pagkauwi at nagbalita sa nanay n’ya sa nangyari.”“`D-di kaya s’ya nagkasakit?” nag-aalalang tanong ni Rome.”Posible rin.” Namutla ang mukha ni Rome.`Yan, tama, makunsensya ka naman paminsan-minsan para next time, you think before you act. Hindi pwedeng lagi mo lang iniisip na ikaw ang laging kawawa. The world does not rotate around you. Hindi lang ikaw
Read more
TPBS Chapter 9
Chapter 9 ”Nako, eh, sira-ulo pala `yang syota mo, eh!” sabi ni Albert, ”Dapat pala, inubos mo mga tanim ni mama, baka kunsakali matamaan mo s’ya!””Anong matamaan, eh, ang lalayo ng bato ni kuya Rome!” tumatawang sabi ni Alvin, ”Type mo pa rin, eh, `no? `Di mo masaktan? Aminin!” “May punto rin naman `yung jowa mo, eh, wala rin ako’ng tiwala kay Star! Kahit sa mga labas n’ya `pag ume-extra s’ya sa TV, kung `di s’ya mayaman na mayabang, eh, basagulerong tambay ang role n’ya!” sabi ni Andrew.“Pero imbes na magalit, dapat nag-usap na lang muna kayo,” payo ni papa, “Paano kayo magkaka-ayos kung uunahin mo ang galit?”“Tama, iho,” si mama. “Pati tuloy `yung mga halaman ko nadamay sa away n’yo...”“S-sorry po talaga, tita...” sumisinghot na sagot ni Rome, “kasi naman... sa dinami-raming kantang pagpipilian, `yun pa ang naisipan n’ya!”“Nya-ha-ha-ha-ha! Oo nga, eh! Insulto!” gatong pa ni Albert.“Well, given na bobo talaga si Jinn sa ganyang bagay, a
Read more
TPBS Chapter 10
Chapter 10Nakaupo na sa isang mesa ang mommy ni Rome nang dumating kami sa cafe. Nakakapagtaka, naunahan pa n’ya kami na halos walking distance lang ang layo rito.Tumayo s’ya nang makita kami at itinipa ang mga braso para yakapin ang anak n’yang nag-aalangan lumapit sa kanya.Maganda s’ya, artistahin, walang kakulu-kulubot sa makinis n’yang mukha, `di mo iisiping dalawa na ang anak. Hanggang balikay ang light brown na buhok nito na mukhang bagong cellophane at naninilaw ang katawan sa suot na mga gintong accessories. S’ya ang tipong babae na pag nakita mo, alam mo’ng mayaman at `di mo ma r-reach, also, hindi papayag na makanti mo man lang. Kitang-kita naman sa dalawang bodyguard na nasa tabi n’ya, maliban kay kuya Jun sa likod na masama ang tingin sa `kin. “Mommy! I’m so sorry...” `yun ang unang-unang sinabi ni Rome, at doon pa lang, alam ko, talo na kami.“It&
Read more
PREV
1
...
111213141516
DMCA.com Protection Status