Lahat ng Kabanata ng If It's Wrong To Love You: Kabanata 11 - Kabanata 20
30 Kabanata
Chapter 10
HINDI mapakali si Kaye sa kinauupoan. Magkaharap sila ni Earl na kumakain ng hapunan. Nag-order na lang ito ng pagkain na kanilang pinagsasaluhan kahit pa nga marami nang stock na pagkain. Ayon dito ay next time na lang siya magluto. Gusto sana niyang magluto e kaso tumanggi ito. Habang kumakain ay panay ang lihim niyang pagsulyap dito. "Hindi man lang nagdamit ang lalaking ito! Inilalantad talaga ang abs niya, akala yata'y mahuhumaling ako, tss. May pabukol pa ng muscle, duh!" Ngumiwi siya sa salitang lumabas sa isipan. "Something wrong?" Napamulagat siya, "P-po? W-wala po ah!" naiiling niyang tugon at malaki ang ginawang kagat sa hawak na pizza. Ngayon lang siya nakakain ng pizza, sa probinsiya kasi nila ay hanggang fried chicken lang ang kinakain nila. "Kung may kailangan ka, huwag kang mahiyang magsabi. Hindi ako magdadalawang-isip na ibigay sa iyo kung anuman iyon," litanya lang nito.Namula ang magkabilang pisngi niya sa narinig, idagdag pa ang paraan ng pagkakatitig nito sa
Magbasa pa
Chapter 11
TITIG na titig si Kaye sa kaharap. Ganadong kumakain ito ng almusal na inihanda niya. Matapos siyang sermunan nito'y mabilis na umupo sa harap ng mesa at sinimulan ang pagkain. "Senirmunan ako tapos kakain din pala. Tsk! May sayad yata ang taong ito," naghuhumiyaw na sabi ng isipan niya. "I'm full," sabi nito habang nagpupunas sa bibig. "Maliligo na ako, maaga pa ang meeting ko." Tumayo na ito't nagtungo sa silid. Habol-tingin siyang nakanganga. "May menstruation siguro iyon. Pabago-bago ng ugali. Tsk."Naghuhugas na siya nang lumabas sa silid si Earl. Bago ito tuloyang lumabas ng condo ay nagpaalam muna sa kanya. Binilinan din siya nito, "In case na may mangyari, tumawag ka lang sa akin at huwag ka munang lalabasTumango na lang siya. Pagkalabas ni Earl ay ipinagpatuloy na niya ang paghuhugas. "Teka, nakalimutan kong itanong kung lilinisin ko ang kuwarto niya!" naibulalas niya. Pumunta siya sa harap ng pinto. "Kapag naka-lock, hindi ko lilinisin." Huminga siya ng malalim at pinihi
Magbasa pa
Chapter 12
Warning; SPG alert. NAKATULONG kay Earl ang masaheng ginawa ni Kaye. Nang oras na iyon ay maayos na ang pakiramdam niya ngunit hindi pa rin siya mapakali sa higaan. Bilin sa kanya ay huwag munang maliligo pero iyon ang isang paraan upang maibsan ang init na nararamdaman. "Hayst!" Bumangon siya't nagtungo sa pinto. Sumilip lang siya sa labas at muling lumapit sa higaan. "What I'm gonna do?" Padapa siyang nahiga. Makaraan ang ilang minuto ay tumihaya na siya. Itinutok ang mata sa kesame. Nanumbalik ang sandali nang una niyang nakilala si Kaye. Nakita niya ang picture nito na ipinakita ng lalaking nakausap niya sa bahay-aliwan, doon pa lang ay tila tinamaan na siya rito. Kahit may tama siya ng alak nang gabing iyon ay alam niya, ramdam niya na humanga na siya rito. Kahit labag sa kalooban, pilit niya itong inangkin at ginawa ang lahat para siya lamang ang tanging lalaking gumalaw dito. Binayaran niya ng malaking halaga ang may-ari ng bahay-aliwan para rito, na tanging siya lamang ang
Magbasa pa
Chapter 13
PATIHAYA, naka-upo, nakatagilid at kung minsa'y tutuwad, iba't iba ang posisyon ni Kaye habang kausap si Earl sa telepono. Nasa kabilang silid lang ito pero tumawag pa at habang kausap niya ito'y kilig na kilig siya sa mga pa-sweet nitong salita. Sweet message pa lang nito'y parang mamatay na siya sa sobrang kilig. Sa silid nito siya pinapatulog ngunit tumanggi siya, bagama't pumayag ito'y ramdam niya ang labis na pagkadismaya nito. Gusto niya itong makasama't makapiling, sa bawat oras, minuto na dumaraan ngunit may bahagi ng kaniyang pagkatao ang pumipigil. Hindi niya alam kung bakit at ang kung ano ang dahilan. "Sweetheart," paulit-ulit ang salitang iyon sa isipan ni Kaye. Katatapos lang nilang mag-usap, ang cellphone niya'y nasa kaniyang dibdib at ang mata niya'y nakatutok sa puting kesame. Nakapaskil din ang matamis na ngiti sa labi niya. Sweetheart, iyon ang tawag sa kanya ni Earl, ang katagang halos magpa-ihi sa kaniya dala ng kilig na nararamdaman. Nanunuot iyon sa kaibuturan
Magbasa pa
Chapter 14
NAGING masaya ang relasyon ng dalawa at wala nang mahihiling pa si Kaye, binigyan siya ng guwapo, mabait, mapagmahal at bunos na ang pagiging mayaman ng boyfriend niya. Hindi siya nito nakaliligtaang bigyan ng bulaklak at kung minsan ay pinapadeliver pa nito. Araw-araw din siyang kinikilig dito. Paminsan-minsan ay lumalabas din sila. Nakilala na rin nito si Pinky, na tulad niya ay kinikilig din kay Earl.Mag-isa ngayon siya sa condo, maagang pumasok si Earl at kapag mag-isa siya'y inaabala niya ang sarili sa paglilinis at kung anong gawain ang inaatupag niya. Kahit nalinisan na niya ang bawat sulok ng unit ay inuulit niya para lamang hindi mapansin at mapadali ang takbo ng oras. May sabik sa kanyang puso ang muling pagbalik ni Earl. "Hmm, ano kaya ang masarap para sa hapunan?" tanong niya habang pinagmamasdan ang loob ng freezer. Nang maisip na kung ano ang lulutoin ay agad niyang inilabas ang karne, inihanda ang mga sangkap kahit alas-tres pa lang ng hapon. Habang naggagayat ng mga
Magbasa pa
Chapter 15
"PARAUSAN mo lang ba ako, Earl?""Of course not, sweetheart. Mahal kita. Mahal na mahal--""Sinungaling!" putol niya agad. "Kunsabagay, isa nga lang pala akong parausang babae, hindi ba? Binayaran mo nga ako sa bahay-aliwan, 'di ba? Ang tanga ko naman kasi napaniwala mo ako. Sino ba namang lalaki ang iibig sa akin, e ang dumi-dumi ko." Tila kutsilyong tumarak sa dibdib niya ang mga katagang binitiwan niya. Nakagat pa niya ang pang-ibabang labi upang pigilan ang paglakas ng iyak. "No, sweetheart. Mali ka ng iniisip mo. Kailanman ay hindi ko inisip ang dati mong trabaho. Para sa akin, malinis ka. Hindi mo kasalanan kung--""Sinungaling!" muling sigaw niya. Ayaw niyang paniwalaan ang sasabihin nito. Ayaw niyang pakinggan ang dinidikta ng kaniyang puso, mas nanaig ang galit na isinisigaw ng isipan niya. Tumakbo siya patungo sa silid at doon ay nagkulong. Nasasaktan siya nang sobra dahil mahal na mahal niya ito. Inialay niya ang buong pagkatao rito, pati na rin ang kaniyang kaluluwa, nilo
Magbasa pa
Chapter 16
NAKA-UKIT sa labi ni Kaye ang ngiti paggising niya kinabukasan. Maingat siyang bumangon upang hindi magising ang katabi. Sa silid na niya ito natulog matapos ang mahabang aminang naganap nang nagdaang gabi. At, kahit hindi maganda ang nagdaang nangyari, mas napabuti pa iyon para sa kanya. Nalaman niya kung gaano siya kamahal ni Earl. Umupo siya sandali sa gilid ng kama upang mapagmasdan ang maamong mukha nito. Hindi niya hangad ang kayamanan nito, sanay siya sa hirap at kahit sino pa ito ay mamahalin niya ng buong puso. Maghihintay siya sa pangako nito. Ayon dito ay payag si Sandra na ipa-annul ang kasal ng dalawa. Kakapit siya sa binitiwang salita nito dahil iyon ang nararamdaman niya, dahil iyon ang isinisigaw ng puso niya."Mamaya ka na bumangon," paungol na sabi ni Earl. Gising na pala ito."Sweetheart, magluluto pa ako ng almusal natin. Papasok ka, 'di ba?" "Mamaya na, hindi pa ako gutom.""Sweetheart--ay ano ba?!" tili niya nang sapilitan siya hilahin ngunit gusto rin niya. Bum
Magbasa pa
Chapter 17
NAPATIIM-BAGANG si Earl matapos nilang mag-usap ni Sandra at simula nang umalis ang huli'y hindi na mawala-wala ang galit sa mukha niya. Naging aborido at mainitin ang ulo. Kaunting pagkakamali lang ng isang empleyado ay naninigaw na siya. Hindi niya matanggap ang sinabi ng asawa niya. Pahihirapan pa pala siya nito. "Shit!" mura ng isipan niya. "Why, Sandra? Why? Hindi ba't ikaw ang unang nag-suggest ng annulment, bakit ngayo'y biglang nagbago ang isip mo? Shit you!" angil niya na tila ba'y nasa harap niya ito. Naiisip niya si Kaye, paano na ito? Tiyak na magagalit ito sa kaniya. Well, magagawan naman niya ng paraan kung sakali, pero mukhang matatagalan. Gusto na niyang ibigay kay Kaye ang apelyido niya at para matapos na ang alalahanin nito. Alam niya at ramdam niya na iniisip nito ang tungkol sa asawa niya. He took a deep breath. Saglit pa ay pumasok si Jacob, ito ang Head of Finance sa company niya kaya madalas ito sa office niya. Madalas din siya nitong asarin lalo na kapag main
Magbasa pa
Chapter 18
MAY ngiti sa labi habang isinusuot ni Kaye ang damit na binili ni Earl para sa kanya. Nagyaya ang huli na lumabas sila, buong maghapon daw ay uubusin nila ang oras sa pamamasyal. Tinanong pa niya kung ano ba ang isusuot dito. Isang black sleeveless na inibabawan ng blazer at fitted jeans. Tinernuhan niya iyon ng black rubber shoes. Isinuot din niya ang necklace na regalo nito sa kanya. Malaya niyang tinitigan ang sarili sa ful length mirror na ipinagawa ni Earl para sa kaniya. Hindi naman niya iyon kailangan pero sadyang mapilit ang nobyo niya. Ibang-iba na siya ngayon, hindi tulad noong unang tapak pa lang niya sa siyudad. Hindi naman nagbago ang kulay niya, dahil natural na ang pagiging morena niya. Ang buhok niyang malapit nang umabot sa baywang, na dati-rati ay lampas balikat lamang. Nagsabi na siya sa nobyo na pababawasan niya iyon ngunit hindi ito pumayag. Mas bagay daw sa kaniya ang mahabang buhok.Natigil siya sa pagmumuni-muni nang biglang pumasok si Earl. Napangiti ito sa n
Magbasa pa
Chapter 19
NAKANGITI si Earl habang pabalik sa kainan. Nasa kamay niya ang isang maliit na kahon na may lamang singsing. Isang diamond ring ang kanyang napili na tiyak niyang magugustuhan iyon ni Kaye. Kung sakali na mapawalang bisa ang kasal nila ni Sandra, aalukin na niya ito ng kasal. Nakikini-kinita na niya ang mangyayari kung sakali. Ang kanina lamang ngiti ay unti-unting napawi nang matanaw si Sandra. Minadali niya ang paghakbang patungo sa kainan. At habang papalapit ay napagtanto niyang wala na roon si Kaye. Ang asawa na niya ang naroon at isa-isang tinitingnan ang mga damit na binili niya. Hindi siya pansin ni Sandra dahil abala ito sa pag-isa-isa ng mga damit. "What the hell are you doing?" mahina ngunit mariing tanong niya nang makalapit na rito. "Ow, nandito ka na pala, asawa ko!" Nilakasan nito ang pagbitiw ng salita upang marinig ng mga naroon. Hindi pinansin ni Earl ang mga nagbulongan sa paligid nila. "Anong ginawa mo kay Kaye?" Madilim ang titig niya rito. Yung tipong tingin
Magbasa pa
PREV
123
DMCA.com Protection Status