All Chapters of The Billionaire's Baby Maker: Chapter 41 - Chapter 50
60 Chapters
Chapter Forty One
Mabilis akong umayos ng pagkakatayo nang marinig ang sinabi ng babaeng bagong dating sa akin. Ako? Kabit? Kailan pa?“Miss, nagkakamali ka yata ng pinasukang baha—““What the fuck are you doing here, Margaux?”Naputol ang kung ano mang dapat na sasabihin ko nang magsalita si Preston. Lumapit siya papunta sa gawi namin at pumagitna sa aming dalawa ng babaeng sumampal sa akin. Kunot-noo ko siyang tiningnan. Margaux? Magkakilala silang dalawa?“Why are you asking me that question, Preston? Of course, nandito ako dahil bahay ko ‘to. Bahay natin ‘tong dalawa at hindi bahay niyo niyang kabit mo!”Tila naestatwa ako sa aking kinatatayuan nang marinig ang sinabi ng babae kay Preston. Naramdaman kong hinawakan ni Preston ang palapulsuhan ko ngunit hindi iyon sapat para pakalmahin ako. Bahay nila? Ibig bang sabihin…“Wala ka nang karapatan pa sa bahay na ‘to, Margaux. Noong umalis ka, sinabi ko na sa ‘yo na kahit kailan, hindi ka na makakatapak pa sa pamamahay na ‘to, naiintindihan mo ba?” se
Read more
Chapter Forty Two
Para akong tinakasan ng hininga nang marinig ang boses ni Chantal sa hindi kalayuan. Hindi ako nakagalaw at walang kahit na anong lakas ng loob na tumingin sa kaniya dahil sa labis na kaba. Nang tingnan ko ang dating asawa ni Preston ay agad na lumiwanag ang mukha niya at malapad na ngumiti sa anak. Kinagat ko naman ang aking ibabang labi at wala sa sariling bumitaw sa pagkakahawak ko sa braso ni Preston. Mukhang napansin ni Preston ang reaksiyon ko kaya’t agad niyang hinuli ang aking kamay at mahigpit iyong hinawakan. “Nandito pala si Chantal pero hindi ka man lamang nahiya na dalhin dito at ibahay ‘yang kabit mo. Wala ka na ba talagang galang at respeto sa amin ng anak mo, huh, Preston?” tanong ng dating asawa ni Preston sa kaniya kaya’t wala sa sarili akong nagbaba ng tingin. Alam ko naman na hindi ako ginawang kabit ni Preston dahil alam ko at malinaw naman na hiwalay na silang dalawa. Pero kahit na pagbali-baliktarin man ang mundo, nanay siya ni Chantal at isa pa rin silang p
Read more
Chapter Forty Three
“What? Chantal, nababaliw ka na ba talaga, ha?! Nagpapaniwala ka riyan sa babaeng ‘yan?”Pinunasan ko ang takas na luhang tumulo mula sa aking mga mata bago hinarap ang dating asawa ni Preston at walang emosyon siyang tiningnan. “Narinig mo naman yata si Chantal, hindi ba? Huwag mo nang pilitin ‘yong bata,” kalmadong sambit ko. Tinaasan niya ako ng kilay. “Ang sabihin mo, you brainwashed my daughter while you’re seducing my husband—““Ex-husband,” pagputol ko sa dapat ay sasabihin niya at tipid siyang nginitian. “Huwag mo naman sanang kalimutan ‘yong salitang ex. Mahalaga kasi ‘yon… unless hindi ka maka-move on.”“Ang taas na ng tingin mo sa sarili mo, ah? Bakit? Sino ka ba kumpara sa akin? You’re nothing without my husband, Miss. You’re just Chantal’s nanny… huwag mo rin iyong kakalimutan dahil mahalaga rin iyon. Ang mga Yayang katulad mo, walang karapatang magmataas sa mundo dahil katulong lang naman kayo! Akala mo kung sino ka na dahil lang nagustuhan ka ni Preston? Ang kapal nga
Read more
Chapter Forty Four
“Yaya Lyana, are you mad at me po?”Iyon ang unang itinanong sa akin ni Chantal matapos ang ilang minutong katahimikan sa pagitan naming dalawa. Kaaalis lamang ni Preston para kumuha ng tubig samantalang halos kanina pa at magkakalahating oras na mula nang mag-walk out si Jarvis at nagkulong sa kuwarto namin. Gusto ko sana siyang sundan at ipaliwanag ang side ko pero sabi ni Preston ay hayaan ko raw munang mapag-isa si Jarvis dahil iyon ang kailangan niya ngayon. Sabi niya ay pakalmahin muna namin ang isa’t-isa bago kami mag-usap. Ipinangako rin sa akin ni Preston na kakausapin niya mamaya si Jarvis para ipaliwanag ang lahat sa anak ko. Mukha namang hindi siya nagbibiro at sincere sa alok niya kaya’t hinayaan ko na. Mas mabuti pa ngang siya na lamang muna ang kumausap kay Jarvis dahil baka hindi ko rin lamang kayanin at umiyak na lamang nang umiyak.Nag-angat ako ng tingin kay Chantal at kapagkuwan ay marahang umiling bilang tugon.“Really, Yaya?” Mahinang tanong niya at ilang beses
Read more
Chapter Forty Five
Matapos ang ilang minutong pagpapahinga ay saka ko lamang napagdesisyunang tumayo at sundan sina Preston at Chantal sa itaas. Hindi ko alam kung bakit ba ako kinakabahan kahit na may tiwala naman sa dalawa—sadyang ganito lang siguro talaga kapag nanay ka. Bumuntong hininga ako at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa second floor. Mabibigat ang hakbang ko para bumagal ang paglakad ko. Hindi ko kasi alam kung anong madaratnan ko pagdating ko roon.Nang makatungtong ako sa second floor ay muli akong bumuntong hininga at tumigil sa paglalakad upang ikalma muna ang aking sarili. Natatakot ako—hindi. Kulang pa ang salitang takot para i-describe kung ano ang nararamdaman ko. Matapos kong maikalma ang aking sarili ay saka ako nagpatuloy sa paglalakad. Wala sa hallway sina Preston at Chantal kaya naman kahit papaano ay nakahinga ako nang maluwag. Pinapasok sila ni Jarvis. Tulad ng sinabi ko kanina, alam kong hindi matigas ang puso ni Jarvis at hindi siya nakakatiis lalo pa’t mahalaga sa kani
Read more
Chapter Forty Six
“Are you going to sleep on my room tonight, babe?”Napatigil ako sa paghahanda ng babaunin nina Chantal at Jarvis nang maramdaman ang pagyakap ni Preston sa aking baywang. Agad kong nalanghap ang matapang niyang pabango kaya’t napailing ako. Bahagya akong humarap sa kaniya at tinaasan siya ng kilay. “Kung gusto mong makipag-debate na naman kay Jarvis, huwag mo nang tanungin ‘yan,” natatawang sambit ko.Agad na humaba ang nguso niya at mas lalo pang inilapit ang kaniyang sarili sa akin. “You know what, kaunti na lamang talaga ay maiinis na ako…”“Kay Jarvis?”Umiling siya at bumuntong hininga. “No.”“Ha? Kanino naman? Sa akin?”“Come on, babe. Of course, hindi sa ‘yo,” reklamo niya at mas lalo pang sumimangot sa akin. Pinanliitan ko siya lalo ng mga mata. “Kung hindi sa akin at kay Jarvis, kanino ka maiinis?” Muli siyang nagpakawala ng malakas na buntong hininga at itinaas ang aking baba upang mas maobserbahan niya ang aking mukha. Napalabi naman ako dahil sa ginawa niya ngunit akal
Read more
Chapter Forty Seven
“I’ll just follow you later, all right? Mauna ka na sa pagsundo kina Jarvis at Chantal tapos susunod nalang ako.”Nag-angat ako ng tingin kay Preston nang halikan niya ang pisngi ko. Humarap ako at napansing hindi pa rin ayos ang neck tie niya kaya naman umayos ako ng tayo upang ayusin iyon. Hindi kasi siya masiyadong magaling sa pag-aayos ng necktie niya kaya parang naging trabaho ko na rin iyon.Marahan akong tumango. “Okay. Basta sumunod ka, ha? Wala akong pera, baka magpalibre na naman ‘yong mga ‘yon sa akin,” sambit ko.Natawa siya kaya’t tinaasan ko siya ng kilay. “Oh, come on, babe. Sa akin lang naman nagpapalibre ang dalawang iyon lalo na si Jarvis. Alam niyang marami akong pera kaya ayan, nakahanap na naman ng panibagong dahilan para inisin ako,” umiiling na reklamo niyo.“Talaga? Gumagana naman ba? Naiinis ka?”Malakas siyang bumuntong hininga at muling umiling. “Nah. I kind of like it actually. Mas mabuti at maganda na nga na iniinis niya ako dahil mas lalo lang kaming npap
Read more
Chapter Forty Eight
“Gusto ko lang na malaman mong sumama ako sa ‘yo rito hindi para mabrainwash mo ako na hiwalayan si Preston at umalis sa bahay. Sumama ako dahil hindi naman ako bastos para hindi ka pansinin at hindi pakinggan ang side mo,” mahinahong sambit ko matapos naming umupo sa upuan.Malakas na bumuntong hininga si Margaux dahil sa sinabi ko ngunit taas noo ko lamang siyang tiningnan. Tumingin ako sa suot kong relo bago muling nag-angat ng tingin sa kaniya. “Kung ano man ang sasabihin mo, kung puwede sana ay pakibilisan. Mayamaya na lamang ay lalabas na sa school sina Chantal kaya kailangan ko silang sunduin.”“Mahaba ang ikukuwento ko kaya huwag mo akong madaliin.”“E ‘di paikliin mo,” pamimilosopo ko pa at tinaasan siya ng kilay.Mula nang pumunta siya sa bahay ay hindi na siya muli pang bumalik na siya namang ikinalungkot ko—oo, ikinalungkot. Medyo nagsisi kasi ako dahil hindi ko siya nilabanan kaagad noon at nanatili akong takot kahit na wala naman pala akong dapat pang ikatakot.Hiwalay n
Read more
Chapter Forty Nine
“Babe…”Humarap siya sa kinatatayuan ko at nanlalaki ang mga matang tumingin sa akin. Pinilit ko namang manatiling kalmado habang pinipigilan ang sarili kong ikuyom ang aking kamao dahil sa inis.“Totoo nga?” tanong kong muli.Ibinaba niya ang hawak na telepono sa lamesa niya bago dali-daling lumapit sa akin. Hinawakan niya ang dalawa kong kamay samantalang walang emosyon ko naman siyang tiningnan. “K-Kanina ka pa rito? I already picked up Chantal and Jarvis and you weren’t there so I—““Sumagot ka sa akin, Preston. Narinig ko ang sinabi mo kanina,” pagputol ko sa kung ano mang dapat niyang sasabihin bago ako muling humugot ng malakas na buntong hininga. “Anak mo nga sa ibang babae si Chantal?”“Babe…”Umiling ako nang hindi niya sinagot ang tanong ko. Pilit kong iwinaksi ang dalawang kamay ko na hawak niya ngunit kahit na anong pilit ko ay hindi niya iyon binitiwan.“Isa lang ang gusto ko, Preston. Sabihin mo sa akin kung tama ang narinig ko o hindi. Anak mo ba si ibang babae si Cha
Read more
Chapter Fifty
“Mama, magkaaway po ba kayo ni Tatay?”Tumigil ako sa pagsusuklay ng buhok ni Chantal nang marinig ang tanong ni Jarvis. Nakabihis na sila at nakahanda na sa pagpasok sa school kaya naman inaayusan ko na ng buhok si Chantal.Napalunok ako bago humarap sa kaniya. “Hmm? Bakit mo naman nasabi ‘yan, ‘nak?” tanong ko at tipid siyang nginitian upang itago sa kaniyang nagsisinungaling ako.“Kasi po, Mama, hindi mo siya ni-kiss kanina saka ‘di kayo nag-hug bago po tayo kumain.” Sa pagkakataong iyon ay si Chantal na ang sumagot ng tanong ko kay Jarvis.Malakas akong bumuntong hininga at nagpatuloy na lamang sa pag-aayos ng buhok ni Chantal. Ganoon ba talaga kami kahalata ni Preston? Wala sa sarili akong napailing at kinagat ang aking mga labi.“Mama, inaway ka po ba ni Tatay?”Agad akong umiling at ibinalik ang aking tingin kay Jarvis matapos marinig ang sinabi niya. “H-Hindi. Bakit naman ako aawayin no’n? Hindi, ‘nak. Hindi kami magkaaway, okay?” Mabilis na pagtanggi ko sa kaniya.Pinanliitan
Read more
PREV
123456
DMCA.com Protection Status