All Chapters of Meant to be Yours : Chapter 71 - Chapter 80
95 Chapters
Chapter 71
“A-anong ginagawa mo dito Fien?” tanong ni Tracy sa asawa na naroon din sa sulok ng bakuran na kinaroroonan niya. Hindi niya malaman kung sinadya ba siya nitong sinundan sa nasabing lugar. Kaya pala parang naiba ang boses ng kumakanta ng isang awitin na iniiwasan niyang mapakinggan.Nakalagay pareho ang mga kamay nito sa baywang. Sa mumunting liwanag na galing sa poste ng ilaw, nakikita niya ang blangkong ekpresyon ng mukha nito. “You’re not just my wife my dear, tandaan mo, personal assistant din kita. Nakita kitang umalis sa loob ng bahay, kaya sinundan kita. Malay ko ba kung bigla ka na lang umalis.”Pasimple niyang pinahid ang mga luhang naglandas sa pisngi niya. “At natakot kang iwanan kita, habang ako ay n-nasanay nang iwanan mo. Ganyan ka pa rin Fien, masyado kang mapanakit. Hindi ko alam kung hanggang kailan tayo magiging ganito.”Kitang-kita niya ang pagsasalubong ng kilay nito. At saka lang niya napagtanto ang sinabi niya na itinulak ng bugso ng damdamin niya. Huli na para b
Read more
Chapter 72
NANGILABOT si Tracy nang palakpakan siya ng board matapos niyang mag-present sa harap ng mga ito. Bakas sa mga mukha nito ang satisfaction na ginawa niya para kay Fien. Nagpipigil ang mapaluha na tinanguan siya ng mga ito.“I am proud of you my dear daughter,” si Rolando na nilapitan siya saka masuyo siyang niyakap. Flattered na napatugon din siya ng ganoong aksyon sa ama niya. Isang patunay na may ibubuga na rin siya sa bagong mundo na mayroon siya.Kasinglambot na malambot na alpombra na nakalutang sa alaapaap ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. Sa pagkalas ng yakap sa kanya ng Daddy niya, isa-isa siyang kinamayan ng board. Wala na doon si Fiel dahil biglaan itong umalis sa conference hall para isang mahalagang tawag na natanggap nito.Nang siya na lang ang naiwan sa loob ng hall, niligpit at kinuha na rin niya ang mga gamit niya. At saka lang niya naisipang sipatin ang cellphone niya.Kinabahan siya nang makita ang mahigit one hundred missed call. Galing lang iyon sa iisan
Read more
Chapter 73
“F-FRANK?” hindi makapaniwalang sambit ni Tracy nang makilala niya ang lalaking lumapit sa kanya sa kainan na pinuntahan nila ni Fien. Isang simpleng t-shirt at pantalon ang suot nito at nangayayat ang katawan ng dating kaibigan. Napatayo siya saka hinarap ito. “Hindi ko alam kung anong kamalasan na naman ang dadalhin mo sa buhay ko.”Bumalatay sa mukha nito ang matinding pagka-guilty. Kahit hindi niya diretsahing tukuyin ang laman ng isip niya, alam niya na alam na alam nito ang dahilan. “Kay tagal kong hinintay ang sandaling ito na magkita tayong muli Tracy.”Mabilis na dumapo sa isang pisngi nito ang isang kamay niya. Nanlisik ang mga mata niya sa pagkakatingin niya dito. Ang sugat sa puso niya na hindi pa naghihilom, ngayo’y muling umaantak. Nagsimulang rumagasa ang mga likido sa bintana ng kaluluwa niya. Ang dapat sana’y matamis na sandali na pagkikita nila ay napalitan ng kapaitan. “Ang sakit-sakit ng ginawa mo sa akin Frank, nagtiwala at itinuring kitang kapatid pero nagawa mon
Read more
Chapter 74
NAGISING si Tracy na nasa isang silid dulot ng pagtama sa mukha niya nang pumapasok na sinag na araw. Nakahawi na ang kurtina sa may bintana na nagbigay liwanag sa kinaroroonan niya. Alam niya na nasa magandang beach house siya na pag-aari ni Fien sa Pagudpud.Bigla niyang naalala ang asawa, napatingin siya sa kalahating bahagi ng malambot ng kama na kinahihigaan niya. kapansin-pansin na hindi nagalaw ang unan na naroon at maging ang isang kumot na maayos pa ring nakatiklop.Ibig sabihin ay mag-isa siyang natulog sa lumipas na magdamag. Masyado siyang naapektuhan sa mga nangyari at nalaman niya kahapon. Mga katotoahanang nalaman niya kay Frank. May linaw na ang lahat pero hindi pa rin nakakalaya ang puso niya sa sakit na idinulot n’on sa buhay niya.Akmang babangon na sana siya pero bigla siyang natigilan. Napangiwi ang mukha ang mukha niya sa pagsigid ng sakit sa ulo niya. naroong nangaligkig pa ang buong katawan niya nang tinangka niyang alisin ang kumot na nakabalot sa kanya. Napab
Read more
Chapter 75
I’m sorry Tracy. Patawarin mo ako.Paulit-ulit na naglaro sa pandinig ni Tracy ang mga binitiwang salita na iyon ng asawa. Mga kataga na matagal niyang inasam n asana sabihin nito. Ibig sabihin lang, naniniwala ito sa katotohanan. Nabuksan din ang isipan nito sa sinabi ni Frank.Magsasalita sana siya para tugunin ang paumanhing iyon ni Fien, pero may lamig na sumigid sa kalamnan niya. Ang naging dahilan para mangaligkig na naman ang buong katawan niya. gumalaw-galaw ang ibabaw ng kumot na gamit niya dulot ng nangyayaring iyon sa kanya. Nakagat niya ang ibabang labi.“Are you alright?” nag-aalalang tanong ni Fien sa kanya na napansin ang pangangatal ng mukha niya.“N-ni-l-lamig a-ako,” nanginginig niyang sabi dito.Sinalat nito ang noo niya hanggang sa hinila nito ang laylayan ng kumot niya. nakisukob pala ito ito sa naturang malaking tela at naramdaman niya ang init ng katawan nito.Iginiya nito ang katawan niya papatagilid sa kabilang bahagi ng kama. Hanggang sa naramdaman niya na ma
Read more
Chapter 76
“THANK you Mr. and Mrs. Chua for entrusting your property to us.” Kinamayan ni Fien ang mag-asawang na parehong nasa kalagitnaan na ang edad. “I am very glad for having a smooth transaction with you.”“Mas maswerte ang inyong kompanya Mr. Montagne,” sabi ni Mr. Chua. “Sa dami ng developer na lumapit sa amin, kayo lang ang nagbigay ng reasonable offer sa aming lupain dito sa Pagudpud.”Bumakas sa mukha ni Fien ang pagka-flatter. “I’m glad to heard that. Kaya nga nang sabihin ninyo na ipagbibili na ninyo agad ang property ninyo, agad kong ipinahanda ang deed of sale and other document.”“We’re planning to stay for good in US,” sabad naman ni Mrs. Chua. “Sabi ko nga dito sa asawa ko, kaysa maging tiwangwang ang lupa namin ay mas mabuti pang ibenta na lang.”Masayang nakikinig at pinagmamasdan ni Tracy ang tatlong tao na magkakausap. Naroon sila sa terrace ng bahay ng mag-asawa kung saan nagka-pirmahan na ng bilihan ng malawak na lupa. Kahit siya ay humanga rin sa magandang spot na nakuha
Read more
Chapter 77
SA paghakbang ni Tracy sa several steps patungo sa grotto na matatagpuan sa Paraiso ni Anton, ramdam niya ang pagsunod sa paglakad niya ni Fien. Nanatili lang siyang tahimik habang tinatanaw niya ang pakay niyang mapuntahan. Balewala sa kanya ang pagdampi ng init ng araw sa balat niya. Parang musika na naaliw siyang pakinggan ang lagaslas ng tubig sa kabilang bahagi ng hagdang inaakyat nila. May mallit kasing falls kasi doon at ang tubig ay malayang dumadaloy sa may burol.Matapos nilang malagpasan ang traffic na dulot ng pagkasunog ng isang restaurant, walang pasabing nagmaneho si Fien patungo sa isa sa tourist spot na ‘yun sa Pagudpud. Hindi naman siya nag-usisa sa ginawa nito at nakisakay na lang siya sa nais nitong puntahan.Hindi pa rin mawaglit sa isip niya ang reaksyon ng mukha nito sa huling sinabi niya. Ang may kapaitang mga salitang binitiwan niya dahil sa isang malungkot ng kahapon. Hindi ito umimik pero halatang nabaghan sa narinig mula sa labi niya.Hanggang sa nakarating
Read more
Chapter 78
“WOW, congratulation sa inyong dalawa.” Kinamayan pareho ni Adora sina Tracy at Fien. Mababakas sa mukha nito na hindi makapaniwala. “Aba’y hindi ko akalain na magkakatuluyan pala kayo eh.”Napatingin siya sa asawa at may alanganing ngiti na gumuhit sa labi niya. tumingin din sa kanya si Fien. Nagtama ang kanilang mga paningin at kinindatan pa siya.“Maging ako man Manang, siguro ay kami talaga ang para sa isa’t isa,” tugon ni Fien sa muling pagbaling nito sa matandang babae.Naramdaman niya ang pagpisil ng kamay ni Fien sa balikat niya na may nagsasaad na magsalita siya. “Ah oo nga po Tiya Adora. Akala ko nga rin ho ay hanggang dito lang sa Pagudpud ang pagtatagpo namin.”Tumingin siya sa mukha ng asawa at nakita niya ang nagpipigil na ngiti sa gwapong mukha nito. Halatang inayunan naman ang dahilan na binitiwan niya.“Masaya ako para sa inyong dalawa,” masayang sabi ni Adora. “Kapag may time kayo ay daan kayo sa bahay. Ipagluluto ko kayo ng masasarap na ulam.”Pareho silang tumango
Read more
Chapter 79
EKSAKTONG alas-otso ng umaga nang makarating si Tracy sa headquarter ng Montagne Scapes. Mag-isa lang siyang pumasok ngayong araw dahil naunang umalis ng bahay si Fien. May importante daw itong imi-meet na tao para sa bagong project ng kompanya. Sasamahan sana niya ito pero pinigilan siya nito at sinabihan na lang na magkita sila sa opisina.Subalit ang bawat paghakbang ng paa niya ay nagsimulang bumagal. Nakadarama siya ng pagkailang dahil tila makahulugang tingin na ipinupukol sa kanya ng mga empleyado na nakakasalubong niya. Ang iba sa mga ito ay may kuryusidad na napapatingin sa kanya pagkakita sa presensya niya. Karamihan ay mga babaeng empleyado.Taas-noo pa rin siyang ipinagpatuloy ang paglalakad hanggang sa makasakay na siya ng elevator. At parang iisang mata na napatingin sa kanya ang lahat nang makita siya ng mga ito. Halatang may tinitingnan sa cellphone na hawak kasunod ang pa-simpleng pagbaling sa kanya.Pakiramdam niya ay may tsismis na kumakalat sa kompanya tungkol sa k
Read more
Chapter 80
“HINDI ko ini-expect na gagawin mo ‘yun, Fien,” sabi ni Tracy asawang boss nang makabalik na sila sa loob ng office nito. Isang oras na ang nakakaraan nang matapos ang conference. Ang ginawa nitong pagpapakilala sa kanya bilang asawa sa harap ng mga empleyado ng kompanya ang tumupok sa apoy na kumalat na tsismis kanila. Lihim namang nagbubunyi ang puso niya sa mga oras na iyon.Napatigil saglit sa tangkang pag-upo si Fien. Tumuwid muli ito ng tayo at tumingin sa kanya. “Because you are my wife and I’m your husband Tracy. Ginawa ko lang ang alam kong tama.”“I see, alam ko na nalaman mo rin ang rumor kanina,” aniya na naalala pa niya ang mga naramdaman niya kanina. Para siyang specimen sa pinag-aaralan ng mga mata ng bawat empleyado ng komapanya. Pero matapos siyang ipakilala nito as his wife, nabago ang tingin sa kanya. Nadagdagan ang respeto sa kanya ng mga ito bagama’t may ilang babaeng empleyado ang naiingit sa kanya.“Yeah, ‘yan ang ang una kong nabasa kanina sa internet.” Naupo n
Read more
PREV
1
...
5678910
DMCA.com Protection Status