Lahat ng Kabanata ng Meant to be Yours : Kabanata 61 - Kabanata 70
95 Kabanata
Chapter 61
“KAILANGAN bang humantong sa ganito ang lahat, Mom?” naghihirap ang kalooban na tanong ni Tracy kay Filomena. Saglit silang napagsolong mag-ina sa suite matapos lumabas sina Rolando at Fien. Mag-uusap ang mga ito ng lalaki sa lalaki. “Makikiusap ako kay Dad, na huwag akong ipagpilitang maikasal.”Malungkot na umiling si Filomena saka tinabihan siya sa pagkakaupo niya sa couch. “Kilala ko ang iyong ama hija, ang mga nasabi na niya ay hindi na niya binabawi. Batas ang bawat desisyong ginagawa niya.”“Pero Mom, aaminin ko po, may pagmamahal pa rin ako Fien,” kumirot ang puso niya sa isiping iyon. “At ayokong ma-force marriage siya sa akin. Kung magkakaayos man kami ay gusto ko na makinig siya sa paliwanag ko.”“Lumaki sa isang conservative na pamilya ang iyong ama,” saad muli ng ina niya. “Alam mo kung bakit kami napilitang maikasal kaagad noon, nahuli lang kami ng kanyang mga magulang na magkatabing natutulog sa kama ng bahay nila noon. At walang nangyari sa amin kundi nagpahinga lan
Magbasa pa
Chapter 62
“MA’AM Tracy, ang ganda-ganda n’yo po, isa kayo sa pinakamagandang bride na naayusan ko,” humahangang sabi ng baklang make-up artist na si Ronna habang nilalagyan nito ng make-up ang mukha niya. Nakaupo at nakaharap siya sa harap ng salamin. Malaya niyang namamasdan ang sariling repleksyon.Kahit siya ay humanga sa sariling itsura na binagayan ng classic neutral make-up na inilapat sa mukha niya. She has lights smokey eye combined with nude lip. Also with a fresh-faced appearance and flushed cheek. Blushing bride ang aura niya sa hindi niya matawag kung special ba o big day sa kanya. Naka-updo style ang pagkakatirintas ng buhok niya na may nakalagay na mumunting mga bulaklak.“At mas lalo akong gumanda dahil sa magagaling mong mga kamay Miss Ronna,” totoong puri niya dito na sinundan ng isang matamis na ngiti. Kahit hindi niya ito lingunin ay makikita naman nito ang gesture niyang iyon sa salamin.“Naku Ma’am, lalo tuloy akong ginaganahan na pagandahin pa kayo.” Kinikilig na sabi n
Magbasa pa
Chapter 63
“HIJO, bakit hindi man lang kayo magkaroon ng one week vacation ni Tracy?” tanong ni Fiel sa anak nito. “Kahit cruise ship pa ‘yan, handa ko ‘yang sagutin.”Umiling ang si Fien na katabi niya. katatapos lang nilang kumain ng masaganang tanghalian sa mahabang dining table ng rest house. “It would be waste of time and energy Pa, ang daming kong pending na trabaho sa company bukas.”“Don’t stress yourself too much Fien,” segunda naman ni Rolando. “Gusto ko lang naman na maging special pa ang araw na ito ng kasal ninyo ng aking anak. Pwede n’yo namang i-extend.”“It’s already special Tito, I mean Dad.” Napatikhim pang tugon ni Fien na nakabaling sa ama niya. Tahimik lang siyang nakikinig sa usapan na iyon ng tatlong lalaki. Walang kibo naman ang Papa Hernando niya na hindi pa totally close sa mga ito maging iba pang kasapi ng kinagisnang pamilya niya. “This kind of wedding, masasabi kong hindi ito typical.”Tumingin pa sa kanya ang asawa na halong panunumbat ang kislap ng mga mata nit
Magbasa pa
Chapter 64
KINABUKASAN, nagising si Tracy na wala na si Fien sa tabi niya at nakayakap na lan siya sa malaking unan. Humihikab na bumangon na rin siya para gawin ang mga gampanin niya ngayong araw. Ini-remind niya sa sarili na hindi na siya single kundi isa na siyang maybahay. Mrs. Montagne na siya na kailangan niyang mapanindigan.Luminga ang tingin niya sa apat na sulok ng guest room para hanapin ang asawa. Napansin niya na nakasara ang banyo at may munting liwanag siyag nakikita mula sa loob. Narinig din niya ang mahinang pagbagsak ng tubig, ibig sabihin ay naroon si Fien. Abala ito sa paliligo.“Ang aga namang magising ng Mister ko,” sabi niya sa sarili na napatingin sa wall clock na nakasabit sa kuwarto. Six-thirty pa lang ng umaga. Sanay naman siya sa ganoong kaagap na oras dahil early riser din siya.May ideyang pumasok sa isip niya. Lumapit siya sa closet ng asawa at nakita niya ang mga damit nito na organize na nakasabit sa hanger at maayos ring nakatiklop. Inilabas mula niya doon an
Magbasa pa
Chapter 65
MALAKAS ang buhos ng ulan nang gabing umuwi si Tracy sa kanilang bahay. Simula kasi nang mag-asawa siya ay hindi na siya kumuha ng personal driver mula sa Daddy niya. Pinili niya ang mag-commute dahil may mga taxi na pwedeng makuha by online. Si Fien naman ay may sariling kotse pero nahihiya siyang makisabay dito lalo na at laging maaga itong umaalis.Pagkababa niya ng taxi ay kaagad niyang napindot ang door bell sa gate na may munting bubong. Mga ilang saglit pa ay humahangos na lumabas ng bahay si Manang Ercie habang may dalang payong. “Naku Ma’am, ginabi na po kayo at nabasa pa kayo ng ulan,” mabilis na binuksan nito ang gate at pinapasok siya. Kaagad siyang nakisukob sa payong nito at ramdam niya ang pagsigid ng laming sa katawan niya. Nabasa na ang suot niyang office attire.“Kaya nga po natagalan ako ng uwi, nahirapan akong humanap ng masasakyan,” nanginginig na sabi niya sa katulong habang naglalakad sila patungo sa bahay. Napakapit siya ng mahigpit sa handle ng payong dahi
Magbasa pa
Chapter 66
“ARE you crying?” kunot-noong tanong nito Fien kay Tracy. Hindi nakaligtas sa paningin nito ang biglang pagpatak ng mga butil ng luha.Kaagad niyang hinamig ang sarili kasabay ang pagkontrol ng emosyon. “W-wala ito, may bigla lang ako naalala,” naupo siyang muli sa silyang inupuan niya kanina. “Alam ko naman na panandalian lang moment na ganito sa ating dalawa. iyong isang minuto na wala kang ipinapakitang galit sa akin, taon na ang katumbas n’on sa akin.”“And ‘yan ang mga consequence ng plano mo,” mariing sabi ni Fien. “Panindigan mo ang way na ginawa mo para makuha akong muli. Inakala mo sa pagiging magkasama natin ay mababago ang tingin ko sa’yo.”Hiniwa na naman ang puso niya. “I-iyon ba talaga ang tingin mo sa akin at sa mga nangyari?”Sa pagkakataong iyon, ayaw niyang magpadala sa bugso ng emosyon. Kailangang maipagtanggol niya ang sarili sa kanyang asawa na nawalan ng pagmamahal sa kanya.“And what do you want me to expect?” naningkit na ang mga mata nito. “Hanggang kaila
Magbasa pa
Chapter 67
NATUTOP ni Tracy ng mga kamay niya ang sariling labi pagkakita sa bagong CEO ng kompanya. Prente itong nakaupo ito sa executive chair nito na kapartner ng office table nito. Naka-engrave pa ang pangalan at position sa isang table name frame na nakapatong sa bandang gitna.“Gulat na gulat ka yata my dear wife?” nakangising tanong ni Fien sa kanya. kita niya ang pagkaaliw sa mga mata nito habang nakatitig sa mukha niya.Naipilig niya ang ulo matapos hamigin ang sarili. “I never thought that you are the new CEO, Mr. Montagne. Hindi ko ini-expect na sa’yo ipagkakatiwala ng Papa ang isa sa mga position niya dito sa kompanya.”“Of course part of the merging,” anito na pinanlakihan pa siya nito ng mata. Bagay na bagay sa kapormalan nito dahil sa suot na business suit. Sa mga simplen kilos nito ay damang-dama agad ang authority. “The board chose me for this position, your father still the president at s’ya na rin ang CFO. Then my father is the chairman of the board of our new company.”Ti
Magbasa pa
Chapter 68
“WAIT me here, magbibihis lang ako,” biglang pagtayo ni Fien. Kusang napabitaw ang mga kamay ni Tracy sa ulo nito na kanina ay hinihilot niya.Nasundan niya ng tingin ang naglalakad na bulto ng asawa. Umakyat ito sa hagdan patungo sa master bed room. Nagtaka pa rin siya biglang pagbabago ng mood nito, kung tutuusin ay wala pang sampung minuto ang ginawa niyang paghilot sa sentido nito.‘Narinig kaya niya?’ aniya sa sarili na ang tinutukoy ang bigla siyang napakanta ng isang awit na parehong alam nila ng asawa. Iyon ang naiisip niyang dahilan kung bakit umalis na ito sa komedor.Ipinilig na lang niya ang ulo saka nagtungo na sa salas. Doon na lang niya hihintayin ang boss niya na asawa rin niya. Naka-ready naman ang sarili niya sa panibagong trabaho niya. Si Fien mismo ang nag-orient sa kanya bilang personal assistant nito.Alam niya na loaded ang schedule nito ngayong araw. Uupo pa lang sana niya sa sofa nang makita niya ang pagdating ni Fien. Pababa na muli ito at naka-ready nang
Magbasa pa
Chapter 69
“MISS na kita apo, hihintayin kita dito sa house mamayang gabi huh,” sabi ni Lola Meding sa kabilang linya. “Papunta na rin dito ang Mama at Papa mo at gusto ko na kumpleto tayo sa birthday celebration ko ngayon.”Hindi kaagad nakatugon si Tracy sa pag-imporma na iyon ng lola niya sa kinagisnang pamilya. Binuklat niya ang planner na nakapatong sa table niya. Nalungkot siya nang mapansin niyang may schedule pa si Fien mamayang gabi sa isang business partner.“Sige po Lola, hahabol po ako huh, happy birthday po,” bati niya na pilit na pinagtakpan ang totoong nadarama. Bahala na mamayang gabi. Sana nga matapos kaagad ang meeting ni Fien mamaya para makapunta siya ng Sta. Maria.Aabutin din kasi ng dalawang oras ang byahe ang pagpunta sa kinalakihang bayan niya. Ayaw niyang biguin ang kanyang lola sa birthdsy nito, lalo’t naipangako na niya iyon dito.Matamlay na ibinalik niya sa ibabaw ng table niya ang cellphone niya. Muli niyang ibinigay ang atensyon sa harap ng monitor ng computer
Magbasa pa
Chapter 70
“HAPPY birthday Lola,” mangiyak-ngiyak na niyakap ni Tracy si Lola Meding. Hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwala na dinala siya ni Fien sa Sta. Maria. Ang akala niya ay sa unexpected business appointment ang punta nila ng asawa.“Salamat naman at nakarating ang mahal kong apo, akala ko ay mamaya ka pa darating,” si Lola Meding na tumugon ng yakap sa kanya. Ramdam niya ang matinding kasiyahan ng matanda na naroon siya sa birthday celebration nito.“Happy birthday po Lola,” bati ni Fien matapos nang kumalas sila sa pagkakayakap sa abuela niya. Ibinigay din ng asawa ang dinaanan nilang gift kanina sa isang shop. “Sana magustuhan n’yo po ang aming regalong ito sa inyo.”Pa-simpleng hinaplos ng Lola niya ang mukha ni Fien. “Nag-abala ka pa hijo, iyong pagpayag mo nga dalhin dito ang aking apo ay isa ng magandang regalo sa akin.”“Anong pagpayag ‘yun?” nagpalipat-lipat ang tingin niya sa asawa at sa lola niya. Napantiskuhan siya sa dalawang ito.“Ang totoo n’yan hija,” sagot ng Lola ni
Magbasa pa
PREV
1
...
5678910
DMCA.com Protection Status