All Chapters of The Governor's Identity : Chapter 21 - Chapter 30
31 Chapters
Kabanata 21: Blood
ALIRA"KAMI 'yan," saad ni Enzo kaya kumunot naman ang noo ni Laxon at nagpatuloy sa pagda-drive. Nakarinig pa kami ng tatlong sunod-sunod na busina kaya napalingon ulit ako at nakita kong katabi na pala namin ang sasakyan ni Enzo habang ang dalawa ay nakasunod lamang sa likod.Nang buksan ko ang bintana sa side ko ay narinig ko na lang ang pagbati sa amin ni Enzo at kumaway pa ito sa amin. Napailing naman ako habang si Laxon ay narinig kong minura si Enzo pero sa ibang lenggwahe nga lamang pero naintindihan ko pa rin kaya sinamaan ko siya ng tingin.Kaya ang kaninang kaba ko ay nawala, akala ko ay may masamang mangyayari na sa amin. May tiwala naman ako kay Laxon pero kasama namin si Grayson at ayokong masaksihan niya ang mga bagay na hindi niya dapat makita.Lumambot naman ang ekspresyon niya at ngumiti sa akin. "I'm sorry, Wife, nadala lang." Paghingi niya ng paumanhin kaya napatango na lang ako at nagpasalamat na lang dahil nandito na kami sa bahay.Kaya ng makababa na kami ay tul
Read more
Kabanata 22: Party
LAXON"THAT'S her favorite wedding gown. I know that it can fit to my wife," saad ko habang tinitingnan ang gown na dinrawing ng kausap kong designer. Panaka-naka ang tingin ko sa pinto dahil baka dumating agad si Alira, malalaman niya pa ang plano kong pakasalan siya."Kailan po ang wedding niyo, Gov?" Pagtatanong niya kaya saglit akong tumingin sa kaniya bago sumagot."2 months from now on," tipid kong pananalita kaya napatango naman siya at inayos na na ang mga gamit na dala niya dahil may isa pa raw siyang client na pupuntahan kaya tumango naman ako at nagpasalamat."We will take note of that. Governor. I-uupdate ka na lang po namin," aniya kaya tipid naman akong ngumiti at ng mawala na siya sa harapan ko ay kinuha ko naman ang cellphone ko para tawagan ang asawa ko dahil nag-aalala na ako sa kaniya."Hey wife, where are you?" Pagtatanong ko sa kabilang linya kaya narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa kaya natawa na rin ako. She always makes me smile."Papunta na mister ko, k
Read more
Kabanata 23: Lost
ALIRA"WAIT, anong nangyayari? Why are you... why are you killing them?" Halos bulong na ang sunod kong tanong kaya nang makapagtago kami sa isang gilid ay mabilis akong nilingon ni Laxon at hinaplos ang pisngi ko."I'll tell you everything later, okay? We have to get out here, hindi ka nilang pwedeng makuha sa akin," kahit kalmado siya ay kitang-kita sa mata niya na takot siya sa susunod na mangyayari.Kaya kahit gulat at hindi pa rin maproseso ang nakita ko kanina ay mahigpit akong humawak sa kamay ni Laxon at tumakbo kami sa exit. Tahimik ang paligid habang papalabas kami kaya alertong-alerto si Laxon.Pagbukas ng pintuan ay bumungad sa amin si Enzo na ngayon ay mabilis na itinigil ang kotse sa harap namin ni Laxon kaya mabilis binuksan ng asawa ko ang pinto at maingat akong sinakay.Nang makita ni Enzo na ayos na kami ay mabilis niyang pinaharurot ang sasakyan palayo sa event. Malakas akong napabuga ng hangin at naramdaman ko naman ang pagyakap sa akin ni Laxon na para bang pinapa
Read more
Kabanata 24: Helix
ALIRANANG mabasa ko 'yon ay mabilis kong tinawagan ang number ni Mama na mabilis naman niyang sinagot. Ramdam na ramdam ko ang kaba at takot sa boses niya ng sagutin niya ito. Naririnig ko rin ang nagkakagulo na boses sa kabilang linya kaya pinakalma ko ang sarili ko."Ma, anong nangyayari diyan? Paanong nawawala si Grayson? Si Kuya ang kasama niya?" Sunod-sunod kong pagtatanong habang hawak-hawak ko ang noo ko at pabalik-balik na naglalakad. Gusto ko sanang labasan si Laxon pero baka alam na rin niya ang nangyari."Wala rin ang ang Kuya mo dito, Alira. Dahil gabi na rin ay balak namin samahan ang dalawa pero pagdating namin dito ay gulo-gulo na ang bahay niyo. Ang mga bodyguard ay nawala rin. Hindi ko na alam kung ano ang nangyari," paliwanag niya kaya napaupo na lang ako at nagsisimula na rin manlamig ang kamay ko. Wala akong masagot kay Mama kaya binaba ko na ang cellphone at napaisip.Bakit hindi matawagan si Kuya? Ano na ang nangyari sa dalawang 'yon? Ayos lang ba sila?Binuhay
Read more
Kabanata 25: Picture
ALIRA"ILANG oras lang ang pagitan ng lakas loob sumugod ang mga alagad ni Mariano sa bahay niyo, nasa playroom kami ni Grayson kasi gusto ngang maglaro ng inaanak ko pinagbigyan ko." panimula ni Kuya nang makaupo siya taimtim naman kaming nakinig."Noong una nagtataka ako bakit biglang tumahimik kaya sumilip ako at nakita ko na lang na may mga lalaking pumasok sa bahay niyo, kaya ang una kong ginawa kinuha si Grayson at piniringan ang mata pero matigas ang ulo ng anak niyo, tinanggal niya rin ang piring kasi sagabal daw sa paningin niya." Pagpapatuloy ni Kuya at nakita kong may sinenyas siya sa katabi.Nagulat pa nga ako dahil may inilapag si Damon na laptop sa harap namin at kuha pa lang ng mga cctv sa iba't-ibang kanto ng lugar lalo na sa highway na tumigil sila Kuya. Nang pindutin ni Laxon ang unang cctv ay sa labas ito ng bahay namin. Makikita mong naging alerto bigla ang mga nakabantay sa labas.Nagulat ako ng mabilis silang nagpalitan ng bala, ang iba sa bantay ay natamaan pero
Read more
Kabanata 26: Gift
ALIRA"GOVERNOR, totoo bang ikaw ang may gawa niyon sa Vice Mayor ng Cabuyao?""Lahat ba ng pinapakita mo ay peke lamang ba para makuha ang simpatya ng mga tao sa oras na nakagawa ka ng kamalian?""Gov, bakit hindi mo masagot ang katanungan namin.""Susuko ka na ba dahil tama ang nasa picture na kumakalat ngayon sa internet?""Anong masasabi mo sa nagsasabi na mas masahol ka pa raw sa mga Echavez?""Gov, sagutin mo kami!"Ito agad ang sumalubong sa amin paglabas namin ng munisipyo. Yakap-yakap ako ni Laxon habang ang mga bodyguard na nakapalibot sa amin ay tinutulak ang mga reporters na dinumog na lang kami. Mabuti na lamang ay iniwan namin sa sasakyan si Grayson kaya hindi ito naipit sa gulo.Napatingin naman ako sa kabilang kalsada na mga taga-suporta ni Laxon ay humihingi ng hustisya at katotohanan dahil mali ang ipinaparatang nila sa asawa ko. Gusto nila ng matibay na ebidensya na si Laxon ang gumawa niyon kaya nandito sila sa harap ng munisipyo para marinig rin ang kanilang opiny
Read more
Kabanata 27: Birthday
ALIRAMASAMA kong tiningnan si Laxon ng maibaba niya ako sa bathtub kung saan may maligamgam na tubig at ng tumama ito sa katawan ko ay nakaramdam ako ng kaginhawaan habang itong asawa ko ay pumwesto sa likod ko para maglagay ng shampoo sa buhok ko."I'm sorry, wife. Nanggigigil ako eh, namiss kasi kita." Ramdam ko man ang sinseridad sa boses niya ay may pagka-pilyo pa rin ito kaya lumingon ako sa kanya at sinamaan siya ng tingin na ikinatawa naman niya."Masakit pa rin ba?" Pagtatanong niya kaya umiling na ako at namula ako ng maalala ko ang nangyari kay gabi, nang makita ni Laxon ang reaksyon ko ay ngumisi siya at pinatakan ako ng ilang halik sa balikat ko bago ipagpatuloy ang ginagawa niya."I love you, Alira."Nang makapagbihis na ako ay naabutan ko si Laxon na may inaayos na mga papeles sa kama namin, kaya lumapit ako sa likod niya at niyakap siya. Naramdaman kong natigilan siya sa ginawa ko pero nagpatuloy siya at naramdaman kong hinalikan niya ang kamay ko bago mag-focus sa gin
Read more
Kabanata 28: Warned
ALIRAPAKIRAMDAM ko ay namula ang buong mukha ko sa naging tanong ni Grayson nang tingnan ko si Laxon ay namumula na ang tainga nito at napangisi pakiramdam ko ay tuwang-tuwa siya sa naririnig sa anak niya. Kaya awtomatikong sumama ang tingin ko kay Kuya na ngayon ay tahimik na tumatawa, alam kong siya mismo ang nagturo kay Grayson niyon.Nang akmang lalapitan ko na siya ay mabilis siyang umalis sa pwesto niya at tumakbo palayo sa akin at ng akmang tatakbo na yata ako ay mabilis hinuli ni Laxon ang bewang ko pilit na inilalayo kay Kuya na ngayon ay nagtatago kila Mama."Calm down, wife. Nang-iinis lang 'yan." Bulong sa akin ni Laxon kaya kumalma ako at napatingin naman ako kay Papa na tinapik si Laxon sa balikat at kinausap ng mga 'to si Grayson na nanonood lang sa amin."Bata, matagal pa bago mabuo ang kapatid mo pero magkakaroon ka na rin niyan," natatawang saad ni Tito kaya namumula naman akong napakamot sa pisngi ko at nag-apir si Tito at Laxon na ngayon ay tuwang-tuwa sa sinabi k
Read more
Kabanata 29: Bomb
ALIRA"GRAYSON," naisatinig ko na lamang at mabilis na hahawakan ko sana ang cellphone ko pero napatigil ako nang makarinig ako ng malakas na sigaw sa labas ng opisina ko at ang nagkakagulong mga tao. Kaya kahit nanghihina ay lakas loob akong lumabas at naabutan ko ang secretary ko na namumutla papunta sa akin."Ma'am, 'wag po muna kayong lumabas. Hindi po maganda ang sitwasyon sa labas, may nag-iwan po kasi ng kabaong sa labas ng museum niyo po. Papunta na rin daw po si Governor," paliwanag sa akin ng secretary ko pero hindi ko siya pinakinggan.Kahit ilang beses ng may pumigil sa akin palabas ay hindi nila nagawa dahil sa galit kong reaction. That bitch! Sumosobra na siya, hindi na magandang biro ang ginagawa niya. Paglabas ko ay kusa na akong sumuka ng makita ko ang nasa kabaong, isang nabubulok na bangkay at may picture ko pa dito. Alam kong si Raya na ang may pakana dito dahil nag-iwan ito ng marka.Nang hindi ko na talaga makayanan ay napaduwal na ako sa isang tabi na mabilis na
Read more
Kabanata 30: Gone
ALIRA"LAHAT ng airlines ay sarado na, even the water and land transportation. Lahat ng mga pulis ay nakabantay na rin sa iba't-ibang dako ng lugar na pwedeng pagtakasan ng mag-ama and now ayon sa nasagap ko sa team na'to nasa isang bundok daw sila Raya doon nagtatago. Hindi pa sila kumikilos dahil wala pang signal," balita ni Caleb habang kaming mag-iina kasama ang pamilya ni Laxon ay nandito na sa organization.Dito muna kami nila dinala para na rin sa kaligtasan nila at ngayon ay lahat sila ay handa ng puntahan kung saan nagtatago sila Raya, the media is everywhere kaya lahat ng kilos nila Laxon ay pinapanood nila. Nagulat sila sa organization na hindi nila akalain na si Laxon mismo ang namumuno dito.Napayakap naman ako kay Grayson na ngayon ay nakahilig sa akin habang nakaupo kaming dalawa na ngayon ay pinagmamasdan ang Ama niya na nakasuot na ng bulletproof vest at hinahanda na ang mga baril kaya namuo na naman ang kaba at takot sa dibdib ko. Mabilis akong umiwas sa tingin ni La
Read more
PREV
1234
DMCA.com Protection Status