Nagising s'ya na puro puti ang nakikita. Napabalikwas s'ya ng bangon, ngunit bumalik lang din sa pagkakahiga, nang maramdaman ang sakit sa katawan at kung may anong bagay na nakakabit sa kan'ya."Fvck!" mariing mura n'ya ng maramdaman ulit ang pagsigid ng sakit sa kan'yang katawan.Nang lingunin n'ya ang paligid, doon n'ya lang napagtanto na may nakakabit pala sa kan'ya na swero.Pilit n'yang inisip kung ano ang nangyari. Nang mahimasmasan at malalala ang nangyari sa nursery bigla s'yang natataranta.Bumalikwas s'ya ng bangon para lang mapangiwi sa sakit at bumagsak ulit sa kama."Damn it! Ang anak ko," puno ng pag aalalang sabi n'ya, sabay dahan-dahan na bumangon sa kinahihigaan.Tamang-tama naman na bumukas ang pinto at pumasok si Morgan."What the hell are you doing Lewis?" sita nito sa kan'ya ng makita ang pagbangon n'ya."Ilabas mo ako rito, kailangan ako ng anak ko," bulyaw n'ya sa kaibigan."Nakauwi na sila, pati na rin si Cassy. Ikaw na lang ang naiwan rito dahil hindi pa mag
Read more