All Chapters of Bloodline 1: The Eternal Blood : Chapter 31 - Chapter 40
62 Chapters
Chapter 30
"Unti-unti na siyang pinapatay ng lason sa katawan niya," sambit ni Levi.Halos gumuho ang mundo ni Asher nang marinig niya ito."Hindi siya pwede mamatay. Wala bang ibang paraan para magamot siya?" tanong niya."Meron, may potion na ginagawa pangkontra sa lason. Pero mahirap makahanap ng sangkap para doon."Humigpit ang pagkakahawak ni Athena, may gusto siyang sabihin ngunit wala na siya lakas para magsalita.Nang makita ni Asher ang mukha niya na hirap na hirap, hindi na niya nakayanang tignan ito. Inalis niya ang kamay ni Athena saka lumabas."Saan ka pupunta?" tanong ni Tyler ngunit hindi ito pinansin ni Asher.Napatingin si Asher sa direksyon papunta kila Liam. Napansin niyang mas madilim ang pangit doon kumpara sa kinatatayuan niya. Nakita niya rin si Kura habang lumilipad ito sa langit.Nagtungo siya doon."Kuya!" sigaw niya."Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Liam."Si Athena..." Nang marinig ni Liam ang pangalan ni Zaira, nagdilim lalo ang aura niya. Namatay ang apoy sa pal
Read more
Chapter 31
"Athena," tawag ni Liam sa kapatid nang mapansin niyang hindi ito mapakali habang kumakain.Susubo si Zaira tapos titingin sa kung saan tapos susubo ulit kaya lahat silang nasa kasama niyang kumakain napapatingin sa kanya."Kanina ka pa hindi mapakali, may problema ba?" tanong ni Liam.Binababa ni Zaira ang kutsara at tinidor niya sabay sulyap sa bintana bago magsalita."Kuya, ano kasi..." Nakamot sa ulo si Zaira dahil hindi niya alam kung paano niya ba ipapaliwanag ang nararamdaman niya."...paki--" "Master!" sigaw ni Vinz.Lumipad siya papunta kay Liam habang si Zaira naman natulala sa fairy na bigla na lang sumulpot sa harapan nila.Napansi ni Vinz ang titig niya kaya nilingon niya si Zaira."Kuya, fairy ba yang maliit na nasa harapan mo o tutubi?" tanong ni Zaira.Tumawa ng walang tunog si Asher habang ngumiti naman si Liam."Hindi ako tutubi," inis na sabi ni Vinz sabay lapit kay Zaira."Fairy ako! Fairy! Saka hindi ako maliit, malaki ka lang," aniya habang nakatingin ng masama
Read more
Chapter 32
"Pinapatawag tayo ni headmaster," sabi ni Levi pagkatapos basahin ang natanggap na mensahe sa kanyang ama."Paano si Zaira?" tanong ni Rhys sabay tingin kay Zaira."Okay lang ako. Pupunta na lang muna ako sa library," sambit ni Zaira dahil ayaw niyang maabala pa sila."Sigurado ka?"Tumango si Zaira saka ngumiti bilang tugon kay Rhys."Pahiram ng phone mo," sabi ni Levi kay Zaira.Kinuha ni Zaira ang cellphone niya sa bulsa saka ito binuksan bago binigay kay Levi.Nilagay ni Levi ang numero niya sa contact saka binigay kay Alyza ang cellphone."Lagay niyo number niyo," aniya kaya pinagpasapasahan nila ang cellphone ni Zaira bago ito maibalik sa kanya."Tawagan mo kami kung may problema o kailangan mo ng tulong," sabi ni Levi."Salamat," tugon ni Zaira.Naghiwalay na sila ng direksyon. Pagkadating ni Zaira sa library naghanap agad siya ng librong babasahin."Gusto mo ikuwento ko na lang yan sayo?" sabi ni Zeque sabay sulpot sa harapan ni Zaira.Nakaupo ito sa bakanteng upuan sa harap n
Read more
Chapter 33
"Zai!" sigaw ni Kim.Kinawayan niya si Zaira nang lingunin siya nito. Ngumiti naman ito bilang tugon saka tinignan si Blaize na nasa tabi niya."Blai--Nasaan yun?" aniya nang mawala si Blaize sa tabi niya.Kasabay niya lang ito maglakad bago siya tawagin ni Kim."Si Blaize ba hinahanap mo? Umalis na siya nung lumingon ka kay Kim," sabi ni Gin nang mapansin niyang may hinahanap si Zaira."Ah! Ganun ba? Akala ko nilamon na siya ng lupa, hindi man lang kasi nagsabi na aalis," inis na sabi ni Zaira."Hayaan mo na yun. Ganyun lang talaga yun. Saan ba kayo galing?" tanong ni Kim."Sa dark forest.""Dark forest!" sigaw nila.Napatakip sa tenga si Zaira dahil sa lakas ng sigaw nila habang gulat na nakatingin sa kanila."Bakit kayo pumunta doon? Alam mo bang delikado sa lugar na yun?" tanong ni Tyler."Hindi ko alam na delikado saka basta na lang ako dinala ni Blaize doon. Bakit? Ano bang meron doon?" "May nakatira na mabangis na oso doon." "Oso? Talaga? Gusto ko yun makita," masayang sabi n
Read more
Chapter 34
"Kain ka muna, mamaya na tayo mag-usap," sabi ni Liam kay Zaira sabay abot ng stick-o nito.Hindi na nagsalita si Zaira at kinuha na lang ang stick-o niya saka kumain."Headmaster, pwede po ba kayo makausap ngayon?" tanong ni Liam sabay tingin kila Crystal. Tumango ito bilang tugon saka tinignan sila Crystal."Crystal, magbihis ka na muna. Kim, samahan niyo siya," aniya.Sinamahan nina Thea at Kim si Crystal sa dorm nito habang naiwan naman sila Tyler."Okay lang ba kung nandito sila?" tanong ni Headmaster Black kay Liam."Okay lang po. Tatanungin ko lang po kung pwede sila Athena sa dorm ko?" tanong ni Liam."Kahit magkapatid kayo hindi kayo pwede magsama dahil nasa rules na hiwalay ang dorm ng mga teacher sa mga student," tugon ni Headmaster Black."Saang room po sila pwede? May bakante pa po ba?" "Magdodorm na din sila?" "Yes headmaster. Nasira kasi bahay namin kanina.""Si Zaira, pwede siya sa room ni Crystal, wala pa naman siya kasama doon. Si Asher naman doon sa room ni Piers
Read more
Chapter 35
"By partner ang gagawin nating pagsasanay ngayon pero ako ang pipili ng makakapareha niyo." sabi ni Liam habang nakatayo sa harapan nila. "Ito ang magkakapareha; Gin and Rhys, Crystal and Thea, Dwayne and Alyza," basa ni Liam sa listahang hawak niya. "Tyler po sir," sambit ni Tyler nang tawagin siyang Dwayne. "Sir, bakit siya ang partner ko? Pwede bang si Blaize na lang?" tanong ni Alyza dahil puro kalokohan lang ang alam ni Tyler. "Hindi, kayong dalawa ang magkapareha tutal hilig niyo namang mag-way katulad nitong sunod kong tatawagin, Adrian and Kim kayo magkapareha." "What?!" sambit ni Kim. "Bago kayo magreklamo patapusin niyo muna ako," seryosong sabi ni Liam. "Sorry sir," tugon ni Kim. Tinuloy na ni Liam ang pagbabasa. "...Paris and Hazel, Levi and Clara, Blaize and Athena." Napatingin si Zaira kay Blaize at saktong mapatingin din ito sa kanya. Nang ngisian siya nito, kinabahan si Zaira at katulad nila Kim, gusto niya rin umangal. Pagkatapos masabi ni Liam ang lahat ng
Read more
Chapter 36
"Masamang makinig sa usapan ng iba." sabi ni Zeque nang makatulog si Zaira.Lumabas si Blaize sa tinataguan nitong puno."Narinig mo lahat, tama?" tanong ni Zeque habang pinagmamasdan si Zaira.Nakahiga ito sa damuhan habang ginawang unan ang kamay niya."Sino ka? Hindi ka lang basta wizard. May tinatago ka," nagdududang tanong ni Blaize, ramdam niya ang malakas na kapangyarihan sa loob nito."Kanino ka ba interesado? Sa akin o kay Zaira?" tanong ni Zeque sabay ngisi, wala siyang balak sabihin sa binata ang tungkol sa kanya.Umupo si Blaize sa tabi ni Zaira."Interesado ako sa kanya," aniya habang nakatingin sa dalaga saka tumingin kay Zeque."Kaya interesado rin ako na malaman kung ano ka ba niya talaga.""Ano naman sayo kung ano niya ako? May gusto ka ba kay Zaira?" tanong ni Zeque habang nakatitig kay Blaize.Napatanong ang binata sa sarili kung may gusto nga ba siya kay Zaira. Hindi niya alam kung gusto ba niya talaga ito o interesado lang siya dahil sa kakaiba ito sa lahat ng bab
Read more
Chapter 37
Sa madilim na gubat at tanging ang buwan lang ang nagsisilbing liwanag, takbo nang takbo si Zaira."Hindi ka na nakakatakas ngayon," sambit ni Magnus habang hinahabol si Zaira."Ahh!" Nadapa si Zaira nang matisod ito sa may malaking ugat na puno. Tumayo siya agad at muling tumakbo saka nilingon si Magnus subalit wala na ito sa likod niya.Lalong natakot si Zaira dahil hindi niya ito makita ngunit ramdam niyang may matang nakatingin sa kanya. Tumigil siya sa pagtakbo at dahan-dahang naglakad habang pinalakiramdam ang paligid.Nakarinig ng yapak si Zaira pero nang tignan niya ang paligid wala siyang ibang nakita kundi puno hanggang sa may tumulok sa kanya."Sabi ko naman sayo hindi ka makakatakas sa akin ngayon," sabi ni Magnus sabay hawak sa baba ni Zaira.Sinubukan ito itulak ni Zaira subalit biglang pumulupot ang mga sanga ng puno kay Zaira."See? Pati puno nakikisama sa akin," nakangising sabi ni Magnus sabay halik sa leeg ni Zaira."Your smell is good," bulong niya pa.Kinabahan
Read more
Chapter 38
"Thea, nandyan na date mo," sabi ni Kim.Tumayo na si Thea at lumabas ng kwarto, bumungad sa kanya sila Tyler at Gin na nag-uusap."Ayan na si Thea," sabi ni Tyler nang makita niya ang dalaga.Napalingon si Gin at ngingitian siya ni Thea saka lumapit sa kanila."Ang ganda mo," bulong ni Gin sabay lahad ng kamay para kunin ito."Thanks," tugon ni Thea saka ipinatong ang kamay niya sa kamay ni Gin; hinawakan naman ito ng binata."Kayo na may date," sabi ni Kim."Wag kang bitter, hindi ka nag-iisa," sabi naman ni Tyler dahil naunahan siya ni Blaize kay Zaira."Hindi ako bitter no. Baka ikaw?" tugon ni Kim."Gusto mo tayo na lang dalawa ang magdate? Nasaan nga pala yung dalawa?" tanong ni Tyler."May choice ba ako? Wala naman aio ibang makakasama kundi ikaw. Susunod na lang daw sila, inaayusan si Zai ni Ms. Naomi." "Ano kaya itsura ni Athena?" Sabay-sabay na sila nagtunggo sa auditorium."Siyempre maganda! Si Zai pa? Kahit nga may pagkaboyish yng suot niya maganda na siya, paano pa kaya
Read more
Chapter 39
Inirapan sila ni Kaycie saka umalis."Kaycie, sandali! Mag-usap tayo," sigaw ni Crystal habang sinundan si Kaycie.Gusto niya ito kausapin tungkol sa ginawa nitong gulo. Kamuntik na maparusahan sila Zaira dahil sa gagawan nito kahit na sinabihan na niyang wag manggulo."Kaycie! Ano ba? Kanina pa kita tinatawag," inis na sabi ni Crystal sabay hawak sa braso nito.Nagulat si Kaycie sa ginawa nito at kahit si Crystal nagulat sa kinilos niya, agad siya napabitaw nang tignan siya ni Kaycie."Sinisigawan mo na ako? Ayan ba natutunan mo sa mga walang kwenta mong kaibigan?" tanong ni Kaycie dahil iyon ang unang beses na nilabanan siya ni Crystal."Wag mo dinadamay ang mga kaibigan ko dito," tugon ni Crystal dahil sa panlalait nito sa mga kaibigan niya."Totoo naman eh? Wala sila---"Slap!Napahawak si Kaycie sa pisngi habang gulat na nakatingin kay Crystal nang sampalin siya nito."Sorry," sambit ni Crystal nang mapagtanto niya ang ginawa niya.Sa sobrang inis niya dito hindi na niya napigila
Read more
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status