Lahat ng Kabanata ng The Billionaire's False Secretary: Kabanata 21 - Kabanata 30
32 Kabanata
KABANATA 21
ApoloniaNang saktong makalayo ako sa dalawa ay nagsimula agad ang mga itong magbulungan na parang bubuyog, bahagya tuloy akong napailing-iling.Dahil hindi naman ako interesado sa kung ano mang pinagtsitsismisan ng mga ito ay ipinokus ko na lamang ang atensiyon ko sa coffee maker na noong una ay hindi ko talaga alam gamitin, ngunit kalaunan ay natutunan ko na rin dahil araw-araw ay ganito ang gamit ko sa opisina kapag ginagawan ko ng kape ang boss ko.Nang matapos na ako ay kumuha ako ng dalawang coaster upang ipatong doon ang dalawang tasa at inilagay sa tray bago maingat na binuhat ko ang mga iyon papunta sa puwesto ng dalawang bubuyog na ang isa ay akala mo ay may kumikiliti sa tumbong dahil kanina pa ito pansin ko tawa nang tawa at tila siyang-siya sa kung ano man, ngunit nang malapit na ako sa mga ito ay bigla na lamang nanahimik ang mga ito at tumigil na rin sa pagbubulungan.Bahagyang nanulis ang nguso ko.Mukhang ayaw ng mga itong marinig at malaman ko ang kung ano mang pinag-
Magbasa pa
KABANATA 22
ApoloniaMangha na nakatitig lamang ako sa nakatatak na logo sa paper bag na may laman na pagkain na nakalapag sa mesa ko.Nakaalis na ang taong may dala niyon ngunit nanatili pa rin akong nakatanga roon sa halip na abutin iyon at simulang kainin, kahit pa nga tila ba nanghahalina ang mabangong amoy ng pagkain na nanunuot sa ilong ko.Sino ba naman kasi ang hindi mapapatanga, gayong napapadalas ang pagpapameryenda sa akin ng amo ko, halos araw-araw yata ay umo-order ito at nagugulat na lang ako dahil pati ako ay mayroon at damay sa pag-order nito. 'Di ko tuloy maiwasang isipin, hindi kaya pinapataba at binubusog lamang ako nito na parang baboy tapos sa huli ay balak pala ako nitong katayin?May pagdududa na lumipat ang mata ko sa pinto ng opisina nito na nakasarado, ngunit hindi pa man ako gano'n katagal na nakatitig doon ay bigla na lamang bumukas ang pinto dahilan upang mapapitlag at mapasinghap ako nang malakas dahi sa gulat.Alam kong hindi naman nakaligtas kay Druskelle ang nagi
Magbasa pa
KABANATA 23
Draken"You think they are just alright by themselves, mom? Tama ba ang ginawa natin?" I asked with a hint of worry and guilt.Mismong ang ina ko kasi ang pasimuno at ang nakaisip na si Apol na lamang ang pasamahin kay Druskelle bilang proxy ko sa conference, kahit pa nga alam naman namin pareho na madalas na hindi magkasundo sa maraming bagay ang dalawang iyon, dinaig pa ang aso't pusa kung magbangayan at ang pagkaasar sa isa't isa.Yes, alam din ni mommy at updated ito sa mga nangyayari sa opisina dahil palagi ako nitong tinatanong at pinagre-report nang sapilitan kung kumusta na ba ang dalawa, lalong-lalo na si Apol, mino-monitor nito ang alaga.Nang malaman nitong hindi maganda ang pakiramdam ko kahapon ay agad ako nitong sinabihan na huwag na raw akong sumama sa Baguio at si Apol na lang daw ang pasamahin ko kay Druskelle. I was hesitant at first, pero na-persuade rin ako nito in the end, baka raw kasi itong conference sa Baguio ang maging sagot at maging gamot upang magkasundo na
Magbasa pa
KABANATA 24
ApoloniaSa buong durasyon na kaharap ang malalaki at kilalang tao sa bansa dito sa leadership conference na dinaluhan namin ni Druskelle ay halos kundi sa notebook at ballpen ang hawak ko ay sa laptop ako nagtititipa o sa malaking screen ako sa harap nakatingin habang naka-flash ang powerpoint presentation doon.Hindi ko makuhang antukin dahil sa pakikinig kahit pa nga puyat ako dahil ang aga naming gumising at umalis upang maiwasan namin ang traffic papuntang Baguio at upang maaga rin kaming makarating para hindi kami mangarag sa pag-uumpisa ng conference.Tanghali na nang natapos ang unang session at kasalukuyan na kaming kumakain ng tanghalian kasama ang ibang delegates, katabi ko si Druskelle at wala akong masabi sa pag-aasikaso na ginagawa nito sa akin imbes na ako ang nag-aasikaso rito, ultimo kasi pagtatanong sa gusto kong kainin, paglalagay ng pagkain sa plato ko at pagbubukas ng inumin na mineral water ay ginagawa nito.Nahihiya na nga ako pero natutuwa din ako at sobrang ap
Magbasa pa
KABANATA 25
ApoloniaMula sa pagkakaupo sa mahabang sofa sa lobby ng hotel na aming tutuluyan ay kanina pa nakatutok ang mata ko kay Druskelle habang kausap nito ang receptionist.Makalipas ang ilang sandali ay sa babae naman lumipat ang mata ko, maganda ito, nagpapatingkad pa sa hitsura nito ang ganda ng ngiti nito na hindi nawawala mula pa kanina.Kaya mukhang nag-e-enjoy ang amo ko na kausapin ito at nakalimutan na yata ang presensiya ko. Hmp!Kanina pa kasi nag-uusap ang dalawa, while ako naman ay nandito at naghihintay.Halata ang pagkamangha sa mata ng babae habang nakatitig ito sa mukha ng boss ko.Bahagya akong napalabi bago nangalumbaba at tumitig kay Druskelle na ang kita lang mula sa puwesto ko ay ang left side ng mukha nito dahil nakatagilid ito.Sino ba naman kasi ang hindi mamamangha at hahanga sa hitsura nito, side view pa nga lang pero nagsusumigaw na agad ang appeal nito, nagmamayabang ang matangos nitong ilong, ang mata nitong singkit na binagayan pa ng makapal na kilay, labi nit
Magbasa pa
KABANATA 26
ApoloniaTahimik at nakasimangot na nakasunod lang ako sa amo ko habang matalim ang mata na nakatingin sa likod nito.Naiinis talaga kasi ako na 'di ko mawari.Ilang beses ko nang pilit na isiniksik sa utak ko na hindi ko naman ito gusto at wala dapat akong paki kung hindi rin ako nito gusto pero bwisit lang, 'di ko alam kung saan ba talaga nanggagaling ang pagrerebelde ng loob ko sa realization ko, gusto kong magsintir.Argh!Dahil sa inis at pag-iisip ay hindi ko tuloy napaghandaan ang paghinto nito sa paglalakad at pagbaling nito sa akin bigla, mabuti na lang at nakapagpreno ang paa ko, iyon nga lang ay huling-huli ako nito na masama ang hilatsa ng mukha.Nangunot ang noo nito. "What's the matter? You're frowning."Kaagad na inayos ko ang ekspresyon ko bago umiling. "Nothing po," tugon ko.Alangan naman kasing aminin ko na naiinis ako, 'di ba?Ngunit sa halip na paniwalaan ang sinabi ko at magpatuloy na maglakad ay humalukipkip ito bago ako tinaasan ng kilay. "Nothing? Do you think
Magbasa pa
KABANATA 27
Apolonia"Kumusta po si Sir Draken?""Don't worry about him, he's already fine, kailangan lang ng kaunting pahinga pa," tugon ni Mrs. San Diego."Mainam naman po, pero bakit po kaya ilang araw na namin siyang hindi makontak?" usisa ko."Oh, about that... I confiscated his gadgets. You know, para makapagpahinga siya nang maayos, for sure kasi ay hindi iyon makakapagpahinga kung nasa kanya ang mga gadget niya at kung anu-ano ang gagawin no'n."Ay, bongga. Strict naman pala sa anakis nitong si Mrs. San Diego, mukhang baby pa rin kung ituring at alagaan si Draken kahit na damulag na ang lalaki."Ah, kaya po pala...""Anyway, what's the news, dear? How are you? How's your stay in Baguio?"Sinimulan kong ikuwento rito ang mga ganap habang nandito kami sa Baguio ng pamangkin nito. "That's great news, my dear!" siyang-siya ang tinig na turan ni Mrs. San Diego.Hindi ko man ito kaharap, pero sigurado ako na malawak ang pagkakangiti nito ngayon.Napangiti rin tuloy ako.Ako man kasi ay masaya
Magbasa pa
KABANATA 28
ApoloniaSa gulat ko ay nanatiling nakatitig lamang ako kay Druskelle at gano'n naman din ito sa akin.Tama ba ang intindi ko sa ikinilos nito? Ayos lang dito at gusto nito na kumapit ako sa braso nito?Makalipas ang ilang sandali nang wala pa ring gumagalaw at kumikibo sa aming dalawa ay bahagya nitong ikiniling ang ulo at iminuwestra ang braso nitong tila ba nakaabang para sa akin upang hawakan at nakahandang kapitan ko.Parang tanga na napaturo tuloy ako sa sarili ko at napakurap-kurap. "A-Ako po, kakapit sa inyo?" paninigurado ko pa at pagsasatinig sa nasa isip ko.Huminga ito nang malalim bago ito tumango. "Yeah, is there anyone else in this room other than you and me?" he asked calmly.Luh? Ano ang nakain nito?Mabilis akong umiling. "Wala po... pero sure po ba kayo? I-I mean, okay lang po ba?" nag-aalangan pa rin na tanong ko.Malay ko ba kasi, mainam na ang nagtatanong at naninigurado, baka kasi bigla na lang itong magalit sa akin.Bahagyang kumunot ang noo nito. "Yeah, why no
Magbasa pa
KABANATA 29
ApoloniaNaramdaman ko ang paghawak ni Druskelle sa kamay kong nakakapit sa braso nito, pati na ang tila paghigpit ng hawak nito roon kalaunan. Hindi nagtagal ay napansin ko rin na parang bumibilis ang bawat hakbang nito.Ngunit hindi pala "parang" lang ang napansin ko, kundi totoo pala na bumibilis nga ang paglakad nito, wala sa oras na inalis ko tuloy ang pagkakatingin sa nakangiting mukha ni Liam upang mapagtuunan ng pansin ang bawat paghakbang ko sa pag-aalalang baka matapilok ako o madapa dahil sa kailangan kong umagapay sa paglakad ng kasama ko.Rinig ko pa rin ang pagtawag ni Liam sa akin, nang lumaon maging ang pangalan ni Druskelle ay tinatawag na rin nito, ngunit hindi ko na ito binalikan pa ng tingin, tila bingi naman ang boss ko at ni hindi man lang ito lumingon upang tingnan kung sino ba ang tumatawag dito, halatang wala itong balak na huminto.'Di ko tuloy mapigilang mapa-side-eye ng sulyap dito habang sumasabay sa malalaking hakbang nito, curious sa pagbabago ng mood nit
Magbasa pa
KABANATA 30
ApoloniaHabang naglalakad kami ay isinabay na rin namin ang pag-uusap sa mga dapat naming gawin at iakto sakali mang sumulpot na naman si Liam upang wala itong mahalata sa amin."Thank you, Ms. Marquez," pasasalamat ni Druskelle nang makaupo na kami sa harap ng isang hapag na bakante pa."Hala, anong thank you ka riyan, Boss? Hindi libre 'tong extra service ko, 'no. May kapalit 'to," mahinang sabi ko, baka kasi may biglang magdaan at may makarinig, maeskadalo pa sa sinabi ko at iba ang maging interpretasyon sa salitang "extra service" na binanggit ko.He looked at me, and he seemed amused.Natuwa naman ako sa nakita ko, nangingislap kasi ang mga mata nito, nawala tuloy 'yong aura nito na may pagkamasungit.Hays, kaunting push pa at mukhang makikita ko na rin sa wakas ang pagsilay ng ngiti sa labi nito, na alam kong mas magpapatingkad pa sa kaguwapuhan nitong taglay.Tumango-tango ito. "Just as I thought. Still, thank you."Pabirong umingos ako. "Pangalawang beses na ito, Boss, ha? Hi
Magbasa pa
PREV
1234
DMCA.com Protection Status