All Chapters of MAFIA KING'S BATTLE FOR LOVE "Battle between wife and Debt": Chapter 21 - Chapter 30
37 Chapters
CHAPTER 21 - HER WILDERNESS
Dalawang buwan ang nakalipas, simula ng huling paglalasing ni Jayna, at ito na naman sila, muli na naman na nag-aaway ni Allaric, dahil naabutan na naman niya nitong naglalasing. Hindi nga ito pumunta sa bar sa labas, ngunit halos maubos naman nitong inumin ang kanyang wine na stock. Nadagdagan pa ang galit niya dahil naabutan pa niya itong humihithit ng sigarilyo. Hinablot niya ang sigarilyo sa kamay nito at inapakan."Ano bang problema mo, bakit ka naglalasing huh!?""Tinanong mo kung ano ang problema ko? Wala akong problema! Gusto ko lang mag-enjoy!""Mag-enjoy? Tingnan mo nga ang sarili mo? Akala ko ba pinag-usapan na natin to? Sumama lang ako kanina kay Nicole upang tingnan ang bagong project namin, pag-uwi ko, nagkaganyan ka na! Gusto kitang isama kanina, ngunit ayaw mo naman. Alam mo, napapansin ko, nitong mga huling araw, hindi na kita maintindihan!" Puno ng galit ang mukha ni Allaric, habang nakatingin sa sitwasyon ng asawa. Kinuha niya ang baso ng alak sa kamay nito at galit
Read more
CHAPTER 22 - BABY DEMON
Namumula ang mukha ni Jayna sa sobrang hiya ng napagtanto ang ginawa niya. "Talaga bang ako ang may gawa nito sa kanya?" Sa loob-loob niya. Ngunit bakit ngayon pakiramdam niya, andyan pa rin ang pagnanasa at panggigil niya ng pasadahan ng kanyang mga mata ang mapang-akit na mga muscles nito, at limang pakete ng abs at…."Sweet angel, ayoko ng mga ganyang klase ng tingin mo, pagod na ako." Kinakabahan na wika ni Allaric nang mapansin na naman ang pagnanasa sa mga mata ng kanyang asawa. "Tanggalin mo na ang mga tali ko, baby please." Napalunok na lang ng laway si Jayna, habang tinatanggal ang tali sa mga kamay at paa ni Allaric. Hindi niya alam kung anong nangyari sa kanya, bakit bigla siyang naging agresibo kapag nakikita niya ang katawan nito. Sa loob ng mahigit dalawang buwan nilang pagsasama, ngayon lang siya nagkaroon ng pagnanasa at panggigigilan ang katawan ng asawa niya.Nakahinga ng maluwag si Allaric ng sa wakas nakakagalaw na siya ng maayos. Bumangon siya, at nag stretching
Read more
CHAPTER 23 - HIS STOLEN WIFE
Apat na oras na ang nakalipas, ngunit nagtataka si Allaric kung bakit hanggang ngayon wala pa rin ang asawa niya. Sinubukan niyang tawagan ang cellphone nito, ngunit out of coverage ang palaging sagot ng system operator sa kanya. Kinakabahan na siya. Kanina pa natapos ang board meeting, nagugutom na rin siya dahil hindi pa siya nakapag lunch. Hinihintay kasi niya na sabay silang mag lunch ni Jayna, ngunit mag-aalauna na ng hapon, wala pa rin ang kahit anino nito, patunay na dumating na ito, sa kanilang kumpanya. Naisipan niyang tawagan ang driver nitong si Andres."Andres, nasaan na kayo ngayon ng Ma'am Jayna mo? Matagal pa ba kayo?"Parang iiyak na sumagot si Andres sa kanya, "Boss, 'yun nga din po ang pinagtataka ko, dahil hanggang ngayon, hindi pa rin po siya lumalabas ng ospital. Pumasok na po ako sa loob at hinanap siya. May nakapag turo sa akin na doon siya pumasok sa loob ng ob-gyne clinic ni Dra. Juson, nang pumunta naman ako doon, sinabi sa akin ng Doctor niya na mahigit dala
Read more
CHAPTER 24-THE BATTLE BEGINS
"Boss, wala na rin sila sa loob. Pero napulot ko ito sa sahig." Binigay ni Troy ang singsing na napulot niya mula sa loob ng silid, kung saan, pinaniniwalaan nilang pinagdalhan kay Jayna. Ikatlong abandonadong building na ito na pinuntahan nila, ngunit palaging hindi nila naabutan si Jayna.Bumagsak ang mga luha ni Allaric ng makita na wedding ring nila ni Jayna ang napulot ni Troy. Sobra na siyang nag-aalala kung ano na ang nangyari sa kanyang mag-ina. "Ahhhh! Tangina!" Nagwawala si Allaric. Lahat ng nakikita niya, hinahagis niya kung saan. Hindi niya alam kung bakit alam ni Neil palagi ang mga plano niya. Kailangan niyang makaisip ng paraan."Hahaha, tanga! Akala mo masusundan mo ako? Fuck you! Ilang taon akong nag-aral bilang hacker para lang pantayan ka Allaric. Dahil sa pagiging hacker mo noon kaya natunton ng mga magulang mo ang mga magulang ko at pinatay! Ubusin ko lahat ng lahi nyo, Putang ina ka!" Nanlilisik ang mga mata Neil, habang nanonood sa screen monitor ng laptop niya.
Read more
CHAPTER 25 - TRIPLETS
Mahigit dalawang oras ang nakalipas, lumabas si Adira sa Surgery Room. Patakbong sinalubong ni Allaric ang kambal at tinanong ito. "Adira, kamusta na ang ate mo?"Ngumiti si Adira at tinapik-tapik ang balikat ng kuya nya. "Wag kayong mag-alala kuya. Ligtas na po si Ate at ang baby niya. By the way, congrats kuya ah, nakita ko sa ultrasound dalawa ang amniotic sac sa loob ng tiyan ni Ate. Paano ba yan, mukhang hindi na mapipigilan ang pagdami ng lahi ng mga Dela Vega. Nagmana ka talaga kay Daddy. Unang gawa pa lang, kambal na kaagad." Nakangiting saad ni Adira."Dami mo talagang kalokohan Adira. Sige na ayusin mo na ang VIP room sa top floor, para mailipat na ang ate mo." "Wheee, ito naman si kuya pa humble effect pa kunyari, gustong-gusto lang naman puntahan si Ate."Naiiritang binalingan ni Allaric ang kakambal. "Umalis ka na nga Adira, pagod ako. Wala pa akong pahinga ng ilang araw. Gusto kong magpahinga sa silid na paglipatan sa ate mo."Hindi na kinulit pa ni Adira ang kuya niya.
Read more
CHAPTER 26 - 50 BILLION REWARD
Hindi pa nakahuma si Allaric sa sinabi ni Jayna ng agad na nitong kinagat ang muscles sa braso niya."Ahhhh.. fuck!" Mura niya dahil sa sobrang sakit.."Minumura mo ako?" Nagtatampo na tanong ni Jayna."No..minumura ko sarili ko." Parang iiyak na sagot niya sa asawa.Malapad naman na ngumiti si Jayna. Satisfied siya, sa pagiging maamo ni Allaric sa kanya."Kung hindi lang talaga kita mahal..""Kung hindi ano!?" Pag-agaw ni Jayna sa sinabi ni Allaric."Wala..syempre baka single pa rin ako ngayon kung hindi kita minahal." Palusot niya sa asawa. Niyakap na lang niya ito ng mahigpit. "Thank you my sweet angel. Binigyan mo ng kulay ang mundo ko, lalo na ngayon magiging daddy na ako. I love you.""I love you to, my Demon King." Sabay siil ni Jayna ng mainit na halik sa labi ni Allaric. Kunot noo naman na tinanong siya nito. "Bakit Demon King?" "Syempre dahil may baby Demon na tayo, tapos tatlo pa. Ikaw ang hari nila, kaya Demon King."Nagbuga ng hangin si Allaric. Akala niya, alam na ni J
Read more
CHAPTER 27 - THE PLAN
Matapos itapon ni Neil ang Crystal vase sa likuran ng mansyon, nagpalinga-linga muna siya bago niya kinuha ang kanyang cellphone."Hello, tang’na, bakit ba ang tagal mo umaksyon? Binigay ko na sa'yo ang ang sketchplan ng bahay hindi ba? Huwag na huwag mong isipin na umatras sa usapan natin, dahil sinisigurado ko sa iyo, sa ilog ka pupulutin!" Puno ng pagbabanta ang boses niya "Alam ko Neil, kaya pwede ba? Maghintay ka kung ayaw mong pumalpak ang plano! Inayos ko pa lahat ng mga tauhan mo. Mamayang gabi, bigyan mo sila ng sign kung tulog na lahat ng mga tao sa loob ng mansyon, at saka mo bubuksan ang gate. Kailangan nakahanda na ang lahat diyan, para mas mapabilis ang pag-atake nila sa asawa at anak ni Allaric." Buong detalye nitong sagot."Okay, sige, basta siguraduhin mo lang na wala kang tauhan na palpak at baka siya pa ang maging dahilan ng paghuli sa akin ni Allaric." Kinakabahan niyang sagot."Hindi 'yan mangyayari, hawak namin ang isang tauhan niya, at hindi alam ni Allaric. Mam
Read more
CHAPTER 28 - KNEEL BEFORE HIM
Nagmamadaling tinawagan ni Neil ang lolo Allen niya. Wala siyang kasiguraduhan kung makakalabas pa siya dito ng buhay."Lolo, tulungan nyo po ako, papatayin ako ni Allaric," natataranta na wika niya sa telepono."Anong, papatayin ka ni Allaric? Teka..hindi kita maintindihan, saan ka ba ngayon?" tanong ni Master Allen Hindi alam ni Neil kung paano sagutin ang lolo niya. Hindi kasi nito alam ang lahat ng mga pinanggagawa niya sa pilipinas. “Nandito po ako sa mansyon ni Allaric, lolo.” mahinang sagot niya.“Ano?” halata ang gulat sa boses ng lolo niya. “Ano ba ang dahilan mo at pumunta ka sa mansyon niya? Di ba sinabi ko na sa’yo na tigilan mo na ang paghihiganti dahil amanos na tayo sa pamilya Dela Vega? Namatay na ang mga magulang ni Allaric, katumbas ng pagkamatay din ng daddy at lola mo. Bakit mo pa ba pinagpipilitan ang paghihiganti?” Bakas ang galit ng lolo niya. Umigting ang panga niya dahil sa panenermon nito.Bang! Bang!“Lolo, andyan na sila, huhulihin na nila ako,” parang iiy
Read more
CHAPTER 29 - GLEE
BAM! BAM! SLAP!“Sige, laban! Gusto mong maghiganti? Labanan mo ako!” Galit na galit si Master Alen habang sinisigawan si Neil. Kasalukuyan silang nasa loob ng mansion nito sa New York. Kakauwi lang nila at agad niyang binato ito ng kanyang suntok. Hindi na niya mapigilan ang galit sa kanyang dibdib. Lahat ginawa na niya para tumigil ito sa paghihiganti. Ayaw na niyang maulit ang nangyari noon sa pamilya niya laban sa pamilya Dela Vega. Pagod na siya sa pakikipaglaban simula pa sa panahon ng kanyang asawa. Tiningnan niya ang apo, alam niyang mahal siya nito kaya hindi nito magawang lumaban sa kanya kahit pa may kakayahan itong gawin iyon. Matanda na sya at naghihintay na lang ng panahon niya na mawala sa mundong ito. Ngunit paano niya lisanin ang mundo gayung nakikita niya ang galit sa puso ng apo niya. Buong buhay nito ay nakatuon sa paghihiganti kay Allaric. Tiniis niya ang sarili na saktan ito ngayon para malaman na galit siya sa ginawa nito. Nanatili lamang nakatayo si Neil, hab
Read more
CHAPTER 30 - RAID
“Oh, Glee, nandito ka pala.” Bahagyang nagulat si Adira ng makita si Glee na prenteng nakaupo sa couch sa loob ng opisina niya."Yes sis. May gusto sana akong hingin na favor sa'yo." Kunyaring nahihiya na wika nito.Hinubad ni Adira ang puting Doctor's Coat niya at sinampay iyon sa likuran ng kanyang swivel chair. "Coffee?" Nakita niyang tumango si Glee kaya kumuha siya ng dalawang tasa at isinalang iyon sa coffee maker. Dinala niya iyon sa center table na sa harapan ni Glee."Ano bang favor iyan at mukhang seryoso ang mukha mo?" Tanong niya."Narinig ko kasi na naghahanap ka ng General Surgeon na ilipat mo sa philippine branch ng Amarah Hospital. I'm planning na ako na lang ang ipapadala mo doon since balak ko din naman na magbakasyon upang bisitahin si Mommy."Natigilan si Adira sa pag sip ng Coffee ng marinig ang favor na hinihingi ng kaibigan niya."Hmmm..kilala kita Glee, hindi ka basta-bastang magpalipat ng hospital kung wala kang malalim na dahilan." Nakagat ni Glee ang ibaban
Read more
PREV
1234
DMCA.com Protection Status