All Chapters of The Chosen Wife: Chapter 21 - Chapter 30
45 Chapters
Chapter Twenty-one: Ang Parangal
ANG PARANGAL Ang lahat ng mga maharlika, maging mga ordinaryong mamamayan ng Truth Kingdom ay nagtipon-tipon sa harapan ng palasyo ni Haring Chezedek upang pormal na parangalan ang lahat ng mga Mortano at Mortana na naging bahagi ng pagliligtas kina Haring Chezedek at Reyna Qinlan. Kasama sa mga paparangalan si Yusef at ang mga werewolf hunters na isinama niya sa pagliligtas sa mahal na hari at mahal na reyna. Gayak ng gayak ang lahat, ang bawat isa ay labis ang kagalakan dahil nailigtas ang kanilang mahal na hari at ang asawa nito. Inaasahan din ang matatanggap na parangal ng mga first ranked attendants at second ranked attendants pati ang mga tagapaglingkod sa mga palasyo sa Truth Kingdom. Nagsimula ang seremonya nang hipan ng mga royal musicians ang kanilang golden trumpets. Agad nagmartsa si Haring Chezedek, ang kanyang mga anak na prinsipe at ang mahal na reyna paakyat sa ikatlong balkonahe ng palasyo. Nang sila ay makaakyat n
Read more
Chapter Twenty-two: Metal Alchemy
PANIBAGONG PAGSASANAY... Sa ika-pitong morning hour ay maagang naglalakad si Hanna patungo sa kanilang paaralan. "Hay naku! Bakit ba palala na ng palala ang sumpong ni Mama?" napapaisip n'yang tanong. Labis ang pag-aalala ni Hannah para sa kanyang mama na si Linosa sapagkat madalas itong nagwawala o hindi naman ay umiiyak. Ilang mind doctors na ang kanilang kinunsulta upang masuri ang kanyang mama ngunit ni isa ay walang nagtagumpay na mapagaling ito. "Inaantok pa ako...." humihikab na pagbabahagi ni Kaleb. Maaga silang nagising upang pumasok sa unang Melyntor day nila sa Gitu University. "Ikaw naman kasi, Older Brother, alam mo namang maaga tayong papasok ngayon tapos nakipagkuwentuhan ka pa kay Emmanuel nang nagdaang evening hour..." natatawang kontra kay Kaleb ni Cloudio nang mapansing nasa unahan lang pala nila si Hannah, "Older Brother?" "Oh! Ano?" walang ideyang tanong ni Kaleb. "Si Hannah iyon, hindi ba?"
Read more
Chapter Twenty-three: Buhay na Pag-asa
BUHAY NA PAG-ASA Sina Davideh, Kaleb, at Cloudio ay nagpasama kay Hannah sa himpilan ni Head Master Arthur upang malaman kung ano ang mga panuntunan sa paaralan at kung aprobado ba ang kanilang mga dokumento upang maging kwalipikado sa pagsasanay ng metal alchemy o hindi. "Napakalawak naman ng himpilang ito, kasinglawak ng himpilan ng Tiyuhing Prinsipe Reuel Eriam!" malugod na puna ni Kaleb habang sinisipat ang kabuoan ng himpilan. "Shssss...." saway naman ni Hannah, "Huwag kang maingay d'yan, baka nakakalimutan mo, hindi pa kayo sigurado kung aprobado na ang mga dokumento ninyo. Paano kung hindi kayo maaprobahan dahil sa ingay mo?" "Paumanhin..." mahina ang tinig na tugon ni Kaleb. Sina Davideh at Cloudio naman ay nakamasid lamang kay Hannah. Batid nila na siya ay maingat pagdating sa mga alituntunin ng paaralan, sapat na katangian upang mapagkatiwalaan nila na maging gabay nila sa paglilibot sa Gitu. Nagtinginan sina Davideh
Read more
Chapter Twenty-four: Zombies' Border
"Bilang eldest witch ng kasalukuyang henerasyon ay pormal kong itinatalaga ang aking panganay na anak na si Gayumarah bilang bagong eldest witch!" pag-aanunsyo ni Athalia, ang kasalukuyang eldest witch sa angkan ng mga witches sa bansang Gypto.Nakangiting lumapit si Gayumarah sa una upang tanggapin ang pamana nito."Mabuhay ang bagong eldest witch na si Gayumarah!""Mabuhay ka, Eldest Witch Gayumarah!"Ang mga witches, sorcerers at magician ay nagbunyi para kay Gayumarah."Salamat! Salamat sa inyong lahat!" naluluhang sigaw ni Gayumarah sa mga witches, sorcerers at magicians na bumabati sa kanya."Binabati kita, anak ko.""Salamat po, Mama. Gagawin ko po ang lahat upang magampanan ang aking tungkulin."Lumapit naman kay Gayumarah ang kanyang kaisa-isang kapatid na si Encantra upang batiin siya, "Binabati kita, Big Sister.""Salamat, Younger Sister."Dahil sa bagong tungkuling iniatas kay Gayumarah ay nagkaroon ng pangamba si Encantra na baka mawalan na ng panahon para sa kanya ang bi
Read more
Chapter Twenty-five: Sumisibol na Pag-ibig
Sa palasyo ni Prinsesa Nini... "Pagbati, mahal na Prinsesa Nini!" malugod na pagbibigay-galang ni High Priest Peniha nang harapin sila ng prinsesa. Bihira lamang magpunta sa mga palasyo sa Truth Kingdom ang mga high priests kaya nagulat si Prinsesa Nini nang biglang dumalaw ang mga ito. "Pagbati sa inyo, High Priest Peniha at High Priest Hopna! Masaya ako na nagpunta kayo rito sa palasyo ko." Si Arahab naman na naglalakad patungo sa bulwagan ng palasyo ay biglang nagtago sa isang gilid nang makita ang high priests na dumalaw sa prinsesa. "Ang mga high priests!" nabiglang sambit ni Arahab habang nakalapat ang likod sa isang pader, "Ano ba ang ginagawa nila rito?" Humihingal pa si Arahab nang makita ang paparating na si Deborah. "Nasaan ba iyong si Ara--" Sa takot na baka makita si Deborah ng mga high priest ay hinila siya ni Arahab upang magtago. Nagtinginan naman sina Prinsesa Nini at ang mga high priests sa direksyong pi
Read more
Chapter Twenty-six: Ang Alyansa (Part 1)
. Sa Gypto Academy kung saan abala si Anarah sa ginagawang ritwal para pagalawin at pagsalitain ang isang kan'yang witch basket sa kanyang himpilan. Bagamat alam na alam na niyang gawin iyon ang naeensayo pa rin siya upang sa kanyang pagtuturo ay sigurado siya na hindi siya papalpak sa harap ng kanyang mga mag-aaral. "Anumang walang buhay ay gagalaw at magkakaroon ng himig sa pusong may nais ipahiwatag!" Nang ihampas niya ang kanyang brooch ay gumalaw ang kan'yang witch basket at nakapagsalita sa tinig ng isang Mortana. "Eldest Witch! Eldest witch!" hinihingal na sigaw ni Jonaner papasok sa kan'yang himpilan. Hindi pa rin itinigil ni Anarah ang ginagawa, "Ano ba ang problema, Master Magician?" Kapag nasa Gypto Academy sila ay nagtatawagan sina Anarah at Jonaner sa pangalang base sa kanilang larangan. Kahit isa nang ganap na mistress witch si Elj ay nagtuturo pa rin si Anarah sa mga mag-aaral sa Gypto Academy. P
Read more
Chapter Twenty-seven: Ang Alyansa (Part 2)
(Continuation...) Ilang Melyntor days na ang nakalilipas magmula nang gawing bihag ng grupo ni Siviro ang hari at reyna ng Truth Kingdom. Bilang pagtutuwid kay Siviro at sa kanyang grupo ay sila ang naatasang maging tagahuli ng Qanna pigs at Qanna goats para sa lahat ng mga matatandang Adona na wala nang kakayahang manghuli ng pagkain. Pinagbawalan na ang grupo ni Siviro na lumabas ng Edoma Forest at magpunta sa kahit saang lugar na may mga nakatirang Mortano at Mortana. Ang grupo naman ni Sharina ang inatasan ni Datu Nebunizar na magmamanman sa mga kuta ng mga vampires sa paligid ng kontinente nang Melyn. Nang mabalitaan ng kanilang werewolf clan na mas lalong lumakas ang pwersa ng mga vampires sa mga bansa sa Melyn ay maraming werewolf clans ang nabahala. Kaya naman kinailangan ang grupo ni Sharina na magmanman sa mga ikikilos ng mga vampires na kilala nila. Kasalukuyang gumagawa ng plano si Datu Nebunizar kung papaano ma
Read more
Chapter Twenty-eight: Pagkakaibigan
Hindi na nga nakatanggi pa si Deborah sa pangungulit sa kaniya ni Yusef at pumayag siya sa pakikipagkaibigan nito sa kaniya. Bagamat balak talaga sana niyang manghuli ng Qanna pig at Qanna goat upang kainin ay nagpunta na lamang siya sa templo kasama nito. Upang walang masyadong makakilala kay Yusef ay nagsuot ito ng vendor clothes. "Kailangan mo po ba talagang magbalat-kayo?" paniniguro niya. Nakangiting tumango ito, "Oo, hindi ba at sinabi ko sa iyo na gusto ko na lang na maging pangkaraniwang nilalang na lang at maging kaibigan mo? Kaya ito, nagsuot ako ng pangkaraniwang kasuotan." "Pero Prins--" "Yusef na lang. Hindi nga muna ako prinsipe ngayon, hindi ba?" Napilitan siyang tumango kahit hindi naman talaga siya sang-ayon sa pagbabalat-kayo nito, "Sige, Yu-yusef. Kahit ba sa templo ay sasamahan mo ako?" "Oo, bakit ba? Akala mo siguro ay hindi ako marunong makipag-usap kay Lord Father Adonai, ano!" "Hindi na
Read more
Chapter Twenty-nine: Kaibigang Matalik
****** Matamlay na bumalik ng palasyo si Deborah. Tipid lamang ang pagbating ibinabahagi niya sa mga kapwa tagapaglingkod. Nagtataka man ang mga kasamahan ay hindi na siya inusisa pa ng mga ito. Nang makapasok siya sa kaniyang silid ay agad na napahiga siya sa kaniyang higaan at bumuntong-hininga, "Ano ba ang nangyari sa iyo kanina, Deborah?" Paulit-ulit na tinatanong niya ang sarili kung bakit sa tagal ng panahong iniiwasan niya si Yusef ay bigla na lamang sa isang Melyntor day ay marami siyang naisiwalat dito. "Katapusan mo na talaga, Deborah! Asahan mo nang may pupuntang royal police sa palasyo para hulihin kayo ni Arahab..." "Ano ba'ng binubulong-bulong mo d'yan, Deborah? Nababaliw ka na ba?" bulyaw sa kaniya ni Arahab nang maabutan siya nito na kinakausap ang sarili. Umupo ito sa kaniyang higaan at pinagtaasan siya ng kilay. Siya naman ay inirapan ito at tumalikod, "Hindi ka ba marunong kumatok?" "Bakit naman a
Read more
Chapter Thirty: Pag-iwas at Pagpapahalaga
. "Isang masiglang Melyntor day mga ginoo at mga binibini! Alam ko na karamihan sa inyo ay marami na ang nalalaman tungkol sa metal alchemy," pagsisimula ni Master Alchemist Jung. "Ngunit mayroon din naman sa inyo ang nagsisimula pa lamang pag-aralan ito." Nagtinginan ang mga mag-aaral kina Davideh, Kaleb, at Cloudio. "Nagsisimula pa nga lang pero kung makaasta ay parang ang dami nang nalalaman." Pabulong ngunit nagpaparinig sa pagtukoy ni Dayie kina Davideh. Hindi na lamang pinansin ni Davideh at ng kaniyang mga kapatid ang tila pagtukoy sa kanila ni Dayie. "Ano ba'ng problema niya sa atin, Eldest Brother?" pasimpleng tanong ni Kaleb. "Hayaan mo na, Mishael, pagtiisan na lamang natin," mahina ang tinig na tugon ni Davideh patungkol kay Dayie. Sila ay nagtipon-tipon sa isang lugar kung saan walang masyadong nilalang na nagpupunta. Kaya ligtas kung sakaling magpamalas ang mga mag-aaral ng matututunan nila sa itinuturo ni Master
Read more
PREV
12345
DMCA.com Protection Status