Lahat ng Kabanata ng The Chosen Wife: Kabanata 1 - Kabanata 10
44 Kabanata
Chapter One: Ang Eldest Witch
Chapter One: Eldest Witch Hapon matapos ang klase nina Deborah ay dali-dali niyang nilikas ang kanilang silid-aralan. Ilang Gypto mountain pa ang tatakbuhin niya para makauwi sa kanilang witch cabin. "Ano Eldest Witch! Ba't parang nagmamadali ka 'ata?" tanong ng isa sa kanyang mga mag-aaral na si Sherif. Ang tatlo namang mga kasama nito ay nagtawanan sa sinabi nito. Inirapan lamang ni Deborah ang mga ito at umalis. "Hoy! Kinakausap ka pa namin!" muli ay sabi ni Sherif. Si Varga naman na isa sa tatlong kasama nito ay hinarang siya, "Ang bastos mo, ah! Baka inaakala mo ns dahil nasa sayo ang Eldest Witch Position ng inyong witch clan ay pwede mo na kaming bastosin ng ganyan..." Nagulat ang lahat nang itulak ito ni Deborah, "Tumabi ka nga diyan!" naiirita niyang sabi kay Varga na hindi pa makatayo mula sa pagkakatulak niya. "Ang yabang nito, ah!" sabi naman Juvy mat
Magbasa pa
Chapter Two: Ang Mysterious Ninja
"Bilis Eldest Sister! Bilis pa!" masayang sigaw ni Hananiah. Mabibilis na tumakbo ang mga zombies para habulin sina Deborah, Anarah at Hananiah. Tatlong Melyntor years din niyang inasam na muli silang isasakay ng kanilang Eldest Sister sa broomstick nito. Kaya naman ay naisipan niyang bigyan ito ng positibong puna, "Hindi pa rin talaga kumukupas ang galing mo sa pagsakay sa broomstick Eldest Sister!" "Huwag kang mag-alala, Anarah, kapag nakapasok ka sa Gypto Academy ay mas mabilis ka pang magmaneho ng broomstick..." "Sana nga makapasok ako sa eskwelahang iyon..." "Ako din, sana makapasok din ako sa Gypto Academy Eldest Sister!" sabi naman ni Hananiah. "Oo naman! Ngunit bago iyan ay kailangan muna nating makalabas sa lugar na ito...." nakangiting sabi ni Deborah na mas lalo pang pinabilis ang pagmamaneho. Bagamat nakakakaba ang paghabol sa kanila ng mga zombies ay masaya pa din sina Anarah at Hananiah. Matagal na pa
Magbasa pa
Chapter Three: Ang Mabangis Na Wereworf
Lumipas ang tatlong Melyntor years, imbes magsanay upang maging isang ganap na Eldest Witch ay ginugol ni Deborah ang panahon sa pagtugis sa ninja na palaging nagmamanman sa kanilang witch cabin. "Kailangan ko na siyang mahuli bago pa niya masaktan ang aming pamilya..." sabi niya habang binabaybay ang mga lugar na maaaring puntahan ng ninja. Hindi na naman siya pumasok para lamang magmanman sa mga witch cabin ng kanyang mga kamag-anak. Nababahala siya na baka manganib din ang buhay ng mga witches na miyembro ng kanilang witch clan. Nagsisimula na ang klase nang maaalala ni Jethro Aron ang pamangkin niyang si Deborah. Mag-aaral niya kasi ito at wala na naman sa klase kaya hinanap niya ito sa kanyang mga mag-aaral. "Nasaan na naman ba si Deborah?!" mainit ang ulong tanong niya, "baka inaakala niyang dahil siya ang may hawak ng Eldest Witch Position ay hindi ko na siya ibabagsak sa klase ko!" "Ipagpaumanhin po ninyo Mas
Magbasa pa
CHAPTER FOUR: ANG TUSONG HARLOT
Sa loob ng dalawang Melyntor years ay naglakbay si Deborah sa isang napakalawak na lupain sa labas ng bansang Gypto. Siya ay napakabangis at talaga namang matatakot sa kanyang anyo ang sinomang nilalang na makakakita sa kanya. Wala siyang matirhan ni mahihingan ng tulong. Ang mga Qannah wolves at Qannah bears na nakakasagupa niya ang nagsisilbi niyang pagkain. "Napakasarap ng naging pagkain ko kanina, sana lamang ay marami pa akong makasalubong na Qanna wolves sa daan..." mabilis ang paggapang na bulong ng isip ni Deborah. Dalawang Melyntor years na ang nakalilipas magmula nang siya ay lumayas sa Gypto at muntikan nang mapatay ng isang werewolf. Naaalala pa niya ang tinig na kanyang narinig. Alam ni Deborah na ang tinig ni Lord Father Adonai ang kanyang narinig. "Saklolo! Saklolo! Tulungan niyo ako!" narinig niyang sigaw ng isang Mortana sa di kalayuan. Magmula nang makasagupa ni Deborah ang werewolf na muntikan nang pum
Magbasa pa
CHAPTER FIVE: Ang Mapagmahal na Prinsesa
Sa paglalim ng gabi ay mas lumalamig ang temperatura sa labas ng Gypto. Nakaramdam ng ginaw si Deborah kaya bumagal at bumigat ang kanyang paghakbang. "Hindi ko inakalang magiging ganito kaginaw ang temperatura sa oras na ito..." giniginaw na bulong ni Deborah. Bagamat nakararamdam ng takot ay nagpatuloy lamang si Deborah sa paglalakbay. Balewala na sa kanya ang lamig ng panahon. Ang mahalaga lamang sa kanya ay marating ang Guzen upang malaman kung makikita niya doon ang papa niya. "Ano iyon?" nakararamdam ng takot na sabi niya nang marinig ang mga ungol ng mga mababangis na hayop. Naisip niya na maaaring hindi lamang iyon mababangis na hayop kundi mga nakakatakot na nilalang. "Ang mga vampire ay hindi umuungol kundi ay wala silang tinig ng pagkakakilanlan maliban na lamang kung sila'y magsasalita. Kung hindi vampire ang nasa paligid ay maaaring...." Natigilan si Deborah nang sumugod ang isang werewolf na bigla na lamang sumulpo
Magbasa pa
Chapter Six: Ang Masungit na Hunter
Hindi na naglaban pa si Deborah kaya naman tuluyan na siyang iniharap ng Mortano sa himpilan ni Prinsesa Nini. "Anong ginawa mo Yusef? Bakit mo siya kinaladkad papunta dito?" natatarantang sabi ni Prinsesa Nini nang maibaba si Deborah ng Mortano. "Nakita ko siyang umaali-aligid sa labas ng palasyo ninyo mahal na Prinsesa kaya dinala ko siya sa iyo upang masiyasat...." pawis na pawis na pagpapaliwanag ng Mortano. "Kalagan niyo nga siya!" naiiritang utos ni Prinsesa Nini sa mga bantay ng palasyo na nasa loob din ng himpilan. Nang makalagan si Deborah ng mga bantay ay nilapitan siya ni Prinsesa Nini, "Ayos ka lang ba?" Tumango lamang siya bilang tugon. "Bakit mo siya pinakakalagan Prinsesa? Kilala mo ba siya?" pagtataka ng Mortano. "Oo dahil bisita ko siya! Nakita kasi naming nahimatay ang big sister niya nang magpunta kami sa templo kanina kaya tinulungan ko sila at pinatuloy muna dito sa palasyo" kuwento dit
Magbasa pa
CHAPTER SEVEN: Ang Mga Kabataang Werewolves
Umuwing sugatan ang pangkat ni Siviro nang magbalik sila sa Edoma Forest. Balak lamang sana nilang takutin ang mga mamamayan sa Truth Kingdom nang makaingkwentro nila ang isang Mortana na kasing lakas nila. "Lagot na naman tayo nito kay Datu Nebunizar lalong lalo kana Leader Siviro!" namimilipit sa sakit na komento ni Kyle. Siya ang pinakabatang werewolf sa kanilang grupo. "Kung hindi sana kayo basta-bastang sumugod edi sana hindi kayo ang unang napuruhan!" paninisi naman ng nag-iisang Adonang werewolf sa kanila na si Loisa. "Malay ba naming may nakabantay pala doon na isang Mortanang ganoon kalakas!" pagdadahilan naman ni Jolo. Si Siviro naman ay tahimik lamang na inaalala ang mga nangyari sa kanila sa Truth Kingdom. Hindi niya lubos maisip na may makakaingkwentro sila ng ganoon kalakas na Mortana na singlakas ng isang werewolf na kagaya niya. Napakabagsik nito at tila isang mabangis na werewolf din kung umasta. "Namukhaan niyo ba yung Mortana na
Magbasa pa
Chapter Eight: Ang Pinakamalakas na Werewolf
Chapter Eight: Ang Pinakamalakas na Werewolf Maagang gumising si Ziporrah upang magluto ng pagkaing dadalhin niya para kay Ram Luiz. Walang Melyntor day na hindi niya ito dinadalhan ng pagkain maliban na lamang kung nagkakatampuhan sila. "Ang bango naman niyan! Mukhang para sa mapapangasawa niya ang niluluto niya ah!" bungad na pang-aasar sa kanya ng kanyang Eldest Brother na si Jafet. Inirapan lamang niya ito at nagpatuloy lamang siya sa pagluluto. Ang kanilang Youngest Brother naman na si Shim ay dinugtungan ang pag-aasar ng kanilang Eldest Brother, "Tingnan lang natin kung hindi pa iyon magtapat ng pag-ibig niya kapag natikman ang pagkain na iyan!" Nang magtawanan sina Jafet at Shim ay napailing na lamang si Ziporrah sa mga ito. Sanay na siya sa mga pang-aasar nila tuwing nagluluto siya o umuuwi siya galing sa Suffer Pyramid para dalhan ng pagkain si Ram Luiz. Bumuntong-hininga muna siya bago magpakunwaring nagtataray sa mg
Magbasa pa
Chapter Nine: Ang Mga Tagapaglingkod
Nagmamadaling pumasok ang second-ranked attendant ni Prinsesa Nini na si Zillah upang iulat sa kanya ang nasagap nitong impormasyon. Nang makapasok ng palasyo ay tinungo agad ni Zillah ang himpilan ni Prinsesa Nini. "Pagbati po, mahal na Prinsesa Nini!" magalang na sambit ni Zillah na nakayuko. Humudyat naman si Prinsesa Nini kay Zillah na iangat na niya ang mukha, "Ano'ng balita sa pinamamanmanan ko, Zillah?". Si Zillah naman ay iniangat na ang mukha at tumugon, "Tama nga po ang kutob ninyo, Prinsesa Nini, may hinahanap nga dito sa Guzen ang mga werewolves na sumugod dito sa palasyo isang Melyntor year na ang nakakaraan". Nakaramdam ng pag-aalala si Prinsesa Nini, "Natukoy ba kung sino ang hinahanap ng mga werewolves na iyon?" "Base sa binayaran ninyo na nagmamanman sa kanila ay isang Mortana daw na kasing lakas ng isang werewolf ang hinahanap nila" malumanay na sanaysay ni Zillah. Nagtaka si Prinsesa Nini sa narinig, "Isang M
Magbasa pa
Chapter Ten: Ang Mga Yumaong Prinsesa
ANG MGA YUMAONG PRINSESA Ipinatawag ni Datu Nebunizar sina Siviro at Ram Luiz sa himpilan nito. Alam niya na hindi pa masyadong palagay ang loob ng dalawa sa isa't isa kaya naman naisipang kausapin nang sabay ni Datu Nebunizar ang magkapatid. "Mahal na Datu Nebunizar! Naririto na po sina Adult Siviro at Adult Ram Luiz!" anunsyo ng isa sa mga tagapaglingkod ni Datu Nebunizar. "Patuluyin sila!" taas noong utos ni Datu Nebunizar. "Pagbati po, aming grandfather na Datu!" magalang at seryoso ang mukha na bati ni Siviro. Si Ram Luiz naman ay tumango lamang bilang pagpapakita ng kanyang paggalang sa kanyang lolo. "Mabuti naman at nagkita na kayong magkapatid" umaliwalas ang mukha na puna ni Datu Nebunizar. "Kapatid talaga? Parang hindi pa nga kayo nakasisigurong anak din siya ni Papa, e...." mahinang bulong ni Siviro na napakamot sa kanyang ulo. Hindi napigilan ni Ram Luiz ang sarili na titigan ito nang masama. "Napatunayan ko na 'yan,
Magbasa pa
PREV
12345
DMCA.com Protection Status