SAGALAGLAG ang mga balikat ko habang nakatanaw sa gate ng mansion mula sa nakabukas na pintuan. Parang mawawasak ang puso ko sa sama ng loob at pag-aalala.Mag-iisang linggo na mula nang mahuli ko sa club sina Marlon at Mina. Ganoon katagal na rin mula nang huling umuwi si Marlon sa bahay namin. Hindi ito ang unang beses na gawin niya ito, pero ito ang unang pagkakataon na tumagal nang isang linggo ang hindi niya pag-uwi.Hindi ko maintindihan. Ginagawa ko naman lahat ng gusto niya, nagiging mabuti at maunawain akong asawa, pero bakit hanggang ngayon, hindi niya ako kayang tingnan bilang kabiyak?"Ma'am, bakit ba kasi ayaw n'yo pang pirmahan ang divorce papers? Kayo lang ang nasasaktan, e."Narinig ko ang boses ni Sita mula sa likuran. Malungkot ko itong nilingon at inilingan."Dahil ayaw kong masira ang marriage namin, at ayaw kong pakawalan ang taong mahal ko.""Aanhin mo naman po ang kasal kung malungkot at nahihirapan naman kayo, Ma'am Saga? Napakaganda n'yong babae at mabuti ang
Read more