All Chapters of Hiding the Miracle Heiress : Chapter 31 - Chapter 40
95 Chapters
Chapter 31
LIYANNA’S POVRamdam ko na kaya ko ng tumayo kaya sinubukan ko na. Pasalamat ako dahil nagtagumpay naman ako. Bumalik na ulit ang lakas ng mga tuhod ko.“Thank you Lord,” pabulong na sabi ko. Sinimulan ko na rin na ihakbang ang paa ko papunta sa banyo para magsipilyo at naghilamos na rin ako. Ito ang reason kung bakit hindi ko masyadong binubuhat si Mireya. Kasi nabitawan ko siya noong baby pa siya. Kaya takot na akong kargahin siya noon. Si Vena na ang laging kumakarga sa kanya. Paglabas ko sa banyo ay nakangiti ito sa akin at halata na inaantok na siya. Kaya sumampa na ako sa kama para tabihan siya.“Sleep na po tayo mommy,” aniya sa akin.“Okay ana—”“Wait po mommy, hindi pa po kayo uminom ng medicine niyo.” Mabilis itong bumaba sa kama at kumuha ng gamot ko at tubig ko.“Thank you baby,” pasasalamat ko sa kanya.“You’re welcome mommy.” Nakangiti ito sa akin.Pinainom niya sa akin ang gamot ko. Pagkatapos ay tumabi na ulit siya sa tabi ko.“Baby, okay lang ba na hindi si mommy ma
Read more
Chapter 32
LIYANNA’S POV Lumabas na ako sa silid na inakupa ko. Lihim akong napangiti dahil alam ko na maiinis sa akin si Pia. ‘Yon ang goal ko ngayon ang galitin sila ni Cathy. Habang pababa ako sa hagdanan ay nakita ko si Carlos na nakatayo at may hawak itong alak. Nakikipag-usap ito sa ibang mga bisita. Lumingon ito sa akin, ngumiti ako sa kanya. Nasa tabi rin kasi niya si Pia kaya mas ginandahan ko pa ang ngiti ko. Naglakad ito para salubungin ako at inilahad niya sa akin ang kamay niya pero hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang ako papunta kay mommy. “You look so lovely, iha.” salubong sa akin ni mommy habang may magandang ngiti. “Thank you mommy,” nakangiti na sagot ko sa kanya. “Mrs. Ballarta, puwede mo ba akong ipakilala sa magandang binibini na kasama mo ngayon?” Saad nang isang lalaki kay mommy. “She is my—” “She’s my wife, Mr. Santiago.” Si Carlos na mismo ang sumagot sabay hapit sa baywang ko. Hindi na tuloy natapos ni mommy ang sasabihin niya. “Woah! Really? Kasal kan
Read more
Chapter 33
LIYANNA’S POV “Mommy, gumising po kayo. Jusko po! Mommy please, wake up.” Natatakot na bulalas ko. Ginigising ko siya dahil nawalan siya ng malay. Mabilis akong bumaba sa room ko. Hinanap ng paningin ko si Carlos. “Carlos!” Sigaw ko sa kanya nang makita ko siya. Mabilis itong lumingon sa gawi ko. Hinihingal man ako ay tumakbo pa rin ako papunta sa kanya. “What happened?” Nagtataka na tanong niya sa akin. “S-Si mommy, C-Carlos, si mommy. Nahimatay siya, dalhin natin siya sa hospital.” Hinihingal na sabi ko sa kanya. “What?! Fvck!” Mabilis itong tumakbo paakyat sa hagdanan. Sumunod naman ako sa kanya. Pagpasok namin ay nakahiga pa rin si mommy at hindi pa rin ito nagkakamalay. “Mommy, wake up. Mommy,” tinapik tapik ito ni Carlos. “Carlos, dalhin na natin siya sa hospital.” Utos ko sa kanya. “Sige,” nakikita ko ang takot sa mga mata niya. Pero nang akmang bubuhatin na niya ito ay bigla na lang nagkamalay si mommy. “Mommy, are you okay?” Nag-aalala na tanong ni Carlos sa momm
Read more
Chapter 34
LIYANNA’S POV Unang bumungad sa akin ang nag-aalala na mukha ni Carlos. Iginala ko ang paningin ko sa loob ng silid at nakumpirma ko na nasa ospital ako. May naramdaman akong kirot sa bandang siko ko. “How’s your feeling? May nararamdaman ka bang kakaiba?” Tanong niya sa akin. Umiwas ako ng tingin dahil sobrang lapit niya sa akin. “Okay lang ako, anong nangyari sa akin?” Tanong ko sa kanya. “Nabangga ang kotse mo, nawalan ng preno. Mabuti na lang at walang nangyari sa ‘yo.” Sagot niya sa akin, nang tingnan ko siya ay may nakita akong kakaiba sa mga mata niya. Para bang sobra itong nag-alala sa akin. Napaisip ako sa sinabi niya. Malakas ang kutob ko na may gumalaw sa kotse ko. Malalaman ko rin kung sino ang may gawa sa akin nito. Hindi ko lang alam sa dalawang kontrabida sa buhay ko. Nagpapasalamat ako dahil hindi ako pinabayaan ng nasa itaas. “Uuwi na ako,” sabi ko sa kanya. “Itatanong ko muna sa doktor kung puwede ka na umuwi.” “Wala akong ibang nararamdaman, kaya puwede na
Read more
Chapter 35
LIYANNA’S POV “Happy birthday to you.. Happy birthday to you… Happy birthday, happy birthday.. Happy birthday my Mireya…” pagdilat pa lang ng mga mata niya ay kinantahan ko na siya kaagad. Masaya kong kinakanta sa kanya ang birthday song. “Thank you so much, mommy.” Nakangiti ito kaagad sa akin at alam ko na masaya siya. “Make a wish na baby,” utos ko sa kanya. “My wish po, sana ay gumaling na si mommy. Para hindi na po siya mahirapan, at para po hindi niya ako iwan. Mahal na mahal ko po ang mommy ko at hindi ko po kaya na wala siya sa tabi ko. Ayaw ko rin po na mahirapan siya.” Umiiyak siya habang sinasabi ang wish niya. Hindi ko rin inaasahan na marinig ‘yon mula sa anak ko. She’s just five years old para maisip niya ang wish na ‘yon. Niyakap ko siya at pareho kaming umiiyak. Napakabuti ng Panginoon dahil si Mireya ang ibinigay niya sa akin. “I love you, anak ko.” buong puso na sabi ko sa kanya. “Wala po akong ibang wish mommy kundi maging healthy ka po. Ayaw po kitang makita
Read more
Chapter 36
LIYANNA’S POV “Good morning, kuya. Nandito ba si Ate Cathy?” tanong ko sa asawa niya na palabas ngayon sa pintuan ng bahay nila. Sinadya kong agahan ang pagpunta dito sa bahay nila. “Good morning, Liya. Nasa loob ang ate mo, pumasok ka na lang.” nakangiti na sabi niya sa akin ni kuya. “Thank you po, pasok na po ako kuya.” “Sige, papasok na rin ako papunta sa office.” aniya sa akin, masipag si kuya dahil maliban sa pagiging politiko ay businessman rin siya. Pumasok ako, kaagad kong nakita si Cathy na pababa sa hagdan. Ngumiti ako sa kanya ng ubod ng tamis. Nakita ko na kumunot ang noo niya sa akin. Marahil ay nagtataka siya kung bakit ako narito ng ganito ka aga. “Bakit ka nandito? At bakit ang aga mo yata na pumunta dito?” Sunod-sunod na tanong niya sa akin. “Good morning ate, gusto ko lang personal na magpasalamat sa mga gamot. Sigurado ako na masarap na naman ang tulog ko. Maganda pala sa katawan ang vitamins na ‘yon. Sayang at walang nagbebenta sa US.” Saad ko sa kanya, kitan
Read more
Chapter 37
LIYANNA’S POVHindi ako makapagtrabaho ng maayos. Iniisip ko kung ano ang gagawin ko. Nandoon rin ang kaba ko na baka palayasin niya nga si Pia may part ng puso ko na naawa ako sa anak nila. Sa totoo lang ay balewala lang sa akin ang sagot ko sa kanya na bibigyan ko siya ng chance. Pero dahil sa ginawa niya kanina at nakita ko na seryoso siya kaya napaisip ako bigla. Mukhang mapapasubo ako pero sa tingin ko ay magandang oppurtunity rin ito para sa mga plano ko.“Papasukin mo ako! Ano ba?! Bitawan mo nga ako!” May naririnig ako na sumisigaw mula sa labas ng office ko.“Ano ba?!” Sigaw pa nito ulit.Tumayo ako sa swivel chair ko para sana pumunta sa labas nang bigla bumukas ang pintuan ng opisina ko.“Sorry po, Ma’am.” Nakayukong sabi ni Jessica habang hinihila pa rin si Pia para hindi makapasok.“Okay na Jessica, iwan mo na kam—”“Bitawan mo na nga ako! Hindi mo ba ako kilala?!” Naiinis na bulyaw ni Pia sa sekretarya ko.“Wala kang karapatan na sigawan ang empleyado ko dito sa mismong o
Read more
Chapter 38
LIYANNA’S POVHe kissed me. Hindi ko inaasahan na hahalikan niya ako sa labi. Nagulat ako pero never akong humalik sa kanya pabalik. Ayoko siyang bigyan ng pag-asa o kasiyahan. Ilang sandali pa ay binitawan niya ang labi ko. Tumingin siya sa ng diretso sa mga mata ko.Hindi ko matukoy ang emosyon na nakikita ko ngayon.“Hindi na ako mangangako, gagawin ko na lang. Please, give me another chance.” Mahina na sabi niya sa akin.Sobrang lapit ng mukha niya sa akin at hindi na ako komportable. Umatras ako ng kaunti para makalayo sa kanya. Alam ko na naghihintay siya ng sagot ko.“Okay, pero sa mansiyon ako uuwi at pabalikin mo si Pia doon.” Sagot ko sa kanya.“No, hindi ko siya papabalikin doon.” Sagot niya sa akin.“Paano ang anak mo? Pabalikin mo siya, alam ko na hindi sanay ang anak mo sa ibang bahay.” Sabi ko sa kanya pero iba ang tunay na nasa loob ko.“Babe,” nag-aalangan na tawag niya sa akin.“Kung ayaw mo, hindi na ako uuwi sa bahay nila momm—"“Okay babe, gagawin ko.” mabilis na s
Read more
Chapter 39
LIYANNA’S POVNgayon ako lilipat sa bahay nila mommy. Bigla kong naalala ang bahay namin ni Carlos noon. Ano kaya ang nangyari sa bahay na ‘yon? Pero naisip ko wala namang magandang mga memories doon. Hindi naging masaya dahil masalimuot ang mga nangyari sa akin sa bahay na ‘yon. Kaya wala rin akong maramdaman na panghihinayang. “Dito ba tayo,” sabi sa akin ni Carlos at kinalas ang suot ko na seatbelt. Inalalayan niya akong bumaba sa kotse.“Nandito ba si mommy?” Tanong ko sa kanya.“Wala pa yata siya may pinuntahan siya ngayon,” sagot niya sa akin.Habang umaakyat kami papunta sa magiging silid ko ay nakasalubong namin si Pia. Nakita ko ang gulat sa mukha niya. Hindi niya inaasahan na dito na rin ako titira. Alam ko na nag-aalala na ito kaagad. Ngayon na nandito na ako ay hindi na siya malayang makakakilos dito.“Anong ginagawa niya dito, Carlos?” tanong ni Pia.“Dito na siya titira,” sagot naman ni Carlos kay Pia.Ngumiti ako sa kanya. Inirapan niya ako. “Behave,” sabi ko sa kanya
Read more
Chapter 40
LIYANNA’S POV“Gusto mo ba ng ice cream?” Tanong ko kay Precious. Nandito kami ngayon sa convenience store.“Opo tita,” sagot naman niya sa akin. Halata rin na excited siya.Lumingon ako kay Carlos at nahuli ko siyang nakatingin sa akin. Nakangiti rin siya kaya medyo nailang ako sa uri ng tingin niya. “Puwede ba siya sa ice cream?” Tanong ko sa kanya. Baka kasi mamaya bawal pala ang bata.“Wala namang bawal sa kanya,” nakangiti na sagot sa akin ni Carlos.“Mas okay na malinaw, dahil baka masisi na naman ako. Puwede mo ba siyang buhatin para makapili siya ng gusto niya?” utos ko sa kanya.Mabilis naman siyang lumapit sa amin. Binuhat niya ang bata at pinapili ng flavor na nais nito. Ganito ba siya sa anak niya? Malambing at mapagmahal? Kung si Mireya kaya ang kasama namin ngayon, ganito rin kaya siya? Nagbago na ba talaga siya? Kasi malayo na siya sa Carlos na kilala ko. “Babe,” tawag niya sa akin.“Bakit?” “Gusto mo rin ba ng ice cream?" Tanong niya sa akin.“Ayoko, gatas na lang ak
Read more
PREV
123456
...
10
DMCA.com Protection Status