All Chapters of TEMPTING the DEVIL MAFIA (Riot Men Series 24): Chapter 81 - Chapter 90
128 Chapters
LOVE & BULLETS C1
NILE ALEXANDER..."Damn ang daming chika ngayon bro," masayang turan ng kan'yang best friend na si Sancho.Nasa bar sila ng kuya Joshua n'ya para mag unwind. May sarili din s'yang bar pero mas trip n'ya ngayon sa bar ng anak ng kan'yang ninong Howald.Puno ng tao ang naturang bar dahil Sabado ngayon at halos lahat ay gustong mag relax sa pamamagitan ng pagtambay sa mga bar at pag inom.Katulad na lang nila ngayon ng mga kaibigan na ngayon lang ulit nagkita-kita dahil pareho silang mga busy sa kani-kanilang mga buhay.Tanging silang dalawa lamang ni Sancho ang madalas na nagkikita at nagkakasama sa mga happenings sa buhay nila."Whoohhh! Look at that slut dude! Ang galing gumiling," si Sancho na nakatingin sa babae na sumasayaw sa gitna. Lasing na ito at wala na sa sarili."Hey lover boy," malandi na boses ng babae ang biglang bumulong sa kan'yang tainga kasabay ng pagpulupot nito ng mga braso sa kan'yang leeg mula sa likod."Cheska? Ana? Faye? Maria?" tanong n'ya sa pangalan nito. Sa d
Read more
LOVE & BULLETS C2
NILE ALEXANDER...Busangot ang kan'yang mukha na nakaupo sa sofa ni Ella. Hindi man lang s'ya nito pinansin, hindi man lang nag-aalala na nasa labas s'ya. Pumasok ito sa kwarto at hindi na lumabas kaya ito s'ya ngayon, nakabusangot at nagmamaktol na nakaupo sa sofa ng dalaga."Grabe talaga tong si Ella hindi man lang naawa sa akin," reklamo n'ya at kinuha ang throw pillow at ginawang unan. Nahiga s'ya sa sofa at ipinikit ang mga mata."Bahala ka na nga basta dito ako matutulog. Wala kang magagawa, my life, my rules, my toes, my knees, my Ella, my loves," kanta n'ya habang nakahiga sabay pikit ng mga mata. Ilang minuto pa ay nakatulog na s'ya ngunit sa kalagitnaan ng kan'yang pagtulog ay nagising s'ya dahil sa isang mainit na haplos sa kan'yang pisngi.Dahan-dahan n'yang iminulat ang kan'yang mga mata at bumungad sa kan'ya ang magandang mukha ni Ella."Love," tawag n'ya rito. Ngumiti ito sa kan'ya at nagsalubong ang kan'yang kilay dahil sa tanang buhay n'ya ay ngayon lang s'ya nginitia
Read more
LOVE & BULLETS C3
NILE ALEXANDER...Sabado at katatawag lang ni Sancho tungkol sa kanilang transaction mamayang gabi. Isa ito sa pinakamalaking transaction na gagawin nila at sobrang importanti nito sa kan'ya.Inayos n'ya na ang lahat ng mga papeles para sa gagawin nila mamayang gabi. Mayroon na rin s'yang basbas mula sa organisasyon para sa gagawin. Itinigil na ng kan'yang ama ang ganitong mga gawain simula ng ikasal ito at ang kan'yang mama ngunit nasa dugo na yata nila ang pagiging negosyante sa underworld at black market dahil s'ya ang nagmana at nagpatuloy nito.Sinuportahan naman s'ya ng ama ngunit sa isang kondisyon. He need to do the right thing with the proper consent from the organization na pinamumunoan ng kan'yang mommy Michelle.Ito din ang nagturo sa kan'ya sa lahat ng pasikot-sikot sa ganitong negosyo. He always has his mommy Michelle's back kaya mahal na mahal n'ya ito na parang isang tunay na ina rin.Ang mama n'ya naman ay hindi rin s'ya pinigilan ngunit madalas s'ya nitong pinaparan
Read more
LOVE & BULLETS C4
NILE ALEXANDER...Kinabukasan ay ipinatawag s'ya ng organisasyon, kaya naman ay maaga pa lang ay umalis na s'ya ng condo.Si Ella naman ay bumalik na sa unit nito at hindi n'ya na muna pa dinisturbo ang dalaga dahil marami s'yang gagawin ngayong araw. Alam n'yang mapapasabak s'ya mamaya sa pagharap sa mga membro ng organisasyon nila.Nagmaneho s'ya patungo sa quarter ng organisasyon na kinabibilangan n'ya. Pagdating n'ya ay nasa mahabang mesa na ang mga opisyal at ang iba pang membro na may katungkulan sa organisasyon at mukhang s'ya na lang ang hinihintay ng mga ito."Have a seat Nile," utos sa kan'ya ng founder ng grupo. Naupo s'ya sa upoan na nakatalaga para sa kan'ya. Agad na ibinato ng mommy Michelle n'ya ang isang folder na agad n'yang nasalo."Read it," malamig na utos nito. Binuksan n'ya ang naturang folder at binasa ang laman. Naningkit ang kan'yang mga mata ng mabasa ang mga nakasulat. "I didn't do this," sabi n'ya sa lahat ng matapos basahin ang mga papel. Natuon ang lahat
Read more
LOVE & BULLETS C5
NILE ALEXANDER...Tatlong araw ng hindi umuuwi si Ella sa unit nito at tatlong araw na din s'yang stress sa kakahanap sa babae.Hindi n'ya ito mahagilap at pati na rin si Dominique. Ang dalawa lang ang close sa isat-isa kaya si Dominique lang ang pwede n'yang mapagtanungan kung nasaan si Ella.But even Dominique is missing too at tatlong araw n'ya na ding hinahanap ito ngunit hindi n'ya rin matagpuan. Kaya naman ay iniisip n'ya na lang na baka may trabaho ang dalawa at bumalik sa kampo kung saan naka destino ang mga ito bilang mga sundalo.Sa tatlong araw ay wala s'yang ginawa kundi hanapin si Ella at ang imbestigahan ang tao sa likod ng pananabotahe sa organisasyon gamit ang kan'yang pangalan.Ngunit sadyang mailap ang taong ito at mukhang alam ang kan'yang galaw dahil mabilis nitong nabubura ang mga palatandaan at pagkakilanlan nito.Pero hindi s'ya tumitigil, hindi lang s'ya makapag focus dahil sa kakaisip kay Ella. Nakapatay din ang cellphone ng dalaga kaya hindi n'ya matawagan.Ig
Read more
LOVE & BULLETS C6
WILRICH ELLA BELLE...Pinatawag s'ya sa headquarters ng kanilang big boss. Alam n'ya na tungkol sa kan'yang misyon ang pag-uusapan nila. Hindi ito basta-basta na nagpapatawag ng tao kung hindi importanti ang sadya.Kaya naman ay agad s'yang lumipad patungong Dublin para tagpuin ito. The big boss has no identity. Wala itong pagkakilanlan at pili lang ang hinaharap nitong tao.May misyon s'ya sa military at ganon din sa special force na kinabibilangan n'ya ngunit mas matimbang ang misyon n'ya sa isa pang ahensya na walang pangalan.The big boss is a woman and no one knows her real identity. Nagpapakita ito sa kanila ngunit alam n'ya na iba't-ibang prosthetic mask ang suot nito.She uses different faces to talk to them as her agent. No one knows who she really is and no one knows her nationality.She can speak all the languages, depende sa nationality ng kan'yang kausap. She is dangerous and intimidating. Marami na ang gustong makita ang totoong mukha nito but no one succeeded. Lahat ng
Read more
LOVE & BULLETS C7
WILRICH ELLA BELLE...Matapos n'yang makipag-usap sa kan'yang kuya Cody at nalaman ang lahat ay pumasok s'ya sa kan'yang kwarto para makapag-isip.Ang daming gumugulo sa isip n'ya at isa na rito si Nile. Kailan pa ba s'ya nilubayan ng lalaki? Never naman itong nawala sa isip n'ya kahit denedemonyo s'ya nito palagi.Nasanay na lang din s'ya sa mga kalokohan nito at hinahanap-hanap na ng katawan n'ya ang presensya at kakulitan ng binata.FLASHBACK..."Hindi biro at pipitsuging sindikato ang bubuwagin mo Ella. Kailangan mong mag-ingat. Nakapasok na ako sa system nila but I didn't do anything para hindi nila mahalata. Ipinasa ko na sayo ang access, you can check it by yourself para masundan mo ang mga galaw nila," pagbibigay alam ng kan'yang kapatid. Tumango s'ya bilang tugon at pilit na inaanalisa ang lahat lalo ang tungkol sa ipinakita sa kan'ya ni Black Lily na video ni Nile.END...."Fvck! Sa dinami-dami ng misyon na nahawakan ko, dito sumasakit ang ulo ko. Bakit ba kasi involve ang t
Read more
LOVE & BULLETS C8
WILRICH ELLA BELLE...Mataman n'yang pinag-aaralan ang mga galaw sa labas. Halatang may hinahanap ang mga ito dahil naririnig n'ya ang paggalawan ng mga gamit sa labas ng kwarto n'ya.Naikuyom n'ya ang mga palad at igting ang mga panga habang pinapakinggan ang mga ingay sa labas.Lumapit si Nile sa kan'ya at tamang-tama lang na nakadikit ang likod nito sa pader at may umikot ng seradura ng kwarto nila para buksan.Senenyasan n'ya si Nile at mukhang nakuha naman nito ang kan'yang ibig ipaabot kaya agad itong naghanda sa gagawin nilang pambungad sa mga pangahas na pumasok sa kan'yang unit.Sinadya n'yang buksan ang lock ng pinto para madali para sa mga ito ang makapasok. At nang ikutin ulit ito ng tao sa labas ay bumukas agad ito. Inihanda n'ya ang sarili sa posibling mangyari.May silencer ang pareho nilang baril ni Nile pero mas gusto n'ya ng hindi madugo na labanan dahil ayaw n'yang mabahiran ng dugo ng mga demonyo ang bahay n'ya. Hindi worth at ayaw n'ya ng amoy ng dugo lalo na kung
Read more
LOVE & BULLETS C9
WILRICH ELLA BELLE..."Alexander!" saway n'ya rito."You messed up with the wrong person captain Carson! Ako ang papatay sayo!" nanlilisik ang mga mata na sabi nito sa kan'ya na ikinagimbal n'ya.Natulos lang s'ya at hindi nakahuma dahil sa narinig mula rito. Ang mga mata ni Nile ay mariin na nakatingin sa kan'ya na matapang n'yang sinalubong.Inilibot n'ya ang tingin sa paligid bago mabilis na kumilos ang kan'yang mga kamay at hinawakan ang balikat ng binata at agad na pinalit ang kanilang pwesto.Nakita n'yang nagulat ito ngunit hindi rin nagpatalo sa kan'yang ginawa.Mabilis na nakabawi si Nile at nakabangon ito at nakalayo sa kan'ya kaya ganon din ang ginawa n'ya. Nagharap silang dalawa at maya-maya pa ay nagpambuno at nagpatagisan sa galing sa pakikipaglaban.They both good in martial arts and hand to hand combat at parehong ayaw magpatalo sa isat-isa.She gives everything to fight with Nile at ganon din ang binata sa kan'ya. Sunod-sunod na suntok at sipa ang kan'yang pinakawala
Read more
LOVE & BULLETS C10
WILRICH ELLA BELLE...Ang gaan ng gising n'ya! Kahit may hindi magandang nangyari kagabi ngunit hindi n'ya na naisip ito. Matamis na ngiti ang sumilay sa kan'yang labi ng maalala ang aminan ng feelings nila kagabi ni Nile.Gumaan ang pakiramdam n'ya ng maamin n'ya sa binata ang matagal n'ya ng nararamdaman dito. Ang sarap pala sa pakiramdam ang ganon. Ilang kilo din ang nabawas sa dala-dala n'ya ng masabi n'ya kay Nile na mahal n'ya rin ito.And speaking of Nile, wala na ito sa tabi n'ya. "Baka nasa labas at nagluto ng kanilang almusal," sabi n'ya na mas lalong ikinalapad ng kan'yang ngiti sa labi. Maisip n'ya pa lang na pinagsisilbihan s'ya ni Nile ay sobrang kilig na ang kan'yang nararamdaman.Nanatili pa s'ya sa kama na may ngiti sa mga labi lalo na ng maisip na simula sa araw na ito ay opisyal na silang magka relasyon ni Nile Alexander Evans. Ang tanging lalaki na nagpatibok sa kan'yang puso simula noong mga bata pa lamang sila.FLASHBACK...Inihatid s'ya ng kan'yang tatay sa paa
Read more
PREV
1
...
7891011
...
13
DMCA.com Protection Status