Lahat ng Kabanata ng Midnight Rain: Kabanata 51 - Kabanata 60
70 Kabanata
Chapter 51
          “GUSTO kong tumayo at maglakad,” sabi ni Levi.          “Kaya mo na ba?” nag-aalalang tanong ni Luisa.          “Kaya ko,” determinadong sagot nito.          Dahil sa isang taon pagkaka-coma ay hindi naiwasan na nanginig ang mga binti ni Levi nang subukan nitong ibaba ang mga paa sa kama. Inalalayan ito ni Luisa. Kahit nahihirapan dahil sa nanlalambot na tuhod ay nilabanan iyon ni Levi at pilit na naglakad mula sa kama hanggang doon sa sofa kung saan naroon ang bintana. Ilang hakbang lamang iyon pero parang napakalayo na ng kanilang nilakad. Humihingal na naupo si Levi sa sofa.          “Okay ka lang?” tanong pa niya.     &n
Magbasa pa
Chapter 52
          “KUMUSTA na ang lagay ng mansion?” tanong ni Levi kay Ian.          “Ayos naman, Kuya. Salamat sa mga kasama natin sa bahay at napapangalagaan iyon ng maayos.”          “Eh sila Marga at Dexter, nasaan na sila ngayon?”          Bumuntong-hininga si Ian at marahan umiling. “Hindi pa rin sila nahahanap ng mga tauhan ko, Kuya. May mga pulis akong kakilala na tumutulong sa akin. Hanggang ngayon ay nagtatago pa rin sila. Pero ang huling balita namin ay namataan sila sa bandang Calasiao, Pangasinan. Nang balikan namin kinabukasan, nakaalis na agad sila.”          Huminga ng malalim si Levi at binalikan ang gabi kung saan kinompronta niya si Marga. &n
Magbasa pa
Chapter 53
          “KUMUSTA ka naman?” tanong sa kanya ni Lydia.          Isang ngiting umabot sa mga mata ang sinagot ni Luisa sa kaibigan.          “Never been this happy.”          Huminga ng malalim ito at sumandal sa kitchen counter. “Alam mo mula nang magkakilala tayo, dalawang beses ko nang nakita na ganyan ka kasaya. At iyong dalawang beses na iyon ay parehong tungkol kay Levi.”          “Dahil siya lang naman ang nakakapagpasaya sa akin. We’ve been together most of our lives, at masasabi ko na sa kanya na umiikot ang mundo ko.”          “At masaya ako na makita kang ganyan. Halata rin naman na mahal na
Magbasa pa
Chapter 54
          SA paglipas ng mga araw, unti-unting bumalik ang dating lakas ni Levi. Sa loob lamang ng maikling panahon ay unti-unti na rin bumabalik ang dati niyang pangangatawan. His wife, Luisa, always made sure that he eats the freshest and healthiest food. Bukod pa doon ang iniinom niyang mga gamot at vitamins na tumutulong sa kanyang mabilis na pag-recover. Kapag walang therapy session ay nagbababad siya doon sa gym dalawang tig-tatlong oras kada araw. Sa umaga naman ay gigising siya ng maaga para mag-jogging sa tabing dagat.          Mula nang magkamalay, hanggang sa mga sandaling ito na gumaling na si Levi ng tuluyan. Luisa stayed beside him and supported him. God has been very gracious to him. Marahil alam ng Panginoon na si Luisa ang kailangan niya sa buhay kaya pinaglayo man sila ng kasakiman ni Marga sa pera, sa huli ay bumabalik pa rin sila sa isa’t isa.
Magbasa pa
Chapter 55
          ALAS-DOSE na ng hatinggabi. Tapos nang mag-shower si Luisa at nakapagbihis na rin ng pantulog, pinatay na rin niya ang main light sa kuwarto at tanging ilaw mula sa maliit na lampshade na nakapatong sa ibabaw ng bedside table ang nagbibigay liwanag sa paligid. Hinayaan niya na pumasok ang malamig na hangin mula sa dagat sa loob ng kanilang silid sa pamamagitan ng screen door sa terrace. Luisa watched the white sheer curtain gently dance along the cold wind. Habang tila musika sa kanyang pandinig ang tunog ng alon ng dagat. Pagkatapos niyon ay kinuha niya ang libro at pinagpatuloy na binasa iyon habang nakaupo siya sa kama at nakasandal sa headboard at nakabalot ng kumot ang kanyang mga binti.          Ilang sandali pa ay narinig niyang bumukas ang pinto ng banyo at lumabas doon ang asawa. He quickly tucked himself inside the blanket and approached her. Napakun
Magbasa pa
Chapter 56
          ISANG malalim na hininga ang hinugot ni Luisa nang huminto ang taxi sa tapat ng malaking gate ng mansion. Ang bahay na naging saksi sa pagbuo ng pagmamahalan nilang dalawa ni Levi. Nang lumingon ay agad dumagsa ang mga alaala niya sa bahay na iyon. Ilang sandali pa ang hinintay ni Luisa bago nakapag-desisyon. Bago bumaba ang inabot niya ang bayad sa taxi driver.          Tumayo siya sa tapat ng gate at pinagmasdan ang mansion na unti-unti nang niluluma ng panahon. Muli ay huminga siya ng malalim, pilit na tinataboy ang kaba sa kanyang dibdib sa mga sandaling iyon. Walang nakakaalam sa mga mangyayari sa susunod na oras, pero nananalig si Luisa na umayon ang mangyayari sa kanilang plano. Dahil iyon lang ang nakikita niyang paraan para matapos ang gulo na iyon sa kanilang buhay. Bago lumapit sa gate ay lumingon muna siya sa paligid, pagkatapos ay pinindot niya an
Magbasa pa
Chapter 57
          MAGKAUSAP lang sila ni Levi sa chat kanina habang nakahiga siya sa kama nang hindi namalayan ni Luisa na unti-unti na pala siyang nakatulog. Bandang alas-diyes ng gabi, bigla siyang naalimpungatan nang magising sa malakas na kulog at kidlat at buhos ng ulan.          Napabalikwas siya ng bangon nang biglang maalala si Levi. Pagbukas ng chat box ay marami na itong mensahe at missed calls. Nag-aalala na ito sa kanya tiyak kaya agad siyang tumawag.          “Oh, thank God,” bungad nito pagsagot ng tawag niya sabay buntong-hininga.          “Anong nangyari sa’yo?”          “Sorry, nakatulog ako.”          “I
Magbasa pa
Chapter 58
          MATAPOS maghain ng kumpletong salaysay ni Levi at Luisa. Nagsilbing witness naman nila si Ian laban sa sariling ina. Ang mga ebidensiyang nakolekta nila ay tuluyan nang nagamit para mas mapabigat pa ang kaso laban kay Marga.          Mula doon sa mansion matapos damputin ng mga pulis si Marga ay sumunod silang mag-asawa sa presinto. Matapos ipakita sa babae ang mga ebidensya laban dito, tuluyan na itong nasukol at napilitan umamin sa mga kasalanan. Mula sa ginawa nitong pagpatay sa kanilang mga ama, sa pagtangka nito sa buhay nilang mag-asawa, hanggang sa pagtangka nitong nakawin ang pinamana sa kanila ni Don Ernesto. Inabot din sila ng madaling araw sa presinto bago tuluyan umuwi.          “Kumusta na si Dexter?” tanong ni Luisa kay Ian.        &nb
Magbasa pa
Chapter 59
          “MAHAL, huwag mo kakalimutan ‘yong appointment natin sa doctor bukas ng alas-nuwebe ng umaga ha?” paalala ni Luisa sa asawa habang nasa banyo siya at ginagawa ang kanyang skin care routine.          “Yes. Nakaalarm na ako ng eight,” sagot nito. Tapos na itong mag-shower at nauna na sa kanya sa kama.          “After ng doctor’s appointment natin, kailangan natin dumiretso sa penthouse para makita kung ano pa sa gamit natin ang nandoon.”          “Okay.”          “Plano ko rin nga pala palitan na ‘yong ibang furnitures dito pati ‘yong ibang appliances. Karamihan dito puro mga bili ni Marga, ayokong makakita dito
Magbasa pa
Chapter 60
          “KUMUSTA na pala ‘yong kaso?” tanong ni Luisa sa asawa habang nag-uumagahan sila.          “Well, matibay ang ebidensiya na prinisinta natin, saka malakas ang testimonya ni Ian. Malamang hindi magtatagal mahahatulan na si Marga,” kuwento nito. “Isa pa, binalita ni Attorney sa akin kahapon na may tatlo pang nagsampa ng kaso laban kay Marga. Mga anak at kamag-anak ng mga lalaking nakarelasyon niya noon bago pa siya magpakasal kay Dad. Bukod pa ‘yon sa unang walong nagsampa sa kanya ng kaso. Same cases, nilustay at ninakawan niya ang mga pobre, pagkatapos biglang nawala at nagtago.”          Napakunot-noo si Luisa at napaisip.          “How lucky, iyon lang ang ginawa sa kanila. H
Magbasa pa
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status