All Chapters of The Ex-Husband's Revenge: Chapter 31 - Chapter 40
450 Chapters
Kabanata 31
Si Donald ay isang malayong pamangkin ni Joseph, at kinuha siya ng kumpanya bilang head of security dahil lang si Joseph ang nagpasok sa kanya dito.Syempre ay lagi niyang susundan ang mga utos ni Joseph.“Lintik ka! Bakit mo sinaktan ang tito ko! Patay ka sa akin! Mga tropa, bugbugin niyo ang batang ito! Ako na ang bahala kung namatay siya ngayon!” Sumigaw ng galit si Donald. Nilabas niya ang kanyang batuta at nanguna siya para atakihin si Leon.Ang ibang mga security guard ay naglabas din ng kanilang mga batuta at sinugod nila si Leon.“Mag ingat ka!”Nabigla si Lily sa mga pangyayari.Nangyari ang lahat ng ito dahil gusto siyang tulungan ni Leon.Ngayon at magulo na ang sitwasyon, naging balisa si Lily at hindi niya alam ang kanyang gagawin.Dating isang kilalang mersenaryo si Donald, at wala siyang problema sa pakikipag laban sa lima o anim na tao ng hindi man lang nasusugatan. Kinulong siya dati noong may binugbog siya sa punto na hindi na makapag lakad ang kanyang biktima
Read more
Kabanata 32
Baka nga nabigo si Donald para maghiganti para kay Joseph, ngunit may isang pagkakataon pa si Joseph para ilabas ang galit niya sa pagsisante kay Leon sa kumpanya.Bukod pa dito, mawawala kay Leon ang proteksyon ng kumpanya kapag sinisante siya, kaya makakatawag si Joseph sa pulis para arestuhin si Leon.“Ikaw? Sisantihin ako? Parang meron kang awtoridad!”Tumingin ng malamig si Leon kay Joseph habang lumapit siya ng mabagal patungo dito.“Ano ang ginagawa mo? Binabalaan kita! W-w-wag kang lumapit…”Napaatras si Joseph at nagkaroon ng masamang kutob sa kanyang puso.“Gusto ulit kitang bugbugin dahil naiinis ako kapag nakatingin ako sayo!” Ngumisi si Leon.Ang sitwasyon ay sumosobra na sa punto na wala na siyang dapat ikatakot.Magiging magaan sa pakiramdam kapag tinuruan niya ng leksyon si Joseph at ilabas niya ang galit niya sa lalaking ito.Tutal, naalala ni Leon na gusto siyang patayin ni Joseph.Naniniwala siya na makakabawi siya kahit na masira ang reputasyon niya sa mga
Read more
Kabanata 33
Nanginig ng walang tigil si Lily, alam niya na nasa mataas na posisyon si Joseph sa kumpanya. Kahit na sabihin niya ang katotohanan, ang magagawa lang ni Ariel kay Joseph ay ang pagalitan ito, at hindi paparusahan ng malubha si Joseph.Magiging masama lang ito para sa kanya dahil siguradong gagamitin ni Joseph ang posisyon nito para sisantihin siya!Nagdalawang isip si Lily nang maisip niya ang tungkol sa nanay niyang may sakit na nasa hospital, ang mga tuition fee ng kapatid niya, at ang pangarap sa kanya ng mga kamag anak niya.“Sige na. Sabihin mo sa akin,” Ang sabi ni Ariel.“Si… Kami ni Mister Conrad ay nag uusap lang ng tungkol sa trabaho sa opisina. Wala siyang ginawang masama sa akin…” Nahirapan si Lily na sabihin ito. Nakayuko siya habang sinasabi ito at hindi siya tumingin kay Leon.Kahit na nagpapasalamat siya kay Leon sa pagligtas nito sa kanya, ang masyadong malaking problema sa kanya ang masisanti siya. Wala siyang ibang magagawa kundi ang humingi ng tawad kay Leon s
Read more
Kabanata 34
”Sinabi ko nang hindi ko ito matatanggap! Sinasadya mo bang protektahan ang batang ito, Miss Summers?” Dumilim ang ekspresyon ni Joseph. Pinilit niya na ipadala si Leon sa mga pulis dahil ito lang ang tanging paraan para mabawasan ang apoy ng galit sa kanyang puso!Nairita si Ariel sa pagpipilit ni Joseph. “Mister Conrad, pinag usapan na natin ito ng mapayapang paraan at trinato kita ng marespeto. ‘Wag ka nang sumobra!”“Si Leon ay kaibigan ni Irii—kaibigan ko! Ang punto ay, tapos na ang problemang ito kung pumayag ka man o hindi!”Medyo nairita si Airel, lalo na at meron siya ngayon. Dahil dito, wala siyang pakialam kung magkaroon ng kaguluhan o hindi.Kaya naman, ang sinabi niya ay may ibang kahulugan para sa mga taong nakarinig nito.Nagkwentuhan ang mga manonood sa oras na sabihin ito ni Ariel.“Alam ko na ngayon!”“Kaya pala matapang ang batang ito para hamunin si Mister Conrad. Sino ang mag aakala na isa siya sa mga tauhan ni Miss Summer!”“Oras na para maglabas ng popcor
Read more
Kabanata 35
“Hindi ‘yun ang nangyari. Si Mister Conrad ang nang abuso sa empleyado niya…”May mapait na muha si Leon habang inulit niya ang istorya, ngunit mabigat ang loob niya dahil mahihirapan siyang makuha ang tiwala ni Iris kapag kumamp si Lily kay Joseph.“Paninira ito ng pangalan, Miss Young! Nag uusap lang kami ni Miss Cameron tungkol sa trabaho. Pwede niya itong patunayan…” Lumapit si Joseph para ipagtanggol ang kanyang sarili.“Totoo ba ang sinasabi ni Mister Conrad, Miss Cameron?”Sumenyas si Iris kay Lily na lumapit ito sa kanya.“Opo…”Yumuko si Lily. Natatakot siyang tumingin sa mga mata ni Iris, at lalo na kay Leon.“May iba ka pa bang masasabi, Leon?” Tumingin ng kalmado si Iris kay Leon.“A… Wala.”Nagbuntong hininga si Leon. Nawalan na siya ng pag asa.Nainis at naaliw si Iris na yumuko si Leon na parang isang natalong manok.Ang pagkakaiba nilang dalawa ni Ariel ay mas naiintindihan niya ang pagkatao ni Leon.Baka nga walang talento o abilidad si Leon, ngunit tapat a
Read more
Kabanata 36
“Ikaw pala ang nagsimula nito, Joseph!”Nagalit si Iris at tumingin siya ng malupit kay Joseph.Hindi inaasahan ni Joseph na mapupunta sa ganito ang sitwasyon, at namutla agad ang mukha niya!Gayunpaman, nanatili siyang kalmado dahil sa karanasan niya sa pagharap sa mga nakakatakot na indibidwal!“Miss Young, dahil biglang binawi ni Miss Cameron ang statement niya kahit na pinatunayan niya na ang istorya ko kanina, halatang lahat ng sinasabi niya ay hindi pwedeng paniwalaan! Lagi niyong hinaharap ang lahat ng sitwasyon ng walang kinikilingan bilang president ng kumpanya natin, kaya paano kayo makakasiguro na ito ay kasalanan ko base lang sa mga sinasabi ni Miss Cameron?” Ang katwiran ni Joseph.“Mahirap ba ito para tanggapin mo?”Ngumiti ng malamig si Iris.“Tama! Isa ako sa mga nakatatanda sa kumpanya, at sa mga nakalipas na taon, nagsikap ako sa kumpanya ng hindi man lang humihingi ng puri! Pero, ang batang ito, ay isang baguhan na secretary! Walang kwenta siya! At bukod pa di
Read more
Kabanata 37
“Masusunod!”Ang mga security guard na binugbog ni Leon sa galit kanina, nagalit agad sila kay Joseph nang malaman nila na si Joseph ang nasa mali.Hinuli nila si Joseph at Donald at hinila nila ito na parang aso na dapat ikulong!Nang makarating sila sa eksena, ang mga emosyon ni Lily ay nagkagulo at nahirapan siyang kumlama.Hindi niya inaasahan na si Leon ay ang tagapagligtas ni Iris, at mas nagulat pa siya na walang pagdadalawang isip na sinisante ni Iris ang isang company executive na tulad ni Joseph para magbigay ng hustisya kay Leon!Kung alam niya lang na si Leon ay may ganitong kakayahan at suporta, hindi na sana siya natakot kay Joseph at tinulungan niya sana si Leon!Sayang at ngayon niya lang ito nalaman!“Patawad, Mister Wolf. Patawad at hindi ko binayaran ang kabaitan mo kahit na niligtas mo ako… Alam ko na ngayon na nagkamali ako, at gusto kong humingi ng tawad sayo…”Napuno ng konsensya at pagsisisi si Lily, yumuko siya at humingi ng tawad kay Leon.Suminghot n
Read more
Kabanata 38
“Ayusin mo ang ugali mo!”Nakakaakit na gumulong ang mga mata ni Iris kay Leon at nakita niya ang sugat sa kamay nito. Habang nag aalala, tinanong niya, “Kamusta ng pala ang sugat sa kamay mo? May infirmary dito sa kumpanya. Dadalhin na kita doon.”Nagdalawang isip si Leon ng ilang sandali dahil ang sugat sa kamay niya ay maliit lang at hindi seryoso.Gayunpaman, ang paglilinis ng sugat sa infirmary ay makakatulong para hindi mainfect ang sugat.“Maraming trabaho na naghihintay sayo pagkatapos mo maging absent sa opisina kahapon. Ako na lang ang magdadala sa kanya sa infirmary!”Nag alok ng tulong si Ariel.“Ikaw?”Tumingin ng kakaiba si Iris kay Ariel. Kung tama ang pagkakaalala niya, tila hindi natutuwa si Ariel kay Leon dahil sa nangyari nitong umaga.Bukod pa dito, si Ariel ay isang proud na babae na hindi pinapansin ang ibang lalaki, kaya hindi inaasahan ni Iris na si Ariel ang mag aalok na tumulong na dalhin si Leon sa infirmary.“Naniwala ako sa kasinungalingan ni Josep
Read more
Kabanata 39
Umiyak si Lily. Ang ekspresyon niya ay puno ng pagsisisi at konsensya.Nabigla si Leon, at hindi niya inaasahan na may malungkot na istorya si Lily.Bilang isang ulila noong bata siya, ang karanasan niya ay hindi rin maganda tulad ng kay Lily. Naiintindihan niya ang nararamdaman ni Lily, at pamilyar din siya sa kawalan ng pag asa na naranasan nito tuwing may mga pagsubok…Pareho silang ipinanganak ng may masamang sitwasyon sa buhay!Gumaan ang loob ni Leon sa sandaling ‘yun, naintindihan niya at may simpatya siya sa sitwasyon ni Lily.Oras na ng uwian, kaya ang eksena nila Leon at Lily ay agad na kumuha ng atensyon ng ibang mga katrabaho nila.“Tingnan mo!”“Ang babaeng nakaluhod sa sahig ay si Lily, hindi ba> Ang president’s secretary? Pero, kanino siya lumuluhod?”“Ewan ko. Hindi ko pa siya nakita dati.”“Kakaiba ito. Ano ang ginagawa nila?”…Nagkwentuhan ang mga nasa paligid habang ang iba ay nakatingin ng kakaiba kela Leon at Lily.Nabigla si Leon sa nangyayari. Ayaw n
Read more
Kabanata 40
Sa kanyang biyahe para ihatid si Lily, ang kalsada ay puno ng mga sasakyan at tao dahil oras na ng rush hour at uwian na ng mga tao mula sa trabaho.Nang makarating siya sa intersection na may traffic light, nagpreno si Leon para iwasan ang mga dumadaan. Ang malambot na dibdib ni Lily ay dumiin sa likod ni Leon at may magandang karamdaman na dumaloy sa kanyang katawan.Nabigla si Leon at agad niyang napagtanto na ang dibdib ni Lily ay dumikit sa likod niya. Kahit na may damit na nakapagitan sa mga balat nila, naramdaman niya ang malaki at malambot na dibdib ni Lily.Saglit na namula ang pisngi ni Lily, at sinubukan niyang umatras para lumayo kay Leon.Ngunit, iba ang plano para sa kanya ng pisika. Habang mas umaatras siya, mas lalong dumiin ang dibdib niya sa likod ni Leon tuwing pumepreno si Leon.Hindi ito pinag isipan masyado ni Leon noong una, pero hindi maitatanggi na isa siyang normal na lalaking puno ng sigla.Habang dumadalas ang pagpreno at pagtama ng dibdib sa likod niy
Read more
PREV
123456
...
45
DMCA.com Protection Status