All Chapters of The Playboy's Obsession: Chapter 11 - Chapter 20
82 Chapters
CHAPTER 09
ECHOS NIYA LANG 'YON!Iyon at iyon pa rin ang nasa isip ko, at para ngang naririnig ko pa rin kahit na wala na sina Cherry at Ace rito. Narinig din kasi ni Cherry na isasama ako ni Alexis sa meeting niya. Kung echos man 'yon o hindi, dapat ba akong sumama?Well, that's my job.Habang nakatitig ako sa sarili kong replika sa salamin dito sa private room ko na tapat lang ng private room ni Alexis ay hindi pa rin ako mapakali. Hindi kasi mawala ang kaba sa dibdib ko lalo na sa tuwing naiisip ko ang pilyong ngiti ni Alexis kanina. "Mukhang may binabalak na masama ang ulaga!" bulong ko sa aking sarili saka bumuntong hininga.Kinuha ko ang pulang lipstick sa maliit kong pouch saka 'yon pinahid sa aking labi. Naglagay din ako ng eye-liner, at blush-on para naman magmukha akong tao. Nakakasawa na rin kasing maging Dyosa minsan, kaya naman kalmahan lang natin.Napangiti na lang ako sa aking sarili ng makitang nag level-up lalo ang beauty ko. Ganoon pa man, bahagya pa ring nanginginig ang mga t
Read more
CHAPTER 10
CAN I KISS YOU MINZI?Nanlaki ang mga mata ko at kusang umawang ang aking labi. Hindi naman na dapat ako mabigla pa, because, for the record, he was Alexis Montemayor -- ang notorious playboy na walang ibang ginawa kun'di painitin ang ulo ko, at akitin ako minu-minuto."'Wag kang magtatangka!" Pinandilatan ko siya ng mga mata kahit na nga ba doble na ang bilis ng tibok ng aking dibdib.Pero hindi ang isang tulad ko lang ang makakapigil sa binabalak ng hambog na Alexis na ito. At kung hindi ko rerendahan ang sarili ko at paiiralin ang kalandian, malamang na lolobo ang tiyan ko at masisira ang pangarap ko sa buhay.Kaunting pagpipigil pa Lord. 'Yon lang ang dalangin ko sa iyo habang nasa puder ako ng hambog na ito!Alexis smiled and then pulled himself away from me. "Why are you afraid? Nagtoothbrush naman ako kanina at nag mouthwash pa... 'di rin ako nangangagat-""Hindi ka nga nangangagat, may balak ka namang manuklaw!" agap ko sabay usog palayo ng kaunti sa kanya.Hindi naman na siya
Read more
CHAPTER 11
ANONG IBIG NIYANG SABIHIN?Habang nakatayo ako rito sa gilid malapit sa pinto ay hindi ko maiwasang titigan si Alexis. Napakaseryoso ng mukha niya ngayon, kumpara kanina na may sinusupil pang ngiti sa mapupula niyang labi. Sa bawat lingon niya sa katabi niya, at sa bawat pagsagot niya sa mga katanungan ng kapwa niya businessman ay sinusundan ko rin ng tingin. Hanggang ngayon tuloy ay iniisip-isip ko pa rin ang mga salitang sinabi niya sa akin...Na hindi niya pahihintulutang may manakit sa akin. Na siya lang ang may karapatang gawin 'yon kung sakali. Pero kung kailan at sa anong dahilan... hindi ko rin alam.Iba talaga ang awra ng mga mayayaman. Hirap nilang basahin.Napabuga na lang ako ng malalim na paghinga bago muling tinitigan si Alexis.Ultimo ang simpleng paghawak niya sa ballpen at pagpirma ay hindi ko maiwasang hindi sundan ng tingin. Bawat kibot ng labi niya, pag iling, at ngiti... putakte, lahat ng gestures niya ay memoryado ko na yata. At isa pa, ang sarap niya sa eyes!S
Read more
CHAPTER 12
MASAKIT ANG ULO KO!Hindi lang ulo ko ang masakit kun'di pati na rin ang balakang ko. Para bang nalamog na hindi ko mawari. Nang dahan-dahan kong imulat ang mga mata ko'y ang magandang mukha ng isang babae ang bumungad sa akin."How are feeling?" nag-aalalang tanong niya.Inilibot ko ang aking paningin sa lugar kung nasaan ako. Pakiramdam ko kasi ay papunta na ako sa langit dahil sa puting kisame at magandang mukha ng babae."Are you okay now?" muli niyang tanong. "Tell me, may gusto ka ba? Anong nararamdaman mo? May masakit ba sa'yo?"Teka nga, ano bang nangyari? Bakit ba ang daming tanong ng babaeng ito sa akin? At isa pa, tapos na ba ang meeting ni Alexis?"Alexis..." Napamulagat ako ng mga mata saka napabalikwas ng bangon nang maalala ko ang hinayupak na 'yon. "Hala! Nasaan na ang boss ko?!""Hey, easy..." Inalalayan ako ng babae saka siya bumaling sa ginang na nasa bandang gilid at prenteng nakaupo lang sa pang isahang upuan. "She's okay now Mrs. Montemayor."Lumapit sa gawi nami
Read more
CHAPTER 13
"WHAT THE HELL!"Puno ng gulat at irita ang nanlilisik na mga mata ni Alexis habang nakatitig sa akin. Hindi naman alam ng babae kung hihinto ba siya sa ginagawa niya sa pagitan ng hita ni Alexis dahil ang kamay ng talipandas ay nakahawak pa rin sa ulo niya."S-sorry..." Para akong tinakasan ng kaluluwa ko dahil hindi ko mahanap ang sarili kong lakas upang umalis mula sa kinatatayuan ko. "H-hindi ko sinasadya. A-akala ko kasi... a-akala ko-""Marami ang namamatay sa maling akala Minzi." Pinasadahan niya ako ng seryosong tingin mula sa mga mata ko pababa, bago muli niya akong tinitigan ng mata sa mata. "Do you want to join us?" tanong niya na ikinalaki ng mga mata ko.I can't find my voice to say no. I can't even breathe properly. Para akong itinulos mula sa kinatatayuan ko at hindi makagalaw.Tumayo ang babae na kung hindi ako nagkakamali siya iyong receptionist na kinausap ni Alexis kanina. Kahit wala siyang saplot ni isa ay confident siyang tumayo at humarap sa akin saka nang-uuyam
Read more
CHAPTER 14
AATRAS, O AABANTE?Hindi ko rin alam! Kanina pa ako nakatayo sa bukana ng pinto kung saan mariing nakatitig sa akin si Alexis na hanggang ngayon ay naghihintay sa pagpasok ko. Prenteng nakaupo pa rin siya sa kama at naka-live showing pa rin ang abs niya sa insosente kong mga mata.Napalunok ako at pilit na inignora na lang ang kakisigang taglay niya. Kahit na kasi saksakan pa siya ng guwapo at may kaakit-akit na katawan, alam na alam ko pa rin ang karakas ng h!ndot na 'yan."Hindi ba puwedeng mag damit ka na muna?" tanong ko sa kanya. "Nauumay kasi ako sa bilbil mong nakabalandra. Kapag ikaw kinabagan, kubeta ang bagsak mo niyan," giit ko pa.Tumaas ang sulok ng kanyang labi, hindi ko alam kung dahil sa sinusupil na ngiti o baka asar. Ah basta! Bakit ba kailangan ko pang alamin ang lahat sa kanya? Ano siya, gold?!"I said come in," baliwalang saad niya naman na kasing lamig yata ng loob ng kuwarto. "Don't make me repeat it, Minzi.""Ito na nga oh, nanginginig pa!" inis ko namang sabi
Read more
CHAPTER 15
At 'yon na nga, bago pa ako tuluyang atakihin dahil sa kalandian, pumunta na ako sa mahabang mesa kung saan may mga nakabantay na empleyado rito sa hotel. Naiilang pa akong mamili ng pagkaing una kong kukuhanin, mabuti na lang talaga at mababait sila at sila na rin mismo ang nagsandok para sa akin.May ibang tao rin na kumakain, 'yong iba ay grupo sa iisang mesa na panglimahan, habang ang iba naman ay parang nag d-date. Naupo ako sa pang-isahang upuan na nasa tabi lang ng glass wall. Kitang-kita ko tuloy ang ganda ng view sa labas, tanaw rin mula sa kinalulugaran ko ang dagat ng Bataan.Nang tignan ko ang plato ko ay napangiwi ako. Naghalo-halo na kasi ang menudo, kaldereta, at adobo na sinandok sa akin ng nag se-serve kanina. Daig ko pa ang nagutuman dahil sa tambak na pagkaing nasa plato ko. Pero keri lang, bawal mag aksaya ng grasya."Unang subo ay para sa Mama ko na malamang ay tuyo na naman ang ulam," pabulong kong sabi at inumpisahan ko na nga ang chibugan.In fairness, masarap
Read more
CHAPTER 16
"WHAT THE HELL ARE YOU TALKING ABOUT?!"Kahit na kanda ngiwi ako dahil sa dumadagundong at iritadong boses ni Alexis ay pinanindigan ko pa rin kung ano ang nasabi ko na. Isa pa, ano naman sa mga taong narito kung iisipin nilang umutot si Alexis? Like hello, CEO yan. Lahat ng lalabas sa bibig niya ay batas at susundin nila... ewan ko lang ngayon. Napakamot ako sa aking pisngi sabay walang sabi-sabi na hinila ko na siya patayo. "Sa barangay ka na lang magpaliwanag Sir," pabulong kong sabi at tuluyan na nga kaming lumabas mula sa glass room."What the hell are you doing Minzi?!" Huminto siya kaya napahinto rin ako. "Ano ang pumasok sa utak mo at sinabi mong umutot ako sa harap ng mga investors? That wasn't funny, you witch!" gigil niyang sabi."Sir kumalma ka muna-""Paano ako kakalma?!" agap niya naman. "Paano ko ipapaliwanag ang kahihiyang pinasimulan mo huh?!"Napalunok na lang ako dahil sa galit na nakikita ko sa mga mata niya. Pero kailangan ko pa bang isipin ang galit niya sa sit
Read more
CHAPTER 17
Habang sakay ng kotse ay hindi ko maiwasang sulyap-sulyapan si Alexis. Nang umalis kasi kami sa hotel ay hindi man lang siya nagpaalam sa Mama niya. Ni hindi na nga rin kami bumalik sa glass room kung saan ginaganap ang dinner meeting nila.Putek, ang lakas na naman tuloy ng kabog ng dibdib ko!Hindi na naman tuloy ako mapakali sa kinauupuan ko at para na rin akong bulating inasinan dahil sa kalikutan. Wala naman kasi akong naiisip na ikasasaya naming dalawa tulad ng kondisyong sinasabi niya.Puwera na lang siguro kung pupunta kami sa entertainment bar. Sa kaisipang 'yon ay excited na lumingon ako sa kanya. Ngunit nang makita kong seryoso at tila walang buhay ang mga mata at mukha niya'y nawala ang excitement na nararamdaman ko. Hindi naman kasi siya mukhang pumupunta sa ganoong klaseng lugar. Isa pa, kung bar lang din naman ang pag-uusapan, hello... anong ginagawa ng Club-V?!Napabuntong hininga na lang ako at tumingin sa labas ng sasakyan. Hindi pa naman ganoon kalalim ang gabi, kun
Read more
CHAPTER 18
I CAN NOT! Hindi ko kinakaya ang panlalanding ginagawa ni Alexis sa akin. Kahit anong pasag ko'y ayaw niya akong bitiwan, sa halip ay lalo lang humihigpit ang pagkakayakap niya sa akin."S-sir hindi na ba natin 'to madadaan sa matinong usapan?" tanong ko sa kanya habang pilit na binabaklas ang braso niyang mahigpit na nakayakap pa rin sa akin."I don't want to talk right now, Minzi." He kissed my neck and gently suck it which cause me to gasp for air. "I just want to fuck, and no... wala tayong dapat pag-usapan."Marahas niya akong tinulak na sa kabiglaan ay ikinatili ko na lang. Bumagsak ako sa malambot na kama habang mariin na nakapikit ang aking mga mata. Napamulat lang ako nang maramdaman ko ang malamig na likidong tumapon sa leeg at dibdib ko. Nakalimutan kong hawak ko pa pala ang baso na may lamang blow job at ngayon nga ay natapon dahil sa kaharutan ni Alexis."What's that smell?" kuryosong tanong niya bago ako kinubabawan. Inamoy niya ang leeg ko sabay dinutdot ng kanyang dal
Read more
PREV
123456
...
9
DMCA.com Protection Status