All Chapters of Release Me, Mr. Billionaire (Filipino): Chapter 61 - Chapter 70
87 Chapters
Chapter 60
"Ano po sa tingin mo, sir? Wala namang iba po na palaging nasa loob ng room mo kundi siya lang naman, eh. Sigurado ako na hindi 'yan mula sa mga kasambahay mo, sir. Malakas ang kutob ko na kay Rizza mismo 'yan at wala nang iba pa. Wala ka na rin naman na dinadalang babae sa mansion na 'to, 'di ba? Imposibleng may naglagay lang ng pills na 'yan sa room mo," sabi pa ni Dan kay Drake na wala pa ring pinapakawalan na sagot matapos niyang marinig ang sinabi ni Dan sa kanya.Naisip niya na posibleng tama ang sinasabi ni Dan sa kanya na galing 'yon kay Rizza. Wala namang iba na posibleng gumamit ng contraceptive pills kundi siya dahil sa nagse-sex silang dalawa palagi. He licked her lips and let out a deep sigh."Maaaring tama ka nga sa sinasabi mo sa akin na posibleng sa kanya nga 'tong contraceptive pills na napulot ko sa sahig sa loob ng room ko, eh. Pero bakit naman siya iinom ng contraceptive pills na may kasunduan kaming dalawa. Kailangan niya na bigyan ako ng anak. Malinaw na malinaw
Read more
Chapter 61
Narinig ni Drake ang lahat ng mga paliwanag ni Rizza sa kanya tungkol sa dahilan nito kung bakit siya umiinom ng contraceptive pills para hindi siya mabuntis dahil sa takot na baka may mangyaring masama sa kanya kapag nanganak siya kagaya ng ibang mga babae na hindi maganda ang kinahahantungan. Naniniwala naman si Drake sa mga paliwanag ni Rizza sa kanya. Wala namang ibang posibleng dahilan ito sa kanya kundi 'yon lang. Humugot siya nang malalim na buntong-hininga at pilit na ikinalma ang kanyang sarili. Hindi siya puwedeng magalit nang sobra kay Rizza kahit alam niya na maling-mali ang ginagawa nito sa kanya. Kahit saan pa ito pumunta ay mali ang ginawa nito. Niloloko siya nito ngunit napagtanto naman niya na mali ang ginagawa niya kaya itatapon na sana niya ang pills na iniinom. "Sorry talaga, Drake. Sana ay mapatawad mo ako sa ginawa ko na 'yon sa 'yo. Iyon lang talaga ang dahilan kung bakit umiinom ako ng pills. Nakokonsensiya naman na ako sa ginagawa ko na 'yon na hindi tama dah
Read more
Chapter 62
Sumunod na araw ay nakipag-usap muli si Diego kay Rizza habang nasa may garden sila. Sinabi ni Diego kay Rizza ang kanyang narinig. Hindi naman siya nagalit sa sinabi ni Diego sa kanya dahil totoo naman 'yon. Totoo naman na gumamit siya ng contraceptive pills para hindi siya mabuntis sa takot na baka may mangyaring masama sa kanya kapag nanganak siya."Lahat ng mga narinig mo ay totoo, Diego. Salamat pa rin dahil sinabi mo sa akin 'yon. Nalaman mo na rin pala ang tungkol doon. Hindi ko naman na gagawin ang ginawa ko na 'yon na umiinom ako ng pills para hindi mabuntis. Inaamin ko naman na kasalanan ko naman 'yon, eh. Pinatawad naman niya ako. Binigyan niya ako ng chance na itama ang kasalanan ko na 'yon sa kanya. Bahala na talaga. Bahala na kung mabuntis na niya ako," sabi ni Rizza kay Diego. "Bilang parusa sa ginawa ko na 'yon ay hindi ako puwedeng umuwi sa amin hangga't hindi pa ako nabubuntis niya. Makakauwi lang ako kapag sigurado na siya na buntis na nga ako at nagkakaanak na siy
Read more
Chapter 63
Hinahawakan ni Rizza ang isang magandang bulaklak na nasa garden nang kagatin siya ng pulang langgam dahilan upang mapatili siya. Nagulat si Diego sa kanya. Tinanong kaagad siya nito kung bakit siya napatili na sinagot naman niya. Sinabi niya na kinagat siya ng pulang langgam kaya siya napatili. Pinakita niya ang kamay niya na kinagat ng pulang langgam kay Diego na mabilis naman na hinawakan nito para suriin. Iyon ang nakita nina Drake at Dan sa kanilang dalawa. Hindi nila alam ang dahilan kung bakit hinahawakan ni Diego ang kamay ni Rizza. Akala nila ay may something na sa dalawa kahit wala naman.Hindi ni Drake nakalimutan ang nasaksihan nilang 'yon hanggang sa opisina niya sa kompanya niya. Hindi siya maka-concentrate sa ginagawa niya. Ang tanging laman ng isipan niya ay kaninang nasaksihan niya kung saan hawak ni Diego ang kamay ni Rizza. Hindi niya nagugustuhan sa totoo lang. Nag-iinit ang ulo niya niya kapag naalala niya 'yon. Napapamura pa nga siya. Hindi na naman siya mapakali
Read more
Chapter 64
Tinaasan tuloy siya ni Drake ng dalawa nitong kilay bago ito nagsalita sa kanya. Kitang-kita niya ang pagkuyom ng mga kamao nito sa harapan niya. Nakahanda naman siya sa posibleng gawin nito sa kanya. 'Pag binugbog siya nito ay handa niyang depensahan ang kanyang sarili. Wala naman siyang ginagawang masama laban dito."Sa tingin mo ba ay aabot ka pa sa araw kung saan aalis rin siya sa mansion ko at aalis ka na rin, huh?! Hindi. Diego, mas mauuna kang umalis sa mansion ko kaysa sa kanya! Simula sa araw na 'to ay hindi ka na magtatrabaho sa akin! You're fired! Naintindihan mo ba?!" singhal ni Drake sa kanya. Hindi ni Diego maintindihan kung bakit pinapaalis na siya ni Drake. Wala naman siyang ginagawang kasalanan dito. Kasalanan ba niya na aminin na gusto niya si Rizza at may plano siyang maangkin ito? Kasalanan ba ang ginagawa niyang 'yon? Kasalanan ba na mahalin niya si Rizza? Wala naman itong boyfriend. Hindi rin naman ito pagmamay-ari ni Drake."Bakit mo po ba ako pinapaalis na, hu
Read more
Chapter 65
Pagkarating na pagkarating ni Dan sa loob ng opisina ni Drake na nasa mansion ay sinabi kaagad niya ang ginawa niya. Pinaalis na nga niya si Diego. Hindi makapaniwala si Dan na tinanggal na ni Drake si Diego. Hindi na sila nagpapansinan nito ngunit hindi siya makapaniwala sa ginawa nito kay Diego. Mas lalo pa siyang nagkaroon ng ideya kung bakit nagawa 'yon ni Drake kay Diego."Bakit mo po ginawa 'yon sa kanya? Hindi mo naman po kailangan na tanggalin siya, eh," tanong ni Dan kay Drake na nakanguso sa harap niya."He deserves it, Dan. Ayaw ko na siyang makita pa na nandito sa mansion ko. He needs to leave this place. Sinabi niya sa akin na wala pa naman raw namamagitan sa kanilang dalawa ni Rizza ngunit may balak siyang maangkin ito kapag tapos na ang lahat sa amin. Ayaw ko na mangyari 'yon na maging silang dalawa," nakakuyom ang kamao na sagot ni Drake kay Dan. Nababakas ang inis niya kay Diego. Nararamdaman 'yon ni Dan. "Bakit naman po ayaw mo na mapunta si Rizza kay Diego kapag na
Read more
Chapter 66
Nang makaalis si Diego sa mansion ay tumungo kaagad si Rizza sa opisina ni Drake dahil alam niya na nandoon ito sa loob. Gusto niyang makausap si Drake at tanungin kung bakit nito tinanggal sa trabaho si Diego. Hindi nito sinasabi ang dahilan kaya gusto niyang malaman mismo 'yon kay Drake. Aalamin niya ang totoo dito. Hindi siya titigil na hindi nalalaman 'yon. Nararamdaman naman niyang walang masamang ginawa si Diego kay Drake. Nagtatrabaho lang naman ito nang maayos. Saksi siya sa tapat na pagtatrabaho nito. Nagtataka siya kung bakit tinanggal na lang ito nang basta-basta si Diego. Naaawa siya para kay Diego.Nakasalubong ni Rizza si Dan na galing sa loob ng opisina ni Drake. Pilit na ngiti lang ang ginawad niya dito at nagtanong dito kung nasa loob pa si Drake. Kaagad naman na sumagot sa kanya si Dan."Opo. Nasa loob pa po po siya ng opisina niya," sabi ni Dan sa kanya na may kasamang tango.Tumango rin sa kanya si Rizza at saka nagsalita, "Ah, ganoon ba? Papasok muna ako sa loob.
Read more
Chapter 67
Nag-react kaagad si Rizza kay Drake na nakakunot pa rin ang noo niya. "A-ano?! Tinatanong mo ako kung may nararamdaman ako sa kanya?" nakaawang ang labi na tanong ni Rizza kay Drake na seryosong nakatingin sa kanya. "Saan mo ba kinukuha 'yang mga tinatanong mo sa akin, huh?" Hindi tuloy maiwasan na mainis si Rizza kay Drake dahil sa mga naririnig niyang lumalabas sa bibig nito na hindi niya nagugustuhan. Simple lang naman ang mga katanungan niya ngunit para bang lumalayo sila doon at napupunta sa bagay na magkakasagutan silang dalawa. Marahas na bumuntong-hininga si Drake at saka nagsalita, "Oo. Tinatanong kita kung may nararamdaman ka sa kanya dahil gusto ko na malaman. Mukhang 'yon ang dahilan kung bakit mo inaalam ang dahilan kung bakit ko siya tinanggal, 'no? Nalulungkot ka na wala na siya. Ngayon sagutin mo ang tanong ko na 'yon sa 'yo, Rizza. May nararamdaman ka ba sa kanya? Gusto mo na ba siya?" Napasapo si Rizza sa kanyang noo sa katanungan na 'yon ni Drake na hindi niya mala
Read more
Chapter 68
"Puwede ba akong magtanong sa 'yo, Dan?" malumanay na tanong ni Rizza kay Dan na tumigil sa paglalakad at humarap sa kanya. Mabilis naman na ibinuka ni Dan ang kanyang bibig para magsalita kay Rizza."Oo naman po. Puwedeng-puwede ka po na magtanong. Ano po ba ang itatanong mo sa akin?" sagot ni Dan sa kanya na nakangiti. Tinatanong rin siya nito kung ano ang itatanong niya."Sino ba ang babaeng kausap kanina ni Drake? Kilala mo ba ang magandang babaeng 'yon, huh? Ngayon ko lang nakita ang babaeng 'yon dito sa mansion? Ano ba ang ginagawa nito dito sa mansion ni Drake?" tanong ni Rizza kay Dan tungkol sa babaeng 'yon. Inuusisa niya ito tungkol sa babaeng 'yon."Iyong magandang babae po ba kanina na kausap ni Sir Drake?" ani Dan sa kanya at mabilis naman na tumango siya dito."Oo. Iyon nga ang tinutukoy ko sa 'yo, Dan. Sino ba 'yon, huh? Kilala mo ba ang babaeng 'yon? Bakit siya nandito sa mansion ni Drake? Ano'ng kailangan niya sa boss mo? Kasosyo ba sa negosyo ang babaeng 'yon?" tanon
Read more
Chapter 69
Drake let out a deep sigh before he speaks to her. He'll answer her questions to him. Gustong malaman nito 'yon. "Pumunta siya dito sa mansion ko para humingi ng tawad sa mga nagawa niya sa akin years ago, Rizza. She asked for my forgiveness. Pinagsisihan naman na raw niya ang nagawa niyang 'yon sa akin," sabi ni Drake kay Rizza na nakakunot pa rin ang noo. "Ganoon ba?" nakangusong usal niya kay Drake na tumango naman sa kanya."Oo, Rizza. Humingi siya ng tawad sa akin. Pinagsisihan naman niya raw ang mga ginawa niyang kasalanan years ago and I can feel the sincerity in her voice," sabi pa ni Drake sa kanya."Pinatawad mo ba siya matapos niyang humingi ng tawad sa 'yo?" mahinang tanong ni Rizza kay Drake na bago sumagot sa kanya ay humugot muna nang malalim na buntong-hininga."Oo. Pinatawad ko siya matapos niyang humingi ng tawad sa akin, Rizza," sabi ni Drake sa kanya na ikinamilog ng mga mata niya. "A-ano? Pinatawad mo siya?" Drake nods his head and said, "Oo. Pinatawad ko siya,
Read more
PREV
1
...
456789
DMCA.com Protection Status