All Chapters of The Forbidden Desires (R-18) (EIS #5): Chapter 61 - Chapter 70
75 Chapters
The Forbidden Desires 61
(TFD) Chapter 61I stared at my reflection through the full length mirror. I was wearing a backless black cocktail dress paired with black and gold gladiator flat sandals. Physically, I looked fine. But not emotionally.Halos mapatalon ako sa lakas ng katok sa kwarto ko. Unang pumasok sa isip ko ay si Madrina. I nervously brushed my hair with my fingers and almost stop breathing. I don't want to go with her to Italy but do I have a choice? I feel like a princess trapped in a castle but unlike in the fairy tales, there's no prince coming for me to save me.Pigil na pigil ang paghinga ko habang patungo sa pinto. Kapag ipinakilala na niya ako sa mga sangay niya, wala na akong kawala. Like she said, I'll be her successor whether I like it or not. Hindi na niya ako hahayaan na bumalik dito kapag nadala niya ako sa bansa niya.Hinawakan ko ang door knob at muling humugot ng malalim na paghinga. Nagtataka ako kung bakit kailangan pa nilang kumatok gayong mayroon naman silang susi at madalas
Read more
The Forbidden Desires 62
(TFD) Chapter 62Nakapikit ako at pinayuko ni Silas habang nakikipagpalitan sila ng putok ng baril. Takip ko ang mga kamay sa aking magkabilang tenga at hindi mapigilan ang mapatili sa tuwing nagugulat sa mga balang tumatama sa sasakyan namin.Hindi ko alam kung paano kami nakatakas. Ang alam ko lang ay ibinangga ni Nilo ang sasakyan sa tulay para bumagsak kami sa tubig at hindi kami mahabol dahil nadagdagan at dumami na ang humahabol sa amin na sasakyan.Pagka-ahon, nag-usap silang maghihiwa-hiwalay na kami. Mukhang iyon talaga ang plano nila. Kung hindi makakatakas ay sa tubig ang daan. Pumili lang ng babagsakan si Nilo at babanggain na tulay para masiguro na walang masasaktan isa man sa amin."Take care of her," si Nilo kay Silas.Tumango si Silas at kinuha ako sa bewang. Nagtama ang tingin namin ni Nilo pagbaling niya sa akin. Wala siyang sinabi. Nanikip ang dibdib ko dahil ngayon, wala nang tanong. Alam ko na kaagad na kakampi namin siya. Na kahit hindi kami nagkasama, para sa ka
Read more
The Forbidden Desires 63
(TFD) Chapter 63Mahinang boses ni Silas ang narinig ko. Mariin ang salita ngunit pabulong. Tingin ko'y iniingatan niya na hindi ma-distorbo ang tulog ko. Nakatagilid ako sa pagkakahiga. Bago kami matulog ay nasa likuran ko siya at nakayakap. Ngayo'y nakatayo siya, nasisinagan siya ng liwanag ng buwan sa tapat ng bintana."I don't mind losing my job! I don't mind my rank! Damn it!" His thick eyebrows were attractively furrowed as he talking angrily. "Tanggalin nila hangga't gusto nila!"Galit at marahas ang anyo na nakinig siya sa kausap. Kagigising ko lang. Nakabalot sa akin ang bulaklaking manipis na kumot at ang unan ay luma at hindi ganoon kalambot."I know..." Umigting ang panga niya. "My woman is not a criminal. She involved her because she wanted to take her. Gusto niyang maging wanted ang girlfriend ko para mas madali niyang mahanap. She has power but she can't find us in just days or weeks."Tumigil ulit siya. Pumikit siya ng mariin at nawawalan ng pasensya na sinabunutan ang
Read more
The Forbidden Desires 64
(TFD) Chapter 64"Si Charlotte!"Napalabi ako dahil kanina pa nila pinagpipilitan na abangan ko raw sa daungan si Silas. Tho, hindi nila alam na Silas ang pangalan ng asawa ko. Kilala siya rito bilang Silver."Hindi ka ba natatakot? Baka mamaya maagaw ang asawa mo! Makakapit ang mga linta sa panahon ngayon! Naninipsip ng dugo at hindi bumibitiw hangga't hindi mo aalisin! Ikaw din! Mayaman si Charlotte at maganda! Baka patulan ng asawa mo lalo't mahirap ang buhay ngayon!"Mahirap ang buhay? Naisip ba nilang papatulan ni Silas ang may kaya na babae para sa pera? Kung maririnig sila ni Silas ngayon, sigurado ako na maiinsulto siya. Natatawa lang ako sa kanila. Ano ang tingin nila? Hahanap ng sugar mommy si Silas? He has billions of dollars in his bank account. He's full and he will never be broke."Tinatawanan mo na naman kami! Hindi mo ba mahal ang asawa mo?"Lumiit ang mga mata ko sa sobrang pagbunghalit ng tawa. Ipinipilit kasi nilang doon ako maghintay sa daungan kay Silas para makit
Read more
The Forbidden Desires 65
(TFD) Chapter 65AT napilit na nga nila ako. Si pipay, nakahawak pa sa braso ko't hila-hila ako para salubungin ang bangka nila Silas. Sila ni Isme ang kasama kong maglaba noon. Isang linggo na kami rito ngunit ngayon ko lang siya naisipan na puntahan.Malayo pa ang bangka nila'y agaw pansin na ang kakisigan niya habang nakaupo sa dulo ng bangka. Nakalaylay ang isang paa niya pabagsak sa tubig dagat at ang isa pa ay nakatungtong sa bangka. Nakabaluktot iyon at nakapatong sa tuhod ang isa niyang braso. Ang isa niya pang kamay ay nakatukod sa kanyang likuran bilang suporta upang hindi siya mapahiga habang nakatingala siya't pinapanuod ang mga nagliliparang mga ibon sa langit. Nakaawang ang mapulang labi niya. Medyo kunot ang noo at nanliliit ang mga mata dahil sa kaonting sinag ng araw."Ang gwapo!" Si Isme na may kasamang paghampas sa braso ko.Napanguso ako at pinigilan na mapangisi. Kahit kasi lumang kamisa de chino lang na suot sa pangingisda ang damit niya'y para pa rin siyang naka
Read more
The Forbidden Desires 66
(TFD) Chapter 66Ginawa ko iyon sa mga sumunod pa na araw. Alam niyang naghihintay ako kaya malayo pa lang ay nakatanaw na siya sa akin. Nakatayo siya at nakangisi na parang gusto nang bumaba kahit malayo pa ang bangka sa dalampasigan. Hindi katulad noong una ko siyang makita na tamad lang siyang naka-upo sa dulo ng bangka.Narito pa rin si Charlotte, madalas akong irapan. Pagkatalon ni Silas ay sinalubong ko siya at sinilip ang mga huli niyang isda. Natawa siya nang mapatili ako nang tumalon doon ang isa."Mukhang malas ako sa negosyo mo," tudyo ko dahil simula noong magawi ako rito'y hindi na pinapakyaw ng babae ang mga isda."Sayang. Malaki pa naman mag-tip," pagpatol niya.Napalabi ako at maarteng umirap sa kanya."Marami ba kayong huli?"Inaayos ni Silas ang lambat. Ako nama'y nilingon ang nagsalita. Napasinghap ako at hindi kaagad nakatalikod. Tumama ang tingin sa akin ng mga unipormadong mga pulis at militar.Magkatalikuran kami ni Silas. Bahagya akong umusog para matakpan siya
Read more
The Forbidden Desires 67
(TFD) Chapter 67Nagmistulang escort namin ang mga military aircraft na kasabay namin lumipad. Nagamot na ang sugat ni Silas ngunit hindi pa niya maigalaw ng maayos ang braso niya. Mabuti na lang at daplis lang. Natakot lang ako kanina dahil maraming dugo ang humalo sa tubig nang mabaril siya.Kahit maingay ay nakatulog ako dahil na rin sa pagod. Naka-unan ako sa walang sugat na braso ni Silas. Tulog rin siya at nakapag-pahinga na kahit sandali. Sabay lang kaming nagising nang lumapag ang chopper sa isla. Hindi naging hadlang ang sugat niya sa isang kamay para maalalayan akong bumaba.Mayroon isang chopper na kasabayan naming lumapag. Kasama iyon sa mga pumunta at tumulong na makuha si Silas. May lalaking lumapit kay Silas mula roon na kakaiba ang kulay ng mga mata. Napatitig ako dahil naghahalo ang amber at kulay lila roon. Aakalain na contact lens kung hindi matititigan ng mabuti."Lucas," ngisi ni Silas nang tapikin siya nito sa balikat.Maamo ang mukha ng lalaki nang nginitian ako
Read more
The Forbidden Desires 68
(TFD) Chapter 68Pinanuod ko si Grandpa at ang mga taga hacienda na pumasok sa loob ng mga sasakyan na naka-abang. Silas told me that it's better to be safe and hide them somewhere that no one could touch them. Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero sumakay na rin ako sa sasakyan niya.Kapuputok pa lang ng araw at nasa labas ng bintana ang tingin ko. Kahit alam kong may naka-abang na gulo mamaya ay positibo ang araw ko. They are ready and I know everything will fall in their plan.Ang tinahak namin ay sementadong daan. Parang nasa magandang probinsya ang tanawin noong una hanggang sa tumambad ang malaki at mataas na bundok.It looks scary but at the same time it looks amazing. Para itong nakahimlay na babae. Nakapikit, nakabaluktot, at nakatagilid. Her eyes, nose, and lips are visible. Para itong didilat ano mang oras at tatayo para salubungin kami. Even the shape of her fingers are noticeable."She's beautiful," namamangha kong anas."Do you like her?" He asked me seriously."Of c
Read more
The Forbidden Desires 69
(TFD) Chapter 69Pagkalapit ng mga kaibigan niya'y saglit lang silang nag-usap. Lumapit sila sa mga militar na dumating. Naghanda na silang lahat dahil nasabihan na sila kung anong oras ang magiging pagsugod ni Madrina rito.They signaled the spy as they get ready. Naging seryoso silang lahat habang nagsusuot sa katawan ng body armor. Sinusuotan ako ni Silas nang magawi ang mata ko kina Elle at Kade. Mukhang nagtatalo ang dalawa dahil ayaw nitong paghawakin si Elle ng baril. Ganoon din si Lucienne. Nagbuntong-hininga na lang si Lucas at hindi na nakipagtalo."Don't move forward and just stay close to me! You are pregnant for fucking sake, Elle!" Sa huli, si Elle rin ang nasunod.Nilingon ko si Silas at hindi pa ako nakakapagsalita'y umiling na siya at pinanlalakihan ako ng mga mata. He might thought I will ask him for a gun too? But I had no intention of holding one again. Even though I didn't kill Madrina's men, it made me afraid to hold a gun. Sumama ako dahil ayokong mabaliw sa pag
Read more
The Forbidden Desires 70
(TFD) Chapter 70This is the last chapter of The Forbidden Desires. Thanks for reading!(Silvanus Pov)The lump on my throat and the hallow part on my chest. The more I tried to move my hand to find her the more I choke.I opened my eyes to make sure if I'm alone then I closed them again tightly when I saw nothing. It's only darkness and my dark quiet room couldn't calm me.Marahas na dumapo ang reyalidad sa aking pisngi upang sampalin ako at gisingin sa katotohanan pagkatapos ko siyang subukang hanapin sa tabi ko.I opened my eyes and stared at the other side of my bed. I woke up alone again...Because she's gone... She left me...Ilang beses na nga bang ganito?Sa tuwing magigising ako'y kinakapa ko pa rin ang kama kahit alam ko naman na wala akong katabi.Huminga ako ng malalim at umupo sa dulo ng kama. Napatitig ako sa kawalan at napahilamos ng mukha. Matagal na rin pero hindi ako masanay na wala siya.Parang kahapon lang ang mga nangyari. Kung dati'y sa tuwing gigising ako ay bi
Read more
PREV
1
...
345678
DMCA.com Protection Status