All Chapters of Her Nerdy Secret: Chapter 71 - Chapter 77
77 Chapters
Kabanata 71
“Nagkita kayo? And you didn’t tell me?" malungkot na tanong ni Justin. Tuluyan na rin siyang bumitiw sa akin. “Justin, hindi—" akmang hahawakan ko siya, pero umatras siya. “Justin naman e. Mahigit isang taon na nga kasi ‘yon; hindi ko na nga sana naalala; nakalimutan ko na," parang maiiyak kong sabi. Nakakalungkot kasi; nakakasama ng loob ‘to si Justin. Nagagalit na lang siya basta, at parang ayaw na niyang makinig sa akin. Ayaw na niya sa akin. Gano’n-gano’n na lang. Porket may hindi lang ako nasasabi sa kanya, nagagalit agad. " ‘Yon na nga, mahigit isang taon pa lang, Erica. Kaya imposible na nakalimutan mo na agad ang pagkikita n’yong dalawa. Unless kung wala ka talagang balak sabihin sa akin.” Napayuko na lang ako, at pa simpleng pinahid ang mga luha ko na hindi ko na magawang pigilin. “Ikaw din naman, Justin, nilihim mo rin naman ang tungkol kay Reynald. Pero hindi naman ako na galit ng ganito,” tampo kong sabi. Sandali rin akong sumulyap kay Reynald na ngayon ay parang na-g
Read more
Kabanata 72
Hindi matigil ang iyak ko habang sakay ng kotse ni Kuya Eman. Si Myra naman, panay haplos naman sa likod ko at paulit-ulit na nag-so-sorry. Hindi nga raw niya in-expect na sasaktan na naman nito si Justin. Akala niya ay kakausapin niya lang kami. Pero hindi iyon ang nangyari.“Tahan na Erica,” alo pa nito sa akin. Akala niya nagbago na si kuya at hindi na barumbado, pero mali siya. Ang bilis pa rin pala nitong magalit, at kapag nasimulan na ang galit o init ng ulo nito, ang hirap na pakalmahin. “Kaya pala gustong-gusto mong magtrabaho sa HI-Techno. Co. dahil ang abusadong si Justin pala ang CEO! Ginawa ka pang personal assistant? Para ano, ha? Para abusuhin ka? Para magagawa niya ang gusto niyang gawin na walang pipigil sa kanya? Sira-ulo!” singhal ni Kuya Eman. Paminsan-minsan pa nitong sinusuntok ang manibela. Hindi ako sumagot o kontrahin ang mga sinasabi niya. Kahit mali pa ang iniisip niya; kahit mali pa ang mga sinasabi niya, wala na akong pakialam. Si Justin ang inaalala ko.
Read more
Kabanata 73
“Justin,” hagulgol ko habang yakap-yakap na rin siya ng mahigpit. “Ang lamig-lamig sa labas, Justin. Ano ba ang pumasok sa utak mo, at sumugod ka rito?”“Shh… ‘wag ka nang umiyak,” nanginginig nitong bulong. “Paano akong hindi iiyak? Nabugbog ka na nga, nag-palamig ka pa. Paano kung magkasakit ka?" humihikbi kong sabi kasabay ang pagtaas at baba ng kamay ko sa likod niya. Alam ko kasi na giniginaw siya. Ang lamig ng pisngi at labi niya na ngayon ay dumidiin sa leeg ko. "Gusto nga kitang makita, my nerd. Gusto kitang makasama. Wala akong pakialam kung gaano man kalamig sa labas. Wala na rin akong pakialam, mahuli man ako ng mga magulang mo, at lalong wala akong pakialam, bugbugin man ulit ako ng kuya mo. Hindi na ako papayag na magkahiwalay pa tayo. Hindi ko na hahayaan na may humadlang pa sa ating dalawa, kahit buong angkan mo pa ang makakalaban ko.” Parang maiiyak nitong sabi.“Justin," bumitiw ako sa pagyakap sa kanya, at kinulong sa mga palad ko ang pisngi niya, at saka maingat ko
Read more
Kabanata 74
“Erica, ingat ka palagi ha?" Ako naman ang hinarap ni Myra, matapos ilabas ang galit nito sa kuya ko na ngayon ay hindi na makapagsalita at humupa na rin ang galit. Wala na nga sa amin ni Justin ang tingin niya. Na kay Myra na. Napailing-iling na lang si papa habang nakatingin sa kanya. Strict nga rin si papa, pero hindi naman katulad ni kuya na talagang nambubugbog kapag ayaw niya sa tao o kung pakiramdam niya ay may masamang balak ito. “Maging masaya ka; kayo ni Justin. Don’t let anyone ruin the love you have for each other, kahit pa ang isang ‘yan," sabi pa ni Myra habang turo si Kuya.Masaya na dapat ako, pero dahil aalis si Myra, malungkot na naman ako. Paano naman kasi, sumobra na ‘to si kuya sa pagiging strict, kaya ang babae na makakasama sana niya habangbuhay, mawawala pa. Hindi nag-iisip! “Myra, mas magiging masaya ako kapag dito ka lang. ‘Wag ka nang lumayo, please," pakiusap ko sa kaibigan kong ngumiti lang ng mapait.“Kuya, ano ba?! Tatayo ka na lang ba? Wala kang gagaw
Read more
Kabanata 75
Mabagal na humakbang palapit sa amin si papa, at ang tingin nito ay nakatutok pa rin kay Justin. Si Justin naman panay kamot na lang sa ulo at ngayon ay yuyuko-yuko na. Mukhang magkakaproblema na naman yata kami nito. Justin naman kasi!“Move!” pasikmat na utos ni papa. Turo nito ang kabilang side ng couch. Agad namang sumunod si Justin. Ang bilis nga niya kumilos. Takot yata mahampas ng bote. Mabuti na lang at nilagay na ni papa ang bote ng alak sa lamesa, at saka umupo sa pagitan namin ni Justin.“Tinatanong kita, Justin? Saan kayo magpapakasal?” madiin na tanong ni papa. “S-sa simbahan po,” nauutal na sagot nito sabay naman ang pagyuko. Ang bait na nga niyang tingnan. Behave na behave; walang bakas ng pagiging abusado. Kakaibang ngisi naman ang sagot ni papa, at saka nilingon ako. Ako naman ang napakamot sa ulo. “Sigurado kayo?” Makahulugan pa rin ang tingin niya sa akin na parang binabasa ang ekspresyon ng mukha ko. Eh, ekspresyon nga niya ang nabasa ko. Ekspresyon na nagsasab
Read more
Kabanata 76
“My nerd," malambing na sabi ni Justin, sabay ang mahigpit na yakap mula sa likuran at may pahabol pa na halik sa leeg ko. “Ano ba ang ginagawa mo rito? Kanina ka pa namin hinihintay sa loob," dagdag sabi pa nito na sumabay sa pagsiklop ng mga kamay namin.Nilingon ko rin siya at nginitian ng matamis. “Nagpapahangin lang at saka may iniisip din," sagot ko. Sumulyap pa ulit ako sa kanya at sumandal sa dibdib niya. “Isip na naman? Kasama mo na nga ako kaya hindi mo na ako kailangan isipin. Ang kailangan mo na lang gawin ay…” Pinihit niya ako paharap sa kanya. Ngayon ay diin na diin na naman sa akin ang katawan niya. Pinulupot ko naman ang mga kamay ko sa batok niya na agad nagpangiti sa kanya ng sobrang tamis. At sa tuwing ganito siya ka lambing ang saya ko, parang laging hinahaplos sa puso ko. "Ang yakapin, halikan, lambingin, at landiin ako, ‘yon ang kailangan mong gawin at hindi ang mag-isip,” ngising sabi nito, at syempre may kasabay na naman ‘yong halik sa labi ko na nagpapapikit
Read more
WAKAS
This is it. Ang araw na pinakahihintay namin ni Justin. Our wedding. Hindi mawala-wala ang ngiti sa aming mga labi habang hinihintay na sabihin ni father ang magic word. “You may now kiss the bride—” “Uhmm… mwah!” “Justin," mahina ko siyang hinampas. Pero nakangiti naman. Paano ba naman kasi, hindi pa nga tapos si father na sabihin ang magic word, nauna na akong sunggaban ng halik ni Justin na nagpatawa sa lahat na dumalo sa kasal namin. Maging si father ay natawa na lang at nailing. Masyadong atat itong mahal ko. “Humanda ka later," bulong pa nito sa akin. Malandi ko siyang nilingon. “Matagal na akong handa," bulong ko naman sa kanya na nagpakagat labi sa kanya. Kumislap pa ang mga mata. “ ‘Wag na kaya tayong pumunta sa reception, diretso honeymoon na tayo nang makarami," landing bulong na naman nito habang palabas na kami ng simbahan, at sinabuyan ng mga rose petal ng mga bisita. “Ikaw talaga—" Kurot sa tagiliran niya ang tumapos sa pagsasalita ko. Kaharap na kasi namin
Read more
PREV
1
...
345678
DMCA.com Protection Status