Hindi lang gold digger, ang landi pa!" pasaring ni Laila kay Jenny."Magdahan-dahan ka sa iyong pananalita, Laila. Hindi porke asawa ka ng pinsan ko ay hahayaan lang kitang alipustahin ang pagkatao ng nobya ko. Hindi mo siya kilala para husgahan nang ganiyan!" angil ni Rafael sa babae.Takot na kumapit si Laila sa braso ng asawa at nagpakampi rito.Proud na nag chin up si Jenny dahil ipinagtatangol siya ni Rafael at tinawag pang nobya."Rafael, totoo naman ang sinasabi ng asawa ko kaya hindi ka dapat magalit. Kung hindi mo alam, limang milyon ang winaldas ng babaeng iyan mula sa kaban mo!" Singhal a ani Jules at napipikon na. Tumalim ang tingin ni Rafael sa pinsan, kung hindi lang nakayakap sa kaniya si Jenny ay nasugor na niya ito at nasuntok sa nguso. "May patunay ka na pera ko nga ang ginastos niya?"Parehong napipilan ang mag-asawa sa naging tanong ni Rafael."Kung hindi sa iyo ay tiyak na galing sa kaniya!" Iniharap ni Tanya ang screen ng cellphone kay Rafael. Lihim siyang napan
Magbasa pa