Mabilis na tumayo si Rafael at bumati sa mga magulang ni Jenny. "Good evening, ma'am, sir."Napangiti si Stella ng makita sa wakas ng personal ang lalaking gustong pikutin ng anak. "Mabuti at napadalaw ka, hijo. Maupo kang muli. Ito nga pala ang asawa ko." Pakilala niya sa asawa na seryusong nakatingin lang sa lalaki.Biglang nakagat ni Jenny ang loob ng labi nang mapansin ang paraan ng tingin ng ama kay Rafael. Wala kasing bitbit ang binata kahit isa manlang tangkay ng bulaklak para sa kaniya.Tumikhim si Charles bago nakipagkamay sa isa pang bisita ng anak. "Nice to meet you.""Likewise, sir. Pasensya na kung ngayon lang ako nagkaroon ng oras upang dumalaw dito." Nabawasan nang kaunti ang kabang nadarama ni Jenny nang makitang pormal na nag uusap ang ama at si Rafael. Nang magsalubong ang tingin nila ng ina ay ngumiti ito sa kaniya."No problem, nagkakilala na siguro kayo ni Gabriel?""Ye, sir." Sagot ni Rafael."Alright, alam ko ang kuwento sa likod ng pagkakilala ninyo ng anak ko
Read more