Lahat ng Kabanata ng Fall in Love with the Gay Boss: Kabanata 11 - Kabanata 20
49 Kabanata
Chapter 11
Leo's POV Panay ang pagpili ko ng mga magagandang damit na pang babae, hindi ko nga alam kung ilan na 'to lahat. Inabot ko na sa isang female staff ang ilan sa mga napili ko, siya na kasi ang magdadala nito sa fitting room dahil bawal naman doon ang mga lalaki. Nandito kami ngayon ni Ellie sa isang sikat na fashion boutique ang Bel Vestito- isang Italian boutique na tanging mga class na tao lang ang nagkaka interest. Dito ko napagpasyahan na dalhin si Ellie para makapamili ng mga gamit niya, kailangan niyang magmukhang sosyal dahil panigurado akong mamanmanan na naman siya ni papa, alam kong hindi pa sapat sa kanya ang mga sinabi ko, maharil naniwala siya pero hindi hanggang don nalang ang lahat. "Ano sa tingin mo? bagay ba sakin?" I glanced in her direction, I almost dropped my jaw when I saw her. Damn! she's so fuck*ng gorgeous! Kinabog niya yung mga model ng Victoria's Secret! "Looks fine" tipid kong sabi, ayoko naman ipahalata na nagagandahan ako sa kanya, baka mamaya magkaron p
Magbasa pa
Chapter 12
Ellie's POVNakapasok na rin kami sa loob ng sinehan, ewan ko ba didto kay Leo, ang tahimik. Nasa gitna kami nakaupo, ayoko kasi sa pinakataas at ayoko rin naman sa unahan, gusto ko yung sakto lang. "What the hell!?" napalingon ako kay Leo. "Bakit? anong problema mo?" tanong ko "Bakit ito pa? Ikaw nalang manuod" he said while covering his face with his cap. "Natatakot ka ba?" ang OA naman nito "I hate this movie! Ayoko kaya sa madreng yan!" natawa ako sa reaction niya. Magsasalita pa sana ako kaso nagsisimula na ang palabas, napili kong panuorin yung The Nun kasi sabi nila maganda daw ang story nito.Panay sa pag-iktad si Leo sa tuwing may mga kalabog sa scene. Sobrang lakas kasi ng sound dito sa loob kaya kahit hindi siya nakatingin ay magugulat parin siya. Napasulyap ako kay Leo, sumisilip din pala siya paminsan minsan. Sabay kaming napasigaw nang biglang sumulpot sa screen ang nakakatakot na mukha nong madre. Sa sobrang gulat ay napatalon at napayakap sakin si Leo. Hindi naman tala
Magbasa pa
Chapter 13
Kion's POVPapaalis na sana ako nang mamataan ko si Ellie na nag-aayos ng mga gamit niya. Nakalimutan ko na sabay nga pala kaming mag a-out. Masakit sakin malaman ang totoo dahil noon paman gusto ko na talaga si Ellie higit pa sa pagkakaibigan, hindi ko lang lubos maisip na mas masasaktan ako kasi tinago niya sakin ang lahat. "Pauwi ka na?" tanong ko sa kanya pagka kitang tapos na siya sa pag-aayos, ngumiti siya sakin at inaya ako na sabay na kaming umalis. Paano siya nakakaharap sakin ng ganito? Hindi ba talaga mahalaga sa kanya ang pinagsamahan namin? Alam ko naman na wala akong magagawa tungol sa nararamdaman niya dahil buhay niya yun, ang akin lang naman deserve kong malaman kasi best friend niya ako- magkababata kami. Muling bumalik sa alaala ko ang mga nangyari kagabi.[FLASHBACK]Naglalakad ako pauwi galing ng convenience store nang may makita akong itim na kotseng nakaparada di kalayuan kina Ellie, imbis na umalis ay pinili kong manatili at magtago sa may eskenita, hindi ko al
Magbasa pa
Chapter 14
Leo's POV Marahas kong pinindot ang end botton- naasar talaga ako sa nangyayari. Bakit ba kasi siya nagagalit? wala naman akong ginawang masama kay Ellie. Napatingin ako sa babaeng nakahiga sa kama, napakahimbing ng tulog niya kaya napag desisyonan ko na umalis na at magtungo na sa bahay ko. Nandito kasi kami sa condo ni Ellie, nag-aayos ng mga gamit niya- ayoko nga sanang tumulong kasi may meeting ako kaso hindi ko siya pwedeng hayaan nalang kasi ako naman ang nakaisip ng planong 'to. Bagsak akong napahiga sa kama, pinagmamasdan ko ang kisame, ramdam ko yung pagod sa buong maghapon na pag-aayos. Ipipikit ko na sana ang aking mga mata nang biglang tumunog ang aking phone. Binasa ko ang message na natanggap- mula ito kay Niel. [Babe, can we meet tomorrow? I really miss you, I wanna see you] bigla akong nakaramdam ng guilt ng mabasa ko yun, wala na kasi talaga akong time sa kanya- kung hindi trabaho ay si Ellie naman ang kasama ko. I said yes as a response to him, kailangan kong makabaw
Magbasa pa
Chapter 15
Ellie' POVNew day, new life! yan ang palagi kong sinasabi sa tuwing may nangyayaring maganda or may opportunity na dumadating sa buhay ko. Sa puntong to, ito na talaga ang masasabi kong literal na bagong buhay- hays, bakit ko ba kasi hinayaan ang sarili ko na mapunta sa sitwasyong ito. Kakatapos lang namin kumain ng pizza, tuwang-tuwa pa nga ang mga kasama ko kasi first time daw na nagpa pizza si Leo sa office- grabe talaga! "Diet ka girl? hindi ka na kasi kumakain" napangiti ako kay Charley, siya ang head ng design team, napaka friendly nilang lahat at approachable pa kaya kahit wala akong alam sa mga ganito ay nakakasabay ako sa kanila. Bakla si Charley kaya agad na napalagay ang loob ko sa kanya, katunayan ay naging close ko agad sila. Pansin kong naghihintay siya ng sagot kaya sinabi ko nalang na busog na ako pero ang totoo nawalan talaga ako ng gana- sino ba namang hindi!? napakaraming tanong ang tumatakbo sa isip ko ngayon tulad ng paano ko haharapin sila mama at paano ko sisim
Magbasa pa
Chapter 16
Ellie's POV Pinagmamasdan ko ang sarili ko sa salamin- lokong Leo yun! dahil sa kanya nahirapan tuloy akong makatulong. "Love" bulong ko sa sarili- nakakainis talaga! Paulit-ulit kong naririnig ang boses niya habang sinasabi ang salitang love. Napabuntong hininga nalang ako tsaka lumabas na sa kwarto. Nagtungo ako sa kusina para magtimpla ng kape- mukhang hinahanap ng katawan ko ang lasa ng kape. Pagkatapos kong magtimpla ay umupo na ako sa mesa, maya-maya rin ay dumating ang dalawa kong kapatid, Martes pa kasi ngayon kaya may pasok pa sila sa school. "Late ka ng gumising ate, hindi ba maaga ang pasok mo sa bago mong trabaho?" Tanong ni Erine "Wala akong trabaho ngayon, pero sabi ng boss ko gusto niya akong isama sa coffee shop ni Sir Travis" saad ko sabay higop ng kape. Pumasok si mama sa kusina at inutosan na ang dalawa na maghanda na para sa almusal nila, busy kasi siya kaya hindi na siya nakapaghanda sa mesa. Agad naman silang kumilos "O anak, bat di ka pa bihis?" tanong ni mama
Magbasa pa
Chapter 17
Travis POVNasa office kami ngayon ni Leo, nag-uusap tungkol sa problema niya. Hindi ako nagpa despedida para lang makipag kwentuhan sa kanya, gusto kong mag saya kahit pa masakit sa loob ko na mawawalan ako ng isang masipag at mabuting empleyado. "I don't know what to do anymore! Na de-deads na talaga ang brain cells and beauty cells ko!" himutok niya. Natawa nalang ako sa naging asta niya- hanggang ngayon hindi ako makapaniwala na kaibigan ko ang isang to at lalong hindi ko ma proseso na bakla talaga siya. Kahit saang angulo mo siya tignan hindi mo aakalain na binabae pala siya. "Why are you smiling like an idiot?" mataray na saad niya "Dude, I just can't believe that we're here discussing problems instead of having some fun outside" mas lalo siyang nagtaray sa sinabi ko "Are you kidding me!? Can't you see that I'm in real trouble?" alam ko naman yun pero ano bang magagawa ko? "Bakit ka pa namomoblema? Nagawan mo na nga ng paraan diba? Di pa ba sapat yang pagpapanggap niyo ni Ellie?
Magbasa pa
Chapter 18
Leo's POV Nagising ako na masakit ang katawan, sino ba namang hindi e nakipag buno ako kahapon. Grabe talaga! Hindi ko akalain na mangayayari sakin to! Ang pangit na ng fes ko! Ayoko pa naman magka peklat! Pagkabangon ko ay nagtungo agad ako sa kusina para magluto ng makakain, muntik pa akong mapasigaw nang makita ko si ate Lian sa loob ng bahay ko. Kaloka to! pano kung di ko napigil sigaw ko? Edi deads na naman ang undercover ko nito. "What are you doing here?" Lumapit siya sakin at sinuri ang mukha ko "What happened to your face?" Kita mo to si ate, ako nagtatanong eh pero sinagot rin ako ng isang tanong. "Wala to, may nakaaway lang" hindi siya makapaniwala sa sinabi ko "Oh my gosh! Kelan ka pa natutong pumatol ha!?" Hysterical niyang sabi "I need to defend myself, that's why" imbis na maawa ay pinagalitan niya pa ako "Are you out of your mind? What if may makakita sayo na mga reporter or journalist? Masasangkot ka na naman sa mga issue!" I rolled my eyes in disbelief, kahit naman a
Magbasa pa
Chapter 19
Leo's POVNagising ako nang maalala na wala pala ako sa bahay ngayon, pagtingin ko sa paligid ay wala na si Niel- umalis ba siya? Nagmadali akong bumangon at pagkalabas ko sa kwarto ay nakita kong naghahanda siya ng breakfast. "Good morning" he greeted me with a wide smile "Good, morning babe" he gave me a pick on the lips, nagulat ako sa ginawa niya pero isinawalang bahala ko nalang. We ate breakfast together at pagkatapos ay nauna na akong umalis sa kanya. I need to go home para makapag shower, kailangan ko na kasing pumasok sa office, sana nga lang inayos nila ang trabaho nila para sa fashion week. 10:30 am na ako nakarating sa bahay, it was already late, 9 am na kasi ako nagising dahil sa chikahan namin ni Ellie, when I entered the house I saw two big boxes and two small boxes, there was a note stick outside the box. It says [Your outfit- from Ate] ang bilis niya talaga pagdating sa mga ganito. Hindi na ako nag-abalang tignan ang nasa loob, mamaya na lang siguro pagkauwi ko. I jus
Magbasa pa
Chapter 20
Ellie's POVNaloka talaga ako! Sa pangalawang pagkakataon ay tinawag na naman ako ni Leo ng LOVE! minsan hindi ko maintindihan ang lalaking yun, oo nga at nagpapanggap kami pero diba dapat sa harap ng ibang tao namin ipakita yun? Hindi kung kelan kami lang dalawa, hindi niya ko pwedeng sisihin kung magka false hope ako, kasalanan niya rin dahil sa mga ginagawa niya. Sobrang busy na namin ngayon, habol namin ang oras dahil dalawang araw na lang ay fashion week na, hindi na magkandaugaga ang mga kasamahan ko, left and right kung kumilos si Charley, si Ashly naman kung sino-sino ang mga kinakausap na models para ma finalize na ang rarampa at ako? Jusko nasa isang tabi lang ako, kikilos lang kapag inutasan kasi wala talaga akong alam sa mga ganito! "El, pwede bang pakitawagan si Carla? Sabihin mo na nadeliver na ang mga Silk na gagamitin natin sa gowns" saad ni Ashly, agad kong hinanap ang bag para sana tumawag ang kaso naalala ko na naiwan ko pala yun sa office kakamadali. Kaasar naman!
Magbasa pa
PREV
12345
DMCA.com Protection Status