All Chapters of The Girlboss Begs for Remarriage: Chapter 21 - Chapter 30
554 Chapters
Kabanata 21
Umiling si Frank. “Hindi.”Nakahinga ng maluwag si Helen, at huminahon ang kanyang mga kamao. Napuno ng pagsisisi ang mukha ni Helen, at sinabi niya na, “Frank, humihingi ako ng tawad sa'yo para sa ginawa ng kapatid ko. Hindi makatwiran ang ginawa ni Peter—huwag ka sanang bumaba sa lebel niya.”Para sa kanila, tapos na ang lahat pagkatapos ng kanilang divorce. Iyon ang dahilan kung bakit ayaw niyang guluhin ng pamilya niya si Frank. “Hindi ko gagawin ‘yun. Dapat tantanan niya ako kung alam niya ang makakabuti sa kanya,” ang sabi ni Frank. “Babalaan ko siya,” sumang-ayon si Helen.Pagkakuha niya sa gamot ni Peter at umalis, hindi siya pinigilan ni Frank habang mabagal siyang naglalakad palayo. Bigla siyang hinarang ng isang blonde na lalaki, na nakangisi. “Sandali kang, Ms. Lane.”Tinitigan ni Helen ang lalaki ng may pag-aalinlangan. “Sino ka?”“Hindi na mahalaga kung sino ako,” ang nakangiting sinabi ni Blonde. “Matagal ka nang gusto ng boss ko at gusto ka niyang makausap.
Read more
Kabanata 22
Hindi mapigilan ni Sean na ngumiti habang tuwang-tuwa siya sa loob-loob niya. ‘Isang perpektong damsel-in-distress plot! Mukhang gustong-gusto talaga ako ng nasa taas… Siguradong makukuha ko na ang loob ni Helen!’Samantala, nakahawak si Blondie sa kanyang dibdib.Dahil alam niyang hindi niya kayang talunin si Sean, dinuro niya siya at sumigaw siya, “Siraulo ka! Huwag kang magtatangkang umalis ng bayan! Pupunta dito ang boss ko at bubugbugin ka niya!”Inilagay lamang ni Sean ang kanyang mga kamay sa kanyang baywang. “Sige lang, maghihintay ako dito. Siguraduhin mo lang na babalik ka.”Nagulat si Blondie na malakas pa rin ang loob ni Sean na magsalita at nagmadali siyang humingi ng tulong.“Hmph.” Suminghal si Sean bago siya humarap kay Helen ng may pag-aalala. “Ayos ka lang ba?”Tumango si Helen, nakapako ang kanyang mga mata kay Frank.Inisip niya na ililigtas siya ni Frank kapag kailangan niya siya, ngunit sa huli, tumayo lamang si Frank doon, at hindi kumilos.Sumama ang kan
Read more
Kabanata 23
Sa loob ng Riverton General, nakasandal si Helen sa may pasilyo, nakayuko ang ulo habang nag-iisip siya.Lumapit sa kanya si Sean, at nagtanong, “Anong iniisip mo, Helen?”“Wala,” ang sagot niya.“Please huwag mong sabihin sa’kin na si Frank ang iniisip mo,” ang sabi ni Sean.Nag-aalinlangang ngumiti si Helen at umiling. “Bakit ko naman siya iisipin?”“Oo, syempre,” agad na suminghal si Sean. “Basura siya—dapat mo na siyang kalimutan. Ang ibig kong sabihin, ex-wife ka niya, pero hindi ka niya tinulungan kahit na nakita niya na nasa panganib ka. Hindi mo maaasahan ang mga lalaking gaya niya.”Tumango si Helen at sumang-ayon, at nang makita niya iyon, agad na inilabas ni Sean ang diamond ring na inihanda niya sa kanyang bulsa.Habang nakatingin siya kay Helen ng may pagmamahal, sinabi niya na, “Binili ko ‘to para sa’yo—ito ang pinakabagong disenyo mula sa Pegasus Diamonds. Gusto ko itong ibigay sa’yo bilang regalo pagkatapos mong makuha ang kontrata mula sa mga Turnbull, pero hind
Read more
Kabanata 24
Palihim na minura ni Sean si Gina dahil sa katangahan niya—paano siya mananalo kung napakarami ng kalaban niya?!Ngunit kahit na napagtanto niya na hindi siya maaaring tumakbo o lumaban, naalala siya ni Blondie at itinuro niya siya. “Boss, ‘yun yung siraulong sumipa sa’kin.”Sabay-sabay na tumingin ang mga sanggano kay Sean.Sa kabila ng mga matatalim na tingin sa kanya, nilakasan ni Sean ang kanyang loob at tumayo siya sa harap ni Helen, inihanda niya ang kanyang sarili at nagsalita siya, “Sigurado ako na ang lahat ng nandito ay mabubuting mamamayan na sumusunod sa batas. Hindi maganda ang gumamit ng dahas, kaya bakit hindi na lang natin kalimutan ang mga nangyari? Mag-usap tayo… Babayaran ko din ang mga medical bill ng bata mo.”Pak!Lumapit si Robin at sinampal ang mukha ni Sean, umikot ang paningin ni Sean at nakakita siya ng mga bituin.“Makipag-usap sa’yo?” Nagalit si Robin. “Sino ka ba?”Galit na galit si Sean—wala pang isang araw ang lumilipas, ngunit tatlong beses na si
Read more
Kabanata 25
Blag!Blag! Blag!Nang tamaan ng mga suntok ni Frank ang mga sanggano, bumagsak silang lahat sa lupa, walang kahit isa sa kanila ang kayang tumayo pagkatapos ng isang suntok mula kay Frank.At gaya ng isang tanke na hugis tao, nagpatuloy siya sa pagsugod papunta kay Robin, na natulala sa takot. “P-Pigilan niyo siya!”Isa itong eksena na nagmula sa isang horror movie—parang isang asong ulol ang lalaki!Gayunpaman, ang sinumang sumubok na pumigil kay Frank ay itinutulak niya pagilid, bali ang mga braso nila.Hindi nagtagal ay naabot ni Frank si Robin at hinawakan niya ng mahigpit ang kanyang leeg."Oof—" Agad na nasakal si Robin, pinakawalan niya si Helen habang inabot naman ng isang kamay niya ang kanyang baywang at inilabas niya ang isang pocket knife.Nang kumislap ito ng malamig, sumigaw siya, “Mamatay ka na!”“Mag-iingat ka!” Sumigaw si Helen at tumalon siya papunta sa kanila, ngunit huli na ang lahat…Hinawakan ni Frank ang braso ni Robin sa isang iglap, habang napaka
Read more
Kabanata 26
Dinuro ni Robin ang mukha ni Frank at suminghal siya, “Lumuhod ka at magmakaawa—baka hayaan pa kitang mabuhay!”Sinampal lamang siya ni Frank dahil dito, at tumalsik ang dalawa sa mga ngipin niya. “Wala akong pakialam kung sino ka,” ang sabi ni Frank. “Subukan mong galawin si Helen, at pati ang tatay mo mamamatay.”Natulala si Robin—sinampal siya ng bwisit na ‘to?! Kahit na pagkatapos niyang sabihin kung sino siya?! Namula ang kanyang mga mata, at sumugaw siya, “P*ta ka! Papatayin kita at pahihirapan ko si Helen hanggang mamatay siya!”“Tumahimik ka,” nagalit si Frank, ikinuyom niya ang kanyang mga kamao dahil sa sinabi ni Robin. “Tumigil ka!” Sumigaw si Sean noong mga sandaling iyon. Tumigil si Frank, at lumingon siya kay Sean. “Ano, nakikiusap ka ba para sa kanya?”Tiningnan siya ng masama ni Sean. “Anak siya ni Leo Grayson! Malalagay tayong lahat sa panganib kapag pinatay mo siya!”Sa tabi niya, tumango si Gina ng paulit-ulit. “Oo, tama ‘yun! Hindi natin pwedeng galitin
Read more
Kabanata 27
Nakaligtas si Robin, ngunit nadurog ang kanyang spine at nalumpo siya mula sa baywang pababa. Gulat na gulat ang lahat habang nanatiling nakabaon sa pader si Robin, natatakot silang gumawa ng ingay. Kinuha lamang ni Frank ang mga sangkap na gagamitin niya at tumalikod siya para umalis, habang walang kahit isa sa mga tauhan ni Robin ang nangahas na pigilan siya. Pinagmasdan ni Helen ang pag-alis ni Frank at bigla niya siyang tinawag, “Frank…”Hindi lumingon si Frank.Napatitig na lamang si Blondie kay Robin, hindi niya alam kung anong gagawin niya.Mukhang kailangan nilang tawagan si Leo Grayson tungkol dito…“Maghintay ka lang! Papatayin kayong lahat ng boss namin!” Suminghal si Blondie at nagmadaling tumakas kasama ang mga kapwa niya mga sanggano na nakakatayo pa.Muntik nang mawalan ng malay si Gina sa mga sandaling iyon, nang marinig niya ang kabagsikan ni Leo—minsan ay mayroong isang lalaki na nanggulo sa babae niya, at agad na pinagpira-piraso ni Leo ang lalaki at ipina
Read more
Kabanata 28
Gustong balatan ni Robin si Frank nang maisip niya na habangbuhay na siyang mangangailangan ng isang wheelchair!Sa tabi niya, sumigaw si Leo, “Sino ang may gawa nito sa anak ko?!”Nanginginig si Blondie habang sumasagot siya, “I-Isang lalaking nagngangalang Frank Lawrence.”“Sino siya?!”“Wala lang siya. Siya ang dating asawa ng may-ari ng Lane Holdings.”“Dating asawa…?” Nagulat si Leo.Hindi siya nangahas na maglihim ng kahit ano kay Leo, agad na sinabi ni Blondie kay Leo ang lahat ng nangyari noong araw na iyon, pati na ang pagkakaroon ng interes ni Robin kay Helen at ang kagustuhan niyang ikama si Helen.Sinuntok ni Leo ang pader dahil dito, at nag-iwan ito ng isang butas.“Maswerte siya na gusto siya ng anak ko,” ang sabi niya bago siya tumingin ng matalim kay Blondie. “Para saan ang binabayad ko sa’yo? Hindi ba dapat pinoprotektahan mo si Robin gamit ang buhay mo?”“Ah… uh…” Nautal si Blondie.Sumigaw si Leo, “Ipakain siya sa mga isda.”Dalawang maskuladong lalaki ang
Read more
Kabanata 29
Nagbabasa si Vicky ng mga dokumento sa Turnbull Villa noong napahinto siya dahil sa mga sinabi ni Helen.“Anong pinagsasabi mo?” Ang tanong niya.Agad na sinabi ni Helen kay Vicky ang lahat ng nangyari kanina at nagmakaawa siya, “Pakiusap, Ms. Turnbull. Ikaw lang ang makakapagligtas kay Frank ngayon.”Naningkit lamang ang mga mata ni Vicky, hinahaplos ng kanyang mga daliri ang kanyang baba habang nag-iisip siya ng malalim.Di kalaunan, nagtanong siya, “Nasa panganib ang buhay ni Frank dahil iniligtas ka niya. Tapos humihingi ka ng tulong sa’kin? Hindi ba parang sumosobra ka na?”Hindi makaimik si Helen ngunit muli niyang sinubukang kumbinsihin si Vicky. “Alam ko na nagsimula ang problema dahil sa’kin, pero wala talaga akong magagawa para tulungan siya…”“At paano ko naman naging kasalanan ‘yun?”Nabigla si Helen sa sinabi ni Vicky. “H-Hahayaan mo na lang bang mamatay si Frank?”“Problema ko pa ba ‘yun?” Nagtanong si Vicky.“Ano… Sige, kung ayaw mong tumulong. Ayos lang!” Nagal
Read more
Kabanata 30
Nagtanong si Trevor, “Dapat ba nating tawagan ang mga tauhan natin, Mr. Lawrence?”Kumunot ang noo ni Frank, puno ng pagnanais pumatay ang kanyang mga mata.Gayunpaman, sinabi niya na, “Hindi, ayos lang. Pupunta na ako sa Skymex Club ngayon—papatayin ko silang lahat kapag sinaktan nila si Helen.”At pagkatapos nito, ibinaba niya ang tawag at umalis siya, binuksan niya ang mga malalaking pinto ng suite gamit ng isang sampal ng kanyang palad.Isang walang hugis na enerhiya ang umiikot sa kanya, halos hindi mapigilan ang napakalakas na pwersa sa loob nito.-Pagbaba ni Helen sa Skymex Club, agad siyang dinala ng mga goons, na naghihintay sa labas, papunta sa opisina sa taas noong nakita nila siya.Pumasok siya at nakita niya si Leo na nakatayo sa harap ng pader na gawa sa salamin.Sa taas na anim na talampakan, matipunong pangangatawan, at malalim na pilat sa kanyang mukha na dumadaan mula sa kanyang anit hanggang sa kanyang mga labi, kikilabutan ang sinumang makakakita sa kanya.
Read more
PREV
123456
...
56
DMCA.com Protection Status