Lahat ng Kabanata ng My Only Love: Kabanata 11 - Kabanata 20
35 Kabanata
Kabanata Labing-Isa
Sa mga lumipas na araw ay laging magkasama sila Anya at Rence. Unang beses kasi ito ng lalaki na nakapagbakasyon sa Pilipinas. Kaya naman ay ipinasyal ito ni Anya sa mga naggagandahang lugar dito sa bansa. Partikular na ang pamosong Boracay na isa sa may napakagandang bay-bayin. Naging popular itong pasyalan ng mga turista at talagang dinarayo dahil sa malinis na dalampasigan, mapuputing buhangin at matingkad na kulay asul na tubig. Isa rin ito sa may pinakamagandang view ng sunset. Isang linggo rin ang inilagi nila ni Rence sa isla at kung hindi nga lamang suma-sama ang kanyang pakiramdam ay mag extend pa sana sila ng ilang araw para makapag-liwaliw ng lubos. Plano kasi nilang tumawid ng Siargao. Rence loves surfing, isa iyon sa pinaka-hobby nito maliban sa car racing. Hapon na nang lumapag sila sa Maynila. Inihatid muna sya ni Rence sa tinutuluyan niyang bahay bago nagpaalam itong may kikitaing kaibigan sa isa sa mga kilalang disco pub sa bgc. At kahit sinabihan niya ang binata na
Magbasa pa
Kabanata Labing-Dalawa
Halos hindi mapaniwalaan ni Anya ang mga salitang lumalabas sa bibig ni Clark. Ganoon na ba kababa ang tingin nito sa pagkatao niya para hayagan siya nitong bastusin at insultuhin? Binibili nito ang kanyang pagkatao. Tuloy ay hindi niya maiwasang makaramdam muli ng panliliit. Anong akala nito gahaman siya pagdating sa salapi? She calms her nerves. Dahil pakiramdam niya ay nagsisimula nang maghimagsik ang kanyang dugo.“Not easy for me to throw someone close to me. I'm sorry but---""Really?" Clark interrupted. "Coming from you huh?" Mocking hostility in his voice. "That's something that is not new to you... You're good at putting someone through hell....right Anya?" There was an edge of resentment in his tone as he added. Hindi naman nakapag-salita agad si Anya, hinuhusgahan sya ni Clark at tila punyal na tumatarak sa kanyang dibdib ang mga sinasabi nito. Ganoon ba kasama ang pagkakakilala ng lalaki sa kanya? Yumuko ang dalaga sa kabila nang pagbangon ng galit sa kanyang dibdib.She
Magbasa pa
Kabanata Labing-Tatlo
Taong 1997-” Anya, apo parine na at inihahanda ko na ang pinangat na gabi sa sisidlan sinamahan ko na rin ng sumang moron. Maaari mo na itong ihatid sa Villa at malamang ay naghihintay na sayo si Luding.” malakas ang boses na wika ni Lola Mareng. Kasalukuyan itong nasa kusina at katatapos lang isalansan sa may katamtamang laki ng basket ang limang tali ng pinangat na laing at sampung sumang moron. Tinakpan nito iyon ng malapad na dahon ng saging at pinatungan ng tela. Nang matapos sa ginagawa si Lola Mareng ay hinila nito ang nakasampay na telang katsa sa may balikat. Pinunasan ang pawis sa noo at buong mukha. Pagkaapos ay naupo sa bangko para hintayin ang apo. “Andiyan na po, La.” Si Anya na nagmamadali nang tumungo sa kusina mula sa kanyang silid. Tapos na itong maligo at kasalukuyan nitong tinatali sa likod ang may kahabaang buhok. Lumapit agad ang dalaga sa kanyang abuela. “Lola, hinintay niyo na lang po sana ako na makapagbihis para ako na po ang naghanda ng mga dadalhin kay
Magbasa pa
Kabanata Labing-Lima
Pauwi na noon si Anya mula sa pagde-deliver ng Laing at sumang Moron sa bayan, may suki sila roon na nagmamay-ari ng isang Pansiterya sa may Plaza malapit sa Munisipyo. Katulad ng mga Zantillan ay regular rin na umo-order sa kanila si Aling Marta. Dating kusinera ng pamilya Zaavedra ang medyo may-edad nang babae. Nang mag-migrate sa States ang pamilyang pinagsisilbihan ay nagtayo ito ng isang maliit na negosyo na pinangalanang Pansiterya ni Marta. Kung ang Lola Mareng niya ang may pinakamasarap na lutong laing sa buong San Isidro, si Aling Marta naman ay nakilala sa pagluluto ng pinakamasarap na pansit sa bayan nila. Katunayan ay iilang buwan pa lamang na tumatakbo ang Pansiterya nito ay naging pamoso na agad dahil sa dumaraming parukyano. Habang inaayos ang sisidlang basket ay nagpaalam na si Anya sa babae.“Aling Marta, hindi na ho ako magtatagal at siguradong maghihintay po sa akin si Lola.” aniya. Lumapit sa kanya si Aling Marta na noo'y abala sa counter. Nakangiti ang babae n
Magbasa pa
Kabanata Labing-Anim
Jusmiyo! Bakit ba kasi hindi ka man lang nag-preno ng bibig mo, ayan tuloy mukhang matatarayan ka pa ngayon. Kastigo ni Anya sa sarili. Nanahimik na lang kasi bigla si Kate. Ngunit maya-maya sa hindi malamang dahilan ay sukat bumunghalit na lamang ito ng tawa. Kunot noo na napatitig rito si Anya. May nakakatawa ba sa kanyang sinabi? Nagtataka niyang tanong sa kanyang sarili. Tawang-tawa kasi si Kate na halos umalog pa sa kinauupuan at animo walang iniindang sakit sa katawan. Maya-maya ang kunot sa noo ni Anya ay nahalinhinan ng ngiti. Kumislap ang mata niya. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nasaksihan niya na tumawa at ngumiti ang mga mata ni Kate. Bagay na hindi nito ginagawa. Tahimik lang kasi ito sa loob ng classroom. Nakaupo lang at ni hindi nag pa-participate sa klase. Malimit nya rin itong makita sa mga tagong bahagi ng akademya at nahuhuli niyang naninigarilyo. Hula pa nga niya kaya siya nito hinaharang na makapasok sa villa sa pag-aakala siguro na magsusumbong sya sa mga magu
Magbasa pa
Kabanata Labing -Pito
Araw ng Sabado at nagkayayaang muli ang magkaibigang Kate at Anya na tumungo ng Pakol, Paborito pa lang tambayan ni Kate ang lugar dahil sa tahimik na atmospera rito. Pasado alas tres ng hapon nang daanan sya ni Kate sa bahay nila. Hindi ang paborito nitong bike ang dala kundi isang bagong scooter.Ipinagpaalam sya ng kaibigan sa Lola Mareng niya. Magiliw si Kate kaya mabilis nitong napahinuhod ang kanyang Lola. Katunayan ay pinabaon pa sila nito ng sumang Moron. Labis naman ang naging katuwaan ni Kate dahil naging paborito na nito ang nasabing kakanin. Nangako na lamang sila sa matanda na hindi rin magtatagal. Pinayuhan na lamang sila ni Lola Mareng na mag-iingat. Madalas ay dala-dala ni Kate ang gitara nito katulad ngayon. Natuklasan ni Anya na may nakatago palang talento sa pag-awit ang kaibigan. Mahilig rin itong gumawa ng sarili niyang komposisyon. Agad silang pumwesto sa lilim ng isang mayabong na puno pagkarating sa lugar. Kasabay nang pagtipa sa kanyang gitara ay nagsimula
Magbasa pa
Kabanata Labing Walo
Prente nang nakaupo si Anya sa likod nang bumukas ang kabilang pinto ng sasakyan. Si Clark ang naroon at iginiya pasakay ang babaing nahuli nilang kasama nito kaya’t Umatras sya para makaupo ito. Si Kate sa unahan ay walang kibo pero marahas na napabuntong hininga. Halatang hindi nito guato na makasama sa sasakyan ang babae. “Thanks, babe” wila ng babae kay Clark sa napakalambing na tono. Pero para kay Anya ay nagtunong malandi iyon. Matipid na tumango ang binata na napasulyap sa kanya at dahil nahihiya pa rin siya ay agad syang nagbaba nang tingin. Maingat na isinara ni Clark ang pinto ng sasakyan nito at pagkatapos ay umikot na patungo sa driver seat. Unang bumaba si Anya dahil madadaanan ang bahay nila galing sa Pakol. Nahihiya man ay lakas loob syang nagpasalamat sa binata na tumango lang din. Si Kate ay mahigpit siyang binilinan na pumunta sa Villa sa susunod na linggo para sa kanilang proyekto. Nakangiti syang tumango sa kaibigan kahit na may pag-aalinlangan. Pagkatapos ng ins
Magbasa pa
Kabanata Labing-Walo
Agad na nagmulat ng mata si Anya. Nagulat o nabigla? Alin man sa dalawa ay hindi agad siya nakakilos. Awtomatiko na kumabog ang dibdib niya. Kilalang kilala niya ang nag mamay-ari ng naturang tinig mula sa kanyang likuran. Ilang beses siyang napalunok bago marahang lumingon. Magiging katawa-tawa kasi siya kung mistula siyang magiging tuod sa kanyang pagkakatayo. Nahugot niya ang hininga nang tuluyang mamasdan ang may-ari ng malagom na boses.Si Clark ay naroon at nakasandal sa poste. Base sa suot nitong puting sando na Nike ang tatak, na tenernuhan ng itim na jogging pants at signature running shoes ay mukhang kagagaling lang ng lalaki sa malayuang pagtakbo. Natulo pa sa guwapo nitong mukha ang mga butil na pawis at sa balikat ay nakasampay ang isang katamtamang puting tuwalya.Pakiramdam ng dalaga ay nanigas ang kanyang mga binti para siyang itinulos sa pagkakatayo. Na mas higit na pinalubha nang unti-unting humakbang palapit sa kanya ang binata. Jusko!Bulong niyang hindi malaman an
Magbasa pa
Kabanata Labing-Syam
Maaga pa lamang ay nasa Villa na ulit si Anya dahil napag-utusan ito ni Lola Mareng. Ngunit sa malas ay wala si Manang Luding ng araw na iyon dahil nanganak ang anak nitong babae at sinamahan daw muna sa ospital sa karatig bayan.Maging ang kaibigang si Kate ay kasama raw lumuwas ng mag-asawang Zantillan patungong Maynila dahil sa isang family gatherings. At ayon kay Mang Kulas ang matandang hardinero at nagsisilbi na ring tagapagbantay ay tanging si Clark lamang ang naiwan sa Villa. Na siyang dahilan para muling dagain sa kaba ang dalaga.Minabuti ni Anya na ihabilin na lamang kay Mang Kulas ang dalang pinangat na gabi na nakagawian na ng kanyang lola para sa mag-anak na Zantillan. Subalit kung kelan naman paalis na, ay siya namang pagbuhos nang malakas na ulan. Kaya't mariin siyang pinigilan ni Mang Kulas sa tangkang pag-alis. Anang hardinero ay baka maging dahilan pa ng pagkakasakit niya kung susuungin niya ang malakas na ragasa ng ulan. Inanyayahan siya ng matandang lalaki na pu
Magbasa pa
Kabanata Dalawampu
Ilang linggo ring nanahimik si Anya sa bahay nila at kahit anong pilit ni Kate na yayain sya sa mansion ay talagang tigas ng tanggi niya. Mabuti na lang at bakasyon na sa klase. Hndi na niya makikita ang anino ng lalaki. Nakakalungkot lang na hindi man lang niya nasaksihan ang pagtatapos nito sa SMA. As if naman importante ang presensiya mo roon; kastigo ng isip niya. Hays! Aniyang natauhan.“Hoy!" Boses na nagpalingon sa kay Anya.Si Magda ay nasa likuran bitbit ang isang bayong ng mga sariwang gulay. Mukhang galing pa ito ng bayan. Malamang naglakad lang ang babae dahil pangitang hinihingal pa ito at pinuputakti ng pawis sa noo. Kasambahay sa Villa si Magda at ulilang pamangkin ni Manang Luding. Halos kaidaran lang ito ni Clark. At sa pagkakaalam niya ay paaral rin ito ng mag-asawang Zantillan. “Ano bang ginagawa mo riyan at para kang espiya na pasilip-silip?” anang babae na nagtataka. Binuksan nito ang gate ng sariling susi. Humakbang si Anya pasunod habang mahigpit na nakahawa
Magbasa pa
PREV
1234
DMCA.com Protection Status