All Chapters of PURCHASED BY HIM: Chapter 51 - Chapter 60
96 Chapters
Chapter 51: HER TALENT
"Upo na lang tayo, para hindi matapon. Baka may bumangga ulit, sayang pagkain," sabi ni Hunter kay Mahalia nang makahanap sila ng food card na may upuan. Natapon kasi ang pagkain nila kanina dahil sa mga bata. Kaya umupo na lang sila para safe. "Sarap ng pagkain ng Korea no?"Tumawa siya, "Oo nga.""So hindi mo na hate ang Korea kasi masarap ang mga pagkain niya." Humalakhak siya. "Hindi na mahal ko na siya," aniyang umiiling. "Sana all mahal," bulong naman nito at sumubo. Pagkatapos nilang kumain na talagang tinikman niya lahat. Bumalik na sila kung saan naroon sila Matteo. "Nge nasaan sila?" tanong niya. "Gumala siguro, wait tawagan ko," sabi naman nito at siya naman palinga-linga sa paligid. Napatingin pa siya sa phone niya at alas kuwatro na pala ng hapon. "Saan kayo?" tanong naman ni Hunter sa phone. "Okay punta na kami." Pagkababa nito ng phone, sinilip niya ang mukha nito. "Nasaan daw sila?" Parang nailang pa itong tumingin sa kaniya. "Nasa cherry blossoms."Hindi niya
Read more
Chapter 52: SCARED
Lumipas tatlong araw pa ang pananatili nila sa Korea. Sa loob ng tatlong araw na iyon, wala silang ginawa ni Matteo kundi ang mag-boxing sa fitness area nito. Nais ni Matteo na matuto siyang dumipensa, at ang rason naman ni Mahalia kung bakit nagpakaabala siya sa presensiya ni Matteo ay dahil gusto niyang makalimutan nang tuluyan si Teehan. Sa loob ng tatlong araw na iyon, ramdam ni Mahalia ang pananakit ng katawan. Pero sabi ni Matteo ganoon daw talaga sa una. May mga technique din na tinuro si Matteo sa kaniya, at ang tawag naman dun teakwando. Kinabukasan ulit, tamad na tamad siyang bumangon, pero nauna siyang nagising kay Matteo. Hindi naman siya magluluto ng pagkain nito kaya okay lang magbabad sa higaan. Pareho silang walang damit, para kasing pati siya ine-enjoy na rin ang katawan ng lalaki, minsan siya na ang nangunguna para may gawin silang dalawa. Naadik siya sa halik nito, na kapag ginagawa nila parang ayaw na niyang huminto. Sobrang himbing ng tulong nito sa tabi niya,
Read more
Chapter 53: DATING HER
"Wag naman tayo sa mamahalin na restaurant," sabi naman ni Mahalia kay Matteo. Alam ni Matteo kung bakit sinasabi nito ang salitang iyon. Kapag sa mamahaling restaurant kasi, maraming kaartehan pagdating sa pagkain at simpleng kutsara at tinidor lang ang kailangan ni Mahalia. Pero gusto niyang maranasan ng babae ang iba't ibang klase ng buhay na kabilang sa mundo niya. Mga bagay na never pa nitong na-experience. Naka-casual outfit ito ngayon. Napakagandang babae sa suot na puro puti, na mayroon lamang belt na itim and gold. Napaka-expressive nito tingnan ngayon at sobrang proud siya sa ganda na taglay nito. "Relax, sabi mo gusto mong matuto di ba?" sabi naman niya. "Oo pero hindi ako handa dito," rason naman ng babae. Hinawakan niya ang kamay nito at pinahawak sa braso niya. "I'm here." Ramdam niya ang paghinga nito ng malalim na parang nangangamba. Ngumiti siya at binulungan ito, "Walang kakain sa'yo dito. Kung halimbawa may mang-away sa'yo, ako ang bahala." Pagkatapos
Read more
Chapter 54: ASSHOLE EX
Kumilos si Teehan para hawakan si Mahalia sa braso. "Mahalia—" Napahinto ito sa pagsasalita nang umatras siya. "Sabing don't touch me, kulit mo Teehan ah," masungit niyang bara rito. Mabuti na lang sa araw-araw niyang naririnig ang mga English ni Matteo may mga nadawit siya. Kung sasadyain naman kasi ni Mahalia na magsalita ng English ay kaya niya, wrong grammar nga lang at dahil dun wala siyang lakas ng loob. Ngayon lang talaga siya nagkaroon ng lakas ng loob kasi alam niya, tama ang grammar niya sa sinabi niyang iyon. Napansin niyang nagulat ng konti si Matteo at napataas ang sulok ng labi dahil siguro sa sinabi niyang boyfriend niya ito. "Mahalia hindi mo alam ang ginagawa mo," giit pang sabi ni Teehan sa kaniya, at talagang hinawakan pa siya sa braso. "Alam ko ang ginagawa ko Teehan, at gusto ko to—""Hindi mo kilala ang taong to," giit pang sabi nito, pabulong at si Matteo ang tinutukoy. "Kilala ko siya, alam ko kung sino siya. Yung totoong siya, hindi katulad mo," gigil ni
Read more
Chapter 55: TRUTH ABOUT TEEHAN
Hindi madali para kay Mahalia ang unang test drive. Malawak ang test track area sa lugar ni Finn, may lounge area kung daan naroon sila Finn and Matteo habang si Hunter ang nagtatyagang nagturo sa kaniya sa pagmamaneho. Nang matuto na siya ng kaunti, nagpahinga sila at sunod naman na nagturo sa kaniya si Finn. Si Matteo talagang busy lang sa laptop na halatang importante ang ginagawa. Nang si Finn na ang nagturo sa kaniya naayos na niya ang pagliko, preno, at paghinto. "Pero hindi ako marunong mag-park," sabi naman niya nang huminto sila sa kalagitnaan. "Sige turuan kita," ani naman ni Finn. Katulad ni Hunter mabait din ito. Magaan pa nga ang loob niya, kay Hunter naman nag-eenjoy siya kasi puro patawa ito. Bawat mali niya nagtatawanan sila pero si Finn parang teacher lang mahinahon kung magturo. Ilang beses niyang sinubukan ang pag-park niya, ginuhitan pa nito ang semento kung saan dapat hihinto ang gulong pero minsan nalagpas at minsan naman bitin. "It takes time, matututo ka
Read more
Chapter 56: GO BANKRUPT
Nasamantala, kung sisilipin ang panig ni Teehan, nasira na nga ang relasyon niya sa kaniyang fiancee dahil sa katotohanan at wala siyang ibang sinisisi kundi si Matteo. Ngunit sa kabila ng pagkasira ng relasyon nila ni Sabrina, hindi lungkot ang nararamdaman niya kundi saya. Wala naman siyang nararamdaman sa babae at mga magulang lamang niya ang may gustong pakasalanan niya ito. Wala siyang ibang mahal kundi si Mahalia pa rin. Ang masaklap dahil hawak ito ni Matteo Marco Elioconti.Hindi niya rin mahagilap ang pamilya ni Mahalia kung saang sulok ng US ang mga ito. Galit siya sa ginawa nito kay Mahalia, na binenta lang na parang tuta. Nirespeto niya ang pambabawal ng mga ito noon kay Mahalia dahil mga magulang sila pero ngayon hindi na niya maisip pa na mga magulang nga sila kasi parang hindi. Una kasi hindi kamukha ni Mahalia ang ina nito, pangalawa, nakikita niya rin na hindi anak ang turing ng ina nito sa babae. Kung sana narealize na niya noon pa, sana kumilos na siya pero mali si
Read more
Chapter 57: ABDUCTION
"What do you want?" barang tanong ni Matteo sa kabilang linya at ang caller ID ay walang iba kundi si Timothy. "Huh, do you think you've already won, Elioconti? You won't be able to get me with a simple purchase of shares from our company's shareholders," anito sa kabilang linya. Natawa siya, tunog nang-aasar, "So you figured...congratulations then.""But you don't know my move, you idiot," kampanting turan nito sa kabilang linya. Humigpit ang hawak niya sa phone niya dahil tinawag siya nitong idiot. "Really? Test me, Kwon. Let's prove that idiot you're talking about." "Sure, look at your back, Elioconti," sabi nito at kumunot ang noo niya. Ayaw niyang magmukhang uto-uto kaya hindi siya sumunod, si Mahalia lang naman ang nandoon. "Offend me, Kwon, and I'll ruin your life. I will take everything from you, mark my words.""You've already ruined my life, Elioconti. You took away the woman I love, and you destroyed my engagement to Sabrina. I'm just seeking revenge," sabi pa nito. G
Read more
Chapter 58: TEEHAN'S REASONS
Hindi maibigay ni Mahalia masyado ang lakas niya o ang mga bagay na natutunan niya dahil mas nangingibabaw ang takot. Natumba na niya ang isa at nasipa din ang isa, tumakbo na naman siya nang mabilis. "After her!" Kung gaano kabilis ang takbo niya ganoon din kalakas ang sigaw at iyak niya. "Ayoko na gusto ko na umuwi! Matteo sunduin mo na ako!" "Mahalia!" Lumakas na naman ang sigaw niya at nag-iba siya ng direction nang marealize niyang tila umikot lang siya at nakasulobong niya si Teehan. Nag-hanap siya ng hagdan na mababaan ngunit tatlong lalaki na naman ang nasa harapan niya. Hindi na niya alam ang gagawin at humagulhol lang siya ng iyak. "Wag kang matakot sa kanila, hindi ka nila sasakyan basta sumunod ka lang," sabi naman ni Teehan sa likuran niya. "Pakawalan mo na ako Teehan ano ba!" iyak niyang sigaw, may halong inis at takot. "Bakit mo ba to ginagawa sa akin?!""Nililigtas kita mula sa Elioconti na yun, bakit hindi mo maintindihan?!" sigaw nito at nilapitan siya. Hinawa
Read more
Chapter 59: TRICKS
Nag-aalburoto sa galit si Timothy habang pinapanood ang video ng mga magulang niyang nakagapos ng bomba sa loob ng opisina ng kompanya niya. Hindi nga nagbibiro ang Elioconti na iyon. Nanginginig ang kamay niyang ni-cancel ang video at tinawagan ulit si Matteo. Agad itong sumagot sa kabilang linya at sinabing, "Your decision?""Fine! Release my parents and remove the bombs from my company, return what you took, and I will give you back Mahalia," pagsuko niya pero nagtatagis pa rin ang ngipin habang nagsasalita. "No. Return Mahalia to me, issue a public apology to ELObank, your parents and your company will remained safe, and I will return the shares as well," sabi pa nito. Mas lalo siyang nag-aalburoto dahil mas lalong ayaw niyang gawin ang public apology, masisira siya sa lahat. Ibang klase talaga ito si Matteo. Pero hindi naman siya magpapatalo nang makaisip siya ng hirit. "If you don't do as I say, Mahalia will die," pananakot niya. Tumawa ito sa kabilang linya at sinabi pang,
Read more
Chapter 60: SAVED
Sinugod nila sa hospital si Matteo. Pagkatapos ng isang oras nagising ito na nakaupo siya sa tabi nito iyak ng iyak. "Matteo?" tumayo siya at hinawakan ang pisngi nito. Pagkakita nito sa kaniya matapos ang ilang pagkurap napaangat ito ng ulo, "Mahalia?" Agad ring napadaing dahil nakaramdam ng sakit sa likod. "Oh teka, hindi ka pa okay. Napalo ka daw kanina sa likod, kaya masakit dyan, diba?" sabi naman niya, mugtong-mugto ang mga mata. Hinawakan siya nito sa braso. "Mahalia, are you okay? Nasaktan ka ba?" Umiling siyang umiiyak. "Ikaw nga tong nasaktan eh. Dapat sarili mo tinatanong mo."Sandali itong napatitig sa kaniya at natawa. "Ba't ko naman tatanungin ang sarili ko?" Saka lang din niya narealize ang tanong niya, mali pala. Napatingin ito banda sa paligid. "Nasaan si Finn?"Bumalik siya sa pag-upo. "Ayon kausap ang doctor mo, tapos si Hunter bumili ng pagkain." Huminga ito nang malalim at hinaplos ang mga luha sa mga mata niya. Ramdam niya ang inis ng palad nito sa pisngi n
Read more
PREV
1
...
45678
...
10
DMCA.com Protection Status