All Chapters of Love and Revenge of the Lost Billionaire: Chapter 11 - Chapter 20
37 Chapters
Kabanata 11: Ang Pag-amin ng Ina
Halos sampung minuto rin ang ginugol nila Aling Cecilia at Erik na pasan-pasan si Gwen sa kanyang likod upang makarating sa mismong highway. “Sana may magmagandang loob sa atin na pasakayin tayo nang maihatid tayo sa pinakamalapit na ospital,” dalangin ni Erik habang pinagpapawisan at hirap na hirap sa pagbubuhat kay Gwen sa kanyang likod. “Nak, konting tiis pa makakahanap rin tayo ng sasakyan na maghahatid sa atin sa ospital,” wika ni Aling Cecilia habang pinupunasan nito ang butlig-butlig na pawis sa mukha ni Gwen na halatang nanghihina na dahil sa unti-unting pagkalat ng kamandag ng ahas sa buong katawan. Mabuti na lamang ay hindi nagtagal ay mayroong humintong sasakyan sa harap nila. “Ano pong nangyari?” tanong ng drayber ng sasakyan na nagmagandaang-loob para tulungan sila. “Puwede po bang sumakay sa inyo? Nakagat po kasi ng ahas ang anak ko,” pagmamakaawa ni Aling Cecilia sa drayber. Hindi nagdalawang-isip ang mabuting drayber na tumulong at agad niyang pinasakay sila
Read more
Kabanata 12: Ang Simula ng Pagseselos
“Mayroon namang nakita ang ama mo na isang malaking bag, kaya lang hindi na namin hinalungkat para respeto na rin sa kanya. Naisip rin namin na kahit buksan namin ang bag niya at makita ang mga ID niya, wala rin naman kaming lakas ng loob upang tumulong, dahil wala naman kaming masyadong alam sa siyudad. Kung hahanapin naman namin baka mapahamak pa kami kapag napunta kami sa mga kaaway niya o maling tao. Kaya minabuti na lamang namin na tulungan siya na lamang siya hanggang sa bumalik ang kanyang memorya,” paliwanag ni Aling Cecilia sa anak. “Hindi po ba ninyo naiisip na baka nag-aalala na ang mga taong nagmamahal sa kanya, baka may asawa at anak pa ‘yan na naghihintay sa pagbabalik niya o magulang man lang? Kung nalaman ko agad ito ay hahanapin ko agad kung sino man kamag-anak nito o kung saan siya nagtratrabaho,” usal ni Gwen sa kanyang ina. “Iyan ang sinasabi namin ng ama mo kaya ayaw namin sabihin sa iyo dahil sa pabigla-bigla kang nagdedesisyon. Hindi naman sa ayaw naming tumul
Read more
Kabanata 13: Ang Tatlong mga Armadong Lalaki
Inumaga na sa kahihintay si Mang Karding at Niknok sa paghihintay sa pagbabalik nila Aling Cecilia o Erik, ngunit kahit isa sa kanila ay walang nagpakita. “Mang Karding magandang umaga, hindi ho ba kayo nakatulog?” tanong ni NIknok nang magising ito at mapansin niyang nakadungaw si Mang Karding sa bintana, habang pupungas-pungas pa itong umupo sa kanyang higaan. “Nakatulog naman kahit paano, kaya lang hindi pa rin mawala sa isip ko kung ano na ang nangyari sa anak ko. Alam ko naman na hindi siya pababayaan ng asawa ko at ni Erik. Sana nga lang hindi agad kumalat ang kamandag sa kanyang katawan,” pag-aalala ni Mang Karding na patuloy pa ring nakadungaw sa bintana, nagbabakasakaling pabalik na sila Aling Cecilia o si Erik upang ibalita sa kanya ang nangyari kay Gwen. “Tingin ko naman po makakaligtas si Ate Gwen kasi mabilis naman pong kumilos sila Kuya Erik, katunayan nga po wala silang sinayang na oras noon pong nakita nilang nakagat ng ahas si Ate Gwen,” wika ni Niknok upang pagaani
Read more
Kabanata 14: Ang Paglabas ng Tunay na Ina
Masayang nagkukuwento si Leslie sa tabi ni Erik, ngunit nasa ibang lumalop ang isip ng binata dahil hindi naman ito nakikinig sa mga sinasbi ni Leslie, ang nasa isip nito ay ang itsura ni Gwen noong ipinasan niya ito sa kanyang likod nang kinagat ito ng ahas.Hindi mawala sa isip ni Erik ang napakagandang mukha ni Gwen habang nahihirapan ito at pinagpapawisan dulot ng sakit na dulot ng kagat ng ahas.“Kakaiba talaga ang dating niya, gustuhin ko mang pigilan dahil bawal siyang mahalin dahil magpinsan kami pero hindi ko magawa, nabibighani talaga ako sa taglay na ganda niya,” bulong ni Erik sa sarili habang pinagmamasdan ang nakahigang si Gwen.Nagkunwaring tulog naman si Gwen upang pasimpleng makinig sa pinag-uusapan nila Erik at sa bestfriend niyang si Leslie.Matapos na magsalita nang kung anu-anong kuwento ay napansin ni Leslie na hindi pala nakikinig sa kanya si Erik.Ilang beses nitong nahuli ang binata na nakatingin sa kaibigan niyang si Gwen kaya alam niyang wala sa kanya ang at
Read more
Kabanata 15: Kawawang Matatanda
Hindi agad nakasagot si Dra. Lorena Ignacio sa tanong sa kanya ni Dr. Miguel Sanchez at tanging pagyuko na lamang ang naiganti nito. “Kitam, hindi ka nakasagot sa tanong ko, ibig lang sabihin na hindi ka pa handa sa mga posibleng sasabihin o isusumbat sa iyo ng anak mo. Alam natin pareho na siguradong magagalit si Larry kapag nagpakilala ka na ikaw ang kanyang ina o mas natatakot ka sa mararamdaman mo kapag itinakwil ka ng anak mo? Maaaring gawin niya na hindi maniwala na ikaw ang ina niya kahit may ipakita ka pang mga ebidensya na nagpapatunay na ikaw nga ang tunay niyang ina nang hindi mahalata ang pagtakwil niya sa iyo,” mga tanong ni Dok Miguel na tanging masasagot lang kapag nagharap ang mag-inang sina Doktora Lorena at Larry. Dahil sa narinig mula kay Dra. Lorena gustong bawiin ni Dr. Miguel ang sinabi nitong masasakit na salita sa kaibigan dahil nakaramdam na ng awa sa kaibigang doktora. “Pasensya ka na Lorena, hindi ko naman nais na saktan ang kalooban mo,” wika ni Dok Mi
Read more
Kabanata 16: Pagkamatay ng Mahal sa Buhay
Nakipagkasundo si Aling Cecilia sa mga armadong lalaki sa pamumuno ni Paeng. Sasamahan niya sila Paeng at Galo papunta sa bahay ni Gwen dahil kasama nito si Erik habang maiiwan si Hidan sa bahay nila kasama si Mang Karding. Kahit ilang beses nang nasaktan si Mang Karding ay pinipigilan pa rin nito ang asawa na huwag ituloy ang pakikipagkasundo sa mga armadong lalaki dahil mapapahamak lang pati ang kanilang anak na si Gwen. “Cecilia, itigil mo iyang gagawin mo huwag mo silang samahan kung saan naroroon sila Erik,” pag-awat ni Mang Karding sa asawa. “Tumigil kang matanda ka,” wika ni Hidan habang hahampasin sana ulit nito ang matandang lalaki nang pigilan ito ni Aling Cecilia. “Sige, hampasin mo ulit ang asawa ko nang hindi ko na ituloy ang pakikipagkasundo ko sa inyo!” pagbabanta ni Aling Cecilia kay Hidan dahil sa awa sa asawa ay napilitan na itong lumaban. Naramdaman nila Paeng na hindi nagbibiro si Aling Cecilia at siguradong gagawin nito ang sinabi. Sa takot na hindi matuloy a
Read more
Kabanata 17: Alaala ng Isang Gabing Pag-ibig
“Pasensya ka na kahit hindi tayo magkakilala nagagawa kong magdrama sa iyo. Bakit ka nga pala bumaba pa? Siguro may malaki ka ring problema na kagaya ko?” tanong ni Lorena habang napatingin ito kay Don Rafael dahil sa amoy alak.“Paano mo naman nasabi na may malaki rin akong problema?” nakangiting tanong ni Don Rafael.“Sa amoy mo pa lang hindi pa ba halata?” sagot na pabiro ni Lorena.Sa birong iyon ay napalabas ang ngiti ng dalaga na lalong nagpalantad sa totoong ganda nito.Simula nang gabing iyon ay maging magkaibigan sila Don Rafael at Lorena. Dahil sa natutuwa sila sa isa’t isa ay nasundan nang nasundan ang pagkikita nila. Hanggang sa isang gabi.Napansin ni Lorena na parang matamlay at hindi masyadaong nagsasalita si Don Rafael.“Bakit parang sobrang tahimik mo at hindi mapakali? May problema ka ba?” tanong ni Lorena sa kanya.“Wala ka bang gagawin ngayon? Baka puwede mo akong samahan,” pakiusap ni Don Rafael.“Wala naman akong lakad o gagawin ngayon, pero saan ka naman pupunta
Read more
Kabanata 18: Ang Kundisyon
“Huwag ka naman magalit, s’yempre nabigla ako sa sinabi mo,” pagpapakalma ni Don Rafael kay Lorena. Hindi nagsalita si Lorena nang biglang umiyak na lamang ito dahil pakiramdam niya ay sira na ang kanyang buhay kasama ng anak niyang ipinagbubuntis. “Sa totoo lang hindi ko alam kung anong klaseng tulong ang gusto mo, kaya mas maganda kung hindi ka na iiyak at kausapin mo na lang ako nang maayos,” wika ni Don Robert. “Kung sasabihin mo sa akin na panagutan ko iyang dinadala mo ay hindi----” napahinto si Don Robert nang biglang nagsalita si Lorena. “Na hindi mo kayang panagutan?” dugtong ni Lorena sa sinasabi ni Don Robert. “Alam ko na hindi mo ako kayang panagutan dahil alam kong may asawa ka. Alam ko na may iniingatan kang pangalan dahil may sarili kang kumpanya na inaalagan. Kung may alam lang ako na ibang pupuntahan na maaaring makatulong sa akin ay hindi ko na sasabihin sa iyo na nabuntis mo ako. Kung iniisip mo na gagamitin ko ang anak ko para pilitin kang panagutan ako, nagkaka
Read more
Kabanata 19: Sino ba Ako?
Kahit hindi alam ni Erik kung anong dahilan kung bakit siya ang sinisisi ni Aling Cecilia sa pagkamatay ni Mang Karding ay nilapitan niya si Gwen habang yakap-yakap niya ang kanyang inang patuloy na umiiyak. “Insan, humihingi ako ng pasensya sa nangyari kay Tiyo Karding. Hindi ko kagustuhan ang pagkawala niya,” buong pusong pagpapakumbaba ni Erik. “Erik, maaari ba layuan mo muna kami! At kung maaari lang huwag mong tatawagin ang anak ko na pinsan o insan dahil hindi naman talaga kayo magkadugo!” sigaw ni Aling Cecilia na patuloy pa ring umiiyak. Nagulat ang lahat sa sinabi ni Aling Cecilia lalong-lalo na si Erik na hindi na alam kung ano na ang nangyayari sa buhay niya. Mas lalong dumami ang katanungan nito sa isip at mas naging sariwa ang tanong niya na matagal na niyang hinahanapan ng sagot pero kahit anong pilit niya sa sarili ay hindi niya masagot, “Sino ba talaga ako?” “Totoo po ba ang narinig ko Tita Ceiling?” maikling tanong ni Erik. “Tita, ano po ba ang alam ninyo sa buo k
Read more
Kabanata 20: Mahigpit na Yakap
Hindi agad umalis sila Erik at Niknok sa bahay nila Mang Karding. Habang natutulog sila ay may biglang dumating na dalawang lalaki. “Attorney Rene, may bahay po doon puwede po tayong makahingi ng tubig kung nauuhaw na kayo, medyo malayo-layo na rin ang nalakad natin mula noong humiwalay po tayo sa grupo,” wika ng guide na kasama ng matandang abogado. “Salamat naman may nakita tayong bahay. Sana may tayo para may makausap tayo,” wika ni Atty. Rene na halos naliligo sa pawis dahil sa pagod at init na dulot ng araw. Sakto naman na nagising si Erik nang may marinig itong nag-uusap na papalapit sa kanila. Mabilis na ginising nito ang kasamang binatilyong natutulog na si Niknok. “Nok, gumising ka kailangang magtago tayo may tao sa labas,” pabalong na wika ni Erik habang inuuga niya ang binatilyo para mas mabilis na mabigising. Walang tanong-tanong ay agad na tumakbo si Niknok sa isang butas na dinaanan ni Erik kagabi. Sinilip muna ni Erik ang mga parating na lalaki bago nito sundan si
Read more
PREV
1234
DMCA.com Protection Status