All Chapters of The Billionaire’s Unwanted Wife: Chapter 21 - Chapter 25
25 Chapters
Chapter 20
“A-Ate, nasasaktan ako!” Sinubukan kong magpumiglas sa mahigpit na pagkakahawak ni Ate Marinelle sa buhok ko, pero hindi siya nakikinig. Nagsimula nang magpatakan ang mga luha ko dahil patuloy pa rin siya sa pangangaladkad sa akin.“Wala akong pakealam! Hinahayaan na nga kitang magreyna-reynahan sa bahay na ‘to, tapos ikaw pa may ang ganang manakit kay Blaine?!” galit na bulalas ni Ate at mas hinigpitan pa ang hawak sa buhok ko. The pain felt as though my whole scalp would be ripped off.“A-Ate, hindi ko siya sinaktan! Natumba lang siya sa harap ko!” umiiyak kong paliwanag, pero imbes na makinig ay mas hinila lamang ni Ate ang buhok ko. Hindi ko makita kung saan kami pupunta pero kung saan-saang parte ng mga furnitures tumatama ang binti ko habang patuloy kami sa paglalakad. Muntik pa ngang tumama ang tiyan ko sa isang kanto ng cabinet pero mabuti na lang at nakaiwas ako kaagad. “Ate, p-please, let me go...”Mula sa likod ko ay narinig kong humahabol sa amin si Ate Lorna. Rinig ko sa
Read more
Chapter 21
Lumipas ang magdamag nang hindi man lang ako pinagbuksan nang pinto ni Ate Marinelle— o nang kahit na sino. Nakaupo lang ako sa maruming sahig ng bodega habang tinitipid ang tubig na ibinigay ni Ate Lorna. Kung hindi dahil sa kakarampot na liwanag na pumapasok mula sa maliliit na butas ng kahoy na dingding, sobrang dilim ng buong silid. Wala akong ibang ginawa kundi umiyak nang umiyak habang dinaramdam pa rin ang sakit mula sa mga pasa at sugat sa mukha ko. Bukod pa ro’n, parang dinudurog nang paulit-ulit ang puso ko habang iniisip ang ginawa sa akin ni Ate Marinelle. Sa loob-loob ko ay sarili ko ang aking sinisisi. Kung noon pa man ay umalis na ako, hindi na sana aabot pa sa ganito. Walang ibang dapat na sisihin sa lahat ng nangyari kundi ang sarili ko dahil hinayaan ko silang gawin ito sa akin.Buong gabi akong gising. Hindi ko magawag ipikit ang mga mata ko dahil pumapasok ang imahe ng mga patay na daga sa isip ko. Pakiramdam ko ay lalapit silang lahat sa akin at kakainin ako nang
Read more
Chapter 22
Mamamatay na ako. Iyon ang paulit-ulit na sinasabi ng boses sa isip ko. Patagal nang patagal, habang nakahiga ako sa malalim na sahig at kumakalam ang sikmura, mas nagiging totoo iyon. Mamamatay na ako nang hindi man lang nasisilayan ang mga anak ko. Mamamatay ako nang hindi man lang sila nabibigyan nang pagkakataon para makita ang mundo o makasama ang tatay nila. Mas nakakatakot iyong isipin kaysa sa nalalapit kong kamatayan. Hindi ko na namalayan pa ang mga oras na lumipas. Ang alam ko lang ay sobrang tagal ko nang nakakulong sa lugar na ‘to. Pakiramdam ko ay ilang taon na ang lumipas at habang buhay na lang akong nakabilanggo. Wala akong makain, walang mainom, walang daan palabas. Kagabi pa naubos ang tubig ko, halos dalawang araw na ang lumipas na wala akong kain. Hindi na ako umaasa pang babalik si Ate Lorna— o kahit na sino— para saklolohan ako. Mamamatay na nga talaga ako. Ipinikit ko ang aking mga mata kasabay nang paghiling sa Diyos na kunin na lang ako. Dahan-dahang puma
Read more
Chapter 23
Isang banayad na haplos ang dumapo sa aking balat kasabay ng paghalik ni Mindy sa noo ko. Pinigilan ko ang mapakislot ng madampian ng kabi niya ang pasa ko ro’n.“Kumain ka na,” bulong niya at tumabi sa akin. Nakaupo ako sa veranda ng kanyang condo habang tinatanaw ang mga sasakyan at building sa hindi kalayuan. “Naghain na ako sa mesa.”Tumango lamang ako at hindi nagsalita. Dalawang araw na ang nakalipas simula nang kumatok ako sa pinto ni Mindy nang basang-basa at puno ng mga galos, pasa at sugat. Simula nang dumating ako, puro luha at hagulgol lamang ang nakuha ni Mindy mula sa akin. Sinubukan niyang magtanong kung anong nangyari, kung bakit ganoon ang itsura ko at bakit sobrang payat ko na, ngunit nanatili akong tahimik kahit pa anong pagmamakaawa niya sa akin.Ayokong magsalita dahil pakiramdam ko, muling magdurugo ang mga sugat at galos ko oras na sambitin ko ang lahat nang naranasan ko sa mansyon ng mga Lorzano. Ayokong magsalita sa takot na baka masira ko lamang ang lahat. Ayo
Read more
Chapter 24
Pakiramdam ko ay taon ang lumipas bago kumalas si Khael sa pagkakayakap sa akin. Ngunit kahit pa ganoon, pakiramdam ko ay hindi pa rin sapat. Kulang pa rin. Gusto ko na lamang siyang yakapin hanggang sa malagutan ako ng hininga. Hinawakan ni Khael ang magkabila kong balikat saka ako pinakatitigan. Bumalatay sa mukha niya ang magkakahalong galit, lungkot at sakit nang makita ang mga sugat at pasa sa aking balat. “Francesca... sinong may gawa nito?” nag-iigting ang panga niyang tanong. Napalunok ako saka yumuko. Hindi niya dapat malaman. Magagalit siya, magkakagulo sila. Hindi ko kayang mangyari iyon... kaya umiling ako. Narinig ko ang pagsinghal ni Mindy sa hindi kalayuan. Bakas sa mukha niya ang galit. “See, I told you she wouldn’t say a thing! Hindi ko alam kung traumatized ba ‘yan o talagang ayaw lang magsalita.”Hindi pinansin ni Khael ang sinabi ng kaibigan ko. Instead, he caressed my face gently. Napapiksi ako dahil makirot pa rin ang mga sugat kaya naman napapikit si Khael sa
Read more
PREV
123
DMCA.com Protection Status