✿♡ JAZZLENE ♡✿ TWO DAYS na kaming hindi nagkita ni Adam dahil kasama ko si mommy at daddy sa bahay. Sa dalawang araw na narito sila, si daddy muna ang naghahatid at sumusundo sa akin sa school. Pero gayon pa man, hindi ko kinalilimutang mag-text sa kaniya para i-update siya sa mga ganap ko sa buhay. Hindi dahil ‘yon ang usapan namin nang pumayag siyang bantayan ako, kung ‘di dahil kasama rin ‘yon sa kontratang pinirmahan ko. Kailangan ko siyang i-update sa mga ginagawa ko, kung sino ang kasama ko, kung nasaan ako, kung kumain na ba ako, kung ano’ng kinain ko, kung ano’ng nangyari sa school, kung masama ba ang pakiramdam ko, kung may dalaw ba ako, etc. Lahat kailangan kong ipaalam sa kaniya. Pero ang nakakainis lang, kapag ako na ang nagtanong sa kaniya kung ano’ng ginagawa niya at kung nasaan siya ay hindi niya ako ni-re-reply-an. Oo, alam ko naman kung bakit. Dahil nasa kontrata rin ‘yon na bawal ko siyang kuwestyonin sa mga pinagkakaabalahan niya o sa whereabouts niya. Supe
Read more