Nang dahil sa isang gabi ng pagkakamali, sapilitang ipinakasal si Diana Saavedra sa lalaking kanyang pinakamamahal na si Nick Gutierrez. Na siyang nagpangyari upang tuluyang mamuhi si Nick sa kanya. Pagkatapos ng kanilang kasal, iniwan siya nito at nanirahan sa ibang bansa kasama ang babaeng itinatangi nito. Nang pumanaw ang abuelo ni Nick, muli itong bumalik sa bansa upang tuparin ang huling habilin ng abuelo, ang magsama sila ni Diana sa iisang bubong at bumuo ng pamilya. Noong una, hindi magawang pakisamahan ni Diana ang kalupitan ni Nick sa kanya, lalo pa at laging nakapagitan ang babaeng tunay na iniibig ng asawa. Nagtiis siya, sa pag-aakalang sa huli, magagawa rin siyang mahalin ng asawa. Subalit dahil sa isang kasinungalingan, napilitang umalis si Diana at tuluyang ibigay ang kalayaan ni Nick sa pamamagitan ng annulment. Kasabay niyon ang kanyang pagtuklas sa tunay niyang pagkatao. Makalipas ang limang taon, sa di inaasahang pagkakataon, muli silang nagkita ni Nick. Lalong tumindi ang pagkamuhi nito sa kanya at pinipilit siya nitong makisama rito dahil hindi raw ito sumang-ayon sa annulment at ito pa rin ang legal niyang asawa. Paano muling pakikisamahan ni Diana ang galit ni Nick? Paano kung muli siyang mahulog dito sa kabila ng kalupitan nito? At higit sa lahat, paano niya hihilingin nang tuluyan ang kalayaan niya rito kung… mayroon silang anak na lihim niyang dinadala nang iwan niya ito? Isang anak na siyang susi upang makuha ni Nick ang kabuuan ng mana nito.
View MoreMalakas ang pagkabog ng dibdib ni Diana habang lulan siya ng lift paakyat sa opisina ni Nick sa Saavedra-Gutierrez Electronics. Ayon sa koneksiyon nina Ella at John, doon na raw nag-oopisina si Nick at hindi na sa BGC. Kung bakit, hindi alam ng dalaga at wala na siyang balak alamin pa. Iisa lang an
Tahimik si Diana habang nakamasid sa kadiliman ng gabi sa balcony ng kanilng hotel room. Tulog na ang kanyang mga kasama. Subalit talagang mailap ang tulog kay Diana nang gabing iyon. Hindi dahil sa namamahay siya kahit na ikalawang gabi pa lang nila iyon ng pagtuloy sa hotel. Kundi dahil binabagaba
“So, nasa hotel pa rin sila?” tanong ni Nick kay Ryker nang tawagan niya ito matapos siyang iwan ulit ni Diana sa harap ng bahay ng mga Fonacier. Si Ryker mismo ang nakasunod kay Diana sa nakalipas na ilang araw. “Yes, Sir. Matapos niyang magpunta sa columbarium, bumalik din siya agad dito sa hotel
Hinayon ng tingin ni Diana ang mataas na gate na nasa kanyang harapan. Pasado ala-una ng hapon at tirik na tirik ang araw subalit hindi iyon alintana ni Diana. Ang nasa isip niya’y mabigyang kasagutan ang mga bumabagabag sa kanya. Kanina pa niya natawagan si Michelle, ang bunsong anak ni Atty. Fona
“Mommy, where do Dads live?” inosenteng tanong ni Marco kay Diana. Magkahawak-kamay ang mag-ina habang paakyat sila sa kanilang suite. Katatapos lang mag-dinner ng mag-ina sa restaurant ng resort. At dahil mabagal kumain ang anak. pinauna na niya sa kanilang suite sina Enrico, Yaya Beth at Alonzo.
Hinayon ng tingin ni Diana ang asul na dagat na nasa kanyang harapan. Kalmado at kumikinang ang tubig niyon sa ilalim ng araw—tila hinihikayat ang lahat na magtampisaw sa tubig niyon. Sinong mag-aakala na kaninang umaga lamang ay may bakas pa sa puting dalampasigan ang delubyo nang nagdaang gabi.Sa
Malakas sa tainga ni Diana ang pagtiktak ng orasan sa dingding. Tumigil na ang malakas na ulan sa labas, maging ang malakas na hangin, humupa na rin. But the storm inside her keeps raging. It was just past five in the morning subalit kanina pa siya mulat. If she’d be honest, halos hindi siya nakatul
“Alonzo, hindi mo pa rin ba ma-contact si Diana?” nag-aalalang tanong ni Yaya Beth sa kasama. Malapit nang mag-hatinggabi subalit wala pa rin dating alaga. At talaga namang nag-aalala na siya.Umiling si Alonzo, nag-aalalang ibinaling ang tingin sa matandang katulong mula sa cellphone nito. “Hindi k
Nanlalaki ang mga matang pumihit si Nick paharap kay Diana. Base sa gulat na nasa mukha ng dalaga’y marahil nakita na nito ang kabuuan ng nangyari sa kanyang likod. Mga bakas iyon ng karahasang dinanas ng binata—karahasang nagsimula mula nang iwan siya ni Diana.Imbes na sumagot, nagmadaling inabot
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.