HINDI MAPAKALI si Edith sa kanyang kinauupuan ngunit pinilit niyang hindi ipahalata iyon kay Xynyx, ang kanyang ama at ni Renz, ang kanyang kuya. Bigla naman siyang napaiktad sa kanyang pagkakaupo nang hawakan ng kanyang ama ang kanyang kamay.“Sigurauhin mo lang na hindi ka gagawa ng pagkakamali kung ‘di alam mo na ang mangyayari sa’yo pagdating natin sa bahay,” mariing saad ni Xynyx na tumingin kay Edith saka binigyan ng pekeng ngiti.Hindi lamang isang ordinaryong paalala ang mga katagang iyon mula kay Xynyx para kay Edith kung ‘di isang pagbabanta na sandaling magkamali ito ay pagbabayaran niya iyon.Nang marinig ni Edith ang mga katagang iyon ay bigla itong pinagpawisan nang malamig lalona’t nakikinita niya na ang maaaring gawin ng kanyang ama sa kanya.“Yes, father,” maikling tugon ni Edith na bahid ang takot sa kanyang tinig.Hindi umimik ang ama at tinapik ang kanyang kamay bilang tugon. Ilang saglit pa ang lumipas ng dumating na ang taong kanilang hinihintay.Mabilis na tuma
Read more