Dominant Series 7: Amorous (Fender Hearst)

Dominant Series 7: Amorous (Fender Hearst)

By:  VraielLajj  Ongoing
Language: English_tagalog
goodnovel16goodnovel
0.0
Not enough ratings
44Chapters
7.3Kviews
Read
Add to library
Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

WARNING: Mature Content || R18 Please be advised that this story contains mature themes and strong language. "I don't believe in God but I prayed you from Him." - Zerus Craige He's a killer. A gunman. A hired assassin. A cold-blooded young man living on his own created world. He's a devil from the deepest pit of hell. Pumapatay siya, kapalit ng pera. Sa pera, sumasaya at nabuhay ang kaniyang mundo. Hanggang tumama ang kaniyang mata sa babaeng may suot na itim na belo at may hawak na rosaryo. Fuck!

View More

Latest chapter

    Interesting books of the same period

    Comments
    No Comments
    44 chapters
    1
    Napatingin si Zerus sa wristwatch na suot. 5 more minutes, bago niya puputulin ang masayang sandali ng isang kilalang senator. Kapag napatay niya ito ng walang kahirap-hirap, hindi lang sampung milyon ang kaniyang makukuha. Natawa siya, masyado yatang minamaliit ang kaniyang kakayahan. Kung patayan lang ang basihan, hindi na mabilang ng binata kung ilang tao na ang kaniyang pinatumba, babae man o lalaki. Wala siyang awa, lalo na pag pera ang usapan. “3 minutes,” mahinang bulong niya habang inaayos ang sniper na dala. Nasa rooftop siya ng isang building, paharap sa kompaniyang pag-aari ng corrupt na senator. In point of fact, he doesn't even cared. Hindi lang mga demonyo at halang ang kaluluwa ang kaniyang mga pinatay, pati rin mga inosente. Hindi na bago sa kaniya 'yon, dahil ang totoo wala ng guilt at awa ang natira sa kaniyang pagkatao. He's the villain here, the killer and the miscreant. Read more
    2
    SANDALING napabuntunghinga si Zerus nang dumating siya sa kaniyang penthouse. Nasa sofa na ang kaniyang kapatid na si Ramona at matamang umiinom ng wine. Maarteng nakaupo ito at bahagyang ngumisi."Hello brother!" He ignored it. He just went straight to the kitchen and brewed coffee. Kahit doblehin pa niya ang lock ng bahay at lagyan ng maraming security, nakakapasok at nakakapasok pa rin ang babae. Nasusunod lahat ng gusto nito. Maliban sa may ugali itong bossy, mahirap din pakisamahan ang init ng ulo ng dalaga. Dulo ng baril nito ang nakikipag-usap."Mainit yata ang ulo mo. palpak ka ba sa trabaho mo?" Natawa siya. Siya? Palpak? Wala siyang hinawakang trabaho na palpak. Lahat ng kliyente nila, masaya sa kaniyang performance lalo na kung paano siya pumapatay. Mapait ang timpla ng kaniyang brewed coffee pero hindi niya alintana iyon. Mas mapait ang sinapit ng buhay niya rati nung palaboy-laboy pa siya.Read more
    3
    Wala siyang maramdaman kahit anong awa matapos patayin ang biktima sa gabing iyon.  Sandali siyang bumuntunghinga bago tumalikod. Ngumisi siya ng nakakaloko at deritsong tinungo ang sasakyan. Saglit niyang sinulyapan ang bahay at parang walang nangyari na pinaharurot ang sasakyan. Bukas, pipilitin niyang dumaan sa bahay-ampunan. Hindi dahil bibisitahin niya ang mga kabataan, kundi para silipin ang kagandahan taglay ni Sister Blesy. Hindi niya pa matukoy kung ano itong nararamdaman niya para sa babaeng maglilingkod sa Diyos, kung meron man Diyos. Dahil para sa kaniya, walang Diyos. Isang malaking kasinungalingan lang 'yan na itinanim sa bawat utak ng tao. Pero nirerespito pa rin niya ang paniniwala ng mga taong nasa kaniyang paligid. Napangiti siya nang masilayan ang kagandahan ng babae. Masaya itong nakipaglaro sa mga bata sa maluwang na bakuran at sa guhit ng ngiti nito, may ginituang puso ito.Napakuyom siya ng ka
    Read more
    4
    Nahigit ni Zerus ang kaniyang hininga nang simulan niyang tanggalin ang bala. Sa tabi niya, ang plangganitang may lamang tubig at alcohol.Fuck! Fuck!Napapikit siya ng mariin nang matanggal niya ang balang nakabaon sa kaniyang hita. Halos mapugto ang kaniyang hininga sa sakit pero ininda niya iyon. Sunod na kaniyang ginawa, binuhusan ang sugat ng maraming alcohol. Putangina! Hindi niya mapigilang magmura sa isip. Agad niyang pinunit ang suot na tshirt at tinali sa kaniyang hitang may sugat para maampat ang pagdugo. Sisiw lang ito kung tutuusin pero baka makalimutan ni Satanas ang kontrata nila at bigla siya nitong sunduin nang wala sa oras. Napasandal siya sandali sa malamig na tipak na bato nang tanggalin niya ang towel sa bibig. Pinipilit niyang habulin ang kaniyang hininga. May isang bala pa siyang tatanggalin sa gilid ng kaniyang tiyan. Sandali niyang pinikit ang m
    Read more
    5
    NAPAIGIK si Zerus nang magmulat siya ng mata. Kumikirot ang kaniyang tagiliran pero hindi sapat na rason iyon para siya ay bumangon at muling tanggalin ang swerong nakatusok sa kaniyang kamay. Nababagot siya sa isiping nakahiga siya sa kama na parang taong masakitin. Ilang segundo siyang napatitig sa kawalan bago nagpasya siyag bumangon. Bumaling ang kaniyang tingin sa bintana at dinig niya ang mga boses ng mga kabataan.Walang emosyong tiningnan niya ang IV fluid, konti na laman nito. Hindi siya nagdalawang isip na tinanggal ang swero sa kamay at paika-ikang tinungo ang bintana. Wala siyang pakialam sa sugat niya sa kaniyang hita. Hinawi niya ang manipis na kurtinang nakatabing at mula sa kaniyang kinatatayuan, nakikita niya ang mga batang nasa edad lima hanggang sampo na masayang naglalaro ng habulan. Sa paligid, may dalawang mga babaeng Madreng nagbabantay.Nag-ikot siya ng tingin at hinanap ng kaniyang mata ang babae. Napa
    Read more
    6
    NAGING normal ang buhay ni Zerus sa Baryo Felopina. Sa loob ng isang linggo niyang pananatili sa simbahan, kasama ang mga Madre at kabataang inabandona... Marami siyang napagtanto sa sarili. Pero sa ngayon, sa kaniya lang muna iyon.“Hijo...” “Kayo pala, Manong.” Napasulyap siya sa matandang lalaki na unang tumulong sa kaniya. Kung hindi dahil dito, nasa ilalim na siya ng lupa ngayon at inaagnas. “Lumalamig na ang kanin. Kanina pa kita hinahanap, andito ka lang pala sa talon malapit sa kweba.” Hindi na siya sumagot. Tumayo siya at kahit papaano, medyo gumagaling na ang kaniyang mga sugat. Wala siyang alalay nang humakbang siya papunta sa maliit na kubong pagmamay-ari ni Manong Ben. Mag-isa lang ito sa bahay at kakamatay lang ng asawa nito nung nakaraang taon. Hindi pinagpala ng anak kaya mag-isa lang sa buhay. “Kumusta na ang sugat mo? Hindi na ba masyadong masakit? Katakot-t
    Read more
    7
    "Mr. Hearst? Tulog ba kayo?"Pinigilan ni Zerus ang sariling 'wag magmulat ng mata, kahit natutukso siyang buksan ang nakapinid niyang mata at pagmasdan ang inosenteng kagandahan ng babae. Mula sa malambing nitong boses na parang hinahaplos ang kaniyang malamig na puso at sa munting galaw nito na laging nagpapasinghap sa kaniya sa tuwing nasusulyapan ito. Sa ilang araw niyang pananatili, isa lang ang gusto niyang mangyari. Ang makaalis agad sa Baryo Felopina. Mahaba na ang dalawang linggong pananatili. Hindi rin siya sigurado kung safe at ligtas pa ba ang buhay niya sa mga araw na iyon. Hindi basta-basta ang kaaway niyang si Hayes at Fortocarrero pero mautak siya. Mas mautak siya pagdating sa ganitong bagay.“Mr. Fender Hearst...” “Nakita mo ba natutulog ang tao?” paasik na tanong niya. Gumuhit pagkainis sa kaniyang  boses. “Mukhang hindi naman kayo natutulog. Nagsasalita kayo
    Read more
    8
    NAPAKISLOT si Blesy nang makita niya si Mr. Fender Hearst na nakaupo ulit sa ilalim ng malaking kahoy kinabukasan at malayang natutulog. Hindi ang lalaki ang kaniyang pasya sa lugar na iyon kung bakit siya nagpunta. Nakasanayan niya ng pumunta ro'n tuwing sabado at manguha ng mga nagagandahang bulaklak para sa simbahan at halamang gamot.Mga ilang dipa ang layo niya sa lalaki at kitang-kita niya ang banayad na pagkakatulogMay tinatago ang lalaki, ramdam niya iyon. Pero bilang isang babaeng magiging ganap na Madre balang-araw, hinayaan niya na lamang ito kung kailan ito gustong magkwento. Kahit gusto niya itong tulungan at ibalik ang pananampalataya sa Diyos. Isa sa rason kung bakit mas pinili nitong tumira sa bahay-kubo ni Manong Ben at hindi sa simbahan. Ramdam niya ang malaking galit na nanahan sa puso nito.“Nakakaawa siya...” halos pabulong iyon na lumabas sa kaniyang bibig. Totoong naaawa siya sa lalaki at tanging dasal
    Read more
    9
    Naliligo na siya sa malakas na ulan nang mga sandaling iyon pero  hindi siya tumigil. Wala siyang pakialam sa ulan. Ang gusto lang niya ay makita ang babae. Panay ang kaniyang tawag sa pangalan nito at ang sumasagot ay ang malakas na kidlat at kulog. Galit ang langit sa kaniya at ramdam niya ito.Saan ka ba, Blesy? Damn it! Napamura siya nang muling nagalit ang kalangitan at gumuhit ang mahabang kidlat. Napailing-iling na lamang siyang nagpatuloy hanggang sa napahinto siya at napamura ng mas malutong. “Putangina! Blesy!” Mabilis pa sa orasan ang kaniyang pagbaba sa may kataasang bangin. Hindi niya inalintana na pwede siyang mahulog dahil sa lakas ng ulan at madulas ang mga bato. Agad niyang niyakap ang babaeng walang malay habang nasa tabi ang mga bulaklak na pinitas nito. “Hey, hey! Wake up. Blesy!” Tinapik niya ang namumutlang pisngi ng babae pero walang tugon mula rito. Nahulog ito. Iyon an
    Read more
    10
    Walang sagot mula rito. Basta lang itong nakatitig sa kaniya at alam niya ang nasa utak nito nang mga sandaling iyon. Takot. Takot ang nararamdaman nito laban sa kaniya. Nababasa niya at parang sinuntok ang kaniyang puso sa kislap ng mga mata nito. “Ano ka ba talaga? Anong klaseng tao ka?” Malakas ang lagaslas ng ulan pero malinaw ang kaniyang pandinig. Bahagyang kumuyom ang kaniyang kamao habang nakatitig sa babae. Nanatili sila sa gano'ng sitwasyon. “Takot ka sa'kin, hindi ba?” usal niya sa mga katagang iyon na lalong mas nagpadagdag ng takot sa pagkatao ng babae. “Bigyan mo ako ng rason kung bakit hindi kita dapat katakutan.”Natawa siya ng mapakla at dumistansya rito. “Gusto mong maunang umuwi sa simbahan, right? Sige, umuwi ka na.”Nayakap nito ang sarili at ilang beses na napatingin sa kaniya. Tinitimbang ang kaniyang sinabi, “Isa kang mamatay-tao.”
    Read more
    DMCA.com Protection Status