Faking It

Faking It

By:  ScarletteQueen  Completed
Language: English_tagalog
goodnovel12goodnovel
0.0
Not enough ratings
40Chapters
8.6Kviews
Read
Add to library
Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

They were polar opposite; He's rich, a model, and a playboy. She's poor, thriving every day, and got played by her ex. They met in an awkward situation and a missing baby came their way. Mayroon bang pag-asa na magkaroon sila ng feelings sa isa't isa?

View More
Faking It Novels Online Free PDF Download

Latest chapter

Interesting books of the same period

Comments
No Comments
40 chapters
1
“Seryoso ka ba Rox?” Nanlalaki ang mga mata na tanong ni Yna sa kaibigan.   Sunud-sunod na tumango si Roxanne sa kaibigan. Determinado syang gantihan si Alex, ang ex nya na pinaglaruan lang pala sya. Nakipagpustahan lang pala ito na mapapasagot sya nito in one week sa mga kaibigan nitong playboy rin. Mag-iisang buwan na sana sila nang marinig nya ang pag-uusap nang mga ito.   “Nababaliw ka na Roxanne. Hindi mo alam ang pinapasok mo.” Napapailing na sabi ni Yna. Tutol sya sa idea nang kaibigan.   Yumuko si Roxanne. “I’m sorry Yna. Ang sakit lang kasi talaga.”   “Yun na nga. Alam kong masakit. Pero simula pa lang, pinagsabihan na kita. Kilalang playboy si Alex, at kahit ikaw ay nagulat nang bigla ka nyang ligawan. You told me na hindi mo seseryosohin ang lahat.” Sabi ulit ni Yna.   “I did. I mean, masyadong makatotohanan ang mga sin
Read more
2
“What?! Baliw ka na talaga Roxanne!” Napasigaw si Yna nang ikwento nang kaibigan ang nangyari. Quarter to four nang madaling araw pa lamang ayon sa wall clock nila.   Kakauwi pa lamang ni Roxanne galling sa fastfood chain kung saan alam nya ay kumakain si Alex bago ito umuwi. Call center agent si Alex at part time job nito iyon. Sinadya nyang pumunta sa fastfood chain na iyon. Doon ang usapan nila nang kausap nyang magpapanggap na boyfriend nya.   Pinigilan sya ni Yna ngunit tumuloy pa rin sya. Hindi sya sinipot nang kausap nya at imbes ay ang lalaking nakita nya sa c.r ang nasabi nyang bago nyang boyfriend. Nag walk out ang kasama nitong babae, pati si Alex ay napa-atras sa sinabi nya. Hindi nya alam kung nasaktan ito o kung ano ngunit nakita nyang hindi ito natuwa sa nalaman.  Ang lalaki namang na pinakilala nyang boyfriend ay bigla rin umalis, tinapunan lamang sya nang tingin. Hinabol ata ang babaeng kasama nito na
Read more
3
  Kanina pa hindi mapakali si Nikko. Hindi nya alam kung tatawagan nya ang babae o hindi. Hindi sya interisado rito, nais nya lang malaman kung bakit bigla sya nitong ipinakilalang boyfriend.   Napulot nya ang binder nito at isang pouch kung nasaan nakalagay ang pera nito, eyeglasses at ilang personal na gamit. May nakalagay na landline number sa binder nito at address.   “Nikko, Friday ngayon. Hindi ka ba sasama mamaya sa gimik?” Tinapik ni Jake sa balikat ang lalaki. Nakapagbihis na ito. Kakatapos pa lamang nang fashion show sa isang foundation day nang isang unibersidad kung saan sila inimbitahan.   “Hindi ko pa alam pare. Tawagan ko na lang kayo. And please, sana naman hindi na makarating kay Amber to. She’s a mess!” Naiiling na sabi nya, hawak pa rin ang pouch at binder.   Napansin naman ito ni Jake. “Oh, bakit may binder ka? Pati pouch na pink?” Nangunot
Read more
4
   Three months ang OJT period nang magkaibigan na Yna at Roxanne. Isang araw na lang at papasok na si Roxanne, si Yna naman ay next week pa kaya naka tengga lang sila sa bahay nila pansamantala.    “Naku ha. Kung alam ko lang na mabait naman pala yang papa Nikko mo na yan, edi sana nung time na tinakbuhan natin sya ay nagpaiwan ako.” Sabi ni Yna.    “Mabait? Me sinabi ba ako na mabait sya? Hay nako Yna. Hindi ko matantya ang kayabangan nang lalaki na iyon. At kaya ako pumayag sa ganoong set-up ay alam mo na ang dahilan.” Naiiling na sabi ni Roxanne. “Tinulungan nya ako kaya hindi na ako makatanggi.”    Ksasalukuyan na nagpaplantsa nang mga damit na gagamitin nya si Roxanne habang kumakain naman nang chicharon si Yna at nakikipag kwentuhan sa kanya.    “Bongga ka pa rin, Rox. Model yun, at halatang madatung. Libo ang kinikita noon isang
Read more
5
   “Paanong nagkaroon baby dyan?” Agad na tanong ni Roxanne, nanlaki ang mga mata nito.    Lumingon si Nikko sa kaliwa at kanan. “Push cart ba natin to?” Tanong nito kay Roxanne. Marami pa ring tao pero busy ang mga ito sa pamimili.    Tiningnan ni Roxanne ang laman nang push cart kung saan naka upo ang baby. Nakangiti pa rin ito. “Oo!” Tumango s Roxanne.    “S-sigurado ka?” Si Nikko.    “O-oo. Heto yung mga pinili natin kanina.” Halata pa rin ang kaba sa mukha ni Roxanne.    Nagkatinginan ang dalawa.    “Shit. Kaninong baby yan?” Napamura na si Nikko. Napahawak ito sa sariling noo. Naglalaro pa ang baby nang hawak nitong isang piraso nang rubber blocks.    “Teka, ipa-page natin to’ng baby. Baka di sinasadyang nailagay sa push
Read more
6
   “I have a photoshoot later, ikaw muna ang bahala kay Raven.” Sabi ni Nikko sa kabilang linya. Naiiyak nya pa ang cute na boses ni Raven sa background. Tila naglalaro ito.    Napatayo si Roxanne mula sa kinauupuang office chair nang marinig ang sinabi ni Nikko. Isang lingo nang nasa pangangalaga nila si Raven, at salitan sila sa pag-aalaga dito. Pumupunta na lang sya sa pad ni Nikko dahil baka ma chismis pa sila pareho kapag nasa apartment nila ni Yna ang bata. Tinutulungan rin siya nang tagalinis nito na si Manang Tising.    “What? Nasa trabaho ako Nicholas. Ano ba? Hindi ba pwedeng maghanap ka muna nang mag-aalaga sa kanya?” Mahinang sabi nya. Nagtago sya sa gilid nang lamesa nya dahil baka mahuli sya nang supervisor.    “C’mon Roxanne. Hindi ko pwedeng ipa cancelled ang photoshoot na ito. One month nang naka schedule to, lalo namang hindi ko pwedeng dalhin si
Read more
7
“Roxanne, pinapatawag ka ni ma’am.” Si Sandra iyon, isa rin sa mga nag o-OJT sa department na iyon. Magka edad lamang sila pero mas mukha itong matured sa kanya. Palagi kasing nakasalamin.    Tiningala ni Roxanne ang babae. Nakaupo lamang kasi sya. “B-bakit daw? May error ba sa files na pinasa ko?” Agad nyang tanong.    Natawa si Sandra. Hindi, ano ka ba. May sasabihin ata. Kanina ka pa nya hinihintay eh.” Sabi nito. May hawak rin itong mga papeles. Isa ito sa mga una nyang nakapalagayan nang loob.    Na late sya nang almost thirty minutes dahil hinatid nya pa si Raven sa pad ni Nikko. Hinatid kasi ni Nikko si Raven sa apartment nila ni Yna alas diyes nang gabing iyon dahil biglaan dawn a nag-aya ang mga kapwa nya model na mag-inom sa pad nya.    Nang makumpirma nya na nakaalis na ang mga kaibigan nito nang umagang iyon ay ihinatid nya na si Raven dahil may
Read more
8
   Isang oras pa ang lumipas at narating na nila ang lokasyon. Madami nang tao at may naitayo na ring set doon. Nature ang theme kaya doon ginanap ang photoshoot.    “Ang alam ko, part pa rin ito nang Hacienda Victoria, eh. Hmm. Ang sabi nila mama at papa, may pagka masungit daw ang may ari nitong lupa. Paano kaya nila napa payag na dito mag photoshoot?” Out of the blue ay sabi ni Roxanne.    Narinig iyon ni Nikko at natawa ito.    Kunot ang noo na tiningnan ni Roxanne ang lalaki. “Anong nakakatawa?”    “Wala naman.” He stopped. “Amber is coming. Yakapin moko.” Bigla ay bulong nito.    “H-ha?” Bagamat narinig nya nang malinaw ang sinabi nito ay hindi nya agad nakuha kung paano nya ito yayakapin. Wala silang close contact nito bukod sa tuwing kinukuha nya mula sa pagkaka karga si Raven dito.&nb
Read more
9
“I don’t know Yna. Naguguluhan ako sa mga pangyayari. Nakaka asar naman kasi eh.” Tila maiiyak na syabi ni Roxanne habang k“ausap si Yna sa cellphone.    “My God. Napak misteryoso pala ni Nikko no? Eh si Raven?” Sabi nang nasa kabilang linya. Kinwento nang kaibigan ang mga pangyayare, lalo na ang nalaman nyang napaka yaman pala nang kasama nito.    “E-ewan ko. Pagkaturo sa akin nang gagamitin ko raw na kwarto, hindi pa ako lumalabas. Naiinis ako kay Nikko. Nag mukha akong tanga!” Pumadyak pa sya pagkasabi.    Napahagikhik si Yna. “Ayos lang yan. Ayaw mo nun, kaibigan mo ang amo nang mga magulang mo?”    Umupo sa gilid nang kama si Roxanne. “Ah basta. Naiinis ako sa kanya Yna. Grabe. Hindi na lang ako uuwi sa amin. Ano na lang ang sasabihin nila mama kapag nalaman na kasama ko ang Nicholas na yun?” Bumuntong hininga sya.Read more
10
   “P-pasok kayo.” Linuwagan nya ang bukas nang pinto. Kinuha nya si Raven kay Nikko at agad itong linawayan.    “Hinid na kita tinawagan. Nakita ko’ng ito’ng nag iisang bahay na bukas ang ilaw eh.” Sabi ni Nikko.    Noon din naman ang paglabas nang mag-asawa sa kwarto.    “Nay, tay, si Sir Nikko po.” Diniinan nya ang salitang ‘sir’.    “M-magandang gabi ho. Pasensya na po kayo sa istorbo.” Magalang na sabi ni Nikko.    “Aba’y kalaki mo na nga? Huling beses kitang nakita, trese anyos ka pa lang senyorito.” Nakangiting bati ni Rosita.    “Maupo po kayo Senyorito.” Sabi naman ni Lando. Alas dose na nang madaling araw ngunit gising na gising pa rin si Roxanne. Katabi nila nang nanay nya si Raven, samantalang si Nikko naman ay k
Read more
DMCA.com Protection Status