Share

A LOVE FROM THE PAST
A LOVE FROM THE PAST
Author: KuroNeko_21

Prologue

Madilim ang kalangitan, nang isang malakas na kulog ang pumuno sa buong kaharian ng Babilonya. Nasa aking harapan ngayon ang malamig na bangkay ng pinaka dakila at rasyonal na hari sa kasaysayan.

Malaki ang mga matang pinakatitigan ko ang haring naliligo sa sarili niyang dugo, sa aking harapan. Inilipat ng aking paningin ang pulang likidong tumutulo sa kamay kong naliligo sa dugo ng Mahal na Hari.

Bumagsak mula sa aking kamay ang patalim na ginamit ko sa pagpaslang sa mahal na Hari. Nanginginig ang aking buong katawan habang walang humpay ang pagpatak ng aking luha sa gilid ng aking mga pisngi. Halos hindi makapaniwala sa aking nagawang pagtataksil.

Nagpabulag ako at hinayaan ang sariling mamuhi sa isang kaibigang wala namang kinalaman sa pagkamatay ng aking mga magulang…

“Hindi ko lubos akalaing isa kang tunay na mang-mang Xerxes! Isa kang malaking uto-uto!” malakas na tawa ang pinakawalan ni Napoleon habang galak na galak makita ang malamig na bangkay ng sariling kapatid.

“Hindi ako makapaniwalang nagawa mong paniwalaan aking mga gawa-gawang kwento tungkol sa pagkamatay ng iyong mga magulang,”

“Isa kang mang-mang na hindi marunong gumamit ng kapirasong utak upang malamang ako ang tunay na salarin sa tunay na pagkamatay ng kanyang pinakamamahal na kapatid at magulang.” dagdag pa nitong malaki ang pagkakangisi sa akin.

“WALA KANG KASING SAMA NAPOLEON! ISINUSUMPA KO! PAGBABAYARAN MO ANG LAHAT NG ITO!” sigaw ko sa kanya, habang mariing nakakuyom ang mga palad.

 Nais ko siyang patayin, at saktan dahil sa ginawa niyang panlilinlang saakin. Ngunit gayon pa man ay alam ko sa aking sarili na ako mismo ang siyang tunay na may sala sa pagkamatay ni Achilles. Kung may-roon mang ibang dapat sisihin sa pagkamatay ng mahal na hari, ay ako iyon, at wala ng iba.

Dahil nagpalinlang ako at nagpa-uto sa isang demonyong tulad ni Napoleon.

“Ako nga ba ang walang kasing sama sa ating dalawa?” ngising tanong niya sa akin.

“Hindi ba’t ikaw ang pumaslang sa sarili mong kaibigan, dahil sa labis mong katangahan?” mapang-asar na turan ng prinsipe sa aking harapan.

Nagawa pa nitong maupo ng kumportable sa tronong may bahid ng dugo ng namayapang Haring Achilles.

“Wala namang mababago Xerxes, kahit ilang ulit mo pa akong isumpa ay hindi na nito maibabalik ang buhay ng aking kapatid.” ngisi muling dagdag nito, saka pumangalumbaba.

“Kung ganon ay dyaan ka nagkakamali Napoleon. Dahil kahit ang isang mangmang na katulad ko ay mayroon ding kakayahang baguhin ang nakaraan.”

“Sisiguraduhin kong pababagsakin kita sa lahat ng klase ng paraang aking nalalaman!” galit na saad ko, saka nagsimulang magbigkas ng mahika.

Isang mahikang makapagdadala sa akin sa hinaharap, kung saan isisilang pa lamang ang babaeng itinakda, upang baguhin ang itinadhana.

Nakita ko ang gulat na gulat na ekspresyon ng mukha ni Napolen ng magsimulang lamunin ng pinaghalong itim at ubeng usok ang silid ng mahal na hari. Huli nab ago pa siya makalapit sa aking kinaroroonan, upang mapigilan ako sa aking balak na pagpunta sa kasalukuyan.

“Isinusumpa ko kaibigan,”

“Isinusumpa ko sa lahat ng Diyos sa Olympus, na pagtatagumpayan ko ang aking misyon, at ililigtas kita sa bingit ng kamatayan…”

“Buhay ko man ang maging kapalit.”

******

I was walking alone in some corridor in Rome.

Sayang nga at hindi ko kasama rito ang loka-lokang si Kezia.

Sya ang bff kong may saltik sa utak, na pinapaulit ulit na kung nabuhay daw sya sa mundo ni Xerxes, ay papatayin nya daw ito habang bata pa.

Baliw diba? But she's really a great friend.

I know you guys are thinking that she's crazy!

It's ok because everyone who doesn't know her would tell how weird of a person she is too.

And I'm not going to wash hands for it, dahil kahit ako ay napa-praning din sa history this past few days.

No wonder why we’re friends right?

Because I too, feel the same way towards someone from history.

Kung si Kezia ay napa-praning na sa history ni Xerxes ay tulad niya, napa-praning na ako sa history ni Achilles Agathangelou.

Do you guys know him?

Siya lang naman ang pinakamagaling na hari ng Macedonia noong 336-323 B.C.E. Sino ba naman kaseng hindi maku-curious at maa-amaze sa klase ng pamumuno niya diba?

Ha?

Anong sabi mo?

Ikaw?

'Di ka curious at wala kang pake?

Paki ko din ba? Charot! Hahahahaha. Edi sana all na lang tayo! Charot ulit. Hahahahahaha

See? Sabi sa inyo't nababaliw na ako e.

Actually, I'm not really into history class. I'm more into science, kaya hindi ko rin maintindihan kung bakit ako nagkakaganto over Achilles' history.

So like what I was saying a while ago...

I was walking alone in some corridor in the Vatican Museum in Rome.

Dito kase ako dinala ni Kuya Kit para samahan siya sa kanyang study about history.

Sosyal ng pag aaral ni kuya, no?

Inggit ka naman?

‘Wag ka mainggit. Ang boring ng course niya actually. Sa sobrang boring hindi ko na nga matandaan kung ano yung tine-take niya eh. All I know is that his studying history, that this is one of his major subjects, and he dreamed to be a famous archeologist.

As I walk around the Vatican Museum, I found myself standing in front of a mysterious well.

Halatang-halata na ang kalumaan nito.

Nilulumot na ito sa sobrang kalumaan. But you can still see those interesting sequence and details na nasa may dalawang kahoy na nakatusok dito, para maging stand, sa sabitan ng timba.

Nilapitan ko pa itong mabuti ng  mapansin ang kakaibang markings sa may parihabang batong, na nagkukumpuni rito para maging isang ganap na balon. I looked at the markings, and saw something familiar. For some reason, I got curious so I decided na tanggalin gamit ang tissue na nakuha ko sa pouch bag ko ang mga lumot na nagtatakip rito.

Matapos matanggal ang mga lumot ay lumabas ang tila ba ay kumikinang sa aking mga matang mga letra.

Matapos kung matanggal ang lumot mula sa balon, ay nakakapagtakang bigla kong narinig ang sariling boses, na nagsalita.

"I will always love you, Achilles..."

"No time nor mountain or even death could ever change that love I had for you," saad ng sarili kong boses na labis na nakapagpataka sakin.

Dahil sigurado akong hindi ako ‘yon.

I mean, bakit ko naman sasabihin ‘yon diba? For pete’s sake, wala akong kilalang Achilles na existing, bukod sa talanding hari ng Asia, Babylon at Persia.

At imposible naman na sabihin ko ‘yon sa kanya, dahil hindi ko sya type. At naniniwala akong isa siyang malanding hari, na nag iisip na mula sya sa panginoon! A rude irrational psychopath na pumatay sa libo-libong mga slaves nuong panahon niya, dahil trip niya lang!

Luminga linga ako sa paligid, para masiguradong hindi ako pinaprank lang ng Kuya kong kulokoy na isa pa ding malakas mantrip.

Parehong-pareho talaga sila ni Kezia.

May pagka abnormal.

Mabuti na lang talaga at hindi ako mana sa kanila.Hahhhahahhaa.

Nang makitang wala namang ibang tao sa paligid ay kibit-balikat ko na lamang pinakatitigan ang kumikinang na mga letra na nakamarka sa may gilid na bahagi ng bato.

"A love with no bounds" basa ko sa nakasulat, saka napakunot ang noo ng makita ang sariling pangalan na nakasulat sa gilid nito.

"Celezia Alcantara" kunot-noo kong basa sa sariling pangalan, saka umakmang hahawakan ito ng may kung anong pwersa ang humigop sakin papasok sa loob ng balon.

Nang imulat ko ang sariling mga mata, ay kumawag-kawag ako para maiangat ang sarili mula sa tubig.

Malulunod ako! Wengya talaga! Di pa naman ako marunong lumangoy, king ina talaga!

Pakawag-kawag ako sa tubig ng maramdaman kong may kung anong bisig akong nahawakan na syang nag angat sakin. Nang imulat ko ang aking mga mata, ay isang napakagwapong nilalang ang bumungad sakin.

Itim ang basa at medyo kulot nyang buhok,na tumutulo sa matipuno at puting balat sa kaniyang balikat. Sobrang matipuno ng kaniyang katawan. Sobrang tangos ng ilong nitong sobrang bumagay sa kaniya. Habang ang kaniyang maninipis na labi naman ay kumorteng guhit. Makapal ang kilay nyang halos magtagpo na sa sobrang pagkakakunot. Habang ang malalim nyang mga mata na itim na itim, ay parang nanghihigop habang matamang nakatitig sa aking mga mata.

Bahagya kong nahigit ang sariling hininga, dahil sa klase ng kanyang pagtitig sakin. Sobrang lapit namin sa isat-isa, na hindi ko na malaman ang sariling tibok ng aking puso. Hindi ko alam kung saakin ba ang mabilis na pagtibok na aking nararamdaman, o sa kanya.

Maya-maya pa ay nag umpisang umangat ang kanyang manipis at mapupulang labi, na kumorte sa isang nakakalokong ngisi.

"Hindi ko inaasahan ang muli nating pagtatagpo. Gayunman ay masaya akong muli kang Makita, Dyosa ng balon…" pagkadakay turan nito, saka pinagtagpo ang aming mga labi.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status