Share

CHAPTER THREE : ESCAPED

DAHIL SA SIKAT ng araw, nagising ako mula mahimbing kong pagtulog. Nakaramdam ako nang matinding pananakit ng aking ulo at saka ng aking katawan,

‘Napaaway ba ‘ko kagabi?’

Niyapos ko ang unang nasa tagiliran ko at inamoy ito kagaya ng aking nakasanayan ngunit agad akong napatigil nang nakaamoy ako ng panlalaking pabango. Kinapa ko ang unan sa kabilang gilid ko ngunit nagtaka ako kung bakit ang tigas nito. Kaagad kong idinilat ang aking mga mata at halos mapatili ako nang nakita ko ang isang lalaki sa loob ng aking kwarto.

‘Ano ba’ng nangyari kagabi at may katabi akong lalaki?!’

Unti-unting itinaas ko ang kumot na nakapulupot sa ‘king katawan at saka sinuri ko. Agad na nilukob ng takot nang makita na wala siyang saplot. Naipikit ko ang aking mga mata habang mariin ang hawak sa kumot.

Hindi ako t*nga para hindi malamang may nangyari sa ‘ming dalawa nitong lalaking mahimbing ang tulog sa tabi ko. Isang patunay ang pananakit ng pagkababae ko.

‘F*ck you, self! May nakapasok sa bataan mo nang hindi mo namamalayan!’

Hinanap ko ang aking damit at kahit masakit ang aking katawan lalong-lalo na ang pagkababae ko’y pinilit ko pa ring magbihis. Ngayon ko lang napansin na hindi ko pala kwarto ito.

‘What the f*ck is goin' on?! Why did I sleep naked beside this sexy and hot man?!’

Nagdahan-dahan ako sa paggalaw dahil sa takot na magising ito.

‘Kung ako man ang tatanungin, hindi naman ako talo rito—Jackpot pa nga pero wala ro’n ang punto!’

Ibinigay ko ang aking sarili sa isang lalaking hindi ko man lang kilala. Hindi ko nga alam kung may HIV ba ito o ano kaya’t nilukuban ako ng takot.

‘To think na wala rin akong makitang condom sa paligid! Ibig sabihin we had an unprotected sex!’

Dahil sa mga posibilidad at mga senaryong iniisip ko ay hindi na ‘ko nagdalawang-isip na tumakbo palabas ng kuwartong ‘yon at hindi na lumingon pa ng isang beses dahil sa takot at pangambang nararamdaman ko. Matiwasay naman akong nakapasok ng elevator hanggang sa nakababa na ‘ko sa first floor. Nanakbo na ‘ko kaagad palabas ng condo na ‘yon at saka pumara ng taxi at sinabi ko ang aking address. Kaagad namang pinatakbo ng driver ang sasakyan kaya tumulala ako habang nakatanaw sa labas ng bintana.

‘Paano ‘ko napunta sa condo niya? Saan ba ‘ko pumunta at naisama niya ‘ko?’

Pinilit kong alalahanin ang mga nangyari kahapon at masuwerteng kahit may hang-over ay naaalala ko naman.

"Matagal na po ba ‘kong ginag*go ni Jared?"

Hindi nakasagot si Nanay Lyn, yumuko lang ito kaya pilit akong natawa. Biruin mong hindi pa pala ito ang una. Ang galing din magtago ng mga hayop na 'yon sa ‘kin. Gusto kong bumalik sa itaas at durugin ang ipinagmamalaki niyang maliit naman.

"I guess, silence means yes."

Lumabas na ‘ko ng mansyon at dali-daling pumasok sa kotse. Naisandal ko na lang ang likod ko sa upuan at napayukom ako sa ‘king mga kamao at pagak na tumawa. "Best Anniversary gift ever." Pinaandar ko na ang kotse at hinayaan kong dalhin ako nito sa kung saan. Malayo sa mga manlolokong mukha namang mga aso.

At saka bumalik lahat ng sakit at galit na nararamdaman ko nang naalala ko ang pangyayaring ‘yon. Naalala kong nagpunta pala ‘ko sa club at nakilala ko ang isang DJ. Nanlaki ang aking mga mata nang mapagtanto ko.

‘F*ck! Siya yung lalaking nakahiga kanina!’

Nanghihinang isinandal ko ang aking likuran.

‘Ang t*nga ko! Sumama pala ‘ko sa kaniya?! T*ngina, ang kotse ko? Naiwan ko ba sa parking ng club? Kapag talaga naiwala ko 'yon ay masasakal ko sarili ko!’

Nilukob na naman ako ng takot sa kaisipang hindi na ‘ko birhen at sa isang estrangherong lalaki ko pa naibigay ang virginity ko sa mismong araw ng break-up namin ni Jared.

‘Pero panloloko ba ‘yon? Wala naman kami pero alam kong may three months rule dapat tapos ako’y oras lang ay napalitan na agad siya?! Taji, ano’ng pumasok sa isip mo! Alam kong maganda ka pero ang powerful naman ng pag-mo-move-on mo! Wala na agad ang virginity mo sa sobrang lakas!’

"B*bo ka talaga, Taji. Bakit ka ba uminom at nagpakalasing?" Inis kong ginulo ang aking buhok at napatingin sa salamin. Nakatingin na pala sa ‘kin ang driver ng taxi kaya’t nginitian ko na lang ito at natawa sa kagagahan ko. "Pasensiya na po at masakit po kasi ang ulo ko."

"Ganoon ba, Hija? Gusto mo bang dumaan muna tayo sa pharmacy at bumili ng gamot?"

Kaagad akong umiling. "Sige lang po, okay pa naman po ako. Kaya naman po.”

Tumango naman ito kaya nahihiyang tumingin na lang ako sa labas. Mukha na siguro akong may topak sa paningin ni Manong Driver.

‘Nakakahiya.’

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status