Share

Chapter 1

Nagising ako nang may maramdamang kung anong malambot sa labi ko. Napamulat ako ng mata at napaubo ng tubig. Napatigil lang nang may magsalita.

"Mabuti at gising ka na." baritonong saad nang isang lalaki. Nang mag-angat ako ng tingin ay nanlaki ang mata ko ng mapamilyaran ang mukha nito, hindi ko nga lang matandaan kung saan ko siya nakita.

Maputi ang kaniyang balat, may magandang pangangatawan, magandang hugis ng panga, makapal na kilay, matangos na ilong at manipis ngunit mapulang labi. Ang style ng kaniyang buhok ay katulad ng mga koreanong nakikita ko sa tv. Ang kaniyang asul at singkit na mata ay bahagyang natatabunan ng kaniyang bangs na basa.

All I can say is, he's so handsome and hot. Kahit sinong babae na makakakita sa kaniya ay mapapanganga, maliban sa akin. Gwapo siya ngunit hindi ako basta-bastang naa-attract sa panlabas na anyo, kaya nga wala akong naging boyfriend dahil ang papangit ng mga ugali ng mga lalaking gustong manligaw sa akin. That's why I have the reason to reject them, hindi sila karapat-dapat.

"Don't look at me like I did something strange to you, thank me instead because I saved you from death." masungit na saad nito bago tumayo. Tinaasan niya ako ng kilay. Nang hindi ako sumagot ay mahina siyang umasik bago tumalikod at nagsimulang maglakad.

Doon lang ako nabalik sa sarili at agad na tumayo. Ngayon ko lang din napansin na nasa may dalampasigan pala kami. Basa din ako.

Then I realized something. Did he just saved me? Kaya pala basa siya.

"Hoy sungit! Sandali!" hindi niya ako pinansin kaya tumakbo ako para habulin siya. Hinarangan ko siya kaya kumunot ang kaniyang kilay at noo.

"Get out of my way." mariing turan niya pero umiling ako.

Unti-unti ng nagdidilim ang paligid kaya napatingin ako sa araw na lumulubog na bago i-balik sa lalaki ang aking atensiyon.

"Anong lugar 'to?"

"Palawan." nanlaki ang mata ko. Gano'n kalayo ako napadpad? From manila to Palawan. Nice, sigurado akong hindi nila ako matutunton.

"Anong petsa ba ngayon?"

"November 20," so tatlong araw akong nagpapalutang-lutang sa dagat bago ako mapadpad sa islang 'to. Wews, buti buhay pa'ko.

Hay, thank you, Lord!

"Wala ka ng i-tatanong?" biglang saad nito.

"Meron pa. Anong pangalan mo?" nakangiting tanong ko. Nakita ko ang panliliit ng mata nito kaya mas lalo siyang naging singkit.

"Eros." tipid na sagot niya. "Ikaw?"

"Aza. Nice to meet you, Eros sungit." nilahad ko ang kamay ko para sana makipag-shake hand pero pinagkatitigan niya lamang iyon bago naglakad.

Did he just refused? First time in my history na tinanggihan ako. Damn that Eros!

"Teka!" nilingon niya ako na magkasalubong ang kilay.

"Ano na naman?"

"Ang sungit mo naman!" ngumuso ako kaya napaiwas siya ng tingin. Eh? "Hinalikan mo ba 'ko?" walang hiyang tanong ko kaya nanlaki ang singkit niyang mata. Gague! Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin at ang hyper ko ngayon.

"W-What are you talking about?"

"Eh kasi naalala kong may malambot na dumampi sa labi ko kanina bago ako magmulat ng mata. Hinalikan mo 'ko?"

I heard him cussed before brushing his hair using his fingers. "I didn't. Ang assuming mo naman, sini-cpr lang kita."

"Pero nagdampi 'yong labi natin!" pakikipag-talo ko bago hinawakan ang aking labi. "First kiss kita!" gulantang na saad ko.

I saw him smirk. "Same."

"So, first kiss natin ang isa't isa?!"

"Gano'n na nga," sagot nito na parang wala lang bago naglakad na ulit.

Napatingin ako sa langit na madaming bituin bago napabuntong hininga. "Nagugutom na 'ko," napahawak pa ako sa tyan ko habang nakanguso.

"Come with me then, I'll treat you." gulat akong napatingin kay Eros na nasa harapan ko na pala. Akala ko ay umalis na 'to.

"Sige!" excited na saad ko bago sumunod sa kaniya.

Bago kami pumuntang kainan ay nagpunta na muna kami sa isang pamilihan ng damit para magbihis dahil basa kami. Binigyan ako ni Eros ng dress ngunit tinanggihan ko iyon at pumili ng mas komportable. I chose this oversize shirt paired with a white short na hanggang sa tuhod ko. Pumili lang din ako ng simpleng tsinelas and I'm done.

Napailing na lang si Eros sa akin at nagbihis na rin. Humingi siya ng plastic bag para lagyan sa basa naming damit bago kami dumeretsong karinderya.

Ang cool pala sa islang napadpadan ko. Walang malalaking gusali rito dahil nandoon pa daw iyon sa malayo. Kailangan pang sumakay ng bus para lang marating iyon.

"Ang sarap!" halos mabulunan na ako dahil sa pagsubo ko ng sunod-sunod pero wala akong pakealam. Ang sarap kasi ng pagkain dito. Parang hindi nakakasawa kung palaging kakainin.

"Takaw," rinig kong komento nito ngunit hindi ko siya pinansin.

Napatihaya na lamang ako nang matapos na. Napahimas din ako sa tyan kong busog na busog. Kung kaya pa nga lang ng tyan kong malagyan pa ng pagkain ay kakain pa 'ko ng madami kaso hindi na e. Baka masuka lang ako sa sobrang kabusugan.

Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Eros kaya napatingin ako sa kaniya at nakitang nakatingin ito sa mga platong wala ng laman. Grabe, ang dami ko palang nakain. Kung sabagay, ikaw ba naman ang walang kain ng tatlong araw. Psh, 'wag niyo kong punahin, gutom lang talaga ako.

"Diyan ka lang, magbabayad lang ako."

"Okey-dokey!" pina-bata ko pa ang boses ko at sumaludo sa kaniya pero umirap lamang siya at tumalikod na. Ginagaya ko lang naman si Anya e! Sama ng masungit na 'yon.

"Tapos na kitang i-treat, aalis na 'ko. Mag-ingat ka na lang." bungad nito nang maka-balik kaya napanganga ako. Ano raw?

Wala nga akong alam sa lugar na 'to tapos iiwan niya ako?

"Hala! Teka! Sasama ako sayo!" dali-dali akong tumayo at lumapit sa kaniya. Napataas ang kilay niya sa akin. "Wala akong alam sa lugar na 'to!" pagtatapat ko sa kaniya.

"Ano naman?"

"Ampunin mo 'ko!" his jaw dropped. "Sige na please!" pagpupumilit ko.

"Ayoko! Ang takaw mo kaya!" tanggi nito kaya napakunot ang noo ko. Ano namang kinalaman no'n? "Baka hindi pa naggagabi ay ubos na stock ng pagkain ko!"

Aba, gago 'to ah!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status