Share

Chapter 2

Walang nagawa si Eros kun'di ang ampunin ako. Ano nga bang magagawa niya sa kakulitan ko hindi ba? Hindi sa nagmamayabang ako pero sa dalawampu't tatlong pagka-buhay ko sa mundong ito ay wala pang tumanggi sa akin maliban sa masungit na lalaking nakapamulsa ngayon habang naglalakad. Psh.

"Hoy, sungit! Hintayin mo 'ko—! Aray, bwesit na 'to!" gague! Ang sakit ng paa ko. Walang hiyang batong 'to!

Sa inis ay sinipa ko iyon kaya malapit matamaan si Eros. Buti na nga lang at malapit sa paa niya lang nag-landing ang bato. Phew! Muntik na ako do'n ah!

"Pag ako talaga natamaan, humanda ka!" banta nito kaya nanlaki ang dalawang magaganda kong mata. Hala! How did he know? Nakatalikod kaya siya! Humarap siya sa akin at tinaasan ako ng kilay. "Instinct." mayabang nitong sagot na para bang nabasa niya ang tanong sa isip ko.

"Edi wow," bulong ko.

"Bilisan mo. Lumalalim na ang gabi, may nanghahablot pa naman dito bigla-bigla." dahil sa sinabi niya ay napatakbo ako palapit at hinawakan siya ng mahigpit.

"Seryoso ka ba riyan?" nanlalaking matang saad ko.

"Do I look like I'm joking?" masungit na wika niya kaya napahigpit ang kapit ko sa braso niya. "Aray," narinig kong bulong nito.

"Let's go." natatakot na bulong ko sa kaniya. To be honest, I'm not scared of anything but now, I don't know why I'm being a scared cat suddenly. Ano bang nangyari sa akin sa tatlong araw na nagpapalutang-lutang sa tubig bago mapadpad dito at naging ganito ako?

"Your grip is so tight," pagrereklamo nito.

"Shut up."

"Tsk." he clicked his tongue three times before walking. Tahimik akong nagpatangay sa kaniya.

Napansin kong malapit na kami sa madilim na part ng daan kung saan walang street lights na nakalagay. Mas lalong humigpit ang kapit ko sa kaniya at mariing napapikit. Hanggang sa maramdaman kong may ilaw ng tumatama sa mukha ko. Naramdaman ko rin ang pagtigil namin ngunit nanatili akong nakapikit.

"Bitawan mo na ang braso ko." hindi ko siya pinansin kaya nagpakawala ito ng buntong hininga bago niya hawiin ang kamay ko. "Open your eyes,"

"Bakit?"

"Because we're already here, stupid." dahan-dahan kong binuka ang mga mata ko at napanganga sa nakita.

"Is this your house?" nakangangang tanong ko. The moment he nod his head made me grin like crazy. "Gago! Ang ganda!"

I roamed my eyes at every corner of the house. It's simple yet peaceful. Sa gilid ng kinatatayuan namin ngayon ay may parang maliliit na kahoy na may Christmas lights. Habang ang tinatapakan namin ay bermuda grass. Sa hindi kalayuan ay ang bahay niyang gawa sa mamahaling kahoy.

Ang bungad nito ay terrace na may iba't ibang kulay ng lights. May hugis pusong kumikinang sa pinto nito na nakakapagdagdag ng kagandahan. Palaging pasko ata sa bahay niya e!

It's attractive. Cool house of him.

Napalingon ako sa pinanggalingan namin at nakita ang kulay itim na gate. Hindi ko namalayang pumasok pala kami roon dahil wala akong narinig na ingay mula dito. Wow.

"Close your mouth, mosquitoes might get inside of it." he smirked before walking to his cool house.

Sumunod ako na nakasimangot. Gago lang!

Pagpasok pa lang namin sa loob ay napanganga ulit ako. His mini sala is neat. May malaking couch at coffee table na may vase. Lumakad ako papunta roon sa isang pinto at nakitang banyo ito. Sinara ko iyon bago naglakad papunta sa kusina. May malaking dinning table na sa tingin ko ay pwede ang anim na tao. Sa gilid ay ang ref kung saan naglalaman ang mga pagkain. Habang lababo naman sa isang gilid na kaharap mismo ang bintana. And the rest is a part of the kitchen.

Lumabas ako r'on at umakyat sa hagdan. Bumungad sa akin ang isang pasilyo na madaming mga pinto na sa tingin ko'y kwarto.

"Done checking? Tsk." boses iyon ni Eros. Nang tingnan ko siya ay umirap lamang siya at nilampasan ako. Huminto siya sa isang itim na pinto bago pumasok doon. Narinig ko ang pag-lock niya dito na para bang ayaw niyang magpa-distorbo.

Nilapitan ko iyon at tinapat ang bibig. "Saan ako?" tinapat ko ang tainga ko para pakinggan ang sagot niya.

"Sa harap ng pintong 'to!" narinig kong sagot niya kaya humarap ako sa tinutukoy niya at binuksan iyon.

"Wews!" namamanghang turan ko bago sinara ang pinto at tinulak ang sarili sa malambot na kama.

I yawned before letting myself sleep. And that night, I slept peacefully.

I woke up when I felt the sun hitting on my precious face. Nagmulat ako ng mata at bumangon. Lumabas ako ng kwarto bago nagtatakbo pababa ng hagdan para umihi sa banyo. Ba't naman kasi walang banyo 'yong kwartong tinulugan ko! Psh.

Parang puputok na ang pantog ko! Gague, naiihi na talaga ako!

Saktong nasa harapan na ako ng pinto nang bigla itong bumukas at bumungad sa akin ang basang katawan ni Eros na walang damit. Tanging tuwalya lang ang nakatapis sa bewang niya. And heck, his flat tummy is showing up! May abs pa! Shit! What the heck am I seeing right now?

Baka maihi na ako rito!

"E-Eros, get out of my way, please!" tinulak ko siya pagilid bago dali-daling pumasok sa banyo at ni-lock iyon. Matapos kong umihi ay tiningnan ko ang mukha kong namumula sa salamin. "H-He's so hot and.." napalunok ako bago inalala ang mukha niya. "..handsome."

"Why were you taking so long?" nakakunot ang noo niya nang mabungaran ko siya sa sofa na nakapandekwartong nakaupo. Nakasuot na siya ng damit ngayon.

"Sorry." nag-iwas ako ng tingin nang lumingon siya sa akin.

Tumayo siya at pumunta sa harap ko. "Are you sick?" nanlaki ang mata ko nang hinipo niya ang noo ko. "Hindi naman kaya bakit ka namumula?"

"None of your business! Nagugutom na 'ko!" pag-iiba ko ng topic bago naglakad papuntang dinning at nakitang may pagkain ng nakahanda. "Bango!" excited na wika ko bago umupo.

Akma na sana akong kukuha nang hampasin niya ang kamay ko.

"Aray!" sinamaan ko siya ng tingin ngunit tinaasan niya lamang ako ng kilay.

"Learn how to pray before you eat!" umupo na rin siya bago nagsimulang magsalita. "Thank you, God, for the food in front of us. Blessed those homeless people who's starving by now. Please take care of them, amen." nagmulat siya ng mata at tinitigan ako na natulala sa kaniya. "Pwede ka nang kumain."

Lutang akong kumuha ng pagkain bago sumubo. Why does he look so attractive when he prayed?

A guy who's a child of God is indeed attractive. And Eros just proved it by now.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status