Share

CHAPTER FIVE

ROSE'S POV:

'Mabuti nga kung aalis kana. Kanina ka pa sunod ng sunod sa'kin eh yun yung ayaw na ayaw ko.' aniko sa sarili.

Hayst first day ng school naiirita nako sa mga tao dito. Di ko na talaga maintindihan sarili ko, nalulungkot ako kapag wala man lang makipagkaibigan sa'kin pero ayaw ko rin na may kaibigan. Na-a-annoyed ako sa mga tao lalo na yun kanina. Ako yung napapasama nito eh.

Nagpatuloy na akong maglakad at tsaka nilibot ang lahat ng lugar sa unibersidad para sa ganon ay di na ako maliligaw at di ko na din kailangang magtanong sa kahit kanino.

Habang naglilibot ako, may nakaakit sa paningin ko kaya napabaling kaagad ako dito. Isang kulay dilaw na bangko sa likuran ng malaking puno na napapaligiran ng mga bulaklak. Di na ako nakapagpigil na pumunta kaagad dito dahil isa din talaga sa mga hilig ko ay ang mga bulaklak. Ang gandang spot naman din pala talaga dito.

Napansin ko din na tahimik at walang mga studyante ang nandito. Nasa bandang likuran kasi ito ng unang building sa unibersidad kaya din siguro na walang halos pumupunta sa magandang tanawin dito.

Hindi lang mga bulaklak ang maaaninag sa spot nato. May mga dumadapong mga ibon na nag-aawitan sa malaking puno at iba't ibang klaseng paru-paro na dumadapo sa bawat bulaklak.

Hinawakan ko ang bawat ulo ng mga bulaklak ng pina-slowmo kagaya ng nasa pelikula na nakikita ko sa tv. Feel na feel ko kase ang moment na ito, para akong nasa mga fairytales. Kung pwede nga lang eh fairytales nalang ako para may happy ending. Pero di naman din lahat ng fairytales may happy ending diba?

Sa susunod pag wala akong klase kagaya sa mga oras nato, napag-isip isipan ko na dito nalang ako tatambay para wala ding mang-a-annoyed sakin.

Napaupo ako sa medyo lumang dilaw na bangko at napasandal dito. Naramdaman ko ang pagod ng mga paa ko kakalibot siguro sa unibersidad kaya ipinikit ko muna ang dalawang mga mata ko para makapagpahinga muna sandali.

KATHYRREN'S POV:

*After photoshoot*

"Well done Ms. Villarde, hindi mo talaga ako binibigo kahit kailan. Kaya nga ikaw ang pinakapaborito ko." anito ng bading kong manager habang hinahaplos-haplos ang aking buhok.

"I know right." sabat ko with confidence.

"Madam M. I shall go now, I still have one class to attend."

"Okay Ms. Villarde, tatawagan nalang kita sa next schedule mo."

Pagkatapos kong magpaalam kay Madam M. ay lumabas na kaagad ako at nagmaneho sa new red car kong kabibili palang ni dad kahapon. Ilang minuto lang ay nakarating na ako sa university namin. I wonder kung nasaan na kaya yung si..... si ano nga ba pangalan nun?

Si Kim ba yun?....... ay hindi si ano yun, si Laura!...... Ay hindi rin, si Rose pala yun. Nakalimutan ko na naman. Sobrang dami na din kasi ng mga kaibigan ko. "Short memory."sabat ng utak ko. "Eh di ba ikaw yung utak ko, so ikaw yung short memory! Di ka nga nagpa-function sa lahat ng quizes and tests ko!"

Shunga din tong utak ko, pati ako kinakalaban kung tanggalin ko nalang siguro to eh wala naman din 'tong laman. Bibilhin ko nalang utak ni Albert Einstein tapos ipatatapon ko tong walang laman kong utak!

Inumpisahan ko nang hanapin kung nasaan ang babaeng naging kaibigan ko ngayong araw. Halos malibot ko na ang napakalawak na lugar nato ngunit wala parin akong naaaninag na Rose .

Hayst bat ko nga ba rin siya hinahanap eh ang boring kaya ng babaeng yun. Kung hindi nga lang siya kakaiba sa iba'y di ko naman siya kakaibiganin. Ewan ko ba, pero gusto ko talaga siyang hanapin.

Nilibot ko na din ang mga building na pwede niyang pasukan pero hindi ko din siya nakita dito. Pumunta nalang muna ako sa likuran ng unibersidad at baka makita ko yung pandak na iyon.

Goddamnit! Hindi ko pala nai-apply sa balat spf lotion ko, kaya pala nasusunog na tong balat ko dahil sa sikat ng araw eh 37 degree celcius kasi ang init ngayon.

I already arrived at the back of this university and started to find where she is. And I'm not wrong with my thoughts, kahit malayo pa'ko ay natatanaw ko na ang kinaroroonan niya. Natutulog pala ang bruha. Matatanaw lang kase dahil medyo malapit lang ang kinatatayuan ko.

Teka......parang may mali. Bat nakapalibot sakanya ang mga demonyo? Ano kayang binabalak nilang masama?

Baka..........sana mali ang akala ko!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status