Share

CHAPTER TWO

            Krinnnggg........... Kriiingggg

Muli akong natauhan ng tumunog na ang bell, tinignan ko ang relo ko at alas otso uno na pala, late nako!!

Kung hindi lang sana sa katangahan ko edi sana nasa room na ko ngayon..... Teka lang, saan banda ba room ko?

What the fvck!! building lang pala yung alam ko, hindi ko pala natanong kung saang floor nakalagay room ko.

Nagsimula na akong maglakad sa loob nitong building upang mahanap kung saang sulok ba ang room ng 1st year college dito. Sa di kalayuan, ay natanaw ko ang isang studyante sa may hallway na papunta dito sa direksyon ko.

Kaya nang malapit na siya sa'kin ay nagtanong na kaagad ako.

"Excuse me miss, can I ask where the 1st year's room is?"

"Uhm yes po, dyan lang po sa bandang kanan may makikita po kayong hagdanan,pero kung nagmamadali po kayo may elevator naman po katapat lang ng hagdanan, then 3rd floor po yung 1st year college." mahabang paliwanag niya sa'kin.

"Ahh ganon po ba, salamat miss."

Tumango nalang ito at ngumiti sa'kin as a response. Habang ako'y nagmamadaling pumunta sa elevator dahil 5 minutes na akong late.

Nang makapunta na'ko sa elevator ay dali dali na akong pumasok. Pipindutin kona sana ang buttons ng elevator ngunit nasa bandang itaas pala ito. Kaya wala nakong choice kung hindi ang tumalon-talon nalang para maabot ito.

Pero dahil sa minamalas nga naman talaga ako sa araw na ito'y di ko ito naabot. Pasara na ang elevator at may pumasok na isang babaeng parang isang model ang dating.

Sobrang ganda niya, katulad ng mga nasa showbiz talaga. Coca cola ang hugis ng kanyang katawan at may eksaktong tangkad.Malalaki ang cocomelon nito kumpara sa'kin na parang wala lang. At morena ito.

"Hey cute!" inihagayway niya ang kanyang mga kamay bilang pagbati niya sa'kin.

Haysst hanggang dito nga naman makakapagkakamalan parin akong bata. Ito talaga ang pinakaayaw ko kung may makakasalamuha akong mga tao, mga ganyang salita kadalasang isinasabi sa'kin dahil sa mukha daw akong bata.

Kinawayan ko nalang siya bilang pagbati sa kanya na may pilit na ngiti sa mga labi ko. I'm not used of being greeted by someone like students, they only bully me in my old school.

Di naman din ako masyadong napapansin sa lahat ng naging paaralan ko eh halos nga binabanggaan lang nila ako. Maliban nalang sa mga teachers ko na lagi akong pinupuri dahil sa angking talino ko.

Sumara na ang elevator at di ko parin naaabot ang floor numbers. Alangan namam kung tatalon-talon ako dito baka pagtawanan lang ako ng babaeng katabi ko.

Takot din naman akong humingi ng favor sa kahit kanino, baka kase magagaya nanaman noon na bubullyhin ako, pero kakapalan ko na nga lang tong mukha ko, di naman pwedeng wala akong gawin dito no.

Ibubuka ko na sana ang bibig ko nang pinindot na niya ang 3rd floor button sabay introduce sa sarili.

"I'm Kathyrren Villarde pala.....ikaw?" inilahad niya ang kanyang kamay para makipagkamayan sa'kin kaya iniabot ko sa kanya ang kamay ko, mukha namang mabait tong babaeng to so I introduce myself to her.

"I'm Rose Fuevo, 18 years old , new transferee and first year college po ako." sinabi ko na lahat para hindi na siya paulit-ulit na magtanong . Ayaw ko rin kasi na laging tinatanong madali lang uminit ang ulo ko.

" Ohh....... so we're classmates pala, but are you sure miss you're in 1st year college na?" tinignan niya ko mula ulo hanggang paa, for sure hindi rin siya naniniwalang college na'ko eh sa ganitong height ba naman mapaghihinalaan talaga

akong middle school pero ano pa nga bang magagawa ko kung di sila maniniwala.

Tumango nalang ako habang nakanganga ,pero 1st year paba talaga siya?........ Ang taas niya para sakin 4th year na talaga siya eh.

"Rose are you okay?"

Tinititigan ko kase siya na may nagtatakang mga mata. Di rin kase ako makapaniwala sa sinabi niya.

"H-ha? Ahh oo" napakamot nalang ako sa ulo at tamang oras din sa pagbukas ng elevator.

Tumingin ulit ako sa relo at sampung minuto na pala ang nakalipas. "Paniguradong late na talaga ako neto....Hayyst" bulong ko sa sarili at bumuntong hininga.

" Don't worry, professor is always late." narinig pala niya yung sinabi ko, but I feel relief sa sinabi niya.

Tama nga siya dahil nang bubuksan na namin sana ang pinto ng room ay kakadating lang din ng prof. kaya sabay naming binati ni Kathyrren si professor Miguel.

"Goodmorning professor Miguel." masayang bati namin sabay wave sa mga kamay namin.

"Goodmorning!" bati niyang nakangiti samin.Nauna na siyang pumasok sa loob at sumunod nadin kami sa loob ng room.Pagkatapos ay pumunta na si Kathyrren sa upuan niya.

And to my horror, I saw a familiar faces that makes my heart pounding so fast that I could really hear it. It was the jerk I encountered a while ago and the handsome boys that I also encountered because of my clumsiness.

"OMG! Hindi pwedeng mangyari to! In this massive place, bakit naging classmate  ko pa sila? Bakit di ako kinakampihan ng tadhana?" sunod-sunod kong tanong sa sarili.

"Miss Fuevo, can you introduce yourself to them?pano na yan, baka makita nila ako! Hayst grabeng kamalasan na talaga to oh.

"Yes sir." tinakpan ko nalang ang mukha ko papunta sa harap nila at nagkunwaring may kinakamot sa noo ko.

"Goodmorning everyone, I would like to introduce myself, I'm Rose Fuevo, I'm 18 years old and I hope all of you will be my friends."

Wtf!! Nakatutok pala yung apat sa'kin habang nag iintroduce ako. Lord sana naman malayo maging seat ko sa kanila, kahit yan lang po Lord please....

"Thankyou Ms. Fuevo you can seat now between Mr.Simson and Mr. Guererro" saad niya sabay turo sa dalawang naka engkwentro ko kanina!

Naks naman parang pinaglalaroan talaga ng tadhana ahh..... Kakabwesit talaga! Bumuntong hininga muna ako bago pumunta sa upuan ko. I think hindi na siguro ako makikilala ng mga to.

Nang uupo na sana ako, biglang itinaas ng pilingerong lalaki ang paa niya at inilagay sa desk ko! Ano bang problema ng lalaking to?

"Ahm, excuse me Mr. pilingero can you please put your feet down cuz this is my desk, so please?" saad ko sa kanya habang nagtitimping maghintay kung kelan niya ibababa ang napakalaki niyang mga paa.

But instead of putting his feet down, he just smirked at me that made my blood boils even more on him. Do he really do it on porpuse because I stepped his giant feet? Bruhh its not really that much.

"Did someone talk to me bro? I can't see her... where is she?" sabi niya sa isa niyang katabi na familiar din sa'kin.

Gosh, inaasar niya ba talaga ako! "Haler, I'm here you bastard!" sagot ko sa kanya and I snapped my fingers on here face. Nakakairita na kasi baka di'ko na mapigilan sarili ko at baka sasabog na'ko dito dahil sa lalaking to.

Ibinalik niya ang tingin niya sa'kin at nagsalita. "Oh...we met again Ms. clumsy little girl." panunukso nitong sabi  na may malademonyong ngising nakaguhit sa kanyang mukha. Naririnig ko sng tawanan ng mga katabi niya dahil sa binanggit niya.

"Tsk.. I--" hindi pa'ko nakatapos ng pagsasalitacay may humawak sa kamay ko dahilan ng pagpula ng buong mukha ko. Nambablush bako? OMG! Rose wag mong sabihing kinikilig kana ngayon.

Nang tiningnan ko ang mukha ng taong humawak sa kamay ko'y may nararamdamang kakaiba sa puso ko na ngayon ko lang naranasan. Gosh, yung anghel kooooooo!!!!! OMG, may crush nakoooo!!!

Siya yung nakabangga ko kanina na may dalawang kasama habang tumatakbo ako papalayo kay Mr. Demonyo au Mr. Pilingero pala pero parehas parin yun.

"Hey miss, let's switch seats if you want?" he said as he kept helding my hand that's make my stomach fluttered.

"H-ha? N-no...it's okay, I can handle this jerk myself." as I took a glimpse on that irritating man that was already staring at me so I immidiately return my gaze to this angel looking man.

I remove my hand from his grip and sit between these two opposite men. "Uhmm okay, I'm Kristoff Guererro pala, 19 yrs. old nako, pinabalik kase kami ni lolo ng isang taon dahil sa palagi kaming nag-iskip classes noon." pakikilala nito sakin. Ang gwapo parin niya kahit sa mga simpleng galawan lang.

"Kami?" pagtataka kong tanong sa kanya habang patuloy tinititigan siya sa mukha.

"Yes kaming apat na seatmates mo ngayon, we're cousins and the grandchild of the owner of this university." paliwanag niya sakin.

Tama ba yung narinig ko? Mga apo pala ng may ari nitong unibersidad ang mga naging katabi ko pati itong pilingerong lalaking nasa kaliwa ko! Pero mukhang adapted lang siguro tong Mr. Simson nato, sa lahat ng magpipinsan siya lang yung napakademonyong ugali, siguro anak siya ni satanas baka siguro.

"Kristoff?Hmm...can I ask a favor?" pagmamakapal kong sambit sa kanya. Tiningnan niya ko sa mga mata at nagbigay ng magandang ngiti. Bat ka naman ngumiti, natutunaw nako sa mga pangiti-ngiti mong yan! Parang naiihi nako sa sobrang kilig!

"Ofcourse, anything for a lovely girl like you." unti-unti niyang inilalapit ang mukha niya dahilan naman ng pag atras ko.

"Pwede mo bang pakiusapan tong pinsan mo na ibaba niya yung paa niya kasi nangangamoy na eh?" pabiro ko namang saad sa kanya. Ginawa niya talaga ahh, hindi lang pala siya gwapo, gentleman din pala siya. Siguro ang daming mga babaeng nagkakandarapa sa kanya. Kahit baliw siguro mas mababaliw dahil sa kanya.

"Dude, can you please put down your feet,you have no respect to this girl." what the hell? Pinagtatanggol niya ba ako?

"Psh...can you just stop pretending to be a gentleman..... cuz your not!" seryosong tono ng demonyo este Henry na nakairita din kay Kristoff.

Sa lakas ng pagkakasabi nito ni Henry ay tumahimik ang lahat. "Mr. Simson what are you doing?"pagtatakang tanong ni professor.

Hindi niya ito sinagot o pinansin man lang. Agad siyang umalis na wala man lang paalam. Wala na ba talaga siyang respeto? Oo nga pala lolo niya ang may ari dito kaya parang hari siya pag umasta.

Napansin ko na nainis si Kristoff sa ginawa niya kaya nagtanong ako "Talaga bang ganyan palagi yang pinsan mo?"di ko na kase mapigilang magtanong sa kanya.

He sigh before answering my question "He used to be like that after his dad left them and his mother replaced her dad to another man."

Napakabigat pala ng pinagdaanan ng lalaking yun, pero hindi yun dahilan para hindi siya rumespeto sa iba. Sa katunayan nga'y halos kasing parehas lang ang problema namin eh.

Haystt naaalala ko nanaman yung nakaraan ko. Naiiyak nanaman ako! Nagtuon nalang ako ng pansin sa discussions ni prof. para madistract ang isip ko sa nakaraan.

         -Class Dismissed-

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status