Share

CHAPTER SIX

Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa kanila habang tumatago sa kahit na anong bagay upang hindi nila makita. Tumago muna ako sa isang malaking punong nakasalipod sa bangkong kinaroroonan nila at nakinig kung ano nga ba talaga ang pinag-uusapan nila o kung may pinaplano ba talaga sila sa babae.

"Anong sapatos to? Ang liit, hindi patalaga nakalampas sa kalahating paako!Hahaha!" saad nitong si kuya Henry habang isinusukat ang maliit at may kalumaang sapatos ng babaeng natutulog.

Anong trip niya? Walang magawa sa buhay tong lalaking to.

"Grabe ang cute talaga niya." anitong si kuya Kristoff habang pinipisil ang mga pisngi sa natutulog at humihilik na babae. Mukhang di nagsasawang tumingin sa mukha nito. 'Hoy kuya Kris baka matunaw yan!'

"Ganda ng hair niya ha"

"Sa'n kayang parlor siya nagpapaayos?" saad naman ng dalawang nababaklang lalaki dahil sa tono nila habang nilalaroan ang buhok nito. 'Bat ba kayo nandito kuya Kale, kuya Kenan, kuya Kristoff, kuya Henry?'

Hayst somethings fishy talaga dito sa apat nato. Makalabas na nga dito sa pinagtataguan ko. Tulo pa laway ng babaeng to. Lakas pang humilik! Hahaha

"Ehhem....Ehhem... anong ginagawa niyo?" nagsalita na kaagad ako nang makalabas sa pinagtataguan dahilan ng pagkatapon ni kuya Henry sa hinahawakang sapatos. Saktong oras din sa pagising ng natutulog na babae. Humikab na muna ito bago nagsalita "Si- sino.......kayo!" gulat na gulat ang mukha nitong makita ang tatlong lalaking nakatayo at mas nanlaki ang kanyang mga mata nang makita niya ang lalaking kanina pa nakatingin.

Sino ba namang hindi magugulat, eh kanina pa siya nakatitig sa kanya. Tiningnan lang siya ng mga ito habang ako ay nanatili parin sa pwesto ko sa likuran ng bench.

"Nakaiglip pala ako dito....." itinapak niya ang kanyang mga paa sa damuhan nang biglang kumunot ang noo nito. Yumoko pa ito at kinakapkap ang kanyang paligid na mukhang may hinahanap. "Teka lang, nasaan yung kapares ng sapatos ko?" nagpapanic nitong sambit at patuloy na kinakapkap ang paligid.Tumayo na ito at akmang hahanapin niya ito sa ilalim ng bangko nang nangialam na ako.

"Nasa sanga ng puno girl." napalingon siya sa'kin at nagpakita ng isang nagtatakang inosenteng mukha.

"Na-nandito karin?" utal-utal nitong sambit sakin.

"Malamang! Nakikita mo nga ako eh." pagbibiro ko sa kanya. Itinaas niya ang kanyang mga tingin patungo sa punong kinasasabitan ng isa noyang pares ng sapatos.

"Sinong nagtapon ng sapatos ko sa taas ng puno?" galit niyang sigaw samin habang lumalayo sa direksyon ng apat na mga lalaki.

"Ako aangal ka?" napabaling ang mga tingin namin sa lalaking sumabat sa tanong ng babae. Inamin ni kuya Henry ang ginawa niya upang mainis lang ang babaeng iniripan siya kanina.Nginisihan niya ito dahilan ng pag-usok ng ulo ng babae.

"Urghh!" dali-dali niyang kinuha iyon ngunit hindi niya pala ito abot kaya kinakailangan pa niyang tumuntong sa bangko para makuha iyon.

Ang tatlong demonyo naman ay tumatawa lang na nanonood sa babae maliban kay kuya Kris. He gently stand up and reached Rose's shoes before she gets it. Napaka-gentleman nga talaga nitong si kuya Kris.

"Here" iniabot niya ang sapatos nito at inalalayang bumaba sa bangko. Napansin ko rin ang lalaking naiinis sa ginagawa niyang pagtulong sa babae.

"Psh..."saad naman ng kapatid ni satanas na si kuya Henry. Ano ba talagang problema niya noh?

Kinuha ni Rose ang sapatos na hawak-hawak ng maginoong tumulong sakanyang maabot ito.Pinasalamatan niya ito kaya napangiti ang maginoo sa kanyang anghel na mukha.

Nang matapos niya itong maisuot ay diretsong tumakbo papaalis dito. Grabeng hanap ko sa kanya tapos tatakbo nanaman siya! Hayss ano bang problema ko bat ako habol ng habol sa kanya. Siguro naaawa lang yata ako.

Nakadating na kami sa harap ng ikaapat na gusali kakatakbo papalayo sa mga pinsan ko. "Girl tama na! Hini-hingal nako kakatakbo!" pagmamakaawa ko sa kanya at napaupo sa may batohan. Grabe sa tingin ko bukas wala na kong paa!

"Mmm"anito at umupo sa tabi ko. Akala ko di na siya mapapagod. Akala ko din boring siyang kasama,di naman pala pag may tiwala siya. Nang makapagpahinga na kami'y pumunta na kaagad kami sa huling subject na papasukan namin ngayong araw.

*After class*

Yessss, uwian na! Omg, ngayon pala ilalabas yung new brand ng bag! Ineed to see it.......

Pagkalabas kong building ay nakita ko rin ang parehong babaeng pandak kaya niyaya ko nalang din siyang sumabay papalabas ng gate.

"Girl sabay na tayo." I smiled widely to her umaasa na magbigay din ito ng ekspresyon sa mukha.

"Okay."

Tssk...minsan maiinip ka rin talaga kapag ang dami-dami mong sinasabi tapos yung irereply sayo kasing ikli lang ng buhok ni dora o di kaya napipilitan lang.

Pagkadating namin sa gate ay natinag ang dalawa kong mga mata nang makakita ito ng dalawang magkamukhang-magkamukha na mga lalaki na parang may hinihintay ang mga ito sa loob.

Nakita din ito ng kasama kong babae at agad itong tumakbo papalapit sa dalawa at nagyakapan. Wow ha, di ko pala inaasahang may mga gwapong kamag-anak pala itong si Rose lalo na yung nakawhite jacket at nakasuot ng fit na maong.

"Kathy, mga kuya ko nga pala, si kuya Mio" pakikilala nito sabay turo sa naka-hawaii na t-shirt at nakashort na pambahay. "at si kuya Mike." sabi nito sabay turo sa nakakuha ng paningin ko, ang lalaking nakasuot ng jacket at fitted jeans.

"Kuya, si Kathyrren pala" pagpapakilala niya sa'kin sa mga kuya niya. Iniabot ko ang kamay ko upang makipagkilala sana sa kuya niyang nagngangalang Mike. Ngunit ito namang paepal niyang kamabal ang kumuha ng kamay ko. Gosh!! Akala ko pa naman na yung isa ang makakamayan ko.

"Mabuti naman at may naging kaibigan na siya" he said while still holding my hands.

I smiled before speaking"Ah okay." I immidiately remove his hands from holding mine.

Kinuha ko ang phone ko para matingnan ang oras at saktong oras na din sa next schedule kong magphotoshoot kaya kinakailangan ko nang magpaalam sa kanila. Akala ko pa din naman na napansin ako nung Mike na yun, eh kahit mag-babye lang sakin wala nga. Yung isa naman, mukhang asong nakangisi palagi pag kinakausap ko. Parang alam ko na kung nasan nagmana yung babaeng yun.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status