Share

CHAPTER FOUR

"Kathy, why are you with this poor freaking girl?"

Ang lalagkit ba naman ng mga titigan ng dalawang to!

"Hoy antipatikong pilingerong lalaki, ako ba ang tinutukoy mo?"sabat naman nitong isa habang itinataas ang isa nitong kilay. Sa palagay ko ma-cha-challenge nga talaga si kuya Henry sa pag bully nitong transferee.

Weirdo nga pero palaban naman!

"Kuya Henry, nakikipagkaibigan lang naman ako dito kay Rose. Ano bang masama dun?"malumanay ko namang sagot at pinutol ang naglalakitan nilang tinginan sa isa't isa.

"People like us don't hang around like this type of people!" itinuro niya ang direksyon ng babaeng kasa-kasama ko.

Hindi parin talaga nagbabago si kuya, mata-pobre parin hanggang ngayon. Kung ayaw niya sa isang tao eh ayaw niya talaga. At sa tingin ko ayaw niya din na maging kaibigan ko si Rose.

"Oh I forgot, people like me don't talk to animals like you!" ani naman ng babaeng nasa harapan ko sabay turo kay kuya Henry.

Tumingin ako sa mukha ni kuya at kitang-kita ko sa mga mata niya na naiinis siya sa babaeng ito. Mukhang meron nang makakatapat sa sa mga ugali ng mga mokong dito sa aming unibersidad.

Magsasalita na sana muli si kuya nang inirapan niya ito pagkatapos ay dinasmagan niya pa ito bago umalis. Napasubo yata si kuya sa kamalditahan ng babaeng yun. Sa tingin ko pati ang grupo nila Madilline Claire Krimisson o mas kilalang 'The Devil's Group' dito. Sa tuwing may bagong studyante kase dito, yun ang mapapagtripan ng grupo nila kuya at grupo nila Madilline.

"Kuya Henry naman eh!Bago ko pa nga lang yun naging kaibigan ginanon mo agad."nagtatampo kong saad sa kanya.

"That girl..."sambit niya sa ilalim ng kanyang hininga with a smirk in his lips habang minamasdang umaalis ang babae.

"Kuya Henry!! Di ka naman nakikinig bahala kana nga dyan." napabaling ang kanyang tingin sa kinaroroonan ko dahil sa pagsigaw ko sa tainga niya.

"I--" hindi ko na siya pinatapos ng pagsasalita dahil narin sa pagkairita ko sa kanya.Sinundan ko nalang ang babaeng umalis ng isang minuto pa ang nakalipas.

"Rose wait!"sigaw ko at tumakbong nakatakong papunta sa kanya. Akala ko madali lang siyang abutan dahil di naman malalaki ang mga hakbang niya. But I'm wrong, nangangawit nako kakatakbo pero di ko parin siya naabutan.

"Hoy girl wait!" sa pagkakataong ito'y mas nilakasan ko na ang pagkakasigaw sa bingi na to para tumigil sa paglalakad. Mabuti nalang at narinig niya ito, napalingon siya sa'kin at huminto. Buti naman at huminto pa siya, akala ko mamamatay natong paa ko maabutan lang tong babaeng to.

"Bakit ang bilis mong maglakad eh--"she cuts me off.

"Eh maliit lang ang mga hakbang ko?"

"Parang ganon nga."

"Athletes yata ako."she grin at me and continued walking rapidly.

"Pinapagod mo pa ko" ani ko habang humihingal.

"Sinabi ko bang sundan mo ko?"aniya.

Aba ngayon lang yata ako nakadinig na may nagsalita sakin ng ganito. Ako na nga tong nakikipag kaibigan sa kanya. Hayss bat ba I like this girl huh?

Bumuntong hininga muna ako bago nagsimulang magsalita "I followed you because we're friends right?" napatingin siya sakin "Yeah I know you have trust issues,but trust me I'm gonna be a good friend to you."

"Okay."tipid niyang sagot sakin sabay guhit ng maaming ngiti sa kanyang mukha.

Nasa kalagitnaan pa lamang kami sa aming pag-uusap ay tumunog na muli ang bell.

"Ahh girl may photoshoot pa pala ako ngayon, gusto mo sumama?......Wala naman tayong pasok sa mga oras nato diba dahil nagkataon na parehas lang lahat ng time natin." agad ko siyang niyayang sumama sakin.

"Mag-iikot-ikot nalang muna siguro ako."mahinang sagot niya na halos di ko na ito marinig.

"Sige, I have to go byee!" nagpaalam na agad-agad ako sa kanya dahil newest photoshoot ko ito ngayong buwan.

"Bye." nginitian ko siya at ibinalik din naman niya ito sa akin.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status