Share

CHAPTER SEVEN

ROSE'S POV:

"Best friend mo ba talaga yun ming?"paninimula ni kuya Mio habang tinutulongan akong maghanda ng pagkain.

Kumuha muna ako ng tatlong plato bago supya sagutin. "Bagong kaibigan lang po kuya." tipid kong sagot.

"Wee sa ugali mong yan?!" sabay nilang saad na nagtitinginan sa isa't isa. Shunga naman 'tong dalawang to ohh, sabay pang nanglait! Ehh ano bang problema sa ugali ko? Bait ko kaya.

"Bakit di ba pwedeng may kumaibigan sa'kin? At isa pa, babae naman yun."

"Akala namin ayaw mong may kaibigan?" heto na naman sila, laging magkasabay sa mga sasabihin! May telepathy power ba kayo?!

"E-hh ayaw ko nga pero namimilit eh."

"Sinong namimilit, siya o ikaw?" ang hihina talaga ng mga utak nitong dalawang to.

"Malamang siya! Alangan namang ako, ayoko nga na may lumapit sa'kin pamimilit pa kaya paea lang kaibiganin ako!"

Lumalabas na naman yung pagiging pilosopo ko. Kakabwesit naman din kasi laging nagtatanong. For sure di lang naman ako ang ganto diba?

Aminin!!

"Ayy galit?"

"Ay hindi! ang saya-saya ko nga see?"pataray kong sabi at bumuo ng abot tainga at sarkastikong ngiti sa dalawa.

"Eh?" ayan magkasabay na naman.

Naupo na kami sa hapag kainan para kumain ng panghapunan. "Masyado ka namang pikunin bunso. Mas mabuti pang kumain muna tayo para naman mahimasmasan yang init ng ulo mo." ani kuya Mike na may hawak-hawak nang ulam sa kamay.

"Sus, sabihin mo nalang na gutom ka na." panigunda ko sa sinabi niya. Takaw-takaw talaga nito, dinahilan pa ang pagiging mainitin ng ulo ko.

"Uyy hindi ha." pagtatangi pa niya.

"Umamin kana kasi!" ani naman ng isang kupal na katabi ko.

Nagtawanan na lang kami at nagdasal na upang kumain. Ilang minuto pa'y natapos na kami, kaya nagpaalam narin ako sa kanila para umakyat na sa kwarto. Si kuya Mio kasi ang nakadistino sa gabi nato na maghugas ng pinggan.

Syempre kung may morning routine ako, may evening routine din ako. Take a bath, change my cloth, wear my pajamas and syempre di mawawala ang pag-aaral bago matulog. Simple as that.

Tunining....... tunining.......tunining.....

Patapos na akong maligo nang marinig ko ang tunog ng aking laptop kaya inilagay ko na agad ang tuwalya sa katawan ko at nagbihis na din kaagad ng pantulog. I wonder who's calling.

"Anak!!" masayang bati sa'kin ni mama na para bang isang taon kaming hindi nagtawagan.

"Mama ikaw pala! Mabuti at napatawag ka ngayon. Miss na miss kana po namin. Kumusta kana ba dyan mama?"sunod-sunod kong saad dito.

"Okay lang ako dito nak, maayos lang ang mama dito. Kayo ang dapat kung tanungin kung kumusta na kayo dyan sa bago niyong nilipatan?.......Hindi ba kayo nahihirapang makipagcommunicate sa mga tao dyan?..... Miss na miss ko na talaga kayo mga anak."

Hindi ko mapigilang makaluha sa mga nasambit ni mama. Mga anim na taon na rin kasi kaming magkawalay kaya hindi niyo kami masisisi kung magdadramahan kami dito.

"Mama naman ehh.... Alam mo namang ayaw ko nang umiyak tapos ngayon pinaiyak mo ko."

"Hayy nako kang bata ka," napaiyak narin siya ng tuluyan nang makita niya ang mga luha kong dahan-dahang dumaloy sa mga pisngi ko.

"Kuya Mio, kuya Mike hali kayo dito, tumatawag si mama!"sigaw ko sa dalawa. " Mama, okay lang po kami dito. Tsaka mababait din ang mga tao kaya di kami nahihirapang makipagcommunicate." ayaw ko naman kasing mag-alala pa kayo pag nalaman niyong napaka-introvert ng anak niyo.

Ilang sigundo pa lang ay pumasok na sila kuya sa kwarto kaya napaayos na din ako sa pag-upo sa higaan. Bumaling ang tingin ko sa dalawa at nakita ang dalawang abot tainga ang saya sa nakitang pagtawag ni mama. Lumundag pa nga sila sa higaan ko dahilan ng pagkauntog ko sa kama.

"Aray naman!" pagsasaway ko sa kanila

"Sorry bunso" ngumiti lang ang dalawa sakin at itinapat na ang mga mukha sa gawi ni mama.

"Hinay-hinay naman kayo, baka maano pa 'yang bunso niyo." saway naman ni mama na tinatawanan ako. "Inaalagaan niyo ba siya ng mabuti?"

"Syempre naman po, hinding-hindi namin pababayaan ang nag-iisang baby girl namin." pagyayabang naman ng dalawa sabay pagkurot sa magkabila kong pisngi.

"Ang OA niyo!!" pagbibiro kung sumbat sa kanila. "Hindi na ko bata!" sumbat ko pa at kinurot ang pisngi ng dalawa.

"Pandak nga lang!" ani naman ng dalawang kapre na katabi ko habang tumatawa sa nasabi nila. Kakabwisit talaga pag may kapre kang kapatid.

"Mama oh...... inaasar ako." pagsusumbong ko naman kay mama habang sinusubukang gamitin ang pagbuo ng puppy eyes sa kaniya.

Hay naku, di pa rin kayo nagbabago!"

Napatagal at napahaba ang pagkukwentuhan namin ngayon dahil sabi ni mama na natapos naman daw siya sa trabaho niya at wala paman din ang amo nila. Sana nga at ganito palagi katagal pag tumatawag siya.

"Mama kailan po ba kayo uuwi dito?" bigla nalang 'yun lumabas sa'king bibig. Napabuntong hininga ito sa nasabi ko. Alam ko naman na hindi niya sasagutin at ibabaling na naman niya sa ibang usapan.

"Mga anak," nagpalabas ulit ito ng buntong hininga at lumapit sa screen na parang handa nang magsalita. "Uuwi na'ko sa Pilipinas sa susunod na linggo!!"malakas na saad nito na may malaking ngiti sa mukha.

Napatulala kami ng ilang saglit sa narinig, tila di makapaniwala sa naging balita. "T-talaga mama?" sabay naming tanong dito habang nakakunot ang mga noo.

"Oo." pagtitiling sagot ni nanay sa tanong.

"Yehey!!"

"Yes!"

"Yohhoo!"

Nagtitilian na kami sa kwarto na parang mga baliw dahil sa sobrang saya dahil makakasama na namin sawakas si mama na nawalay sa'min ng mahabang panahon.

"Ohh syasya, sige na mga anak. Dumating na ang amo ko, tatawagan ko nalang ulit kayo. Bye. Mag-ingat kayo!"

"Bye ma"

"We love you!" mabilis na kaming nagpaalam sa kanya at nagbitiw ng flying kiss bago pinatay ang tawag.

Nakaalis na din pagkatapos ng tawag sila kuya sa kwarto at tumungo na sa saeili nilang mga kwarto. Ako naman ay nag-umpisa nang magsuri sa mga librong hiniram ko sa library para mag advance review sa mga lessons namin.

Tumingin ako sa relong nakabitin sa kaliwang dingding ng kama ko katabi ng malaking picture frame ng pamilya ko at mga medalyang natanggap ko sa iba't ibang pacontest. Napatagal yata ang pag-aaral ko, lagpas alas dose na pala ng gabi. Iniligpit ko na agad ang mga ginamit sa pag-aaral ko bago inibagsak ang katawan sa malambot na kulay berde kong kama.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status